You are on page 1of 5

Computer

KABANATA II

ANG SULIRANIN

A.) Ano ba ang dulot sa pinagmulan ng isang makabagong teknolohiya?

Sa pagpasok ng ika-20 siglo, nagsimula ang panahon ng Electronic


Devices. Paglipas lang ng ilang dekada ito ay lumago at nakilala at naging isang pangkaraniwang
bahagi na ng pangaraw-araw na pamumuhay ng tao. Habang lumalago ang industriyang ito,
isinilang ang isa sa pinakamagandang nilikha ng tao para sa kanyang sarili – ang Computers. Isa
itong aparato na gumagawa ng trabaho ng tao nang mas mabilis. Ang mga salitang Computer ay
nangangahulugan noong una na “isang tao o isang bagay na nagkakalkula at nagbibigay ng
resulta base sa isang lohikal na paraan at proseso”. Ang abacus ay maituturing na isang computer
noong unang panahon sapagkat ang layunin nito ay mapadali ang kalkulasyon ng mga
mangangalakal. Sa kasalukuyan, ang abacus ay hindi na maituturing na computer sapagkat
napakalayo na ng agwat ng nagagawa nito sa kilala natin ngayon na mga computer. Napaganda,
napabilis, napaayos at napadali ng ilang siglong pag-aaral ang mekanismo ng computer. Ang versatility
nito isang resulta ng pagiging malikhain at matiyaga ng mga tao. Naituring ang bagay na ito na isa sa
pinakamagandang nalikha ng tao sapagkat isa itong makapangyarihang aparato na nagpapatakbo sa
halos lahat ng bahagi ng mundo upang maging mas maayos at madali ang buhay. Hindi naiwasan na
gamitin ang kakayahan ng mga Computer upang gawin ang isang mundo kung saan maaaring gawing
biswal ang imahinasyon ng tao. Dahil sa intensyon ito, isinilang ang Virtual World o mas kilala sa tawag
na Virtual Reality. Sa mundong ito, napapasok ng tao ang isang mundo na kathang isip sa pamamagitan
ng panonood o paglalakbay dito sa tulong na rin ng mga monitor o mga telebisyon na ginagamit sa
Computer. Di naglaon, pumasok ang ideya na maaaring magamitin ang virtual reality upang
makapaglaro at malakbay ang imahinasyon ng tao. Dito na rin nagsimula ang paglikha ng tao ng mga laro
sa Computer at paggamit nito sa paglilibang.
B.) Epekto Ng Makabagong Teknolohiya Partikular Na Ang Kompyuter Sa Mga
Mag-Aaral Sa Ust-Amv-Coa Sa Ikaapat Na Antas Taong 2008-2009

Sa panahon ngayon, nagkalat ang iba’t ibang makabagong teknolohiya sa ating mundong patuloy
na umuunlad. Isa sa mga teknolohiyang ito ay ang kompyuter. (ayon sa wikipedia) Ang
kompyuter ay isang makina na ginagamit sa paggawa ng mga kalkulasyon o mga operasyon na
maaaring gawin sa pamamagitan ng mga terminong numerikal o lohikal. Ito ay nakapaghahatid
ng aliw, nakakapagpabilis ng gawain at nakakapagpayaman ng buhay ng tao sa pamamagitan ng
mga karagdagang programa. Mayroong aspeto ang kompyuter na tinatawag na software. Ito ay
ang mga programang ginawa para mapagalaw ang kompyuter. Isang halimbawa ay ang
Accounting software. Ito ay may tungkulin na magtala at magproseso ng mga transaksyon sa
accounting. Ito’y gumaganap bilang isang accounting information system na nagoorganisa at
nagpapadali ng gawain ng isang accountant. Ninanais ng mga mananaliksik na mapag-aralan ang
epekto na dulot ng paggamit ng makabagong teknolohiya sa loob ng UST-AMV-CoA partikular
na sa mga mag-aaral ng ika-4 na antas taong 2008-2009.

Kahalagahan/Kabuluhan (importance)
Ang kahalagahan ng pag-aaral ng ito ay upang mapagibayo pa ang pag-gamit ng kompyuter.   Sa pag-
alam ng mga mabuting epekto, mas makikinabang ng malaki ang gagamit ng kompyuter .   Maari ding
malaman ang solusyon at karampatang kaalaman ng mga negatibong epekto.
Layunin (aim)
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay matukoy at maipakita kung anu-ano ang mga nakakatulong at mga
hadlang sa paggamit ng kompyuter para sa kursong accounting. Hangad din nitong makahanap ng
impormasyon ukol sa kalamangan ng mga computer literate sa larangan ng accounting. Nais ng mga
mananaliksik na magkaroon ng sapat na pag-unawa ang mga estudyante sa paggamit ng kompyuter at
ang aplikasyon nito sa kanilang magiging propesyon na accounting.
1.   Ano ang tungkulin ng mga accountant?
2.   Gamit ang kompyuter, paano mapapaunlad ng mga accountant ang kanilang trabaho?
C.) Ano bang importansya mayroon ang isang kompyuter?
Sa   pagpasok   ng   ika-20   siglo,   nagsimula   ang   panahon   ng   Electronic Devices. Paglipas lang ng
ilang dekada ito ay lumago at nakilala at naging isang pangkaraniwang bahagi na ng pangaraw-araw na
pamumuhay ng tao. Habang   lumalago   ang   industriyang   ito,   isinilang   ang   isa   sa
pinakamagandang nilikha ng tao para sa kanyang sarili   – ang   Computers.   Isa itong aparato na
gumagawa ng trabaho ng tao nang mas mabilis. Ang mga salitang   Computer   ay nangangahulugan
noong una na   “isang tao o isang bagay na nagkakalkula at nagbibigay ng resulta base sa isang lohikal na
paraan at   proseso”.   Ang abacus ay maituturing na isang   computer noong unang panahon sapagkat
ang layunin nito ay mapadali ang kalkulasyon ng mga mangangalakal.   Sa   kasalukuyan,   ang   abacus  
ay   hindi   na   maituturing   na computer sapagkat   napakalayo na ng agwat   ng nagagawa nito sa kilala
natin ngayon na mga computer. Napaganda, napabilis, napaayos at napadali ng ilang siglong pag-aaral
ang mekanismo ng computer. Ang versatility nito isang resulta ng pagiging malikhain at matiyaga ng mga
tao. Naituring ang bagay na ito na isa sa   pinakamagandang   nalikha ng   tao   sapagkat   isa   itong  
makapangyarihang aparato na nagpapatakbo sa halos lahat   ng bahagi   ng mundo upang maging mas
maayos at madali ang buhay. Hindi naiwasan na gamitin ang kakayahan ng mga Computer upang gawin
ang isang mundo kung saan maaaring gawing biswal   ang imahinasyon ng tao. Dahil   sa intensyon ito,  
isinilang ang   Virtual   World o mas kilala sa tawag na Virtual Reality. Sa mundong ito, napapasok ng tao
ang isang mundo na kathang isip sa pamamagitan ng panonood o paglalakbay dito sa tulong na rin ng
mga monitor o mga telebisyon na ginagamit sa Computer. Di naglaon, pumasok ang ideya na maaaring
magamitin ang virtual reality upang makapaglaro at malakbay ang imahinasyon ng tao.
D.) Epekto Ng Makabagong Teknolohiya

Ang teknolohiya (Griyego τεχνολογια < τεχνη "kasanayan sa sining" + λογος "salita,


pagtutuusin" + ang hulapi ια) ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang
pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa
paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa
kaysa sa agham at inhinyeriya.
Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento at gadget na ginagamit ang
kailan lamang natuklasang na proseso at prinsipyong maka-agham. Gayon man, isinilarawan din
ng teknolohiya ang kahit na ang pinakalumang imbento katulad ng gulong.
Sa isa pang kahulugan na ginagamit ng ekonomiya, nakikita ang teknolohiya bilang
ang kasalukuyang kalagayan ng ating kaalaman kung papaano pagsamasamahin ang mga
kakayahan upang magbunga ng ninanasang produkto (at kung anumang maibubunga ng ating
kaalaman). Sa gayon, nakikita natin ang pagbabago sa teknolohiya kung nadadagdagan ang ating
kaalaman dito.
Sa isa pang kahulugan na ginagamit ng ekonomiya, nakikita ang teknolohiya bilang ang kasalukuyang
kalagayan ng ating kaalaman kung papaano pagsamasamahin ang mga kakayahan upang magbunga ng
ninanasang produkto (at kung anumang maibubunga ng ating kaalaman). Sa gayon, nakikita natin ang
pagbabago sa teknolohiya kung nadadagdagan ang ating kaalaman dito.”

E.) Ano ang pangunahing suliranin ukol sa kompyuter?


Ang pangunahing suliranin ng ating bayan ukol sa pagkalat ng kompyuter sa ating bayan ay ang unti
unting pag kalulon ng mga kabataan sa teknolohiya na masasabing hindi maganda sapgkat maaring
mapabayaan ang kanilang pag – aaral. Nauubos ang allowances/baon at oras ng mga mag-aaral sa
kalalaro ng PC Games. Hindi alintana ang pagbaba ng mga grades sa cards, ang masamang epekto sa
kalusugan ng sobrang pagbabad sa harap ng PC monitor at ibang masamang epekto sa pag-iisip ng
kabataan. Konsiderahin na rin na maaaring dahilan ito ng pagnanakaw o pangungupit ng pera para may
panlaro lamang.
I – PANIMULA

A) KALIGIRAN NG PAG-AARAL
B) PAGLALAHAD NG SULIRANIN
 Ano ba ang dulot sa pinagmulan ng isang makabagong
teknolohiya?
 Epekto Ng Makabagong Teknolohiya Partikular Na Ang
Kompyuter Sa Mga Mag-Aaral Sa Ust-Amv-Coa Sa Ikaapat Na
Antas Taong 2008-2009
 C.) Ano bang importansya mayroon ang isang kompyuter?
 D.) Epekto Ng Makabagong Teknolohiya
 E.) Ano ang pangunahing suliranin ukol sa kompyuter?

C)KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
D) SAKLAW AT LIMITASYON
E)METODJI
F) DEPINASYON NG MGA TERMINO
G) KONKLUSYON
F) REKOMENDASTON
G) BIBLIOGRAPHY
H) BIO-DATA

You might also like