You are on page 1of 23

Edukasyon sa Pagpapakatao 5

“Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-


aaral: 3.1.pakikinig, 3.2. pakikilahok sa pangkatang gawain,
3.3. pakikipagtalakayan, 3.4. pagtatanong, 3.5. paggawa ng
proyekto (gamit ang anumang technology tools), 3.6.paggawa ng
takdang-aralin, 3.7. pagtuturo sa iba EsP5PKP – Ic-d - 29
Unang Markahan, Ikatlong Linggo
Unang Araw
Layunin:

Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong


saloobin sa pag-aaral sa pamamagitan ng
pakikinig.
Balik-aral:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga
pahayag at sagutan ng TAMA o MALI. Isulat
ang sagot sa nakalaang patlang.
_____1. Paniwalaan lahat ng nababasa sa
internet.
_____2. Napagod ka buong araw kaya naglaro
ka ng mobile legends buong gabi
upang makarelaks.
_____3. Nakita mong nahihirapang sagutan ng
iyong bunsong kapatid ang kanyang signatura.
Tinulungan mo syang mag research ng mga
impormasyon tungkol dito.
_____4. Naniniwala kang hindi maganda ang
dulot ng internet kaya kailan man ay di ka
gumawa ng proyekto na may kinalaman dito.
_____5. Busog ka pa at ayaw mong kumain
kaya ginastos mo nalang ang pera mo sa
pagpapaload upang makapag-internet.
SAGOT:
1.MALI
2.MALI
3.TAMA
4.MALI
5.MALI
Panuto: Hanapin sa kahon ang tamang sagot sa
mga pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
nakalaang patlang.
A. telebisyon B.telepono C. radyo
:
_C_1. Isa sa mga midyum ng komunikasyon na
naglalayong magbahagi ng mga kaganapan

ng mundo sa mas malawak na sakop nito.


A 2. Isang sistemang telekomunikasyon para sa
pagpapahayag at pagtanggap ng mga
B 3. Isang aparatong pantele-
komunikasyon na nagtatawid, hatid o tulay at
tumatanggap ng tunog o ingay (na kadalasan ay
boses at pananalita) galing sa dalawang
magkalayong lugar o pinagmulan.

Anong kaalaman ang makukuha mo sa pakikinig


ng balita sa radyo, telebisyon, telepono o sa tao?
Pagmasdan ang larawan,
1. Ano ang napapansin
ninyo sa larawan?
2. Dapat bang maging
magalang tayo sa
pakikipag-usap sa
telepono?
Source:DepEd TV
Panuto: Basahin at unawain ang kuwento:

Cellphone
Ni: Mary Jane M. Asturias
Isang umaga, hiniram ni Gabriel ang
cellphone ng kanyang ate. Pinaglalaruan niya ito
nang biglang tumunog. Kriing..kriiing… “Hello
po, magandang araw po,” sagot ni Gabriel sa
kabilang linya.” Ito nga po”. Sandali lang po
tatawagin ko si ate”.
Tinawag ni Gabriel ang kanyang ate ngunit
naliligo pala ito kaya’t binalikan niya ang
cellphone at sinabihan ang kabilang linya na
naliligo pa ang kanyang ate.
Nang lumabas na ang kanyang ate sinabihan
niya na may tumawag sa kanyang cellphone at
tatawag ulit ito mamaya.
Naku, mabuti nalang Gab na magalang
kang sumagot, baka ang tumawag sa akin ay
ang Boss ko! Ang bait talaga ng kapatid ko!”,
ang sabi ng Ate niya sabay yakap.
Tanong:
1. Ano kaya ang maaring mangyayari kung
hindi nagpakita ng kawilihan at magalang na
pakikinig si Gabriel sa tumatawag sa cellphone?
Ipaliwanag ang sagot.
2. Kung mahaharap ka sa sitwasyong tulad kay
Gabriel, gagawin mo rin ba ang ginawa niya?
Bakit?
3. Dapat bang maging magalang tayo sa
pagsagot ng cellphone? Bakit?
Panuto: Sagutin ng OO o HINDI ang mga
sumusunod na pahayag.
______1. Huwag makinig nang mabuti sa
sinasabi ng guro upang higit na
maintindihan ang dapat gawin.
______2. Hindi mahalaga ang pakikinig dahil
makukuha mo nang wasto ang
kaniyang sinasabi.
______3. Narinig mo ang tamang detalye at
pahayag kaya masusundan mo.
______
______4. Mapagtatagumpayan ang ginagawa
dahil alam mong nasunod ang mga
sinabi ng guro.
_______5. Aani ng papuri mula sa guro at mga
kaklase dahil nagawa ng tama ang
proyekto sapagkat ang lahat ng
miyembro ay nakinig nang mabuti.
SAGOT:

1. HINDI
2. HINDI
3. OO
4. OO
5. OO
Panuto: Itaas ang thumbs up () kung ang mga
ibinigay na sitwasyon ay nagsasaad ng positibong
pag-aaral sapakikinig at thumbs down () naman
kung hindi:
1. Nakikinig nang maayos sa guro.
2. Nakikipagkuwentuhan sa katabi habang
ang kaklase ay nagsasalita.
3. Nagpapakita ng kawilihan sa nagsasalita.
4. Maayos at magalang makipag – usap sa telepono.
5. Hindi nakikinig sa sinsabi ng Nanay.
SAGOT:
1.
2. 
3
4. 
5. 
Paglalahat:

1. Ano ang dapat tandaan sa mabuting pakikinig?


2. Paano mo sasagutin ang isang tawag?
3. Bakit kailangan nating makinig sa nagsasalita?
Pagtataya:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga
pahayag kung ito ba ay TAMA o MALI. Isulat
ang sagot sa nakalaang patlang.
_______1. Ipakita ang kawilihan sa pakiking sa
pamamagitan ng pagsulat sa
kuwaderno ng mga mahahalagang
impormasyong narinig.
________2. Habang seryosong nakikinig si Wilma
sa nagsasalitang guro, sinusulat niya
ang mga bagay na makabuluhan para
sa kanya.
______3. Huwag isaisip na makinig nang
mabuti bago simulan ang isang proyekto.
______4. Bago pumasok sa klase ang
magkaibigan, pinaalalahanan ni Salem
si Haguiar na hindi makinig sa guro.
______5. Malungkot na umupo si Randy. Mali
ang kanyang sagot. Hindi niya Nasunod
ang sinabing panuto ng guro dahil
nakikipag-usap siya sa katabi habang
nagbibigay ang guro ng panuto.
SAGOT:
1. TAMA
2. TAMA
3. MALI
4. MALI
5. TAMA
TAKDA:

Sumulat ng isang sanaysay tungkol


sa mabuting pakikinig.
THANK YOU!
Basta galing Gensan, galíng Gensan!
Dahil una sa lahat, Bata!!!
Learning Resource Development Team

Manunulat: MARY JANE M. ASTURIAS


Content Editor: LORENA S. FAJARTIN
LR Evaluator: PHILIP T. TABLAZON
Tagaguhit:
Tagapamahala: ISAGANI S. DELA CRUZ, CESO V
Tagapamanihala ng mga Paaralang Lungsod
CARLOS G. SUSARNO, CESE
Kawaksing Tagapamanihala ng mga Paaralang Lungsod
JULIET F. LASTIMOSA
Chief, Curriculum Implementation Division
LUZVIMINDA R. LORENO, Ed.D.
EPS in Values Education
AILEEN A. JAMERO
EPS – LRE

You might also like