You are on page 1of 12

1.

Ano ang iminumungkahi ng


awitin na kailangang gawin ng
mga Pilipino o iba pang dayuhan
para hindi sila mabagot sa
kanilang buhay?
2. ano-ano ang mga lugar na
kailangang pasyalan na
magbibigay ng kasiyahan sa
mga turista?
3. Paano ipinakita sa music
video ang natatanging kaugalian
ng mga Pilipino na
maipagmamalaki natin sa mga
turista?
4. Ano ang kahalagahan ng
video sa pagpapalago ng
mga produkto sa iba’t
ibang lugar sa bansa?
5. Ano ang maibabahagi mong opinion o
pananaw batay sa iyong napanood na
music video na nagpapakita at nag-uulat
ng ganda ng pilipinas at galling ng mga
Pilipino?
Ayon kina Andersen at Taylor (2007), ang
kultura ay isang kumplikadong sistema ng
ugnayan na nagbibigay kahulugan sa paraan ng
pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang
lipunan sa kabuuan. Sa isang lipunan, binibigyang
katwiran ng kultura ang maganda sa hindi, ang
tama sa mali at ang mabuti sa masama.
At ayon kay Mooney (2011), ang
kultura ay tumutukoy sa kahulugan at
paraan ng pamumuhay na naglalarawan
sa isang lipunan.
Ano nga ba ang Kultura?
Ang salitang kultura ay nagmula sa wikang Latin
na “cultura” na ang ibig sabihin ay “kultibasyon” o
“paglilinang”. Ang salitang kultura o kalinangan ay ang
paraan kung paano mamuhay sa araw araw ang mga
mamamayan sa isang lipunan. Makikita ang kultura ng
isang lipunan sa kanilang mga salita, aklat, relihiyon,
musika, pananamit, pagluluto, at iba pa.

You might also like