You are on page 1of 3

Suhod II Mutalib IV SD Proyekto sa Filipino

I.

Introduksyon

Sa pelikulang El Presidente, ang mga tumatampok o ang mga aktor ay sina Jeorge ER Estregan, Nora Aunor, Cesar Montano, Christopher de Leon, at Christine Reyes. Ito ay mula sa produksyon ng Scenema Concept International, CMB Films at Viva Films, sa pakikipagtulungan ng San Miguel Group of Companies, Petron, Boys Scouts of the Philippines, Las Casas Filipinas de Azucar at ng Film Development Council of the Philippines, at sa direksyon ni Mark Meily. Ang pelikulang ito ay maituturing na pelikulang nationalistiko at pelikulang aksyon. II. Buod ng pelikula

Ang pelikulang El Presidente ay patungkol sa buhay ni Emilio Aguinaldo. Masasaksihan dito ang mga nangyari sa pagdedeklara niya ng kasarinlan ng Pilipinas mula sa mga Kastila, ang pananakop ng mga Amerikano, pagtakbo at pagkatalo niya sa eleksyon at ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Matapos maluklok ni Aguinaldo sa kanyang tungkulin sa Katipunan, siya namay kinalaunan naluklok rin bilang mayor ng Cavite El Viejo. Bago pa man magsimula ang kaguluhan sa Manila, sinugurado na ni Aguinaldo na alam ng Spanish provincial government na hindi sila manghihimasok. Ngunit ang pwersa ng mga Spanish ay nilalaan pala sa Manila kaya naman pinakilos agad na ni Aguinaldo ang kanyang hukbo at siya ang namuno nito. Nang ang mga rebelde ay nagtagumpay sa pagsakop ng mga teritoryo sa Cavite at iba pang mga probinsiya, si Magdalo at Magdiwang ay nagtipon upang magtatag ng pansamantalang pamahalaan kung saan si Andres Bonifacio ang nangasiwa. Nailuklok naman si Emilio Aguinaldo bilang president, si Mariano Trias bilang bise-presidente. Umapela si Tirona sa resulta ng eleksyon kaya naman siya ay umalis ng kombensyon. Kinausap ng kapatid ni Aguinaldo si Crispulo at kinumbinsi niyang iwan ang kanyang hukbo nung siya ay naghahanap ng makakatulong sa kanila. At ang nangyari ay ang mga rebelde ay natalo at si Crispulo ay namatay. Si Bonifacio naman ay naaresto sa kanyang ginawang pagtatag ng sarili niyang revolutionary government.

Matapos nito ay umalis si Aguinaldo sa Cavite kasama ang kanyang hukbo at upang makapunta ng Bulacan kung saan pinirmahan niya ang kasunduan sa Piak-na-bato at pumunta sila ng Hong Kong. Bumalik na si Aguinaldo sa Pilipinas at pormal na dineklara ang independensya galing Spain sapagkat sa kanyang pagpunta ng Hong Kong, may nakilala siyang mga US officials na nilapitan at sinuportahan siya. Nang nagtipun-tipon na ang Malolos Congress, tinangka ipresenta ni Felipe Agoncillo ang bagong nasyon sa Treaty of Paris. Upang makatakas sa mga Amerikano, naglakbay ang hukbo ni Aguinaldo sa buong hilagang Luzon. Tumulong naman si General Gregorio del Pilar sa paghawak ng ibang mga hukbo upang mas magkaroon ng oras si Aguinaldo na makatakas. Sa kanyang tapat na tagapagsilbi ay nabihag siya ng mga Amerikano. Pagkatapos ay siya naming nalaman ang tinataguan ni Aguinaldo, kayat plinano ni Funston ang pagbihay sa kanya. Namuhay nang tahimik si Aguinaldo nang tinanggap na niya ang pagsakop ng Amerika. Kinasal siya sa pamangkin ni Felipe Agoncillo, si Maria. Nasaksihan nila ang pagusbong na naman ng kasaysayan ng Pilipinas nang siya ay matalo sa presidential elections at ang panunumbalik ng kasarinlan n ating bansa. Nagtapos ang pelikula sa paglabas ng hinaing niya sa pagbago ni Diosdado Macapagal sa petsa ng pagdeklara ng independensya. Sa kanyang huling mga oras, ang parehong babae na nagbigay sa kanya ng isang propesiya nung siya ay binata pa lamang, ay muling lumitaw sa kanyang isip. III. Panunuri sa Pelikula

Ang tema ng pelikula ay patungkol sa buhay ni Emilio Aguinaldo at ang mga nangyari sa pagdedeklara niya ng kasarinlan ng Pilipinas mula sa mga Kastila, ang mga dumaang eleksyon kung saan siya ay natalo ngunit lumaban pa rin at ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Tinalakay rin rito ang nangyari matapos ang pagtanggap niya ng pananakop ng Amerika. Ang nilalaman ng pelikla ay sang-ayon naman sa aking pananaw o prinsipyo. Ang mga inilahad na pangyayari, ang mga ginawang masama ng mga me kapangyarihan ay naayon sa panahon nating ngayon. Ang pelikula ay masasabi nating eye-opener sapagkat ito ay naglalahad ng mga katotohanan at kung ano talaga ang nangyayari sa atong gobyerno lalo na sa kung ano ang dapat isakripisyo o pagdaanan para makamit ang independensiya. Sa aspekto ng kalidad ng paggawa at sinematograpiya, kaaya-aya ang mga tanawin at napakita naman na may integridad at kapani-paniwalang eksena. May mga parte sa pelikulang magugulat ka sa kung pano nila isinagawa. Ang musical scoring naman ay angkop sa essence ng pelikula.

IV.

Pangwakas

Ang El Presidente ay isang makabuluhang kwento at puno ng pangyayaring historikal. Pinakita rito ang inaasam na pagkakalaya ng bansang Pilipinas mula sa mga minsan nang sumakop sa ating bansa. Ang mga aktor naman ay nakapagbigay ng sapat na emosyon at puso sa pagsasadula lalo na sa mga action scenes. Marami mang nakapagpahina sa pelikula, nadala naman ng maayos ng direktor sa pagsasalaysay ng kwento. Ang pelikulang ito ay maituturing na instrumento upang mas mapahalagahan natin ang pagsusumikap at pagsabak sa pagbuhay sa kasaysayan ng Pilipinas. Bukod kasi sa malimit na lamang ang mga gumagawa ng mga pelikulang ito, ito naman ay may maayos na kalidad na maipagmamalaki pa rin ng ating industriya. Ang pagpresenta ng isang kwento patungkol sa kasaysayan ng ating bansa ay isang mabuting pagsisikap, kaakibat rin nito ang pagsikap din na magkaroon ng progresibong kalidad ng sinematograpiya. Kaya naman masasabi kong ang pelikulang ito ay magandang hakbang para sa industriya ng sineng Pilipino. May mga parte man sa pelikula na hindi masyadong kaaya-aya, ito naman ay nakalikha ng diskusyon tungkol sa kasaysayan natin at kung ano talaga ang nangyari, masasabing nakalikha rin ito ng interes sa mga pangyayaring naganap o kasaysayan ng bansa natin.

You might also like