You are on page 1of 59

Quarter 2 Week 9

Mother Tongue

Talambuhay ni Sergio
Osmeña,Sr.
Letrang Xx at Ññ
(Day 1- 5 )
Inihanda ni :
Maria Salome Q. Bernal
Kawit District
Pagpapaunlad ng talasalitaan
patnugot – may akda
liderato - pamunuan
kasarinlan – kalayaan
gerilya- samahan
humalili – pumalit
kumandidato- lumahok
Ano ang masasabi ninyo sa nasa
larawan ?
Hulang Tamang
Tanong
Sagot Sagot
Sino ang
pangalawang
pangulo ng
Tanong Hulang Sagot Tamang Sagot

Sino ang ikalwang pangulo ng Komonwealth ng

Komonwealth
Pilipinas?

ng Pilipinas ?
Talambuhay ni Pangulong Sergio Osmeña, Sr.

Si Sergio Osmeña, Sr. ay ang ikalawang pangulo


ng Komonwelt ng Pilipinas (Agosto 1, 1944 -
Mayo 28, 1946). Isinilang siya noong Setyembre 9,
1878 sa Lungsod ng Cebu. Si Osmeña ay nanguna
sa mga nagtapos ng primarya sa kanyang paaralan.
Nag-aral siya ng sekundarya sa Seminario ng San
Carlos sa Cebu. Nagtungo siya sa Maynila at nag-
aral sa San Juan de Letran, at doon ay nakilala niya
si ManuelL.Quezon.
Nang sumiklab ang rebolusyong Pilipino noong 1896,
bumalik sa Cebu si Osmeña. Ipinadala siya ng lokal na
liderato ng Cebu para ibalita kay Emilio Aguinaldo ang
sitwasyon sa Cebu. Noong 1900,
naging tagapaglathala at patnugot siya ng pahayagang El
Nuevo Dia. Dalawampu't limang taong gulang siya nang
maatasang pansamantalang gobernador at pagkapiskal
ng lalawigan ng Cebu. Pagkaraan ng dalawang taon,
naging gobernador siya ng lalawigan. Nagbitiw siya sa
kanyang katungkulan bilang gobernador nang maitatag
ang Asemblea Filipina noong 1907. Tumakbo siya at
nanalong kinatawan ng ikalawang distrito ng Cebu.
Nahalal siyang espiker ng asemblea, isang posisyong
hinawakan niya ng sumunod na 15 taon. Naging senador
siya mula 1923 hanggang 1935.
Tinanghal siyang "Senate President Protempore" noong 1923-1933.
Naging kasapi rin siya ng Misyong OsRox (Osmeña-Roxas),
isa sa mga misyong ipinadala sa Estados Unidos para ikampanya ang
kasarinlan ng Pilipinas. Nahalalsiyang pangalawang pangulo ng
Komonwelt ng Pilipinas noong 1935. Noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, kasama niya si Pangulong Manuel L. Quezon sa Estados
Unidos. Namatay si Quezon sa sakitna tuberkulosis noong Agosto 1,
1944 at si Osmeña ang humalili sa kanya. Sina dating Pangulong
Osmeña at ang kasama ng mga pandigmang gabinete na huling
ipagpatuloy ng ating pagpapalaya ngHukbong Sandatahang Lakas ng
Pilipinas, Estados Unidos at ang puwersang Kakampi kasabay ng mga
gerilyang Pilipino at Hukbalahap na mula sa Kampanya ng
Pagpapalaya sa Pilipinas na ituloy ng pakikipaglaban sa Hapon,
Kasama siya ng mga Pilipinong Heneral ng Sandatahang Lakas ng
Pilipinas na
si Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romulo pati ang mga
puwersang Amerikanong lumunsad sa Leyte noong Oktubre 20,
1944.
Sinabi ni pangulong Osmena at ang iba pang
opisyal at mga kabinete nagsimula ng Kampanya
ng Pagpapalaya sa Pilipinas noong 1944
hanggang 1945 sa pagitan ng mga sundalong
Pilipino, Amerikano at ang mga pwersang gerilya
na silang kalabanin ng Hapones.Template:Fact
Nagsilbi siya bilang pangulo ng bansa hanggang
sa magkaroon ng halalan noong
Abril 23, 1946. Paghahanda ito sa pagbibigay ng
kalayaan ng Estados Unidos. Kumandidato siya
bilang pangulo, ngunit natalo kay Manuel
Roxas. Nang matalo kay Roxas, namahinga na
lang si Osmeña .
Talakayan :
Sino ang ikalawang pangulo ng
Komonwealth ng Pilipinas?
Kailan siya ipinanganak?
Saan siya ipinanganak?
Sinong pangulo ng Pilipinas ang
pinalitan niya?
Sino ang tumalo sa kanya sa halalan?
Pangkatang Gawain
Pangkat I: “Ay Kulang”
Buuin ang puzzle sa pamamagitan ng pagdidikit ng nawawalang
bahagi ng katawan ni Pangulong Sergio Osmeña, Sr. sa larawan
Pangkat II: “Artista Ka Ba”
Isadula ang ginawa nI Pangulong Sergio Osmeña, Sr. upang
makamit natin ang kalayaan ng ating bansa. Gamitin ang iba’t ibang
bahagi ng katawan.
Pangkat III: “Isulat Mo”
Ipasulat sa mga bata ang mga katangiang nagustuhan nila kay
Pangulong Sergio Osmeña, Sr.
Mabuhay Pangulong Sergio Osmeña, Sr.!
__________________ ay matalinong pangulo.
Siya ay ___________ dahil siya ___________
Pangkat IV: “Iguhit Mo”
Ano kaya ang naramdaman ng mga Pilipino nang makamit nila ang
kalayaanng Pilipinas laban sa mga Hapon? Iguhit ang masayang
mukha o malungkot na
mukha sa loob ng bilog.
Balikan ang mahahalagang detalye sa
kwento.Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Saan ipinanganak si Sergio Osmena ?
A. Manila
B. Cebu
C. Cavite
2. Kailan ang kanyang kaarawan?
________
a. Setyembre 9, 1878
b. Nobyembre 1, 2008
c. Disyembre 8, 1899
.

Saang lalawigan sa Visayas siya naglingkod bilang


pansamantalang gobernador?
a. Pasig
b. Cebu
c. Pasay
4. Sino ang kasama niyang nagpunta sa Estados Unidos?
a.Jose Rizal
b.Emilio Aguinaldo
c. Manuel L. Quezon
5. Ano ang ginawa niya ng matalo siya ni Manuel Roxas?
_________
a. nagwala
b.nagpahinga
c. umiyak
Gawaing bahay

Sumulat ng 5 katangian ni
Pangulong Sergio Osmeña.
Ikalawang Araw
3 2

1 4
Anu-ano ang salitang naglarawan kay Pangulong
Sergio Osmeña, Sr?
Anong bahagi ng pananalita ang naglalarawan ng
tao, bagay, pook at pangyayari?

Ano ang masasabi mo sa mga pang-uri


na pinagtambal?
Ito ba ay magkasingkahulugan o
magkasalungat?
Unang Pangkat Pagtambalin ang
pang-uri na magkasingkahulugan sa
dalawang hanay..
maliit ● ● dukha
maganda ● ● munti
mahirap ● ●mahalimuyak
madungis ● ● marikit
mabango ● malinamnam

masarap ● ● madumi
Ikalawang Pangkat :
Lagyan ng Tsek ( / ) kung magkasingkahulugan
at ekis (x ) kung hindi .
_____ asul – bughaw
____ mabuti – maayos
____ marumi – malinis
____mabango – mabaho
____ Masaya – maligaya
Ikatlong Pangkat :
Isulat ang salitang kasingkahulugan
ng salitang may salungguhit.
Si Maria ay maligaya dahil mataas
ang nakuha niyang marka.
_________ rin ang kanyang mga
magulang.
Ikaapat na pangkat :
Padapuin ang mga paroparo sa bulaklak
na kasingkahulugan ng mga nakasulat na
salita dito.
Maliit ---pandak
Matalino-marunong
Mayaman –mapera
Madumi-marungis
Masaya- maligaya
Thumbs Up – kung magkasingkahulgan
at Thumbs Down – kung hindi
__1. mabuti- masama
__2. malakas – matatag
__3. malambot – matigas
__4. Maayos-masinop
__5. madilim – makulimlim
Ano ang salitang
magkasingkahulugan ?
Pagtataya
Lagyan ng / kung magkasingkahulgan
:

at X kung hindi.
___1. maliksi-mabilis
___2. mayaman – mahirap
___3. masaya – malungkot
___4. mabango – mahalimuyak
___5. matangos – pango
Isulat ang
kasingkahulugan:
dukha, matalas,
mainit,maligaya, wasto
Ikatlong
Araw
Laro: Letter-Relay

Laro
Letter-Relay
Xerox X-ray

xylophone
Saang tunog nagsisimula ang mga salita o
larawan ?
Pangungusap

X-ray ng dibdib
inirekomenda ng
doctor
kay Xyros.
Kwento;
Si Xilef ay malimit pagtawanan.
Pinagtatawanan siya ng kamag-aaral
niya.
Pabaligtad magsalita si Xilef.
Sabi ng guro niyang si Miss Xenia,
“Huwag ninyong pagtawanan si Xilef.”
Hindi nila alam na ang Xilef ay Felix.
Talakayan :
Sino ang laging
pinagtatawanan?
Bakit pinagtatawanan si
t

Xilef?
Tama ba ang pagtawanan
siya? Bakit?
•Unang Pangkat
Kilalanin ang mga larawan . Piliin
ang sagot sa loob ng
envelop.Idikit
ang ngalan nito.
Ikalawang Pangkat
Gumuhit ng tatlong bagay na
may letrang Xx.
Ikatlong Pangkat
Bilugan ang mga larawang
may letrang Xx.
Ikaapat na Pangkat
Isulat nang maayos ang
maliit at malaking Xx
Humanap sa paligid
ng mga bagay na
nagsisimula sa
tunog /Xx/
Paglalahat ;
Ano ang tunog ng titik
Xx?
Pag-ugnayin ng guhit ang larawan at pangalan nito.
Larawan salita

Xerox

Xian

X box

Xylophone

X ray
Isulat ng 20 ulit ang letrang
Xx .

Gawaing Bahay:
Isulat ang letrang
Xx ng sampung
( 10 ulit) .
Ikaapat na Araw
Laro: Passing the Ball
Ipapasa ko ang bola habang
umaawit, ang batang mahihintuan
nito ay magbibigay ng salitang may
simulang tunog /titik na Xx
Niño Niña
Saang tunog nagsisimula ang
mga salita o larawan ?
Pagbuo ng Salita :
Osmeña
piña
Niño
Zuñiga
Señor
Pagbuo ng Parirala
Si Ñina
Siya ay nag-aaral
mahusay bumasa
magaling bumilang
nanay at tatay
Si Niño
Pangungusap/Kwento:
Si Niña ay isinilang sa Parañaque.
Sa sto. Niño Elementary School
siya nag-aaral.
Kahit bata pa siya, mahusay
siyang bumasa.
magaling na rin siyang bumilang.
Natutuwa ang nanay at tatay niya.
Unang PangkatKulayan ang nasa
larawan at isulat ang ngalan nito.
•Ikalawang Pangkat
Bilugan angmga salitang may
letrang Ññ.Basahin ito

•Ikatlong Pangkat
Pag-ugnayin ang larawan at
ngalan nito.
•Ikaapat na Pangkat
Awitin : Ano ang tunog ng
Letrang Ññ?
Paglalahat :
Ano ang tunog ng titik Ññ?
Pag-ugnayin ng guhit●ang larawan
● at pangalan nito.

Larawan 4. Salita
Señor

Pi ña

Osmeña

Niño

Niña
Gawaing Bahay
Gumupit ng limang (5)
larawan na may letrang
Ññ
Ikalimang Araw
Ilagay sa tamang hanay ang bawat salita.
Letrang Xx Letrang Ññ
Magbigay ng salitang
nagsisimula sa tunog na
/Xx/ at /Ññ/
Basahin Natin :
Xx Xx Xx Xx
Ññ Ññ Ññ Ññ
Xian Ñiño
Xerox Niña
Xray Señor
Xylophone Piña
X box
•Unang Pangkat
Isulat ang nawawalang letra ( Xx , Ññ)
sa bawat salita.
1. _ray
2.pi_a
3.Xero_
4._ylophone
5.Sergio Osme_a
.Ikalawang Pangkat
Pagsama-samahin ang mga larawang may
letrang Xx at . Ññ Idikit sa angkop na hanay.
Ikatlong Pangkat
Isulat nang wasto at
maayos ang
letrang Xx at Ññ
Ikaapat na Pangkat
Basahin ang mga salita
at pangalang nakasulat
Laro: Bring Me Game
Ipadala sa harap ang salitang sasabihin ng guro mula sa paskilan

Maglaro Tayo ng “ BRING


ME “.Dalhin sa akin ang
salitang aking babanggitin.
Piliin sa pocket chart. Ang
may pinakamaraming
madalang tamang salita ang
panalo.
Paglalahat :
Ano ang tunog
Ano ang tunog ng titik Xx? Ññ?

ng letrang Xx at
Ññ ?
Pagtataya :
Ikahon ang tunog na narinig sa
nakalarawan.
1. Xerox /x/ /ñ/ /w/
2. Osmeña /h/ /ñ/ /x/
3. Señor /w/ /x/ /ñ/
4. x-ray /k/ /ñ/ /x/
5. taxi /h/ /x/ /ñ/
Gawaing bahay :
Gumupit o gumuhit
ng limang (5)larawan
na nagsisimula sa
letrang Xx at Ññ.

You might also like