You are on page 1of 2

Bangcud National high School Bangcud, Malaybalay City Ikalawang Markahang Pasulit Araling Panlipunan III Oktobre 14 &

16, 2013 Pangalan:___________________________________________ Marka:____________________ Seksyon :_____________________________________ Pasulit I-a TAMA o MALI Panuto: Kung ang pangungusap ay TAMA, lagyan ng litrang M ang puwang at X naman kung ito ay MALI. 1. Ang Kauna-unahang kabihasnan sa buong daigdig ay sumibol sa Mesopotamia, partikular sa pagitan ng mga ilog Tigris at Euphrates. 2. Napasailalim ng Persia ang Mesopotamia bunga ng pananakop ni Cyrus the great. 3. Ang Uruk ang itinuturing na isa sa kauna-unahang lungsod sa daigdig. 4. Sa taong 5500 BCE nagkaroon ng pagbabagong panlipunan, pampolitika at panrelihiyon na syang nagdulot ng Sentralisadong Kapangyarihan. 5. Ang mga Sumerians ang tinaguriang grupo ng mga nomadikong magpapastol. 6. Ang nomadikong pamumuhay ay tumutukoy sa mga gawi ng tao o grupo ng tao na nagpapalipat-lipat ng tirahan upang maghanap ng pagkain. 7. Ang Code of Hammurabi ang itinuturing na kalipunan ng mga batas ng Babylonian. 8. Matagumpay na naitatag ng Assyria ang kanyang Imperyo sa kadahilanang napagkaisa at napagsamasama nito ang kanyang teritoryo noong unang milenyo BCE. 9. Ang satrapy ay tumutukoy sa paghahati ng imperyong sa mga lalawigan ng persia. 10. Tinaguriang bagong Babylonin ang mga Chaldean noong 612-539 BCE. 11. Iran ang kasalukuyang pangalan ng Persia. 12. Ang mga hettite ay napatanyag sa pagmimina ng ore at paggawa ng mga kagamitang bakal. 13. Ang kabihasnan ng India ay umusbong sa paligid ng indus river na matatagpuan sa rehiyon ng Pakistan. 14. Ang kabihasnang Indus ay batay sa matandang lungsod ng Harrapa at MohenjoDaro. 15. Ang salitang arya ay nangangahulugang marangal sa salitang Sanskrit. 16. Ang mga outcaste ang malaking pangkat na itinuturing ng mga aryan na hindi kabilangsa lipunan. 17. Ang pagdating ng mga Aryan ay nakapagpabago sa malaking aspektong politikal, pang ekonomiya, panlipunan at kultural ng India. 18. Ang Kabihasnang China ay umusbong malapit sa Yellow river o Huang Ho. 19. Ang siklo ng pag-usbong at pagbagsak ng mga dinastiya sa China ay ipinaliwanag sa konsepto ng mandate of heaven. 20. Karapatang mamuno nang may basbas ng kalangitan. 21. Ang Extraterritoriality ay isang karapatan ng dayuhang malitis sa batas ng kanyang sariling bansa. 22. Kapayapaang Mongol ang ibig sabihin ng Pax Mongolica. 23. Ang Forbidden City ng Peking ang sinasabing tahanan ng emperador. 24. Sa dinastiyang Ming sinasabing itinayo ang malaking bahagi ng Great Wall of China. 25. Ang Grand Canal ang syang naguugnay sa mga ilog Huang-Ho at Yangtze ng China.

Pasulit I-b Pagpipili Panuto: Piliin ang tamang sagot sa mga tanong sa ibaba na makikita sa mga aytems na nakasulat sa itaas. *Caste *Code of Hammurabi *Zoroastrianism *Meso *Potamos *Iraq *Iran *Yellow River *Anthropomorphic *Hanging Garden *Cuneiform *Sistema ng irigasyon *Kalidasa *Laozi *Confucianism 1. Hango sa salitang Casta na lahi o Angkan 2. Kalipunan ng batas ng Babylonia 3. Relihiyong itinatag ni Zoroaster 4. Tumutukoy sa pagitan 5. ilog 6. Persia 7. Mesopotamia 8. Huang-Ho 9. Katangian at pag-uugaling tao 10. Seven Wonders of the Ancient World 11. Sistema ng pagsulat 12. Kontribusyon ng Sumerians sa pandaigdigang kabihasnan 13. Pinakamahusay na makata at manunulat ng India 14. Isang Mythical figure 15. Pilosopiya na umaayon sa mahigpit na pagpapatupad ng batas Pasulit II-a Pagtatapat-tapat Panuto: Piliin ang tamang sagot ng mga tanong sa hanay A na matatagpuan sa hanay B na may kinalaman sa pandaigdigang kontribusyon sa kabihasnan at isulat ang litra ng tamang sagot sa inyong papel. A 1. Chaldean 2. Assyrian 3. Babylonia 4. Akkadian 5. Summerian 6. Mesopotamia 7. Indus Pasulit II-b Enumerasyon B a. Hanging Garden b. Pagsama-sama ng teretoryo k. Pagmimina at bakal d. kauna-unahang Imperyo e. Zigurat g. Sentralisadong kapangyarihan h.Sewerage system

1-3 Sinaunang lipunan ng mga Aryan 4-5 Saang lambak ng mga ilog unang umusbong ang kabihasnang Mesopotamia? Pasulit III Pagpapaliwanag Panuto: Sa isa o dalawang pangungusap, ipaliwanag ang mga sumusunod; 1. Bakit sa mga lambak ilog unang umusbong ang kabihasnan? 2. Sistemang Caste 3. Extraterritoriality

Good Luck and God Bless!


Sir jepoy ...only fools rush in...

You might also like