You are on page 1of 10

FILIPINO 8: ARALIN 3

PAGMAMAHAL
SERVERINO REYES

Siya ay isinilang sa Santa Cruz, Maynila noong


Pebrero 1861.
Siya rin ang tinaguriang ng “Ama ng
Sarsuelang Tagalog”
At ang may akda ng “Walang Sugat”
SARSUELA

Ito ay dulang musical na pasalaysay na


may kasamang sayawan at indak, sa
saliw ng mga tugtugan. May paksang
patungkol sa kabayanihan.
SARSUELA

Isang dula na uri ng panitikan na ang hangad


o layunin ay itanghal sa entablado. Kailangang
sundin ng mga artistang magsisiganap ang
daloy ng iskrip.
ELEMENTO NG SARSUWELA

1) ISKRIP – nakasulat na dula, kaluluwa ng dula,


gabay sa diyalogo, galaw at eksena ng dula.
2) DIYALOGO – anumang pinag-uusapan sa pagitan
ng mga tauhan.
3) AKTOR O TAUHAN – sila ang mga kumikilos at
nagbibigay buhay sa iskrip.
4) TANGHALAN – pook na pinagdadausan ng eksena.
5) MANUNUOD – nagpapahalaga sa dula, pumapalakpak
sa husay ng mga aktor.
6) DIREKTOR – nagpapakahulugan sa iskrip.
7) EKSENA AT TAGPO – paglabas pasok ng mga aktor sa
tanghalan.
ASPEKTO NG PANDIWA

Ang pandiwa na salitang nagpapakita ng kilos


ay mababanghay sa tatlong aspekto na
tumutukoy sa panahong ikinagaganap,
ikagaganap, o ikinaganap ng kilos.
1. ASPEKTONG PERPEKTIBO O
NAGANAP NA

• Nagsasaad ng kilos na nasimulan na o natapos na ang kalagayang nagyari


na. Maaaring gamitan ang salitang ugat ng panlaping um-, nang-, na-, in-,
an/-han, i.

Halimbawa:
Napanood ko ang pagsayaw ni Issa kanina.
Nagsaliksik ako tungkol sa Dengue.
Tunay na masarap ang umibig.
2. ASPEKTONG IMPERPEKTIBO O
NAGAGANAP

• Nagsasaad ng kilos na ginagawa sa kasalukuyan, nasimulan na ngunit hindi pa


tapos ang kilos na palagiang ginagawa. Maaring gamitan ng mga panlaping
ginamit sa perpektibo ngnunit kailangan lamang ulitin ang unang pantig ng
salitang ugat.

Halimbawa:
Napapanood ko ang pagsayaw ni Issa ngayon.
Nagsasaliksik ako tungkol sa Dengue.
Tunay na masarap ang pakiramdam ng umiibig.
3. ASPEKTONG KOTEMPLATIBO O
MAGAGANAP

• Nagpapahayag ng kilos na gagawa o mangyayari pa lamang, hindi pa


nasisimulan ang kilos. Maaaring gamitan ng mga panlaping mag-, mang-,
ma-, in-, an/-han at pag-uulit ng unang pantig ng salitang-ugat.

Halimbawa:
Mapapanuod ko ang pagsasayaw ni Issa sa Linggo.
Magsasaliksik ako sa silid-aklatan tungkol sa Dengue.
Tunay na masarap ang pakiramdam ng taong iibig.

You might also like