You are on page 1of 37

SPIN

1 14 27
2 15 28
3 16 29
4 17 30
5 18 31
6 19 32
7 20 SPIN 33
8 21 34
9 22 35
10 23
11 24
12 25
13 26
1. Ito ay isang uri ng akdang patula na
kadalasan ang layunin ay manlibak, manukso,
o mang-uyam.

Tula/Awiting Panudyo
2. Ito ay mga paalala o babalang kalimitang makikita sa mga
pampublikong sasakyan.

Tugmang De-Gulong
3. Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng
paglalarawan.

Bugtong
4. Layunin nito ang pukawin at pasiglahin ang
kaisipan ng mga taong nagkakatipon-tipon sa
isang lugar.

Palaisipan
5. Aanhin pa ang gasoline kung jeep ko ay
sira na. Ito ay halimbawa ng
____________________.

Tugmang De-Gulong
6. Nagtago si Pilo, nakalitaw ang
ulo. Sagot:
________________________
Pako
7. Tumutukoy sa pagtaas at pagbaba na
iniuukol sa pagbigkas ng pantig sa salita na
maaaring makapag-iba sa kahulugan ng mga
salita.

Intonasyon
8. Ito ay rehiyonal na tunong o accent.

Punto
9. Pagsasalita na nagpapahayag
ng tindi ng damdamin.
Tono
10. Ito ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang
higit na maging malinaw ang mensaheng
ipinapahayag.
Hinto o Antala
11. Ano ang tawag sa Intonasyon, Tono, at
Punto, Diin at Haba, Hinto o Antala?
Ponemang Suprasegmental
12. Isang maikling kuwento tungkol sa isang
tauhang naninirahan at nagtataglay ng katangian,
katutubong kulay, o kultura sa isang particular na
lugar o pangkat.

Kuwentong-Bayan
13. Isang kuwentong nagsasaad kung saan
nanggaling o nagmula ang mga baga-
bagay.

Alamat
14. Karaniwang tumatalakay sa mga kuwentong
may kinalaman sa mga diyos, diyosa, bathala,
diwata, at mga kakaibang nilalang na may
kapangyarihan.
Mito
15. Ang salitang una, ikalawa, ikatlo, sumunod ay
halimbawa ng anong hudyat at panandang
pantalakayan?
Mga Panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-
sunod ng mga kilos/pangyayari o gawain
16. Ano-ano ang 5 nilalaman ng banghay ng
kuwento?

1. Panimulang Pangyayari
2. Papataas na Pangyayari
3. Kasukdulan
4. Pababang Pangyayari
5. Resolusyon
17. Dito nagaganap ang pagpapakilala ng tauhan,
tagpuan, at suliraning kakaharapin.

Panimulang Pangyayari
18. Pinakamasidhing bahagi kung saan haharapin ng
pangunahing tauhanang kanyang suliranin.
Kasukdulan
19. Ang pook, lugar, at panahon kung saan
nangyari ang kabuuan ng alamat.

Tagpuan
20. Ano-ano ang mga angkop na pahayag ang
maaaring gamitin sa simula ng kuwento?
Noong unang, sa
simula pa lamang…
21. Ano-ano ang tatlong bahagi ng pananalita na
maaaari nating gamitin sa pagsisimula ng
kuwento?
Pang-uri, Pandiwa, Pang-abay
22. Isang usri ng panitikang nasusulat sa anyong tuluyan na
karaniwang pumapaksa sa mga kaisipan at mga bagay-bagay na
sadyang kapupulutan ng aral at aliw ng mga mambabasa.

Sanaysay
23. Ibigay ang dalawang uri ng sanaysay.

Pormal o Maanyong sanaysay at


pamilyar o di pormal na sanaysay
24. __________ ang reperensiya kung binanggit na sa unahan ang
salita.

anaporik
25. _________ ang reperensiya na binanggit sa dakong hulihan na
nagdudulot ng kasabikan o interes sa pahayag.

kataporik
26. Sa pagsulat ng balita, karaniwang ginagamit ang kayariang
_______________.

Baligtad na tagilo/inverted
pyramid
27. Karaniwang sinusulat ang mahalagang datos sa unang talata ng
balita at kadalasa’y sumasagot sa mga tanong na Ano, Sino, Kailan,
Bakit, at Paano.

Pamatnubay na pangungusap
28. Ito ang siyang nagbibigay ng mga detalyeng paliwanag hinggil
sa mga datos na binaggit sa pamatnubay ng balita.

katawan
29. Tumutugon sa di gaanong mahalagang detalye ng balita.

Panghuling bahagi
30. Ano ang dalawang uri ng Tauhan?

Tauhang Bilog at Tauhang Lapad


31. Ito ang tauhang nagtataglay ng makatotohanang katangiang
tulad din ng sa isang totoong tao. Nagbabago ang kanyang
katauhan sa kabuuan ng akda.

Tauhang Bilog/Round Character


32. Ito ang tauhang hindi nagbabago ang pagkatao mula simula
hanggang sa katapusan ng akda.

Tauhang Lapad/Flat Character


33. Isang maikling kathang binubuo ng mga pangungusap na
magkakaugnay, may balangkas, may layunin, at pag-unlad ng
kaisipang nakasaad.

talata
34. Katangian ng talata na dapat na nagtataglay ng mga
pangungusap na nakatutulong sa pagbuo ng kaisipang isinasaad
ng pamaksang pangungusap.

kaisahan
35. Katangian ng talata tumutukoy sa maayos at tamang
pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap na bumubuo nito.

Kaayusan

You might also like