You are on page 1of 5

DOMER, Princess Loren D III-12 BSE Filipino

Propesor Pea Maikling Kwento

I. PANGKATAUHAN A. Pamagat ng akda at awtor: Impeng Negro ni Rogelio Sikat B. Sanggunian o aklat na pinagkunan:
images.lalieadzu16.multiply.multiplycontent.com/.../PANUNURING...

II. Buod ng katha: May isang binatang lalaki na nagtatrabaho para sa kanyang ina at mga kapatid, siya ay nagngangalang Impen. Siya ay kadalasang kinukutya ng mga tao sa kanilang lugar dahil sa kanyang kaitiman at kulot na buhok. Isang araw, siya ay pinaalalahanan ng kanyang ina na huwag na lang pansinin ang mga nang-aasar sa kanya para makaiwas sa gulo. Sinubukan nyang huwag lumaban, lalo na kay Ogor na nangunguna sa pang-aapi sa kanya. Ngunit nang siya ay patuloy na naasar at inunahan sa pagsalin ng tubig, hindi nya napigilan ni Impen ang kanyang sarili at dinagukan si Ogor kahit na ito ay matipuno habang siya ay payat na payat lamang. Nagpalitan sila ng dagok pero sa bandang huli, napasuko ni Impen si Ogor at walang nakakibo sa mga agwador. Kinagulat ng mga tao ang nangyari at pinangimian nila si Impen. III. Pagsusuri a. Uring Pampanitikan: Maikling Kwentong Pangkatutubong-kulay b. Istilo ng paglalahad: Naratibo c. Mga tayutay at simbolismo na ginamit: Ginamit ang paglalarawan na itsura, kulay at buhok ng mismong bidang karaketr sa kwento. d.1 Sariling puna/ reaksyon: (1) Tauhan- Buhay ang mga tauhan sa akda. (a) Impen - isang lalaking labing-anim na taong gulang, laging kinukutya ng mga tao dahil sa kanyang kaitiman

(b) Ogor - matipuno ang kanyang katawan, laging nangunguna sa pangungutya kay Impen (c) Inay - nangangaral at nagpapaalala kay Impen na huwag makipag-away (d) Kano - pitong taong kapatid ni Impen na maputi (e) Boyet at Diding - mga nakababatang kapatid ni Impen (f) mga agwador - kasamahan ni Impen sa pag-iigib ng tubig na palaging nangungutya sa kanya (g) Taba - pagbibilhan ni Impen ng gatas para sa kanyang kapatid (2) Istilo ng awtor- Mahusay ang istilo ng awtor, mayaman ang talasalitaan at haraya ng may-akda. Nabigyan ni Matute ng hustisya ang akda. . Nagawa ni Sikat mapayaman ang isang payak na ideya. Nagiya ng akdang ito ang aking isipan at imahinasyon, tunay na isang obra. Masasabi nating isang magaling na manunulat si Rogelio Sikat sapagkat mainam niyang naipahiwatig ang kwento at maliwanag niyang nabigyan ng buhay ito. Maayos niyang nailarawan ang mga tauhan sa kwento tingnan mong buhok, kulot na kulot. Tingnan mong ilong, sarat na sarat. At naku,ang nguso, namamalirong (20) ganyan niya isinalarawan si Impen na siyang pangunahing tauhan ng kwento. Hindi niya nilimitahan ang paglalarawan sa mga tauhan lamang bagkos binigyan din niya ng pansin ang ilang lugar na pinangyarihan ng mahahalagang pangyayari o ang tinatawag na kasukdulan ng kwento. di kalayuan sa gripo ay may isang tindahan. Sa kalawanging yerong medya-agwa niyon ay nakasilong ang iba pang agwador. Nakapagpaganda rin ang ginawang eksena ni Rogelio Sikat na kung saan nagaway si Impen at Ogor. Kung babasahin ang bahagi na kung saan ay nagtalo ang dalawang tauhan, unay aakalain na hindi lalaban si Impen sa kababata na si Ogor, sapagkat iisipin ng mambabasa na susundin niya ang payo ng kanyang ina na wariy isang sirang plaka sa pamamayo sa kanyang anak na hayaan na lamang si Ogor. Ngunit mapanganganga na lamang ang mambabasa dahil sa kahanga-hangang si Impen na buong pusong lumaban kay Ogor nang ang

kanyang kasamaan ay matigil na, nagawa niya ito sa kabila ng kanyang matinding takot kay Ogor na mapanglait sa kapwa. (3) Galaw ng mga pangyayari- Mahusay at kapana-panabik ang mga naging tagpo sa akda, maganda rin ang takbo ng mga pangyayari sa kwento na kung saan madaling mauunawaan ng mga mambabasa ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Naging makatotohanan ang akda sa pamamagitan ng pagtalakay ng mga bagay o pangyayari na sa katotohanay nangyayari naman sa totoong buhay. Gaya na lamang ng mga eksena na kung saan mahaba ang pila ng mga umiigib ng tubig mula sa gripo, ang ganitong tagpo ay malimit na matutunghayan sa ilang lugar sa Tondo kahit na sa kasalukuyang panahon.

d.2 Bisang pampanitikan: Bisang pangkaisipan- Nanatiling may hindi pantay na pagtingin an gating lipunan sa mga taong kagaya ni Impeng. Nananatiling basehan ng pagrespeto ang kulay at pisikal na anyo ng isang tao Bisang Pandamdamin- Nakakalungkot ang realidad. Bisang Pangkatauhan- Ang pag-unlad ng ating lipunan ay hindi magiging possible kung ang simpleng pagkakapantay-pantay ng mga taong bumubuo dito ay hindi nakikita. Nais natin ng respeto ngunit hindi natin ito maibigay sa mga kapatid nating may kakibang kagandahang taglay. Bilang paglalahat ating tandaan na ang lahat ay binigyan ng pantaypantay na karapatan na kailangan ding pangalagaan at gamitin sa tamang lugar at panahon.

Impeng Negro ni Rogelio Sikat

"Sa matinding sikat ng araw, tila siya mandirigmang sugatan, ngunit matatag na nakatindig sa pinagwagihang larangan."

Naghuhugas ng kamay sa batalan si Impen nang kausapin o pangaralan siya ng kanyang ina. Binalaan siya ng kanyang ina na huwag na siyang makipag-away at uuwing basag ang mukha.

Nagpunta si Impen sa igiban ng tubig dahil isa siyang agwador. Mahina na ang kita ng kanyang ina sa paglalaba at mahina na rin ang kanyang kita sa pag-aagawador ngunit patuloy siya sa pagtatrabaho kahit na maraming nang-aapi sa kanya. Inaapi siya dahil sa estado ng kanilang pamilya at dahil sa kanyang kulay. Isa sa mga matinding manukso sa kanya ay ang kapwa agwador na si Ogor.

Napansin ni Impen ang langkay ng mga agwador sa may gripo. Nakaanim na karga siya at may sisenta sentimos nang kumakalansing sa bulsa ng kanyang maong. Nanatili siya roon upang mag-igib pa at tatanghaliin siya ng pag-uwi. Nakita niya si Ogor sa isang tindahan malapit sa gripo. Tulad ng nakagawian nito, agad siya nitong tinawag na Negro at pinagsalitaan ng masasakit na salita. Sumingit si Ogor sa pila nang si Impen na ang sasahod ng balde niya. Sa kagustuhang makaiwas sa gulo, hindi na umimik si Impen at nagpasyang umalis na lamang.

Pinatid ni Ogor si Impen nang papaalis na ito sa pila. Nabuwal si Impen. Tumama ang kanan niyang pisngi at nagalit si Impen at nagsuntukan sila. Hindi tumigil si Ogor sa pagtadyak, pagsuntok, at pananakit kay Impen hanggang sa labis nang napuno ng poot si Impen. Humina si Ogor sa sunud-sunod na dagok at bayo ni Impen sa kanya. Sumuko siya kay Impen, na ikinagulat ng lahat. Maraming sandaling walang nangahas na magsalita. Naramdaman ni Impen ang paghanga mula sa mga taong pumalibot sa kanila ni Ogor. Tiningnan ni Impen ang nakabulagtang si Ogor. Nakadama siya ng kapangyarihan.

You might also like