You are on page 1of 1

Sang Munting Maleta

Cherry Mae F. Felix

O, may isang bagay nahahalintulad


Sa aking sarili ang biglang bumungad;
Sa lagay na ito ako ngay nasadlak,
Kahit ordinaryoy pinakahahangad.
Sang munting maleta ang iniingatan,
Magmula pa noon nang mapag-alaman
Ang nakakatulad aking katauhan,
Kung kayat lagi kong inaalagaan.
Mahalagang bagay dito makikita,
Kahit na personal ang nakatalaga;
Kagamitan itong napakahalaga;
Nilalaman nito ang inaalala.
Sang munting maleta ang aking katulad;
Iningatang lihim na ayaw malantad
Sa kin maaaring maitagong ganap,
Pahahalagahang mahusay at tapat.
Masira, mawala, narito ang laman;
Mag-away man tayo, sikretoy akin lang;
Ang pangako sa yoy pakaiingatan;
Tayo lang talaga ang nakakaalam.

Nalathala sa The Carmelian Faces (opisyal na publikasyon ng departamento ng lalong


mataas na edukasyon ng Mount Carmel College of Baler), HunyoOktubre 2013, Tomo VIII,
Blg. 7, p. 11

You might also like