You are on page 1of 14

PAG HARAP SA

HAMON NG GANAP
NA KALAYAAN
PRESENTED BY:
RAIZEN
AARON
JADE
MATHEW
Nagiging ganap ang pagiging estado ng isang bansa kapag nakamit nito ang ganap na
kalayaan sa anumang puwersang panlabas.
Nangangahulugan lamang ito na may ganap ng kapangyarihan ang pamahalaan upang
magpasiya at magpairal ng mga patakaran at programa sa kaniyang nasasakupan nang
malaya sa anumang uri ng pagkontrol at pag-impluwensya mula sa ibang bansa.
Masalimuot ang landas na tinahak ng Pilipinas bago nito nakamit ang ganap na kalayaan.
Gayon pa man, dahil sa mahabang panahon ng pagkakapasailalim nito sa kapangyarihan
ng mga mananakop, hindi pa rin tuluyang nakalaya ang Pilipinas sa impluwensiya ng mga
mananakop na nagdulot ng patuloy na negatibong epekto sa kaisipan, kultura,
ekonomiya, at politika ng bansa.
Ang kaganapang ito ay nagsilbing malaking hamon sa Pilipinas bilang isang nagsasariling
bansa sa pamumuno ni Manuel Roxas bilang unang pangulo ng Ikatlong Republika ng
Pilipinas.
Kahon ng Talasalitaan
Collaborators – tawag sa mga Pilipinong diumano ay nakipagtulungan sa mga
Hapones sa panahon ng pananakop ng Japan sa Pilipinas.
Colonial Mentality – pagkahumaling at paghanga sa mga produkto at kaparaanang
banyaga bilang mas mainam at mabuti kasya sa sariling produkto at kultura.
Military Bases Agreement – kasunduan sa pagitan ng USA at ni Pangulong Roxas na
nagsasaad ng pananatili ng 23 base militar ng USA sa Pilipinas sa loob ng 99 na taon.

Philippine Rehabilitation Finance Corparation – institusyong nangasiwa sa pagpapatayo


ng 12 000 na kabahayan at pamamahagi na pautang sa mga Pilipino ng salaping may
kabuuang halaga na 177 milyong piso.
Plebisito – direktang pagboto ng mga kuwalipikadong mamamayang Pilipino tungkol
sa isang usapin kung sila ay sang-ayon o hindi sang-ayon dito.

Rehabilitasyon – pagsasaayos ng mga nasira o napinsala.


ANG IKATLONG REPUBLIKA
NG PILIPINAS
Noong 1946, sa kasagsagan ng huling halalan ng Pamahalaang
Commonwealth ng naglalayong palitan ang mga pangunahing opisyal
ng pamahalaan, humilaway si Manuel Roxas at ang kaniyang mga
kaibigan sa Partido Nacionalista at binuo ang sarili nilang Partido
Liberal.
Manuel Roxas bilang Huling Pangulo ng Commonwealth
Maikling panahon lamang ang panunungkulan ni Roxas bilang Pangulo ng Pamahalaang
Commonwealth, nagsimula ito noong Mayo 28, 1946 at natapos noong Hulyo 4, 1946
Sa maikling panahong ito, nagawa ni Roxas
na himukin ang lehislatura na tanggapin ang dalawang mahahalagang batas ng ipinasa ng
kongreso ng USA-- ang PHILPPINE REHABILITATION ACT at ang PHILIPPINE TRADE ACT.
MGA HAMON SA ISANG NAGSASARILING BANSA
Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naitala
ang Pilipinas bilang isa sa mga bansang pinakanapinsala
ng digmaan dahil sa walang humpay na pagbomba rito
lalo na sa lungsod ng Maynila. Dahil dito, ang kaligayahan
ng mga Pilipino sa pagkamit ng Kalayaan ay naging bahagi
ng kanilang pagharap sa matinding hamon upang
maisalba ang bumagsak na ekonomiya ng bansa.
MGA PINSALANG INIWAN NG IKALAWANG DIGMAANG
PANGDAIGDIG
Mahigit isang milyon ang Pilipinong nawala at umabot halos sa dalawang
milyon ang tinatayang nasawi. Idagdag pa ang halos 2/3 ng mga ari-arian
at kayamanan ng bansa na nasira at napinsala ng digmaan.
Lugmok ang ekonomiya ng bansa-walang maituturing na pambansang
ekonomiya, at natigil ang kalakalang panlabas sapagkat halos walang
produksiyon ng mga kalakal na panluwas. Sa kabilang dako, umabot sa
halagang tatlong milyong dolyar ang mga produktong pumapasok
(import) sa Pilipinas.
Kaugnay nito, iminungkahi ni Roxas ang pagtatatag ng Philippine
Rehabilitation Finance Corporation na siyang mangangasiwa sa
papapatayo ng 12 000 ng kabahayan at mamamahagi ng
pautang sa mga mamamayan ng salaping may kabuuang halaga
na 177 milyong piso. Isa pang mungkahi ay ang paglikha ng
Bangko Sentral ng Pilipinas upang mapanatili ng reserbang
dolyar at mangasiwa sa mga gawaing pagbabangko ng bansa
tungo sa pag-unlad ng ekomoiya.
PAGHARAP SA PUWERSA NG HUKBALAHAP
Hindi matatawaran ang naging kontribusyon ng gerilyang
HUKBALAHAP sa tuluyang pagpapatalsik sa mga puwersang Hapones
sa Pilipinas. Malaki ang naging papel nila sa muling pagkubkob ng mga
Amerikano sa Gitnang Luzon sa kamay ng mga Hapones. Gayon pa
man, nang tuluyang mabawi ng mga Amerikano ang kalakhang bahagi
ng Luzon, tinanggalan nila ang mga Huk ng armas at ang mga pinuno
nito ay dinakip at piniit.
Ang tagapagtatag ng HUKBALAHAP na si Luis Taruc ay kasama sa
mga nahuli. Hindi lahat ng mga pinuno at miyembro ng Huk ay
nadakip ng mga Amerikano. Ang iba sa kanila ay nakatakas at
namudok. Ang benepisyong ipinagkaloob ng mga Amerikano sa mga
gerilyang nakipaglaban sa mga Hapones ay hindi rin iginawad sa mga
Huk sapagkat hindi sila kinilala bilang isang organisasyong gerilya.
Kalaunan ay nakalaya si Luis Taruc. Nahalal siya sa Kapulungan ng mga Kinatawan
[House of Representatives] noong halalan ng 1946 sa ilalim ng partidong
Democratic Alliance na pinamunuan ni Sergio Osmena. Kasama ng iba pang
nagwaging kasapi ng Demonicratic Alliance, tinutulan ni Taruc ang proisyon ng
inamyendahang konstitusyon na nagsasaad ng pagbibigay ng USA ng pondo para
sa rehabilitation ng Pilipinas. Partikular na tinutulan ni Taruc ang Bell Trade Act,
Party Amendment to the Constitution, at Military Bases Agreement na pawang
mga kumikiling sa mga Amerikano. Gayon pa man, upang masigurong maipapasa
at maipatututpad ang mga batas na ito, naghain ang administrsyon ni Pangulo
Roxas ng kaso ng pandaraya sa eleksyon at terorismo kay Taruc at iba pa niyang
kasamang kasapi sa Democratic Alliance kung kaya napatalansik ang mga ito sa
Kongreso.
Pagtugon sa Isyu ng Kalaborasyon
Isang malaking hamon sa Pamahalaang Commonwealth ang pagharap sa
mga Pilipinong nakipagtulungan sa mga Hapones sa panahon ng
pananakop ng Japan sa Pilipinas na tinaguring collaborators. May
dalawang pangunahing mataas na pinunong Pilipino ang tuwirang
nakipagtulungan sa mga Hapones sa mga panahong iyon-si Jorge Vargas
na naging tagapangulo ng pamahalaang unang itinatag ng mga Hapones
sa Pilipinas-ang Sentral na Organisasyong Administratibo at si Jose P.
Laurel na hinirang bilang pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas sa
ilalim ng kontrol ng mga Hapones na tinawag ding Pamahalaang Puppet.
SUBUKIN NATIN:
1. Sino ang naging unang Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas?
2. Anong Partido ang binuo ni Roxas at ng kaniyang mga kaibigan sa Pardito
Naciolista?
3. Anong Lungsod sa Pilipinas ang lubhang naapektuhan ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig?
4. Isa ito sa minungkahi ni Roxas na likhain upang mapanatili ang reserbang dolyar
at may mangasiwa sa pagbabangko?
5. Ito ang grupo na hindi matatawaran ang kontribusyon sa tuluyang
pagpapatalsik sa mga puwersang Hapones?
SAGOT:

1. Manuel Roxas
2. Partido Liberal
3. Maynila
4. Bangko Sentral ng Pilipinas
5. Gerilyang HUKBALAHAP

You might also like