You are on page 1of 24

MAGANDANG

UMAGA!
LAYUNIN
1. Nababatid ang kahulugan ng simposyum
2. Napahahalagahan ang simposyum sa pamamagitan ng
pagbibigay ng sariling karanasan sa paglahok nito
3. Nakabubuo ng sample template hinggil sa mga bagay na
dapat tandaan sa pagsasagawa ng simposyum
___ ___ M ___ ____ ____ ____ ____ _____
SIMPOSYUM
Ang simposyum ay isang pulong o conference para sa
mga pampublikong talakayan ng mga paksa.
Ito’y isang pagtitipon, pagpupulong o kumperensiya
kaugnay ng isang paksa kung saan maraming tagapagsalita
ang magbabahagi o maglalahad para sa mga imbitadong
tagapakinig.
Inoorganisa ito ng isang pangkat na karaniwang
nahahati sa mga komite para mapag-ukulan ng
pansin ang bawat aspekto o bahagi ng
simposyum.
HAKBANG SA
PAGSASAGAWA NG
SIMPOSYUM
1. PAGSASAGAWA NG
PAUNANG PULONG UPANG
MATALAKAY ANG DETALYE
NG SIMPOSYUM
Mahalaga ito upang mapag-usapan ang detalye
ng simposyum.
Para makapagbahagi sila ng pananaw (pagsang-
ayon o pagtutol) sa mga pag-uusapan.
MGA DAPAT PAG-USAPAN SA PAUNANG PULONG

- Ang petsa (araw at oras) kung kailan isasagawa ang simposyum.


- Ang lugar (bulwagan o silid) na pagdarausan nito.
- Ang mga komite at mga taong magiging bahagi ng bawat komite.
- Ang pagmumulan ng pondong gagastusin para sa simposyum.
- Ang mga pagkakagastusan gaya ng pagkain, imbitasyon, bayad sa
bulwagan, dekorasyon, at marami pang iba.
- Ang paksang tatalakayin at ang mga tagapagsalita.
2. PAGRERESERBA NG LUGAR
AT MGA KAGAMITAN
Ang lugar ay dapat ireserba. Dapat tiyaking sasapat ang laki
nito sa bilang ng mga kalahok na inaasahang dadalo.
Ang mga mesa at silya, ang sound system (mikropono,
speaker, at iba pa), ang LCD Projector, at ang mga gamit para sa
dokumentasyon kagaya ng camera, video camera, at audio
recorder.
3. PAKIKIPAG-USAP SA
CATERER NA MAGHAHANDA
NG PAGKAIN
Isa ito sa mahalagang bagay na dapat pag-usapan dahil
hindi biro ang paghahanda ng pagkain para sa maraming tao.
Mahalagang malaman din ang mga detalye tulad ng kung
ano-anong pagkain ang ihahanda gayundin ang presyo ng
bawat tao dahil kasama ito sa kanilang babayaran para sa
pagdalo.
4. PAGBUO NG PROGRAMA
Ang komiteng nakatalaga sa programa ay dapat nang bumalangkas
ng programa. Kapag nabuo na ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa programa ay ipaalam na ito sa mga taong may parte o
bahagi tulad ng mga guro ng palatuntunan o emcee, tagapanguna sa
panalangin, bilang intermisyon, at lalong-lalo na ang mga tagapagsalita
para malaman ang tagal ng oras na ilalaan para sa kanilang ibabahagi .
5. PAGPAPAALAM SA MADLA
NG MGA DETALYE NG
SIMPOSYUM AT PUBLISIDAD
Ang komiteng nakatalaga rito ay dapat bumuo ng liham-
paanyaya o imbitasyon, mga patalastas o poster na ipapaskil
para makita ng mga interesadong kalahok.
Mahalaga ito nang sa gayon ay alam ng mga tao na
magkakaroon ng simposyum. Maaaring nilang gamitin ang
binuong programa para isama sa imbitasyon.
6. PAGHAHANDA NG
BULWAGAN O SILID
- Magiging abala ang komite para sa pagsasaayos ng
silid o bulwagan isa o dalawang araw bago ang
simposyum.
- Kailangang matiyak na malinis ang lugar,
nakalagay ang mga dekorasyon, at mga kagamitang
inireserba.
7. PAGSASAGAWA NG
SIMPOSYUM
Sa mismong araw ng simposyum, ang
lahat ng komiteng nakatalaga ay dapat na
maging alerto upang matiyak na magiging
maayos ang magiging takbo ng programa.
Makabubuti kung magkakaroon ng isang lider at
makikipag-ugnayan sa pinuno ng bawat komite upang
matiyak na maayos ang lahat. Ang taong ito ang
magmimistulang tagakumpas at ang iba’t ibang komite
ay ang koro. Sa kumpas ng lider ay makabubuo ng
magandang musika ang koro kahit magkakaiba ang
mga tungkulin o gawaing nakaatang sa bawat isa.
TAKDANG ARALIN
Basahin ang mitolohiyang Si Pete, Diyosa
ng Apoy at Bulkan. Pagkatapos, isulat ang
buod nito sa kalahating papel.

You might also like