You are on page 1of 4

PAGBASA NOTES:

DESKRIPTIBO
- Isang paraan ng pagpapahayag ng mga impormasyon tungkol sa tao, hayop, bagay,
lugar o pangyayari sa pamamagitan ng makukulay, mahuhugis o maanyo at iba pang
mapapandamang – naaamoy, nalalasa, naririnig – pananalita. Maari nitong paksain ang
ano mang may kinalaman sa piskal na katangian ng isang tao, lugar, bagay at
pangyayari.

KAHALAGAHAN
➢Inilalarawan nito kung gaano kaganda ang mundong ginawa ng Diyos.
➢Masidhi nitong nailalahad sa mga mambabasa ang larawang-diwa at imahen na nais
bigyang diin o ipahayag.
➢Nakakalikha ang may-akda ng isang madetalyeng imahinasyon para sa kanyang
mambabasa na magsisilbing pundasyon niya upang paniwalaan ang katotohanan na
nagaganap sa kaniyang pang araw-araw na karanasan.
➢Nakakabuo ng isang malalim na biswal, larawan at imahen upang mapalutang ang
pagkakakilanlan nito.

MGA URI;

❑Karaniwang Paglalarawan
-Nagbibigay lamang ng mga tiyak na impormasyon o kabatiran tungkol sa isang
bagay ayon sa pisikal o kongkretong katangian nito

-Paningin
- Pandinig
-Pang amoy
-Panlasa
-Pandama

Teknikal na Paglalarawan
- Layunin nitong mailarawan nang akma ang anumang dapat malaman tungkol sa mga
bagay sa mundo at kalawakan. Gumagamit ang manunulat ng mga pamilang, panukat
o ilustrasyon upang makita ng mga mambabasa ang tiyak na larawan o hitsura ng
inilalarawan.

➢ Kalahating kilong bigas ang natanggap ng matanda.


➢ Sampung kilometrong daan ang aming binagtas.
➢ Kailangan kong uminom ng tatlong litrong tubig.
➢ Dalawang tonelada lamang ang kakayahan ng tulay.
➢ Labimpitong ektaryang lupain ang ipinamana sa iyo.
➢ 35% ang itinaas sa sahod ng mga manggagawa.

Masining na Paglalarawan
Di-literal na paglalarawan at karaniwang ginagamitan ng mga matatalinghaga o
idyomatikong pahayag ng mga manunulat. Ang mga detalyeng inihahayag dito ay mga
katotohanan din, kaya lamang nakukulayan na ito ng imahinasyon, pananaw at
opinyong pansariling tagapagsalaysay

Paningin- Kay tangkad mo, para kang poste.


Pandinig- Nabibingi ako sa sobrang hina ng boses mo.
Panlasa- Abot-langit ang sarap ng luto mo.
Pang-amoy- Nasusuka na ako sa baho ng kanal sa labas.
Pandama- Nasunog ang balat ko sa tindi ng sikat ng araw.
INFORMATION OR IMPORMASYON
- Ay isang sistematikong pagbubuo, paghahanay, at pag uugnay ng mga ideya
upang magkaroon ng malinaw na ugnayan sa pagbabalangkas ng mga kaisipan,
ideya, saloobin, katotohanan at mga impormasyon.
Pangunahing impormasyon - pangalan, edad, tirahan, paaralan, atbp.

TEKSTONG IMPORMATIBO ay may layuning maging daluyan ng makatotohanang


impormasyon sa mambabasa. Binabaklas nito ang mga di-maunawaang kaisipan sa
isang paksa.

Obhetibo ito kaya limitado lamang ang paglapat ng opinyon ng mayakda sa paksa

Layunin ng tekstong impormatibo na alisin at bigyan ng tamang paglilinaw ang mga


katanungan, agam-agam, o pag-aalinlangan na bumabalot sa isipan ng bumabasa
hinggil sa paksang tinalakay.

PAGSUSURI NG ILANG TEKSTONG IMPORMATIBO:

1. Mapagkakatiwalaan ba ang may-akda, tagapaglathala, o datos?


2. Makatotohanan ba ang mga impormasyon?
3. Napapanahon ba ang mga impormasyong inilahad?

KATANGIAN:

Naglalahad ito ng mahahalagang impormasyon, bagong kaalaman, bagong pangyayari,


bagong paniniwala, bagong impormasyon, at tiyak na detalye para sa kabatiran ng mga
mambabasa.
Ang mga kaalaman ay nakaayos nang may pagkakasunod sunod at inilalahad nang
buong linaw at kaisahan.

Karamihan sa mga impormasyon ay patungkol sa mga bagay at paksang kasalukuyang


pinag-uusapan.

Nagbibigay ito ng mga impormasyong nakapagpapalawak ng kaalaman at


nagbibigay-linaw sa mga paksang inilalahad upang mawala ang alinlangan. Naglalahad
ng mga datos na nakatutulong sa paglilinaw ng mga konsepto.

HANGUANG PRIMARYA

➢ Mga indibidwal o awtoridad


➢Mga grupo o organisasyon
➢Mga kinagawiang kaugalian
➢Mga pampublikong kasulatan o dokumento

HANGUANG ELEKTRONIKO:

➢Internet sa pamamagitan ng email


➢Telepono o cellphone

HANGUANG SEKONDARYA

➢Mga aklat tulad ng Atlas, Almanac, at iba pa


➢Mga nalathalang artikulo sa journal, magasin, at iba pa
➢Mga tesis, disertasyon, at pag-aaral sa feasibility, nalatha man o hindi
➢Mga monograp, manwal, polyeto, manuskrito, at iba pa

EKSPOSTORI

You might also like