You are on page 1of 1

DIOCESE OF IMUS MINISTRY ON ECOLOGY (DIMEc) Imus, Cavite

Ika-10 ng Agosto 2012


MINISTRY VISION AND MISSION The Ministry on Ecology envisions itself within the vision of the Diocese of Imus: To be a Christian community of proGod, pro-people, pro-life, pro-nature and pro-nation; Disciples of Christ and church of the poor that is responsive and engaged in the transformation of society with the help of Mary, Our Lady of the Pillar. MINISTRY GOAL a. Engage in the participating action oriented research and studies aimed at documenting environmental concerns in air, water and solid waste in the parish and in the province of Cavite. b. Educate and engage the parishioners to value and protect clean air, water and environment. c. Launch programs for continuous development and formation of the parishioners on environmental issues and concerns as a whole. d. Coordinate with government and non-governmental organizations on their programs and activities related to environmental agenda. e. Suggest legislations on effective laws and ordinances on air, water, and solid waste to the local government. f. Train leaders and trainors on ecological spirituality, values formation and transformation of the environment.

Minamahal na Kapatid sa Ministri sa Pamamahala ng Kalikasan: Kapayapaan! Sa loob ng tatlong taon, kasabay ng paghahanda sa Ginintuang Hubeleyo ng ating Diyosesis ng Imus, ipinagdiriwang natin ang Panahon ng Paglikha. Sinamahan ninyo kaming maglakbay at makibahagi upang ang diwa nito ay unti-unting pumasok sa ating kamalayan bilang tagapamahala at tagapangalaga ng kalikasang ipinagkatiwala sa atin ng Diyos Amang Manglilikha. At sa ika-apat na taon ay muli natin itong ipagdiriwang kasabay ng Taon ng Grand KaRaKol ng Diyosesis ng Imus. Ang tema ay naka-ugnay dito, Tenat MagKaRaKol: Maging Katiwala at Tagapangalaga ng Diyos sa Sangnilikha. Ang Pagbubukas ng Panahon ng Paglikha 2012 ay gaganapin sa ika-1 ng Setyembre 2012 sa Parokya ng Nuestra Seora Dela Soledad ng Villa Caacao Subd. Sta. Isabel Kawit, Cavite sa ganap na ika-2 hanggang ika-5 ng hapon. Kasama pa rin natin sa pagdiriwang na ito ang Cavite Ecumenical Fellowship upang sama-samang manalangin para sa paghilom ng sugat na ating ginawa sa kalikasan. Kaugnay dito, kayo at sampung (10) kasapi ng inyong parokya sa Ministri ng Pamamahala sa Kalikasan ay aming inaanyayahan sa muling Pagbubukas ng Panahon ng Paglikha. Ang registration fee at ang mga kopya ng Dasal Kilos Pangkalikasan ng Panahon ng Paglikha 2012 at Maka-kalikasang Pagdiriwang ng ating Simbahan ay nagkakahalaga ng Php150.00. Kami ay maghahanda ng maka-kalikasang miryenda na mais, saging, suman at tubig. Maari ding magdala ng kanilang pagsasaluhan ang inyong mga kinatawan. Maari lamang na ibalot sa maka-kalikasang lalagyan at magdala ng sariling baso, kutsara at tinidor. (Iwasan ang paggamit ng styropore at disposable plastic). Inaasahan namin ang inyong pakikiisa at pagdalo sa pagdiriwang na ito. Nawa ang ating mithiin ay maisapuso ang pagmamahal sa Dakilang Lumikha. Pagpalain nawa tayo ng Poong Maykapal. Inyong kapatid kay Kristo, Rb. Pd Cornelio L Matanguihan Paring Tagapag-ugnay Alice A. Topacio Laykong Tagapag-ugnay

Ipinagkatiwalang pagyamanin at pangalagaan natin.


KALIKASAN:

Email:dimecsecretariat@yahoo.com Mobile no.:0917.868.4025

You might also like