You are on page 1of 49

ARALING PANLIPUNAN

KONTEMPORARYONG
ISYU
MELC-Based s.2020-2021
Week 1-2
Pamprosesong Tanong
Anong kumpanya ang kumakatawan
ng logo?

Bakit kilala ang kumpanyang ito?


Ipaliwanag kung anong produkto o
serbisyo ang binibigay nito.

Paano ito nagkaroon ng kaugnayan


sa paksang globalisasyon?
KONSEPTO NG GLOBALISASYON
Aralin 1
ANO ANG
GLOBALISAYON
Globalisasyon
Ang globalisasyon ay
proseso ng mabilisang
pagdaloy o paggalaw ng
mga tao, bagay,
impormasyon at produkto
sa iba’t-ibang direksyon na
nararanasan sa iba’t ibang
panig ng daigdig.
(Ritzer,2011)
Itinuturing din ito bilang proseso ng inter-
aksyon at integrasyon sa mga pagitan ng mga
tao, kompanya, bansa o maging ng mga
samahang pandaigdig na pinabibilis ng
kalakalang panlabas at pamumuhunan sa
tulong ng teknolohiya at impormasyon.
Globalisasyon
Globalisasyon ang tawag sa
malaya at malawakang
pakikipag-ugnayan ng mga
bansa sa mga gawaing
pampolitika, pang-
ekonomiya, panlipunan,
pan-teknolohiya at
pangkultural.
ARALIN 2
DIMENSYON NG
GLOBALISASYON
Sa paglalakbay milyon-
milyong mga tao pumunta sa
ibang panig ng mundo, upang
magbakasyon, mag-aral,
mamasyal o magtrabaho.
Dahil sa higit na malayang
paglalakbay ng mga tao sa
iba’t ibang panig ng mundo,
madaling kumalat ang iba’t
ibang sakit tulad ng AIDS,
SARS, H1N1 FLU, Ebola at
MERS-COV at sa kasalukuyan
ang kinatatakutan ang
2019 N- Corona Virus.
Teknolohiya
Ang pag-unlad ng
telekomunikasyon at
information technology
tulad ng kompyuter,Internet
at cellular phone ay lalong
nagpabilis sa takbo ng
kalakalan. Mas maraming
free trade agreements ang
naisulat na nagpapaluwag
ng kalakalan.
Media
Sa balita naman mayroon na tayong
telebisyon, radio at iba pa para
maparating ang balita. May mga news
network din na naghahatid ng mga
balitang pandaigdig tulad ng CNN, BCC at
iba pa. Sila din ang nakatulong sa
globalisasyon dahil naiparating at
naipalabas nila ang mga balita sa iba’t
ibang dako sa mundo.
Politika
Sa politika mas madaling
magpupulong-pulong ang mga
pinuno sa mga bansang kasapi
sa organisasyon upang
magtulungan para sa
kapakanan ng kanilang
pangangailanagan.
Kultura
Dahil sa globalisasyon, ang
panonood ng K drama o soap
opera ay kinahihiligan na rin
ng mga Pilipino at iba pang
bansa.
Isagawa
Lumikha ng isang poster na may nakapupukaw
na islogan na naglalahad kung paano tayo
makaagapay sa globalisasyon.
Lubos na mahusay Mahusa-husay Hindi gaanong Kailangan pa ng ibayong
Pamantayan

RUBRIKS
(4) (3) mahusay (2) pagsasanay (1)

Hindi gaanong May mga bahagi na


Makatotohanan ang Makatotohanan ang hindi makatotohanan Hindi kapanipaniwala
Makatotohanan pahayag pahayag sa pahayag ang pahayag

Makabuluhan ang Hindi gaanong


Makabuluhan ang Hindi makabuluhan
Makabuluhan mensahe karamihan sa makabuluhan ang
mensahe mensahe ang mensahe

Hindi gaanong
Lubhang malinaw at Malinaw at Malinaw at Malabo at hindi
nauunawaan ang nauunawaan ang nauunawaan ang nauunawaan ang
Malinaw paglalalhad ng pagkakalahad ng pagkakalahad ng pagkakalahad ng gawain
gawain gawain gawain

Wasto ang mga May ilang mali sa Malabo ang mga


Wasto ang datos datos mga datos ibinigay na mga datos Mali ang ginawang datos

May kakulangan sa
Malikhain at May pagkamalikhain pagiging malikhain at Malaki ang kakulangan
Malikhain masining ang at masining ang masining ang sa pagiging malikhain at
paglalahad paglalahad paglalahad masining ang paglalahad
Pagtataya
1. Sentro ng globalisasyon kung saan ang
mundo'y umiikot sa iba't ibang produkto at
serbisyo
A. Politiko C. Ekonomiko
B. Kultura D. Teknolohiya
2. Alin sa mga sumusunod ang mabilis na
nakapagdudulot ng malaking pinsala sa buhay,
ari-arian at institusyong panlipunan?
A. Globalisasyon C. Terorismo
B. Lakas Paggawa D. Migrasyon
Pagtataya
3. Bukod sa paggamit kompyuter at internet ano pang
ibang kagamitan ang ginamit upang mapabilis at
mapaunlad ang kalakalan?
A. Radio C. Cellular phone
B. telegrama D. Sulat

4. Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o


paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto
sa iba’t-ibang direksyon na nararanasan sa iba’t-ibang
panig ng daigdig. Kaninong pagkahulugan ito?
A. Cuevas (2005) C. Ritzer (2011)
B. Nayan Chanda (200) D. Therbon (2005)
5. Ito ay proseso ng mabilisang pagdaloy o Ano eto ?
paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at
produkto sa iba’t-ibang direksyon na
nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig.

*Pindutin ang bawat isang box para sa sagot.

G L O B A L I S A S Y O N
Kasagutan
1. C. EKONOMIKO
2. C. TERORISMO
3. C. CELLULAR PHONE
4. C. RITZER (2011)
5. GLOBALISAYON
PERSPEKTIBO AT PANANAW NG PAG-
Aralin 1
USBONG NG GLOBALISASYON
PERSPEKTIBO
tumutukoy sa Transnational Companies
paniniwala at sariling
opinyon ng tao na
naaayon sa kanyang
pinanggalingan, Multinational Companies
kinagihasnan, relihiyon,
paniniwala, tradisyon,
kultura at iba pa.
UNANG Pananaw
• Ang ‘globalisasyon’ ay taal o nakaugat
sa bawat isa.
• Ayon kay Nayan Chanda (2007),
manipestasyon ito ng paghahangad ng
tao sa maalwan o maayos na
pamumuhay na nagtulak sa kaniyang
makipagkalakalan, magpakalat ng
pananampalataya, mandigma’t
manakop at maging adbenturero o
manlalakbay.
Ikalawang Pananaw
• nagsasabi na ang globalisasyon ay isang mahabang siklo
(cycle) ng pagbabago.
• Ayon kay Scholte (2005), maraming ‘globalisasyon’ na
ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at ang
kasalukuyang globalisasyon ay makabago at higit na
mataas na anyo na maaaring magtapos sa hinaharap.
IKATLONG PANANAW
naniniwalang may anim na ‘wave’ o epoch o panahon
na siyang binigyang-diin ni Therborn (2005). Para sa
kanya, may tiyak na simula ang globalisasyon at ito’y
makikita sa talahanayan na nasa kasunod na pahina.
Ika-apat na Pananaw
 Maaaring nagsimula ang globalisasyon sa
kalagitnaan ng ika-20 siglo nang
 unang ginamit ang telepono noong 1956
 nang lumapag ang ‘transatlantic passenger jet’
mula New York hanggang London.
 nang lumabas ang unang larawan ng daigdig
gamit ang satellite ng taong 1966.
 nagsimula noong taong 2001 nang pabagsakin
ng mga terorista ang Twin Towers sa New York.
 Ang pangyayaring ito ay gumising sa marami
na kinakailangan ang higit na pag-aaral sa
isang ‘global’ na daigdig
Ikalimang Pananaw
•nagsasaad na ang globalisasyon ay
penomenong nagsimula sa kalagitnaan
ng ika-20 siglo. Tatlo sa mga
pagbabagong naganap sa panahong ito
ang sinasabing may tuwirang kinalaman
sa pag-usbong ng globalisasyon. Ito ay
ang:
• Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power
matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
• Paglitaw ng mga multinational at transnational
corporations (MNcs and TNCs) .
GLOBALISASYONG EKONOMIKO
BILANG DIMENSIYON AT KONSEPTO
NG GLOBALISASYON
IKATLONG PANANAW
Sentro sa isyung globalisasyon ang ekonomiya na
umiinog sa kalakalan ng mga produkto at serbisyo.
Mabilis na nagbago ang paran ng palitan ng mga
produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa sa
daigdig sa nagdaang siglo. Kinakitaan ito ng pag-usbong
ng malalaking korporasyon na ang operasyon ay
nakatuon hindi lamang sa bansang pinagmulan kundi
maging sa ibang bansa
Transnational Companies/Corporations
•tumutukoy sa mga kompanya o negosyong
nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa.
•Ang kanilang serbisyong ipinagbibili ay batay sa
pangangailangang lokal. Binibigyang kalayaan na
magdesisyon, magsaliksik, at magbenta ang mga
yunit na ito ayon na rin sa hinihingi ng kanilang
pamilihang lokal.
Multinational Companies
•ang pangkalahatang katawagan na tumutukoy sa
mga namumuhunang kompanya sa ibang bansa
ngunit ang mga produkto o serbisyong ipinagbibili ay
hindi nakabatay sa pangangailangang lokal ng
pamilihan.
TNCs at MNCs
•Dinala ng mga korporasyong nabanggit ang mga
produkto at serbisyong naging bahagi na ng pang-
araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.
•Matatagpuan ang mga nasabing kompanya o
korporasyon sa iba’t ibang panig ng daigdig. Marami sa
mga ito ay pag-aari ng mga lokal at dayuhang
namumuhunan na nagtataglay ng malaking kapital
Implikasyon ng pag-usbong ng mga TNCs at
MNCs
•pagdami ng mga produkto at serbisyong
mapagpipilian ng mga mamimili na nagtutulak naman
sa pagkakaroon ng kompetisyon sa pamilihan na sa
kalaunan ay nagpapababa ng halaga ng mga nabanggit
na produkto.
•nakalilikha rin ito ng mga trabaho para sa mga
manggagawang Pilipino.
Implikasyon ng pag-usbong ng mga TNCs at
MNCs
•pagkalugi ng mga lokal na namumuhunan dahil sa di-
patas na kompetisyong dala ng mga multinational at
transnational corporations na may napakalaking
puhunan
•Malaki rin ang kakayahan ng mga ito na
impluwensyahan ang polisiya na ipinatutupad ng
pamahalaan ng iba’t ibang bansa
OUTSOURCING
 Tumutukoy ang outsourcing sa
pagkuha ng isang kompanya ng
serbisyo mula sa isang kompanya
na may kaukulang bayad.
Pangunahing layunin nito na
mapagaan ang gawain ng isang
kompanya upang mapagtuunan
nila ng pansin ang sa palagay nila
ay higit na mahalaga
OUTSOURCING
 Isang halimbawa nito ay ang
paniningil ng utang ng isang
institusyong pinansyal sa mga
credit card holders nito. Sa halip na
sila ang direktang maningil,
minabuti ng ilang kompanya na i-
outsource mula sa ibang kompanya
ang paniningil sa mga kliyente sa
kanilang pagkakautang.
OUTSOURCING
 Business Process Outsourcing na
tumutugon sa prosesong
pangnegosyo ng isang kompanya
 Knowledge Process Outsourcing na
nakatuon sa mga gawaing
nangangailangan ng mataas na
antas ng kaalamang teknikal tulad
ng pananaliksik, pagsusuri ng
impormasyon at serbisyong legal.
OUTSOURCING
 Kung gagawin namang batayan ang
layo o distansya na pagmumulan ng
kompanyang siyang magbibigay ng
serbisyo o produkto, maaaring uriin
ito sa mga sumusunod:
 Offshoring
 Nearshoring
 Onshoring
1. Offshoring
• Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na
naniningil ng mas mababang bayad.
• Sa pagnanais ng mga outsourcing companies mula United States, at mga
bansa sa Europe na makatipid sa mga gastusing kalakip ng nasabing
serbisyo minarapat nilang kumuha ng serbisyo sa mga kompanya mula sa
bansang Asyano tulad ng India at Pilipinas.
• Marami sa mga outsorcing companies sa bansa ay tinatawag na Business
Process Outsourcing na nakatuon sa Voice Processing Services.
• Pagbebenta ng produkto at serbisyo, paniningil ng bayad sa nagamit na
serbisyo at produkto, pagkuha ng order ng isang produkto at serbisyo,
pagkuha ng mga impormasyon mula sa mga mamimili na magagamit ng
mga namumuhunan at mga katulad nitong gawain.
2. Nearshoring
• Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa
kompanya sa kalapit na bansa.
• Layunin nitong iwasan ang mga suliraning kaakibat
ng offshoring sapagkat inaasahan na ang kalapit
bansang pagmumulan ng serbisyo ay may 10
pagkakahawig kung di man pagkakatulad sa wika at
kultura ng bansang nakikinabang sa paglilingkod
nito.
3. Onshoring
• Tinatawag ding domestic outsourcing na
nangangahulugan ng pagkuha ng serbisyo sa isang
kompanyang mula din sa loob ng bansa na
nagbubunga ng higit na mababang gastusin sa
operasyon
OUTSOURCING
 ang Manila ay pangalawa sa mga siyudad sa
buong mundo na destinasyon ng BPO
 Pangalawa ito sa pinagkukunan ng dolyar ng
bansa na kung magpapatuloy ang ganitong takbo
ng industriya, malalagpasan nito ang inuuwing
dolyar ng mga OFW sa mga susunod na taon.
OFW bilang Manipestasyon ng Globalisasyon
• Kung mayroon mang isang buhay na manipestasyon
ng globalissyon sa ating bansa, ito ay ang mga
mangagawang Pilipino na nangingibang- bayan
upang magtrabaho o maghanapbuhay.
• Sa katunayan, malaking bahagdan ng
manggagawang Pilipino ay matatagpuan sa iba’t
ibang panig ng daigdig.
OFW bilang Manipestasyon ng Globalisasyon
• Ang pangingibang- bayan ng manggagawang
Pilipino ay nagsimula sa panahon ng dating
Pangulong Ferdinand Marcos bilang panandaliang
tugon sa budget deficit ng kaniyang
administrasyon. Naging matagumpay ang stop gap
measure na ito.
OFW bilang Manipestasyon ng Globalisasyon
• Nang makita ng pamahalaan ang malaking
kapakinabangang makukuha dito’y pinaigtng pa ang
pagpapadala ng mga manggagawa sa ibang bansa.
Kaya naman nagpapatuloy ito sa hanggang sa
kasalukuyan.

You might also like