Professional Documents
Culture Documents
doc Page 1 of 5
Tuloy-tuloy na tayo sa ating mga tatalakayin ngayon gabi ng Martes, 27 ng Enero 2009 at
pangalawang gabi ng Safar sa 1430 sa Hijri calendar.
”DXUP, anong mapapala ng mga taga Mindanao kong napirmahan ang MOA AD?”
Ito lang ang text na di natin nasagot dahil kinakapos tayo ng oras kagabi at nangako tayong
subukan nating pag-usapan ang MOA AD, ngayon gabi.
MOA AD,
Nagimbal ang buong mundo, lalo na ang mga Bangsamoro ng mabigo na maisakatuparan ang
“pormal” na pirmahan ng Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) sa
pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at pamahalaan ng Pilipinas.
Ang layon ng MOA AD ay upang wakasan ang matagal na hidwaan at sigalot sa pagitan ng
kalakhang estado ng Pilipinas at ng mga Bangsamoro sa Mindanao.
Napaloob din sa kasunduan upang tuldukan ang tatlong dekadang digmaan sa Mindanao sa
pamamagitan ng pagpapalawak ng Autonomous Region of Muslim Mindanao o ARMM at
pagbibigay ng ilang kapangyarihang administratibo sa mamumuno sa itatatag na BJE. Tinatayang
MOA-AD Bakit Hanggangg Ngayon ay Pinag-uuspan.doc Page 2 of 5
mahigit na 700 barangay sa Sultan Kudarat, Lanao Del Norte at North Cotabato ang maidaragdag
sa ARMM kung matutupad ang kasunduan.
Isang araw bago pa magkakapirmahan -Agosto 4 pa lamang ay dumating na ang mga imbitadong
mga lider, kilalang diplomats, stakeholders at reporters sa buong mundo sa Kuala Lumpur,
Malaysia.
Nakakalunos isipin na hindi pa man pormal na napagtitibay ang nasabing kasunduan, pinukol na
ito ng batikos at kritisismo mula mga lider na sila sana ang mangunguna upang lutasin ang
problema ng mamayan. Tulad ni Zamboanga City Mayor Celso Lobregat.
Simpleng rason:
“….walang pormal na konsultasyong isinagawa ang pamahalaan” sa mga lugar na masasakop
ng Bangsamoro Juridical Entity (BJE).
Ang salungat na lider sa MOA AD at naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang layon nais
lamang malinawan sa nilalaman ng MOA-AD, kaya agad naman naglabas ng Temporary
Restraining Order (TRO) ang korte upang pigilan ang pirmahan.
Sa kabilang banda, habang patuloy na pinagtatalunan ang legalidad ng nasabing kasunduan, hindi
naman maiiwasang sumulpot ang mga spekulasyong na nais manatili ni Pangulong Arroyo sa
puwesto.
Sa ganitong tagpo, hindi lingid sa sambayanang Pilipino ang mahabang pakikibaka ng mga
Muslim sa katimugang Pilipinas. Pakikibakang maghahatid ng tunay na kapayapaan, katiwasayan
at kaunlaran sa mayamang lupain ng Mindanao.
Heto pa ang isang Text, bagamat nasagot na natin, para sa kaliwanagan ng lahat medyo
babalikan natin:
“Kaka, gusto kong itanong kong bakit hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ng mga
peace advocates, lalong lalo na ninyong mga Bangsamoro ang MOA-AD, hindi ba wala na
iyan, dahil inihayag na ng supreme court na “unconstitutional”?
Ang ginawa ng korte suprema, na diniklarang ”unconstitutional” ang MOA-AD ay katulad na din
sa pagdeklara na walang karapatan ang mga Bangsamoro na masolb ang kanilang malaking
problema, ang katarungan na inagaw at ipinakagkait na maibalik sa kanila, ang pagmamalakad ng
pamamahala sa kanilang mga mamayan at Sultanato, kahit na umalis na ang mga mamankop na
Espanya at Amerika.
Kinakailangan marahil na malaman mo (natin) kaibigan ang mga ilan sa mga mahahalagang
puntos na nakapaloob sa Memoramdum of Agreement ng Ancestral Domain (MOA-AD).
Napakahalaga ito kaibigan na malaman natin dahil ang nasabing kalatas na ginawa at
napagkasunduan ng GRP at MILF panel sa loob ng 3 taon at 8 buwan at ito ay ang nag-iisang
mapayapang sulosyon sa problema ng mga Bangsamoro:
1. Ang Pamahalaan ng Republika ng Pilipinas (GRP) at ang Moro Islamic Liberation Front
(MILF) ay nagkasundo at tumalima sa karapatan ng bawat isisilang na Moro at katutubo sa
Mindanao upang makilala at tanggapin bilang Bangsamoro. Ang kalayaan pumili ng mga
katutubong tao (indigenous people) ay igagalang.
3. Ang dalawang panig na nagkasundo ay tumalima na ang lupang minana ay hindi kabilang sa
lupain ng pamahalaan ng Pilipinas bagkos ito’y sumsakop sa lupang minana, pinagkaisahan,
nakaugaliang lupain, karagatan, mga lupian at tubig at ang mga likas na kayamanan na
sumasailalim sa kaugaliang pagmamay-ari.
MOA-AD Bakit Hanggangg Ngayon ay Pinag-uuspan.doc Page 4 of 5
4. Ang magkabilang panig ay tumalima na ang Bangsamoro ay ay may karapatan mamahala sa
sarili na nag-uugat sa kaugalian pinaman ng mga Sultan sa Sulu, Magundanao at ang Pat a
pangampong ko Ranaw. Ito’y mga estado na may sangkap ng bansa sa makabagong panahon.
Sila’y mga “Unang Bansa” (First nation) na may teritoryo at sistema ng pamahalaan na
nagkaroon ng mga kasunduang pagkakaibigan at pangangalakal sa mga banyagang bansa.
Ang dalawang panel ay nagkasundo na ang Bangsamoro Juridical Entity (BJE) ang may
karapatan at huridiksyon sa lupiang minana kasama na ang lahat ng lupaing nasasakop ng
kanilang pamayanan at kasaysayan. (6)
2. Lahat ng mga teritoryo at lugar sa Mindanao at ang mga kalapit na isla kasama ang Palawan
at Sulu na nakilala at naihiwalay bilang lupaing minana ng mga Bangsamoro, kasama na ang mga
panirahan doon at ihiniwalay na lupain ay maaring gawin o limbagin bilang pamayanan ng mga
Bangsamoro kong saan ang pagkapantay-pantay ng mga tao at may paggalang at proteksyon sa
karapatang sibil, pamamahala, pangkabuhayan at pangkultura. (4)
Sa parte naman ng likas na yaman na nasasakop, ay ganito ang nakasaad doon Kaibigan:
Sa Pamamalakad (governance)
· Ang tunay na layunin para mailuklok ang BJE ay upang matiyak ang kanilang pagkatao at
mga salinlahi, protektahan ang kanilang ari-arian at kayamanan at upang maitayo ang sistema ng
pamahalaan angkop at katanggap-tanggap sa kanila bilang kakaibang mamamayan. Igagalang
din ang karapatang mamili ng mga katutubong mamamayan. (3)
(Note: bahagi ng script na ginamit ni Kaka Alih sa programang "Suara Talainged" Jan. 27,
2009-ang Suara Talainged ay programa sa DXUP FM tuwing 6:00-7:00-Lunes hanggang
Biyernes)