You are on page 1of 1

Ano Kaya’t Pag-ibig Ko’y Perang Pagkalaki-laki?

Rommel N. Angara

Ano kaya’t pag-ibig ko’y perang pagkalaki-laki’t


akong umiibig sa ’yo’y baryang pagkaliit-liit?
Aking handog na pagsinta’y sa bangko ba itatabi,
samantalang akong kusing kung sa’n lamang isisiksik?
Maiaalay ba sa ’yo ang ganitong pagmamahal
kung ang mismong nag-aalay wala naman sa paningin?
Sinta, di ba’t ang paggiliw umiiral sa dahilang
umiiral yaong isang gumigiliw nang taimtim?
Pag-ibig ko’y salapi mang sa harap mo’y nakatambak—
’yong puhunang walang ibang pinagmulan kundi ako—
akong umiibig sa ’yo’y may pagsamong ihahayag,
“Akong barya’y pakisilid sa alkansya: ang puso mo!”
Ang aking pagsinta’t ako’y habambuhay magkarugtong
kung paanong magkaugnay ang kahapon at ang ngayon.

01 Hul. 2001
Baler, Aurora

—Nalathala sa Tinta—The Carmelian Faces (opisyal na publikasyon ng Departamento ng


Lalong Mataas na Edukasyon ng Mount Carmel College of Baler), Nobyembre 2017–Marso
2018, p. 2

You might also like