You are on page 1of 40

 Ang Pagtuturo ng

Pagsulat


April M. Bagon-Faeldan

• Ang Pagsulat… Bakit?
• Saksi tayong lahat sa maraming paraan
at teknik sa pagtuturo ng wika lalo na nitong
huling kapat na bahagi ng ika-20 siglo.
Nagkaroon nang mabilis na pagbaba sa mga
pananaw at dulog sa pagtuturo at pagkatuto
ng wika mula sa pagtuturong tradisyunal
hanggang sa komunikatibong dulog sa
pagtuturo ng wika. Sa kabilang dako, ang
pagsulat bilang isang makrong kasanayan ay
napag-iwanan. Tama, may mga seminar at
komperensyang idinaraos sa pagsulatat
dumadalo tayo sa mga ganitong pagpupulong
upang makasapol ng epektibong pamaraan at
teknik sa pagtuturo ng pagsulat. Ngunit pag-
uwi nati’y balik pa rin tayo sa dulog ng tangi
sa nakararaming guro- ang “write a title
approach” na taliwas sa dapat asahan dahil
marami nang mabisang paraan at teknik sa
pagtuturo ng pagsulat at komposisyon.
• Ang pababagu-bago ng mga dulog,
paraan at teknik sa pagtuturo at
pagsulat at maaaring nagsasanga
sa sarili nating pananw hinggil sa
mga tanong na inilahad sa ibaba:
 

• Ano ang pagsulat?


• Bakit itinuturo ang ang pagsulat?
• Anu-ano ang mga layunin sa pagtuturo
ng pagsulat?
• Anu-ano ang mga napapanahong
dulog sa pagtuturo ng pagsulat?
•  

 Mga Uri ng Sulatin
• Personal na Sulatin – impormal,
walang tiyak na balangkas, at
pansarili. Ito ang pinakagamiting uri
ng sulatin ng mga bata dahil
nagagawa nilang iugnay ang
anumang paniniwala, damdamin, pag-
iisip o di kaya’y tungkuling taglay nila
sa kanilang sarili.

• Transakyunal na Sulatin – pormal,


maayos ang pagkakabuo, at
binibigyang-pokus ang impormasyon
o mensaheng nais ihatid dahil
komunikasyon ang pangunahing
layunin ng ganitong sulatin.
• Malikhaing Sulatin – masining ng
paglalahad ng naiisip o nadarama
at karaniwang binibigyang-pansin
ang wikang ginagamit sa sulatin.
Ito’y ginagawa ng ilang tao bilang
midyum sa paglalahad ng kanilang
sariling pananw sa mga bagay sa
paligid o di kaya’y isang libangan.
•  

Personal na Sulatin

• Shopping (groseri list)


• Tala
• Diary
• Dyornal
• Dayalog
• Liham
• Mensahe
• Pagbati
• Talambuhay
Transaksyunal na Sulatin

• Liham Pangangalakal
• Panuto
• Memo
• Plano
• Proposal
• Patakaran at mga Tuntunuin
• Ulat
• Adbertisment/Patalastas
Malikhaing Sulatin

• Tula
• Maikling kuwento
• Awit
• Anekdota
• Biro
• Bugtong
• Bukod sa mga uri ng sulating inilahad
sa itaas, ang mga sulatin ay
maaaring uriin ayon sa anyo:
– Pasalaysay (Narration) –
Pagpapahayag na naglalayong
maghayag nang sunod-sunod ng
isang pangyayari, mga tauhan at
may tagpuan. (maikling kuwento,
talambuhay, dyornal, kasaysayan,
kathangisip, atb.)
•  

– Palarawan (Descriptive) -
Pagpapahayag na naglalayong
magsaad ng larawan ng kabuuan ng
isang bagay, pangyayari o
magbigay ng isang biswal na
konsepto ng mga bagay-bagay,
pook, tao o pangyayri.
(paglalarawan ng mga tao, bagay,
lugar o konsepto).

– Panghihikayat (Persuasive) -
Pagpapahayag na naglalayong
mahikayat ang mambabasa na
makiayon o tanggapin ang pananw
ng manunulat. (adbetisment,
– Eksposisyon (Exposition) -
Pagpapahayag na may tunguhing
ipaliwanag ang pangyayari,
opinyon, kabatiran at mga kaisipan.
(pagpapaliwanag, impormasyon).

– Pangangatwiran (Argumentation)
- Pagpapahayag ng isang kaisipan,
paniniwala o kuro-kuro na
naglalayong mapaniwala ang
kausap o bumabasa sa opinion,
palagay at paniniwala ng
nagsasalita o ng sumusulat.
(opinyon, talakay, ebalwasyon).
Mga Kailangan sa Pagbuo ng Isang
Sulatin
 Ang pagsulat ay isang kompleks na
kasanayan. Ang isang manunulat ay
kailangang may sapat na kaalaman sa
mga salik na mahalaga sa pagbuo ng
isang sulatin, gaya ng mga sumusunod:
• Tapik/Paksa. Kailangan sa pagbuo ng
isang sulatin ang sapat na kaalaman
o impormasyon sa paksang susulatin.
Ang mga kaalaman/impormasyon ay
maaaring galing sa mga sangguniang
aklat, dyornal, atb., o mga
impormasyong nakapalap buhat sa
mga pagmamasid at/o personal na
• Layunin. Dapat na malinaw sa
isipan ng manunulat ang dahilan
kung bakit siya nagsusulat. Malaki
ang magiging epekto nito sa
kanyang paraan ng pagsulat. Kaya
ang kaibahan sa anyo o porma ng
isang sulatin ay nakabatay nang
malaki sa layunin.
•  

• Interaksyon at isang pagbuo sa
kamalayan ng Awdyens. Dapat
isaisip ng isang manunulat na may
nagaganap na interaksyon sa
pagsulat. Kung minsan, ang
manunulat ay nag-iinterak sa kanyang
sarili, halimbawa, kapag nagsulat siya
ng dyornal, pero sa maraming
pagkakataon ang interaksyon ay sa
ibang tao. Kailangang linangin din ng
isang manunulat ang kanyang
kasanayang interpersonal. Dapat na
alamin niya kung sino ang
sinusulatan, ano ang maaaring gusto
niyang malaman, ano ang lawak ng
kanyang pag-unawa, anong uri ng
wika ang angkop na gamitin kung
• Wika. Ang isang manunulat ay
kailangang mayroon ng kaban ng
wikang maaaring gamitin ayon sa
pangangailangan. Dapat alam niya
ang istilo ng wikang angkop na
gamitin sa lahat ng pagkakataon.

• Konbensyon. Dapat isaalang-alang


ang mga konbensyon sa pagsulat
na tinatangkilik sa isang
pamayanan. Halimbawa, may
sariling pormat at istilo ng wika ang
pagsulat ng adbertisment na kaiba
sa pagsulat ng isang memorandum.
• Mga kasanayan sa pag-iisip. Ang
isang manunulat ay dapat magtaglay
ng iba’t ibang kasanayan sa pag-iisip.
Kailangang may taglay siyang
kasanayan sa pagtatangi ng mga
bagay at pangyayari upang
madesisyunan niya kung alin ang
mahalaga o hindi; kailangan din niya
ang kaalaman sa lohika upang
makapangatwiran siya nang mabisa;
kailangang alam din niyang pagalawin
ang kanyang imahinasyon at maging
malikhain para sa kawili-wiling
paglalahad; kailangang mayroon din
siyang kakayahan sa pagbibigay ng
sariling pagpapasiya at ibapa.
Anupa’t totoong masasabi natin na
• Kasanayan sa pagbubuo. Isa sa
mga tunguhin ng manunulat ang
makabuo nang maayos na talataan
na naglalahad nang malinaw na
ideya at mga pansuportang
detalye. Nagagawa rin ng isang
mahusay na manunulat na lohikal
na mailahad ang pagkakasunud-
sunod ng mga ideya sa pagbuo ng
isang magkakaugnay na teksto sa
pamamagitan ng paggamit ng mga
angkop na pang-ugnay.

• Sariling sistema ng pagpapahalaga.
Dapat isaalang-alang sa pagsulat ang
mga pagpapahalagang pinananaligan ng
isang manunulat at handa siyang
panindigan ang mga ito. Binibigyang-
pansin niya sa pagsulat ang mga
sumusunod:
– ano ang mahalaga sa paksa;
– ano ang maganda o mahusay na pagsulat;
– ano ang angkop na paraan ng
pakikipagtalastasan sa isang taong may
edad kaysa sumusulat;
– sino ang awdyens o pinaglalaanan ng
sulatin;

• Ang mga ito at ilan pang personal o


• Mekaniks (pagkakasulat,
pagbaybay, pagbabantas,
konbensyon sa pagsulat). Dapat
isaisip na ang maayos na
pagkakasulat ng isang sulatin ay
isang kailanganin na dapat
isaalang-alang sa pagsulat.
Kailangan din na ang lahat ng
salitang gagamitin sa pagsulat ay
may wastong baybay. Hindi rin
dapat kaligtaan ang wastong
pagbabantas at ang angkop na
anyo ng teksto na gagamitin sa
• Ang proseso ng Pagsulat. Dapat
mabatid ng isang manunulat ang
mga proseso na sinusunod sa
pagsulat: pagpili ng paksa,
paglilikom ng mga ideya, paggawa
ng draf o burador, pagrerebisa,
pag-eedit, ibayong pagtingin sa
buong manuskrito at paglalathala.

 Ang Pagtuturo ng mga Kasanayan
sa Pagsulat
Bakit itinuturo ang pagsulat?

• Ang maraming bilang ng mga


mag-aaral na palihim na
nagrerebelde ang kalooban dahil
kailangan nilang mag-submit ng
komposisyon ay karaniwang
senaryo sa maraming klasrum at
halos ay hindi binibigyang-pansin
ng maraming guro ng wika.

 Ang ganitong tanawin ay
maaring bunga ng mga maling
konsepto at mga paraan at
istratehiya sa mabisang pagtuturo ng
pagsulat at komposisyon sa ating
mga paaralan.
 Dapat isaisip na ang kakayahang
mailahad ang anumang naiisip o
nadarama sa pamamagitan ng
pagsulatay napakahalaga sa ating
pang-araw-araw na pakikipag-
ugnayan. Ang pagsulat ay maaaring
tanawin bilang tugon sa
pagpapahayag ng ating damdaming
Bukod sa katotohanang dapat ituro ang

pagsulat para sa pansariling


kapakanan, marami pang ring ibang
pangangailangan na dapat tanawin sa
pagtuturo ng pagsulat gaya ng mga
sumusunod:
• Ang mga gawain sa pagsulat ay ay
mahalagang daan upang
mapagsama-sama at mapatibay ang
mga kasanayang natamo sa iba pang
makrong kasanayan gaya ng sa
pakikinig, pagsasalita at pagbasa.
• Ang mga gawain sa pagsulat ay iba’t
iba at ito’y maaaring silbing
pangganyak at maari ring tanawin
• Ang mga gawain sa pagsulat ay
maaaring tagatala ng kung ano ang
mga natutuhan sa pagsasalita at
nakatutulong din sa pagpapanatili ng
mga patutuhang talasalitaan at mga
istruktura ng pangungusap.
• Ang pag-uugnay ng pagsulat sa iba
pang mga kasanayang pangwika ay
magbubunsod sa isang reyalisasyon
hinggil sa kahalagahan ng pagsulat sa
tunay na buhay. e.g. pagsagot sa
telepono at pagtatala ng mensahe na
nais ipahatid g kausap sa telepono.
• Ang pagsulat ay isang mabisang paraan
ng pagtataya para sa malaking bilang
 Mga Mungkahing Patnubay sa
Pagtuturo ng Pagsulat
• Gawing maluwag ang kalagayang
pangklase. Upang magkaroon ng
isang bukas, tapat, kaiga-igayang
kalagayan sa klase, subukin ang
mga sumusunod na gawain:
– Pagpares-parisin ang mga mag-aaral
sa unang araw ng pasukan at
hayaang kapanayamin ang isa’t isa.
Pagkatapos, hayaang ipakilala sa
klase ng bawat isa ang kanilang
kapares.
– Ganyakin ang bawat mag-aaral na
magkuwento tungkol sa isang
karanasan na nagpapakita ng
“pagmamalaki sa sarili.”
– Magpakita ng retrato (pansarili o
pampamilya) at magkuwento
tungkol dito. Bigyang pansin ang
mga sumusunod: Ano ang iyong
naging damdamin ng kunan ang
retratong ito? Masaya o malungkot
ka ba? Bakit? Ano ang kaibahan mo
noon at ngayon? Ano ang mahalaga
sa iyo noong kuhanan ang retrato?
Pagkatapos, tumawag ng ilang mag-
aaral at ipagawa rin ang ganito.
• Linangin ang kasanayan sa
pagmamasid sa paligid. Ang
mga manunulat upang mailarawan
ang mga bagay tungkol sa kanilang
sarili at sa daigdig na kanilang
ginagalawan. Upang maging
matapat sa kanilang paglalarawan,
kailangang maging sensitibo sila sa
mga detalye – at ito’y
nangangailangan nang masugid na
pagmamasid. Narito ang isang
gawain na makatutulong sa
paglinang ng kasanayan sa
Basahing mabuti ang mga panutong inilahad sa ibaba.

Kasunod nito’y isang halimbawa ng gawain sa


pagmamasid sa isang restoran. Pag-aralan ang
huwarang halimbawa. Pagkatapos, sumulat ng sariling
pagmamasid sa kantina ng paaralan.
• Humanap ng isang lugar na makapagmamasid at
makasusulat nang hindi makakakuha ng atensyon.
• Pumili ng isang tao na ilalarawan hanggang sa kaliit-
liitang detalye. Isama ang mga detalye tungkol sa
edad, taas, buhok, mukha, pananamit, tindig, kilos o
galaw, pananlita, itnig at iba pang katangiang iyong
mapagtutuunan nang pansin.
• Ilarawan ang iba’t ibang amoy.
• Ilarawan ang iba’t ibang salita kaugnay ng panlasa.
• Pakinggang manuti ang mga tunog sa paligid katulad
ng usapan, ingay at musika.
• Ilarawan ang mga salitang pandama.

 Halimbawa:
Lugar: Tapsilog Restoran

Paningin

• Isang mama
• Humugit-kumulang, limang talampakan ang
taas
• Itim ang buhok- medyo nakakalbo na
• Apatnapu’t limang taong gulang
• Pango ang ilong
• Hindi nag-aahit
• Nakasuot ng puttng T-shirt
• May nakatatak sa T-shirt
• Askulado
• Nag-iisa. Magalang makipagusap

Amoy

• Amoy ng kumukulong kape


• Amoy ng sibuyas
• Mausok
• Amoy ng inihaw na isda
• Amoy bawang
Lasa

• Matamis na tsokolate
• Mapait na kape
• Manghang na sawsawan
• Maalat na tapa
Tunog

• Sagitsit ng pinipritong karne


• Ugong ng mga sasakyan
• Kalampagan ng mga pinggan
• Tawanan
• Tugtog mula sa jukebox
• Kalansing ng pera sa kaha
• Busina ng mga sasakyan
Bahagi ng mga usapan

• “Panalo na naman ang Ginebra!”


• “Dalawang order ng tapa.”
• “Ketsup nga.”
• “Ano po ang order ninyo?”
• “Kape nga, may gatas.”
• “Masarap nga ang pagkain dito.”
• “Babawi ang Alaska bukas.”
• “Anong kakainin mo?

Pandama

• Malamig na sabaw
• Malangis na mga kutsara
• Basang-basa ang mesa
• Matigas ang napkin, mumurahin
• Mamantika ang itlog
Maging maluwag sa pagbibigay

ng mga nakagaganyak na papuri.


• Magiging kawili-wili sa sa mga mag-
aaral ang pagsulat kung paminsan-
minsan ay nagbibitiw ng mga
papuri ang guro. Paano ba ang
pamumuri? Paano ito isasagawa?
Narito ang ilang maaaring paraang
sundin ng guro.

• Gasing ang Pandamdam:
• “Napagalaw mo ang iyong mga pandamdam”
• “Naging matalas din ang iyong pandinig”
• Detalye:
• “Siguradong makikita ko ang lugar na iyon; nailarawan mo ito hanggang sa
kaliit-liitang detalye.”
• Kapani-paniwala:
• “Tunay na alam mo ang lugar na iyon”
• Mga Salitang Kilos:
• “Kumilos.. Gumalaw.. tunaya na nagamit mo ang mga pandiwa.”
• Determinasyon:
• “Alam kong nahirapan ka sa pagsulat nito pero pakinggan mo ang daloy ng
iyong mga pangungusap”
• Tibay ng Loob:
• “Nakaranas na rin ako ng kabiguan at minsan mahirap itong sabihin sa iba.
Subalit nagawa mo ito kung kaya’t maganda ang naging marka ng iyong
papel”
• Paggamit ng salita:
• “Pansinin mo ang pares ng salitang iyong ginamit patak sa bitak. May bahagi
bang matulain sa iyong sinulat?
• Imahinasyon:
• “Naramdaman kong parang totong nandoon ako sa planetang iyon.”
• Dayalog:
• “Nang pagpasalitain mo ang iyong tauhan, para silang mga totoong tao.”
• Katatawanan:
• Sabihin: “Pakita! Huwag
sabihin.”
• Tandaan na hindi sinasabi na
magagaling na manunulat ang
kanilang naiisip o nadarama.
Ipinakikita nila ito. Pansinin ang
pahayag na ito: “Sa pagsilip ng
buwan sa pinagtataguan nitong
ulap ay biglang nagliwanag ang
paligid.” Maaari itong sabihin na
“Maliwanag ang buwan.”
• Narito ang ilang paraan ng
pagpapakita ng iniisip o nadarama:
• Bigyang –diin ang paggamit ng mga
salitang kilos, lalo na ang mga
pandiwa.
• Gumamit ng mga talinghaga tulad ng
simili at metapora.
• Gumamit ng usapan sa sulatin.
• Bigyan ang mga mag-aaral ng isang
takdang babasahin at udyukin a sila
ng mga tanong tulad ng sumusunod:
– Sa pahina ___, paano ipinakita ng may-
akda na may panganib na
kakaharapin ang pangunahing
tauhan?
– Sa akdang ito, paano ipinakita ng
may-akda na masama ang pag-uugali
ni Rosa?
– Ano ang ginawa ng may-akda para
ipadama na parang malapit ka sa

At paminsan-minsan paalalahanan sila


na gamitin ang istilo ng pagsulat na
nakita sa akda.
 

• Laging ipaalala ang wastong


gamit ng salita, batas at
kayarian ng pangungusap.

• aprilmbagon-faeldan
• minscat alcate victoria, oriental
mindoro
• 09052561071
• aprilbfaeldan@yahoo.com

You might also like