You are on page 1of 2

Di pormal Nagdaan ang Araw ng mga Puso.

Kumita ng malaki ang mga tindahan ng bulaklak, tindahan ng kapote at tindahan ng balot sa kanto. Malaki rin halos ang kinita ng mga sinehan, restawran at mga motel maging ang mga pabrika ng tsokolate at stationary. Ang ligayang dulot ng Valentines Day ay binalot sa mga regalong pinagsumikapang ipunin upang mabigyan ng kahit kaunting saya ang pagbibigyan. Hindi mahalaga ang regalo. Mas mahalaga ang pag-aalala ng nagbigay sa binigyan. At ang kilig na naramdaman sa piling ng iyong pinakamamahal ay nakamit sa pamamagitan ng PDA at PMS o kahit sa simpleng HHWW ng magsingirog. Ang mahalagay tumitibok ang puso ng bawat isa. And love is in the air.

Pormal Alam nating lahat na ang alak ay isang mapanirang substance. Maraming masamang epekto ang labis na pagkonsumo nito sa ating kalusugan at buhay. At kahit na baliktarin mo ang sitwasyon at mundo, sigurado akong malalaman mong walang mabuting maidudulot ang labis na paginom nito lalo na sa pagtagal ng panahon. Kaya nga ang paghinto sa paginom ay isang mabuting desisyon na siyang makapagpapabago ng iyong buhay at pati na rin ang kalagayan mo sa iyong community at kapaligirang ginagalawan. Hindi rin natin dapat isa-isantabi na ang desisyong ihinto ang bisyong ito ay makabubuti sa iyong kinabukasan at makapagpapatibay pa ng lubos ng mga relasyong maaaring nasira noong nakaraan habang ipinagpapalit mo kang alak sa iyong mga mahal sa buhay.

You might also like