You are on page 1of 15

Sa Aming Pagtanda

I. Mga Pangunahing Tauhan:

Mang Dario (ama ni Polo)


Aling Madel (Ina ni Polo)
Esther (Asawa ni Polo)
Polo (Anak nila Mang Dario at Aling Madel at
Asawa ni Esther)
Mary Jane(Anak ni Polo at Esther , Apo ni Mang
Dario at Aling Esther)

II. Tagpuan:
New York

III. Mga Pangyayari:

A. Simula : Dumating ang Mag asawang Mang Dario at Aling


Madel sa Newyork at nanirahan sa tahanan ng Anak na si
Polo at sa Asawa nito na si Esther at sila ang nag alaga sa
anak ng mga ito na kanila rin namang apo.
B. Papataas na Pangyayari: Lumipas ang sampung taon na
pamamalagi ng
Mag asawang Mang Dario at Aling Adel sa Newyork
kasama ang pamilya ng anak nito,lalong tumanda ang
lola at lolo ni Mary Jane at bakas na dito ang kahinaan ng
dalawang matanda.
C. Kasukdulan : Dahil sa patuloy na panghihina ng dalawang
matanda,madalas ay nakakasira na sila ng gamit sa
bahay ng mag asawa na ikinagagalit ni Esther at dahilan
ng madalas na pagtatalo ng mag asawa, kaya naman
ipinipilit ni Esther na dalhin sa “Home for the Aged” ang
matatanda na ayaw naman pahintulan ni Polo na anak ng
dalawang matanda.
D. Kakalasan: kinausap ng dalawang matanda ang anak na si
Polo upang sabihin ang napagkasunduan nilang dalawa na
bumalik na lamang sa Pilipinas upang maiwasan ang
madalas na pagtatalo ng mag asawa tungkol sa kanilang
kalagayan.
E. Wakas: Umuwi na nga sa Pilipinas ang dalawang matanda
na sila Mang Dario at Aling Madel, mabigat man ang loob
na iwan ang apo at anak mas pipiliin pa nila ang bumalik
sa Pilipinas kaysa mapunta sa “Home for the Aged”.
IV. Mga Aral:
Pagmamahal at Pag Unawa ang higit na kailangan n gating
magulang sa kanilang pagtanda.
A.

You might also like