You are on page 1of 10

Tekstong

Deskriptibo
Tekstong Deskriptibo
Ito ay nagtataglay ng impormasyong may kinalaman sa
limang pandama: paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy,
at panalat. Maaari nitong paksain ang ano mang may
kinalaman sa pisikal na katangian ng isang tao, lugar, bagay
at pangyayari. Madali itong makikilala sapagkat ito ay
tumutugon sa tanong na “Ano”. Sa pamamagitan nito ay
nagiging tiyak ang isang impormasyong nais ipahayag o
ibahagi. Masidhi nitong naihahatid sa mambabasa ang
larawang-diwa at imahen na nais bigyang diin o ipahayag.
Sa pamamagitan din ng paggamit ng tekstong
naglalarawan, lumilikha ang may-akda sa kaniyang
mambabasa ng isang madetalyeng imahenasyong na
nagsisilbing pundasyon niya upang paniwalaan ang
katotohanan ng isang bagay, pangyayari o ano mang
nagaganap sa kaniyang pang-araw-araw na karanasan.
Pangunahing layunin ng isang tekstong paglalarawan ay
ang makabuo ng isang malinaw na biswal, larawan, at
imahen upang mapalutang ang pagkakilanlan nito.
Uri ng Paglalarawan
Karaniwang Paglalarawan
Literal at pangkaraniwang gumagamit ng paglalarawan. Obhetibo ang
paglalahad ng kongkretong katangian ng mga impormasyon sapagkat
tiyak ang ginagawang paglalarawan. Payak o simple lamang ang
ginagamit ng mga salita upang maibigay ang mga katangian ng
nakita, narinig, nalasahan, at naramdaman sa paglalarawan.
Halimbawa:
• Paningin ▪ Panalat
• Pandinig ▪ Pang-amoy
• Panlasa
Teknikal na Paglalarawan

Pangunahing layunin ng siyensya ang mailarawan nang akma


ang anomang dapat at kailangan malaman tungkol sa mundo
at kalawakan. Kalimitang gumagamit ang mga manunulat ng
ilustrasyong teknikal na sulatin upang makita ng mambabasa
ang larawan o hitsura ng inilalarawan.
Masining na Pagpapahayag
Di-literal ang paglalarawan at ginagamitan ng matatalinghaga
o idyomatikong pagpapahayag. Malayang nagagamit ang
malikhaing imahinasyon upang mabigyan ng buhay ang isang
imahen o larawan. Taglay nito ang kasiningan ng
pagpapahayag ng damdamin at pananaw ng sumulat.

Halimbawa:
• Paningin ▪ Panalat
• Pandinig ▪ Pang-amoy
• Panlasa
Tekstong Naglalarawan
Tao – ang mga Kapampangan ay mapagbigay, matulungin, at may
takot sa Diyos, at relihiyosong tao. Kaya nilang gugulin ang
natitirang oras nila sa iba kahit sa katotohanang ito ay mas
kailangan nila. Malaki ang paniniwala ng mga Kapampangan sa
‘utang na loob’ at ‘pakikisama’ kaya mahirap para sa kanila ang
humindi.

Tauhan – sa taya ko’y mga dalawampu’t anim na taon na siya.


Maputi, mataas, matangos ang ilong, malago ang kilay, daliring
babae, nakapantalon ng abuhing corduroy at ispiker na kulay-
langit.
Lugar – Tubong-Tundo ako. Isang lungsod na rin ang mataong
Tondo, lungsod ng dalita at unton ng kubo, kuta ng mag-anak-
langgam na masinsin sa malaking punso; narito ang hirap,
narito ang buhay, narito ang tao, Tubong-Tundo ako.

Pangyayari – ang Mal a Aldo o Mahal na Araw ang


pinakamahalagang araw ng taon para sa mga Kapampangan.
Ayon sa iba, ang pagpipiyensiya ay isang marahas na ritwal na
isinagawa ng ilang Filipino, lalo na ng mga Kapampangan, ang
tila madugong tradisyong panlabas sa daan.
Dapat pakatandaan na ang tekstong naglalarawan ay
naglalaman ng mga tiyak na detalye. Ang mag detalyeng
ito ay maaaring ilarawan sa pamamagitan ng paggamit
ng sensory details o mga katangiang may kinalaman sa
pisikal na katangian ng tao, bagay, lugat, at pangyayari.
Maaari rin gumamit ng figures of speech o
matatalinghagang salita tulad ng metapora, at simile.
Nakakatulong din ang paggamit ng factual details tulad
ng pangalan, petsa, at lugar.
Ilarawan mo

Ano ang histura,


tunog, amoy, lasa,
at pakiramdam?
Ihambing mo Iugnay mo
Ano ang Ano ang
Pagkuha ng pagkakatulad at
pagkakaiba?
pagkakaugnay
nito?
Datos sa
Mabisang Paano ito Paano ito nabuo?
Paglalarawan malalapat sa
iyong karanasan?
Paano ito
gumagana?
Positibo o
negatibo ba ito?
Ilapat mo Kapaki- Suriin mo
pakinabang o
nakapipinsala?

Pangatwiran mo

You might also like