You are on page 1of 20

Pagbasa at Pagsusuri

ng Iba’t Ibang Teksto


Tungo sa Pananaliksik
IKATLONG MARKAHAN – MODYUL 4
PAGBASA AT PAGSUSURI NG TEKSTO
Hakbang at Gabay sa
Pagbabasa at Pagsusuri ng
mga Teksto
UNANG HAKBANG
Paraanan ng tingin ang kabuuan ng akda bago
tuluyang basahin.
Subuking tukuyin ang layunin, nilalaman, maging ang
target na mambabasa ng teksto bago ito simulang
basahin nang buo.
Hanapin ang palatandaan sa mga pamagat, sa mga”
subtitles”, pagkilala o pasasalamat at iba pang mga
bahagi ng teksto.
1.) Sino ang sumulat ng teksto?
2.) Sino ang target na mambabasa ang nais
kausapin ng teksto?
3.) Tungkol saan ang artikulo?
4.) Ano-anong mga babasahin ang ginamit
na sanggunian?
IKALAWANG HAKBANG
Tukuyin ang layunin ng may- akda at
tesis na pahayag.
Tingnan din ang kongklusyon sapagkat
naglalaman ito ng kabuuan ng akda.
1. Ano ang pangunahing kaisipang nailahad ng
may-akda?
2. Ano-ano ang mga katibayang ginamit ng may-
akda?
3. Ano-ano ang mga limitasyong inilatag ng may-
akda tungkol sa teksto?
4. Ano ang pananaw ng may-akda?
IKATLONG HAKBANG
Basahing muli ang artikulo, ngunit sa pagkakataong ito ay
pagtuunan pansin ang paraan ng pagsulat at presentasyon.
Habang ikaw ay nagbabasa, huwag lamang tumutok sa
kung ano ang sinasabi ng may-akda, kundi sa kung paano
ito sinasabi ng may-akda.
Sa hakbang na ito masusukat ang katatagan at
katotohanan ng pahayag sa pamamagitan ng mga
katibayang inilatag ng may-akda.
IKATAPAT NA BAHAGI
Matapos mong tayahin ang iyong personal na
reaksiyon, maghulo ng mas malalim na impresyon.
Kailangan mo nang magpokus sa sinasabi ng may-akda,
pagsasaalang-alang sa mga mambabasa ng akda, at
bahagyang pagmumuni-muni sa nilalaman ng teksto.
Ang ebalwasyon ng isang teksto ay maaaring isagawa sa
pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa estilo at
kumbenyonal na estruktura ng kaparehong artikulo.
1. Ang artikulo ba ay buo?
2. May katuturan at makabuluhan ba
ito?
3. Ano ang pangunahing kahulugan at
katuturan ng akda sa disiplinang
kinabibilangan nito?
Awitin nang may buhay ang kantang
“Salamat” ni Yeng Constantino.
“Salamat”
Ni Yeng Constantino
Kung ito man ang huling awitin
Nais kong malaman mong ika’y bahagi na
ng buhay ko
At kung may huling sasabihin
Nais kong sambitin, nilagyan mo ng kulay
ang mundo
Kasama kitang lumuha
Dahil sa’yo may pag-asa
Ang awiting ito’y para sa’yo
At kung maubos ang tinig, di magsisisi
Dahil iyong narinig mula sa labi ko
Salamat, salamat
Haaaa.yeah yeah
Sana’y iyong marinig, tibok ng damdamin
Ikaw ay mahalaga sa akin, ang awitin ko’y
iyong dinggin
At kung marinig ang panalangin
Lagi kang naroroon, humihiling ng
pagkakataon
Masasabi ko sa’yo nang harapan
Kung maubos ang tinig, di magsisisi
Dahil iyong narinig mula sa labi ko
Salamat, salamat
Haaaa.yeah yeah
Ito na ang pagkakataon
Walang masasayang na panahon
Mananatili ka sa puso ko kailaman
Para sa’yo ako’y lalaban, ako’y lalaban
Ang awiting ito’y para sa’yo
At kung maubos ang tinig, di magsisisi
Dahil iyong narinig mula sa labi ko
Salamat, salamat
Ang Tanong…
1. Ano ang pangunahing kaisipan ng
awit?

2. Sino ang pinatutungkulan ng awit?


Ang Tanong…
3. Bakit “Salamat” ang pamagat ng
awit?

4. Bakit palagi siyang


nagpapasalamat?
Ang Tanong…
5. Ano ang nais iparating ng saknong na ito?
Ito na ang pagkakataon
Walang masasayang na panahon
Mananatili ka sa puso ko kailaman
Para sa’yo ako’y lalaban, ako’y lalaban.

You might also like