You are on page 1of 1

SIMPOSYUM - Isang pagtitipon, pagpupulong o kumperensiya kaugnay ng isang paksa

kung saan maraming tagapagsalita ang magbabahagi o maglalahad para sa


mga imbitadong tagapakinig
Ito ay nagmula sa dalawang Griyegong salita na sun at potēs.

Mga hakbang kung paano mabuo o makabuo ng isang Simposyum.

1. Pagsasagawa ng paunang pulong upang matalakay ang detalye ng Simposyum”.

Mga bagay na dapat pag-usapan sa paunang pulong na ito ang sumusunod:


 Ang petsa (araw at oras)
 Ang lugar (bulwaganh o silid)
 Ang mga komite at mga taong magiging bahagi ng bawat komite
 Ang pag mumulan ng ponding gagastusin para sa simposyum
 Ang mga pagkakagastusan tuload ng pagkain, imbitasyon, bayad sa
bulwagan(kung may babayaran), dekorasyon, at iba pa.
 Ang mga pagsaktatalakayin
 Ang mga tagapagsalita.
2. Pagrererba ng lugar at mga kagamitan

Mga dapat ireserba:


 Ang lugar (bulwagan o silid kung saan gaganapin ang simposyum)
 Ang mga mesa at silya
 Ang sound system
 Ang LCD projector
 Ang gamit sa dokumentasyon
3. Pakiikipag usap sa caterer na maghahanda ng pagkain
 Isa ito sa mahalagang bagay na kailangang pag-usapan nang smaaga
dahil hindi biro ang paghahanda ng pagkain (meryenda o tanghalian)
para sa maraming tao.
4. Pagbuo ng programa para sa simposyum
 Ang komiteng nakatalaga para sa programa ay dapat nang
bumalangkas ng programa. Kapag nabuo na ang pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari sa programa ay ipaaalam na nila sa mga taong may
parte o bahagi tulad ng mga guro ng palatuntunan emcee.
5. Paghahanda ng bulwagan o silid para sa simposyum
 Magiging handa ang komite para sa pag-aayos ng silid o bulwagan isa
o dalawang araw bago ang simposyum.
6. Pagsasagawa ng simposyum
 Sa mismomng araw ng simposyum, ang lahat ng bkiomit5eng
nakatalaga ay dapat maging alerto upang matiyak na magiging maayos
ang magiging takbo ng programa.

You might also like