You are on page 1of 3

y y

Ang pamanahong- papel Isang uri ng papel pananaliksik na karaniwang ipinagagawa sa mga estudyante sa kolehiyo bilang isa sa mga pangangailangan sa isang akademiko. Ito ay nagsisilbing kulminasyon ng mga pasulat na gawain kaugnay ng pag-aaral ng isang paksa sa isang kurso o asignatura sa loob ng isang panahon o term. Mga pahinang Preliminari o Front Matters

a. Fly Leaf 1- blangko b. Pamagating Pahina nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong-papel; kanino iniharap o ipinasa ang papel; kung saang asignatura ito kailangan; kung sino ang gumawa at panahon ng kumplesyon. Inverted pyramid ang pagkakaayos ng mga impormasyong nasa pahinang ito. c. Dahon ng Pagpapatibay tawag sa pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng pamahong-papel. y y Pahina ng Pagpapakilala Tinutukoy ng mananaliksik ang mga individwal, pangkat, tanggapan o institusyong maaring nakatulong sa pagsulat ng pamahong-papel at kung gayo y nakatulong sa pagsulat ng pamanahong-papel at kung gayo y nararapat pasalamatan o kilalanin. Talaan ng Nilalaman Nilalaman ng pamanahong-papel at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa. Talaan ng mga Talahanayan at Grap Nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan at/ o graf na nasa loob ng pamanahong-papel at ang bilang ng [ahina kung saan matatagpuan ang bawat isa. Fly Leaf 2 blangkong pahina bago ang katawan ng pamanahong-papel. Kabanata I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito

y y

y y

y y y

a. Panimula o Introduksyon ay isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik. b. Layunin ng Pag-aaral inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral. Tinutukoy rin dito ang mga tiyak na suliranin na nasa anyong patanong.

c. Kahalagahan ng Pag-aaral inilalahad ang signifikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral. Tinutukoy rito ang maaaring maging kapakinabangan o halaga ng pag-aaral sa iba t ibang indibidwal, pangkat, tanggapan, institusyon, propesyon, disiplina o larangan. d. Saklaw at Limitasyon tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik. Dito itinatakda ang parameter ng pananaliksik dahil tinutukoy rito kung anu-ano ang baryabol na sakop at hindi sakop ng pag-aaral. e. Depinisyon ng mga Terminolohiya ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isa y binng pagpapakahulugan ay maaaring konseptwal ( ibinibigay ang istandard na depinisyon ng mga katawagan) o operasyunal (kung paano iyon ginamit sa pamanahong- papel).  May mga pamanahong-papel na kakikitaan ninyo ng Conceptual o Theoretical Framework, Hypotheses at Assumptions sa Kabanata I y y y Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura Tinutukoy dito ang kaugnay na literatura o babasahing may kaugnayan sa pananaliksik. Dito tinutukoy kung sinu-sino ang mga may-akda ng naunang pag-aaral o literatura,disenyo ng pananaliksik na ginamit, mga layunin at mga resulta ng pag-aaral. Dito ipinaalam ng mananaliksik ang kasalukuyang estado ng kaalaman kaugnay ng kanyang paksa. Bago at nailimbag sa loob ng huling sampung taon. Piliting gumamit ng lokal at dayuhan Katangian: obhektibo o walang pagkiling; nauugnay o relevant sa pag-aaral; at sapat ang dami o hindi napakakaunti o napakarami. Kabanata III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

y y y

a. Disenyo ng Pananaliksik nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pagaaral. Hal. Deskriptib-analitik isang disenyo ng pangangalap ng mga datos at impormasyon hinggil sa mga salik o factors na kaugnay ng paksa ng pananaliksik. b. Respondente ng sarbey kung ilan sila at paano at bakit sila ang napili. c. Tritment ng mga Datos inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit upang ang mga numerical na datos ay mailarawan. Sa pamanahong-papel, sapat na ang pagkuha ng porsyento o bahagdan matapos mai- itally ang mga kasagutan sa kwestyuneyr ng mga respondente. y Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Dito inilalahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng tekstwal at tabular o grapik na presentasyon. Sa teksto, inilalahad ng manananaliksik ang kanyang analisis o pagsusuri. Kabanata V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

a. Lagom binubuod ang mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik na komprehensibong tinatalakay sa Kabanata III. b. Kongklusyon mga inferences, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon at impormasyong nakalap ng mananaliksik. c. Rekomendasyon mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o natuklasan sa pananaliksik. y Mga Panghuling Pahina

a. Listahan ng Sanggunin isang kumpletong tala ng lahat ng mga hanguan o sorses na ginamit ng mananaliksik sa pagsulat ng pamanahong-papel. b. Apendiks / Dahong-Dagdag maaaring ilagay o ipaloob dito ang liham, pormularyo ng ebalwasyon, transkripsyon ng interbyu,sampol ng sarbey-kwesyoneyr, bio-data, ng mananaliksik, mga larawan, kliping at kung anu-ano pa.

You might also like