You are on page 1of 22

Ang Pinagmulan ng

mga Lalawigan sa
Kinabibilangang
Rehiyon
Ano ang Kasaysayan ng Aking Lalawigan?

Ang lahat ng lalawigan ay may sariling


kasaysayan. May mga lalawigan na mahaba ang
naging kasaysayan at mayroon din namang maikli
lang. Pag-aralan natin kung paano nagsimula ang
ilang lalawigan. Paano nagkaiba ang pinagmulan
ng mga lalawigang ito sa iyong lalawigan?
Ang CALABARZON ay opisyal na tinatawag bilang Timog
Katagalugan at itinalagang Rehiyong IV-A, ay isang rehiyong
pangangasiwaan ng Pilipinas. Binubuo ang rehiyon ng limang
lalawigan: Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon at isang
lubos na urbanisadong lungsod ang Lucena. Ang rehiyon ay ang
pinaka mataong rehiyon sa Pilipinas ayon sa Pangasiwaan ng
Estadistika ng Pilipinas, ng binubuo ng 14.4 milyong mamamayan
noong 2015, at ang pangalawang may pinakamakapal na
populasyon sunod sa Pambansang Punong Rehiyon. Ang
rehiyong sentro ng Calabarzon noong 2003 ay ang lungsod ng
Calamba, Laguna na noon ay Lucena noong 2002.
Matatagpuan ang rehiyon sa timog silangan ng
Kalakhang Maynila, at napapalibutan ng
Look ng Maynila sa kanluran, Look ng Lamon at Bicol
sa silangan, Look ng Tayabas at Dagat Sibuyan sa
timog, at Gitnang Luzon sa hilaga. Ang rehiyon ay
tahanan sa mga lugar katulad ng Bundok Makiling
malapit sa Los Baños, Laguna at Bulkang Taal sa
Batangas. Ang mga lungsod ng Lucena, Calamba at
Tagaytay ang mga nahirang bilang kapitolyo at
pederalismong kapitolyo.
Mula sa pagkakatatag nito bilang isang
rehiyon, ang Calabarzon, kasama ang
Mimaropa, lalawigan ng Aurora, at ilang parte
ng Kalakhang Maynila, ay binuo ang
makasaysayang rehiyon ng Timog
Katagalugan, hanggang sa paghihiwalay nito
noong 2002 sa bisa ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 103.
MANOOD
TAYO!
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano-ano ang paniniwala sa pinagmulan ng mga
lalawigang nabanggit?
2. Ano-ano ang mahahalagang pangyayari sa mga
lalawigan?
3. Anong katangian ang ipinapakita ng mga tao sa
lalawigan na sinasalamin sa kasaysayan ng kanilang
lalawigan?
4. Maipagmamalaki mo ba ito? Bakit?
Alam mo ba?
Noong panahon na ang Pilipinas ay nása ilalim ng
pananakop ng Spain, ang bansa ay nahahati sa maraming
probinsiya (alcadia) na pinamamahalaan ng isang provincial
governor (alcalde mayor).
Ang rehiyon naman na kinikilalang CALABARZON sa
panahon ng Rebolusyon 1898, ay binubuo ng mga lalawigan
ng Cavite, Laguna, (dáting La Laguna), Batangas, Morong (na
ngayon ay Rizal) at Tayabas (na kilalá ngayon bílang
Quezon).
GAWIN NATIN

Gawain 1: Ano-ano ang pangyayari sa pagbuo ng rehiyon


kung saan kabilang ang iyong lalawigan? Isulat ang tatlo
hanggang limang natatanging pangyayari sa pinagmulan ng
iyong rehiyon.

1. ___________________________________________
2. ___________________________________________
3. ___________________________________________
Gawain 2: Isalaysay ang pinagmulan at ang mga pagbabago sa
sariling lalawigan/rehiyon. Sundan ang mga gabay na tanong.
Maghanda sa pag-uulat.

1. Ano ang dating pangalan ng inyong lalawigan/rehiyon (kung


mayroon)?
2. Ano ang itsura ng lalawigan noon? Ano ang uri ng pamumuhay
mayroon ang mga tao sa lalawigan noon?
3. Kailan nagkaroon ng mga pagbabago sa inyong lalawigan?
4. Ano ang naging resulta ng mga pagababago sa inyong lugar?
5. Paano mo mailalarawan ang lalawigan mo ngayon?
Sagutin ang tanong:
1. Anong mga nakikita sa kasalukuyan na bahagi
pa ng kasaysayan ng iyong lalawigan?
2. Ano naman ang nakikitang pagbabago sa
sariling lalawigan?
3. Sa inyong palagay, nakabubuti ba ang
pagbabagong ito sa lalawigan o hindi?
Ipaliwanag ang sagot.
PANGKATANG GAWAIN:

Batay sa narining na mga kuwento ng mga lalawigan ng


rehiyon, pagtulung-tulungan ng mga kasapi ang pagguhit ng
mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng lalawigan.
Kailangan pumili ang pangkat ng hindi bababa sa tatlong
bahagi ng kasaysayan ng lalawigan na itinakda sa iyong
pangkat.
Pipili ang bawat pangkat ng mga taga salaysay ng nabuong
kuwento ng lalawigan. Maaaring magsaliksik ng pangyayari at
idagdag sa detalye ng kasaysayan ng lalawigang itinakda.
Rubrics ng Paggawa
Pamantayan 5 4-3 2-1 Puntos
Nilalaman (Content) ng Lahat ng bahagi ng output ay Kulang ng ilang Halos lahat ng bahagi ng
Output naayon sa talakayan ng klase (1-2) bahagi ng kasaysayan ng lalawigan ay
ukol sa pinagmulan ng sariling kasaysayan ang nawawala sa output
lalawigan output
Pagkaka-isa (group Lahat ng miyembro ng pangkat Iilan (1-2) kasapi Iilang (1-3) kasapi ng
dynamics) ng pangkat ay gumawa na hindi nag- ay hindi sumasali pangkat ang gumawa ng
aaway at lahat ay may sariling sa paggawa ng output
parte sa output output
Kabubuang Output Ang output ay kasiya-siya, Ilang (1-2) bahagi Ang kabuang output ay hindi
medaling matukoy, matandaan ng output ay maayos ang pagkakagawa
(Aesthetics) at sadyang kakaiba (unique) nangangailan ng
mula sa ibang pangkat pagbabago upang
maging kasiya-
siya o may
kaunting
pagkakapareho sa
ibang pangkat

Paggawa sa Takdang Natapos ang gawain sa loob Nabigyan ng Nabigyan ng karagdagang


Oras ng o bago pa takdang oras karagdagang limang minuto o hindi
tatlong minuto. natapos ang output.
Kabuan
Para sa iyo, ano ang ibig
sabihin ng Kasaysayan?
Ipaliwanag.
Bakit mahalagang malaman
mo ang kasaysayan ng
kinabibilangan mong
rehiyon?
Pagninilay
Isulat sa iyong kwaderno ang
mga mahahalagang impormasyong
iyong natutunan mula sa aralin.
THANK YOU
Presented by Glaidel Marie C. Piol

You might also like