You are on page 1of 5

PANITIKAN

Panitikan- (Nagmula sa salitang Titik) Ang salitang Tagalog na panitikan ay galing sa unlaping PANG na nagiging PAN kapag ang kasunod na salita ay nagsisimula sa ( d,l,r,s,t) sa salitang TITIK ( letra ) na nawawalan ng simulang T sa pagkakasunod sa PAN at sa hulaping AN, samakatwid: PANG TITIK AN na nagiging PANITIKAN. Ang salitang ito ay panumbas ng Tagalog na literatura o literature na kapwa batay sa salitang lating litera na kahulugay letra o titik. Ang Panitikan Ayon sa mga Manunulat Ang panitikan ay nagpapahayag ng damdamin ng tao tungkol sa ibat ibang bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa pamahalaan sa lipunan at sa kaugnayan ng kanilang kaluluwa sa Dakilang Lumikha. ( G. Azarias ) Ang panitikan ay bungang-isip na isinatitik. ( G Abadilla ) Ang panitikan ay nasusulat na mga tala ng pinakamabuting kaisipan at damdamin. ( W. J. Long ) Ang panitikan ay bungang isip na isinatitik at sumasaklaw sa lahat ng uri ng katha na tumutulong sa wastong ikauunawa sa kahapon ngayon at bukas. ( Rufino Alejandro ) Dalawang Anyo Tuluyan Maluwag na pagsasama ng mga salita sa karaniwang anyo ng pangungusap. Patula Pagbubuo ng pahayag sa pamamagitan ng salitang binilang sa pantig at pinagtugma-tugma sa dulo ng mga taludtod sa loob ng isang saknong. Mga uri ng anyong tuluyan: 1. Pabula Likhang isip ng manunulat ; karaniwang mga hayop ang tauhan at nag-iiwan ng magandang aral sa mga bata at mambabasa. 2. Alamat Nagsasalaysay sa pinagmulan ng isang bagay,pook , pangyayari o katawagan. 3. Maikling kwento Maikli ngunit masining na anyo ng panitikan. Mga sangkap: a. Tauhan- tumutukoy sa gumaganap ng mahahalagang papel sa kwento. b.Banghay- tumutukoy sa sunod-sunod na mga pangyayaring naganap sa kwento. c. Tagpuan- nagsasabi kung saan naganap ang kwento. d. Tema- diwa ng kwento mensaheng tumutulong upang maunawaan ang buhay o Makita ito sa ibang pananaw. 4. Sanaysay: - anyo ng paglalahad na nagsasaaad ng sariling pangmalas o pananaw ng sumulat hinggil sa isang

paksa. 5. Anekdota Isang maiklingsalaysay ng isang nakawiwili,nakalilibang o patalambuhay na pangyayari hango sa tunay na buhay. 6. Talumpati Isang maanyong pagpapahayag ng kaisipan sa paraang pasalita. Mga layunin: a. Maghatid ng mahahalagang ideya tungkol sa paksa. b. Pumukaw ng damdamin c. Makaakit d. Makapaniwala at mapakilos ang mga tagapakinig 7. Dula Larawan ng buhay na may mga tauhang gumaganap at itinatanghal sa entablado. Mga Uri: a. trahedya- malulungkot na pangyayari sa buhay ng tauhan at nagtatapos sa kapahamakan o kamatayan. b. Komedya- masasayang dayalogo ang ginagamit at nagwawakas ng masaya. c. Melodrama- malungkot na mga pangyayari ngunit nagwawakas ng kasiyasiya. d. Parsa- Layuning magpasaya sa pamamagitan ng usapan,kilos at mga pangyayari sa dula. e. Saynete- layunin din nito ang magpatawa. 8. Balita Naglalahad ng mga pangyayaring pang-araw-araw sa loob at labas ng bansa.

9. Talambuhay Naglalahad ng mga pangyayari sa buhay ng isang tao ,mula ng siya ay isinilang hanggang sa kanyang kamatayan o kasalukuyan. 10. Liham Nag-uugnay sa dalawang tao o pangkat ng mga taong magkalayo. 11. Editoryal Naglalahad ng mga kuro-kuro at pananaw ng mga manunulat tungkol sa isang napapanahong isyu na may kasamang pamumuna. 12. Nobela Tinatawag ding kathang-buhay. Kinasasangkutan ng mga kawing-kawing na pangyayari na sumasaklaw sa mahabang panahon. Mga Uri ng Anyong Patula: 1. Tulang pasalaysay: a. Epiko- mahabang patulang paslaysay na inaawit o binibigkas; hinggil sa

mga mahihiwagang pangyayari o kabayanihan ng pangunahing tauhan. b. Korido tulang pasalaysay na may walong pantig at inaawit ng mabilis o allegro. c. Awit may labindalawang pantig at inaawit ng marahan o andante. 2. Tulang liriko: a. Oda- tula hinggil sa paghanga sa isang bagay. b. Elihiya- tula ng kalungkutan o hinggil sa isang yumao. c. Soneto-tulang may mga saknong na binubuo ng labing apat na taludtod. d. Dalit- awit ng papuri sa Panginoon o mahal na birhen na nagtataglay ng pilosopiya sa buhay. e. Pastoral- tulang naglalarawan ng buhay sa bukid. 3. Tulang pandulaan: a. Karagatan- larong may paligsahan sa tula. b. Duplo- pagpapalawak ng mga paksang nagsasaklaw ng paligsahan ng tula. c. Senakulo- Dula ukol sa kamatayan ni Kristo.

4. Tulang pantigan a. Balagtasan tagisan ng talinong patula b. Duplo- ginaganap sa bakuran ng namatayan c. Karagatan hango sa lamat ng isang primsesang inihulog sa dagat ang singsing. d. Batutian sagutang patula na may halong pangungutya at pagpapatawa. Mga bahagi ng Panitikang Pilipino 1. Katutubong panitikan- mula sa kamula-mulaang panahon hanggang sa pananakop ni Legaspi noong 1565. Sa panahong ito sumikat ang mga awiting- bayan, alamat at mga dula. 2. Panitikan sa ilalim ng krus at espada- mula 1565 hanggang sa pag-aalsa sa Kabite noong 1872. Pinalaganap ang mg tradisyong Europa na napapaloob sa komedya, sarswela,korido,awit ,pasyon at dalit. 3. Panitikan sa pagkagising ng damdaming makabayan-mula noong 1872 hanggang 1896. Ang anyo ng panitikan ay nagging maapoy, mapanuligsa at mapaghamon. 4. Panitikan ng Panghihimagsik at patuloy na pakikipaglaban-mula noong1896 hanggang sa pananakop ng Amerika. Sumikat ang mga tula, maikling kwento at nobela. 5.Panitikan sa ilalim ng Amerika at malasariling Pamahalaan-mula 1910

hanggang 1941. Nagsimulang umunlad ang panitikang Filipino sa Ingles. 6. Panitikan ng mabilis na pagbabago- pananakop na mga Hapon ( 19411945 ) pagkatatag ng republika hanggang sa kasalukuyan. Patuloy na pinagyayayaman ang panitikang Filipino.

Bakit Kailangang Pag-aralan ang Panitikang Pilipino? 1. Upang mabatid ang magagandang kaugalian, tradisyon at kulturang ikinaiba natin sa ibang mga lahi. 2. Upang malaman at maipagmalaki na tayo ay may mga mahuhusay na manunulat na di pahuhuli sa mga manunulat ng ibang bansa o lahi. 3. Upang mabatid natin ang magaganda at mahuhusay na mga akdang Pilipino at nang sa gayon ay natutunan nating pahalagahan at pagmalasakitan ang mga ito. 4. Upang mabatid ang mga sariling kahusayan sa panitikan, gayundin ang ating mga kapintasan at kahinaan upang maging daan ng pagpapabuti ng mga ito. 5. Upang tuklasin ang ating mga kakayahan o aydentidada bilang mga Pilipino. 6. Upang lubusang makilala at madama ang pagiging Pilipino. 7. Upang maipakita bilang Pilipino ang pagmamahal sa sariling panitikan. Panahon ng Panitikang Filipino I. Panahon Bago Dumating ang mga Kastila (mula sa simula hanggang 1565) II. Panahon ng Kastila (1565-1872) III. Panahon ng Pagbabagong Isip (1872-1898) A. Panahon ng Propaganda (1872-1898) B. Panahon ng Tahasang Paghihimagsik (1872-1896) C. Panahon ng Unang Republika IV. Panahon ng Amerikano ( 1900-1941) V. Panahon ng Hapones (1941-1945) VI. Panahon ng Isinauling Kalayaan (Ikalawang Republika) (1945-1970) VII. Panahon ng Aktibismo (1970-1972) VIII. Panahon ng Bagong Lipunan (1972-1981)

IX. Panahon ng Ikatlong Republika (1981-1986) X. Panahon sa Kasalukuyan (Tunay na Republika) (1986-Kasalukuyan)

Panitikan at Kasaysayan Magkaugnay ang Panitikan at Kasaysayan. Sa pagtalakay ng kasaysayan ng isang lahi,tiyak na kasama rito ang damdamin, saloobin,kaugalian o tradisyon ng lahing ito. Ang lahat ng ito kapag naisatitik ay tinatawag na panitikan. Ang kasaysayan ay naisatitik kayat itoy makatotohanang panitikan. Ang lahat ng bagay na naisatitik at tunay na mga nagyari ay makatotohanang panitikan. Samakatuwid, bahagi ng panitikan ang kasaysayan. Paraan ng Pagpapahayag Pasalita man o pasulat maaringtalakayion sa apat na paraan ang pagpapahayag. 1. Pasalaysay 2. Paglalahad 3. Paglalarawan 4. Pangangatwiran Mga Kalagayang Nakapangyayari sa Panitikan 1. Ang Klima 2. Ang Hanapbuhay o Gawain Pang-araw-araw 3. Pook o tirahan 4. Lipunan at Pulitika 5. Edukasyon at Pananampalataya

You might also like