1. Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay nakatanggap
ng sipi ng mga adyenda.
• Ginagawa ito upang matiyak na ang bawat taong dadalo sa
pulong ay may sapat na kaalaman higgil sa mga paksang pag- uusapan. • Binibigay ito isang araw o dalawang araw bago ang takdang pagpupulong. • Importanteng magdala ng extrang kopya sa mismong araw ng pagpupulong. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGGAMIT NG ADYENDA
2. Talaka sa unang bahagi ng pulong ang higit na
mahahalagang paksa.
• Sa pagpaplano ng pulong, higit na makakabuti kung sa unang
bahagi ng miting tatalakayin ang pinakamahalagang adyenda. Ginagawa ito upang matiyak na kung kulangin man ang oras ay natakalay na ang mga mahahalangang paksa. • Ang pagbibigay ng mahalagang paksa sa unang bahagi ng pagpupulong ay mas makakabuti dahil may paunang kaalaman na ang mga dumalo sa kung ano ang pag-uusapan. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGGAMIT NG ADYENDA
3. Manatili sa iskedyul ng agenda ngunit maging flexible
kung kinakailangan.
• Tiyakin na nasusunod ang itinakdang oras para sa mga adyenda o
paksang tatalakayin. Maging “conscious” sa oras na napagkasuduan. Kung sumobra sa takdang oras at kung ang paksa ay mahalaga maaring mag- adjust ng oras upang mabigyang linaw ito. • Importanteng tanungin muna ang mga dumalo sa pagpupulong kung pwede bang mag-extend dahil ang paksa ay importante. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGGAMIT NG ADYENDA
4. Magsimula at magwakas sa itinakdang oras na
nakalagay sa sipi.
• Ang pagsunod sa itinakdang oras ay nangangahulugan ng
pagrespeto sa oras ng iyong mga kasama. Maglagay ng palugit o sobrang oras upang maiwasan ang pagmamadali. • Siguraduhing ang oras ng pagpupulong ay ang takdang oras na dapat mag umpisa dahil bawat oras ng bawat isa ay mahalaga. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGGAMIT NG ADYENDA
5. Ihanda ang mga kakailanganing dokumento kasama ng
adyenda.
• Malaking tulong kapag ang mga dokumento ay nakahanda na
kasama ng adyenda para ang paksang nangangailangan ng kompyutasyon at iba pa ay madaling maunawaan at walang masayang na oras. • Mas makakabuti kung naka organisado na ang lahat para walang masayang na oras. Salamat sa pakikinig!