You are on page 1of 36

Si Ipot-Ipot at Si

Amomongo (Pabulang
Bisaya)
Isang gabi, tahimik na lumilipad-
lipad upang dumalaw sa
kaibigan si Ipot-Ipot (isang
alitaptap). Tulad ng dati’y dala-
dala niya ang kanyang ilawan.
Maya-maya’y nakasalubong
niya ang isang buskador na
gorilyang nagngangalang
Amomongo. “Hoy, Ipot-ipot,
bakit ba lagi mong dala-dala
ang
iyong ilawan? Nakatatawa
tuloy tignan. ka Ha-ha-ha!”
sabi ni Amomongoang habang
palundag-lundag na tumatawa
sa harap ng alitaptap.
Tinignan muna siya ng
alitaptap bago itomatatag
na
sumagot. “Alam mo,
Amomongo, dinadala ko
ang upang makita
aking ilawan, una,
ko ang aking daraanan; at
pangalawa, upang makita ko
ang mga lamok at nang sila’y
aking maiwasan,” paliwanag
nito.
“Gusto mong iwasan ang mga
lamok? Isa kang duwag! Takot
ka sa lamok! Duwag! Duwag!
Ha-ha-ha!” pambubuska ni
Amomongo kay Ipot-Ipot.
Hindi na lang pinansin ng
alitaptap ang pambubuska ng
gorilya. Nagpatuloy na lamang
siya sa tahimik niyang
paglalakbay. Subalit hindi roon
tumigil ang buskador na gorilya.
Tinungo nito ang iba pa niyang
mga kalahing unggoy at saka
ipinagsabing ang alitaptap ay
duwag at takot sa lamok kaya’t
laging nagdadala ng ilawan
saanman ito magpunta.
Nagtawanan ang iba
pang sa kuwento
gorilya na nakarinig
tungkol sa pagiging duwag ng
alitaptap.
Hindi nagtagal at kumalat na
rin ang kuwento sa iba pang
mga hayop sa kagubatan.
Nang
lumaon ay nakarating ito kay
alitaptap. Halos liparin ng
alitaptap ang pagtungo sa
bahay ni Amomongo.
Nadatnan niya itong
natutulog. Itinapat ng
alitaptap ang kanyang ilaw sa
mukha ni Amomongo upang
magising ito. “Hoy, Amomongo,
gising! Bakit ipinamamalita mo
raw na duwag ako? Sadya nga
yatang maitim ang budhi mo.
Sige, bukas ng gabi, pumunta ka
sa plasa at sa harap ng lahat ay
patunayan kong hindi ako
duwag.
“Hoy Ipot-Ipot, huwag ka ngang
balat sibuyas. At ngayo’y
naghahamon ka sa isang
labanan? Iyang liit mong iyan?
Pupulbusin kita. Ha-ha-ha! Sige
nga, sino ang dadalhin mo para
labanan ang isang malaking
gorilyang tulad ko?”
nagmamalaking tanong ni
Amomongo.
“Mag-isa akong pupunta subalit
kung gusto mo ay dalhin mo pa
lahat ang mga kaibigan mo,”
matatag na sabi ni Ipot-ipot.
Lalong tumawa nang tumawa si
Amomongo. “Mag-isa kang
pupunta! Hah! Maganda yan
para makita mo kung ano ang
gagawin ng malalakas na
nilalang na tulad naming sa
munting alitaptap na tulad mo.”
Nalaman ng iba pang hayop ang
tungkol sa napipintong labanan.
Kinabukasan ay napuno ang
plasa ng mga hayop na gustong
makapanood sa labanan ng
nag-
iisang alitaptap at ng malalaking
gorilya.
Maagang dumating si Ipot-Ipot.
Maya-maya pa’y dumating na
rin ang pulutong ng mga gorilya.
May dala-dala ang mga itong
malalaki at mahahabang
pamalo. Masigla silang
nagtatawanan sapagkat para sa
kanila, ang paghahamon ni Ipot-
Ipot ng labanan ay isang
malaking kahibangan.
Pagkakita ni Amomongo kay
Ipot-Ipot ay inutusan niya agad
ang mga kalahing atakihin ang
naghihintay na alitaptap. Subalit
mabilis itong lumipad at
dumapo sa ilong ni Amomongo.
Nag-unahan ang mga unggoy sa
pagpalo sa alitaptap na
nakadapo sa ilong ng kanilang
kasamahan subalit mabilis itong
nakalipad palayo kaya’t ang
ilong ni Amomongo ang inabot
ng mga pamalo. Bumagsak ito
sa lupa. Pagkatapos ay sa
ilong
naman ng isa pang gorilya
dumapo ang alitaptap.
Muling sinugod ng iba pang
gorilya ang alitaptap subalit
tulad ng nangyari kay
Amomongo, hindi rin nila
tinamaan ang alitaptap kaya’t
ang ilong na naman
pangalawang ng gorilya ang
tinamaan. Bumagsak din ito sa
lupa. Gayon ng gayon
nangyari sa ang iba pang
Pinapalo nila gorilya.
ang alitaptap na
nakadapo sa ilong ng isa sa
kanila subalit sa halip na
tamaan
ito, ang mga gorilya ang isa-
isang bumabagsak sa lupa dahil
mabilis umilag ang alitaptap
kaya’t sila-sila ang
nagkakatamaan. Hanggang sa
isang kisap mata ay bumagsak
sa lupa ang lahat ng gorilya.

“Ngayon, sino sa inyong mga


gorilya ang magsasabing duwag
ako?” ang mataginting na
tanong na maliit na alitaptap.
Yukong-yuko ang ulo ng mga
gorilya. Bahag ang buntot dahil
sa kahihiyang dala ng nangyari
kaya’t hindi sila makapagsalita.
Tinignan muna sila ng alitaptap
na umiiling-iling sa kinahinatnan
ng isang pulutong ng mga
unggoy at saka ito tahimik na
lumipad palayo upang
ipagpatuloy ang kanyang
sariling lakad tulad ng dati.
Tanong
1.Sino ang tauhan sa kwento?
2.Ano ang naging tunggalian sa
kwento?
3.Paano nagwakas
ang kwento?
4.Ano ang aral na mapupulot
sa kwento

You might also like