You are on page 1of 12

Awtput # 11

Makasaysayang Pook sa Pilipinas

Kasaysayan
Kasaysayan ng MaynilaKasaysayan ng Pilipinas

Ang tarangkahan ng Kutang Santiago sa Intramuros


Ang Kalye Cabildo sa Intramuros
Nakilala bilang Gintu(Lupain/Isla ng mga ginto) o Suvarnadvipa ng mga kalapit na lalawigan.
Ang naturing kaharian ay yumabong sa mga huling sandali ng Dinastiyang Ming bilang resulta
ng pakikipagkalakalan sa Tsina.[10] Ang Kaharian ng Tondo ay nakagawian bilang kabisera ng
imperyo. Ang mga namumuno dito ay kasing kapangyarihan ng mga hari, at tinatawag sila sa
panginuan o panginoon, anak banua o anak ng langit, o lakandula na nangangahuligang "diyos
ng kahariang pinamumunuan".

Noong namamayagpag si Bolkiah (1485-1571), ang Sultanate ng Brunay ay nagpasyang wasakin


ang Imperyo ng Luzon sa pakikiisa Tsina nang lusubin ang Tondo at itinaguyod ang Selurong
(Ngayon ay Maynila) bilang base ng mga Bruneo.[11][12] Sa pamamahala ng Salalila, may
itinaguyod na bagong dinastiya para humarap/hamunin ang Kapulungan ng mga Lakandula sa
Tondo.[13] Ang kaharian ng Namayan ay itinaguyod bilang alternatibo na may kompederasyon ng
mga barangay na biglaan ang pagdami noong 1175 at pinalawig simula sa look ng Maynila
hanggang sa lawa ng Laguna. Ang kabisera ng kaharian ay ang Sapa, ngayon ay kilala bilang
Sta. Ana.

Sa kala-gitnaan ng ika-16 na siglo, ang mga nasasakupang lugar ng kasalukuyang Maynila, ay


parte ng isang malawakang pook na umaabot sa hangganan ng karagatan na pinamumunuan ng
mga Raha. Sina Rajah Sulayman at Rajah Matanda ay namuno sa mga komunidad ng Muslim na
matatagpuan sa timog ng ilog Pasig, at si Lakandula ang namuno sa Kaharian ng Tondo, ang
Hindu-Budistang kaharian na matatagpuan sa timog ng ilog. Ang dalawang komunidad ng
Muslim ay pinagsanib at dito naitaguyod ang kaharian ng Maynila. Ang dalawang lungsod-
estado ay nagsasalita sa wikang Malay na mahusay makitungo sa sultanate ng Brunay na si
Bolkiah, at ang mga sultanate ng Sulu at Ternate.

Daang Escolta, Maynila. Steryoptikal na pananaw, 1899. Kinuha ang


litrato noong kapanahunan ng Amerikano
Ang pagkawasak ng Maynila, pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
Ang Maynila ang naging upuang kolonyal na pamahalaan ng Espanya noong opisyal na
pinamahalaan ang mga isla ng Pilipinas ng tatlong siglo simula 1565 hanggang 1898. Si heneral
Miguel López de Legazpi ang nagpadala ng isang natatanging ekspedisyon at dito nadiskubre
ang Maynila. Itinaguyod dito ang kanilang tanggulan, ang Kutang Santiago at kalaunan,
pinalawig ang nasasakupan sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga paaralan, tirahan, simbahan sa
labas ng nagsasanggalang pader at ito ang nagbigay kapanganakan sa Intramuros. Noong
inokyupa ng Britanya ang Pilipinas, ang lungsod ay pinamahalaan ng Gran Britanya ng dalawang
taon simula 1762 hanggang 1764 na naging parte sa Pitong Taong Digmaan. Ang lungsod ay
nanatiling kabisera ng Pilipinas sa pamamahala ng pamahalaang probisyonal ng mga Briton, na
kumikilos sa pamamagitan ng mga arsobispo ng Maynila at ng Real Audiencia. Nasa Pampanga
ang kuta ng mga armadong rebelde laban sa mga Briton.

Ang lungsod ng Maynila sa gabi.


Ang Maynila ay nakilala noong may kalakalang Maynila-Acapulco na tumagal ng tatlong siglo
at nakapaghatid ng mga kagamitan simula sa Mehiko papunta ng Timog-silangang Asya. Noong
1899, binili ng Estados Unidos ang Pilipinas sa mga Espanyol at pinamahalaan ang buong
arkipelago ng hanggang 1946.[8] Noong ikalawang digmaang pandaigdig, nawasak ang malaking
parte ng lungsod. Ang lungsod ay ang pangalawang pinakawasak na lungsod na sumusunod sa
Warsaw, Poland noong ikalawang digmaang pandaigdig. Ang rehiyon ng kalakhang Maynila ay
gumanap na entidad na may kasarinlan noong 1975. Ang kasalukuyang alkalde ng lungsod ay si
Alfredo Lim.

Isang pandaigdigan lungsod ang Maynila at kilala bilang "Beta+" ayon sa Globalization and
World Cities Study Group and Network noong 2008.[9]
Awtput # 38

Awiting Maaaaring Itapat sa Pamilya ni Kabesang Tales

“yNa”
 
Sa aking paglalagi
Pag-ibig ko’y nais ibahagi,
Hinihintay lang ang isang ngiti,
At ang bukas ng iyong labi.
 
Pano ba nagkakilala?
Magtatagpo pa ba tayong dalawa,
Baka bukas o makalwa,
Ang mukha mo’y isa ng alaala.
 
Nais kong mukha mo’y iguhit,
Ang panulat ko’y hahawakan ng mahigpit,
Para ang larawan mong aking iginuhit
Sa puso ko’y laging isasabit.
 
Ang iyong ganda ang aking umaga,
Sa bawat paggising ko’y ligaya,
Nawa’y ikaw na sana,
Habang buhay tayong dalawa.
 
Ano ba ang aking kapalaran?
Sa iyo ba nakalaan.
Para ang puso ko’y huwag ng masaktan
Ang gawin nlng nati’y maghintayan.
 
Sa muling pagkikita,
Ako ba’y kelangan pang magpakilala,
Titigan mo ang aking mga mata,
Puso koh ang iyong makikita.
 
Minsan lang magmahal ang aking puso,
Sana’y hindi na ito magbago,
Pagkikita nati’y hinihintay ko,
Wagas na pagtitinginan ay matatamo.
 
Sa ngayon aking nararamdaman,
Tila wala ng hangganan,
Ang puso mo ay aking iingatan,
Isang pangako ng tunay na pagmamahalan.
Awtput # 19
Pangarap ng Magulang sa Kanyang Anak
Pangarap Ng Magulang
Akoy isang simpleng ama lamang na may simpleng pangarap din para sa anak ko, pangarap na
sana magkaroon cya ng magandang kinabukasan sa kanyang paglaki. Inde pa naman binabayaran
ang pangarap kaya medyo lalakihan ko na para sa aking anak. Gusto ko paglaki nya maging
artista siya, doktor,architech, engineer o di kaya magkaroon cya ng sarili nyang kumpanya na
imamanage. hehehe… ayos ba?

Alam ko naman na napakabata pa ng anak ko para sa mga pangarap na yon pero mabuti na yong
may hinahangad ka para sa iyong anak sa hinaharap nya kesa naman sa wala kang pakialam sa
kanya. OA (over acting) nga cgurong masasabi pero ano naman ang masama kung mangangarap
ka para sayong anak.

Pero sa isang pangarap kailangan din ng pagkilos para mtupad yon… kaya habang maaga pa
lang kailangan magsumikap na habang may panahon ka pa para 2lungan ang anak mo na maabot
mo ang pangarap mo para sa kanya… hehehe… ei kng bigla ka madedo pano na ang pangarap
mo sa kanya… di nadedo na rin… hahaha…

Naalala ko noon ang isang kapatid ng mama ko… isang gabi umuwi sa bahay ng lolo at lola
ko… hehehe… lasing na lasing tapos narinig ko sinisisi nya ang lolo at lola ko kung bakit inde
cya nakapagtapos ng pag aaral… tapos narinig ko sumagot ang lola ko na cya ang dahilan kng
bakit inde cya nakatapos inde cla… hehehe kasi daw napabarkada… nawalan ng interes sa pag
aaral… Kaya cguro sa pangarap natin sa mga anak natin kailangan din natin clang gabayan sa
lahat ng mga desisyon na ginagawa nila sa buhay nila… hehehe. Madalas kasi ang mga anak rin
ang siyang nagiging dahilan ng pagguho ng isang pangarap na kadalasan ay isinisisi ng mga anak
sa kanilang mga magulang, tipo bang binibigyang hustisya ang kanilang pagkapariwara at
kailanman silay di nag ukol ng malalim na pag-aanalisa sa naging takbo ng kanilang buhay,
walang pagsisisi at higit sa lahat walang hangaring mabago ang takbo ng buhay. Yon bang
tipong lahat ng nangyaring masama sa buhay nya kasalanan ng magulang.

Tama nga cguro ang kasabihan noon na “Mahirap maging magulang at mahirap din ang maging
anak”… hehehe… at napapalayo na naman ako sa topic ko… cencya na mga frenz…
nagpapakawriter lang ang inyong lingkod kaya pagpacencyahan nyo na… hahaha.

So yon nga sa isang pamilya, ang magulang ang siyang nangunguna sa pagbuo ng isang
ambisyosong pangarap… hehehe… kaya kailangan nating panindigan yon… kaya sa mga
magulang… lagooooooooott!!! hahaha… manakot ba??? hehehe… easy lang… biro lang poh.

Basta kanya kanyang diskarte na lang tayo kng pano natin bubuuin ang pangarap natin sa mga
anak natin… bahala ka sa anak mo bahala ako sa anak ko… hahaha…

o pano… salamat na lang sa pagbabasa… hehehe…

til nxt…. and God Bless to All!!!


Awtput # 29

Tradisyon sa Ritwal at Seremonya sa mga


Libing
Ritwal sa libing ng mga Muslim
Sa tradisyon ng Islam ay dapat mailibing ang bangkay ng isang naswing Muslim sa loob ng
24 oras. Tanging bangkay lamang na balot sa putting tela at walang kabaong ang dapat na
mailibing. Ang paghahanda ng dasal para sa bangkay ng isang Muslim bago ito ilibing. Balot
sa puting tela ang bangkay at tinatalian ito upang masigurong hindi ito matatanggal. Ganito
kung paanong ilibing ang bangkay ng Muslim.

(Mindanao Examiner)

BASILAN (Mindanao Examiner / Oct. 29, 2010) - Lingid sa kaalaman ng iba, walang
Araw ng Patay o undas sa paniniwala ng mga Muslim, ngunit kakaiba ang tradisyon
ng Islam. At tulad ng sa Kristiyano ay may mga sinusunod na pamamaraan ang
mga Muslim kung sila’y namamatayan.

Sa tradisyon ng mga Muslim ay dapat mailibing agad ang namatay sa loob ng 24


oras at ang mga ritwal na kinapapaluuban nito ang pagpapaligo sa bangkay bago
ito ilibing. Dapat ay malinis ang bangkay sa huli nitong hantungan. Matapos na
malinisan o mapaliguan ang bangkay ay ibabalot naman ito sa puting saplot bilang
simbolo ng kalinisan at saka ito aalayan ng dasal ng isang Imam.

Kalimitang nagtatagal ang dasal sa loob ng 5 minuto o mas mahaba pa. Janazah
ang tawag sa dasal ng mga Muslim na alay sa patay. Tradisyon rin na naroon ang
pamilya ng namatayan - maliban lamang kung ito’y nasa malayong lugar at
imposibleng makauwi agad bago malibing ang bangkay - habang isinasagawa ang pagdarasal.
Matapos ng dasal ay ililibing na ang bangkay na balot sa puting tela. Kalimitang
may hugis na titik L ang hukay ng libingan ng isang Muslim. Bago ipasok ang
bangkay sa hulay na mistulang kuweba ay aalisan naman ito ng saplot sa kanyang
ulo at saka ihihiga ng patagilid at nakahalik ang mukha sa lupa katulad sa
pagdarasal ng mga Muslim.

Dapat rin ay nakaharap sa Mecca (ang sentro ng relihiyon ng Muslim sa Saudi


Arabia) ang bangkay at ito ay palaging naka turo sa lugar na kung saan lumulubog
ang haring-araw o sa kanluran. At saka tatabunan ang libing.

Ngunit iba naman ang paraan sa mga namatay na jihadist o holy warrior kung
tawagin o yaong mga Muslim na nakikipaglaban sa digmaan. Kalimitan ay hindi
inililibing na ito agad ay hindi na kailangan dumaan sa mga ritwal ng tulad sa
nabanggit dahil mga “martir” na ang turing sa mga ito na namatay sa pakikidigma.

Subali’t tulad naman ng mga kristiyano ay naging tradisyon na rin ng maraming


mga Muslim na gunitain ang kanilang mga mahal sa buhay 3 araw matapos na
malibing ang bangkay o kaya ay sa ika-pito o ika-siyam na araw at may ika-45 pa
nga na kung saan ay ginugunita ng mga naiwan ang sumakabilang buhay na. Dasal
rin ang kanilang alay. (Mindanao Examiner)

 
Awtput # 24

(Sumulat ng Sanaysay: Tungkol sa Iyong Buhay)


 
            Isang simpleng tanong marahil ang “Sino ako?” sapagkat hindi ko maipagkakamali ang kaalaman
ko tungkol sa aking sarili. Ngunit mahirap yatang sabihing kilalang-kilala ko nga ang “ako” na tinutukoy ng
tanong – ang ako na nagtatanong sa aking sarili tungkol sa aking pag-iral. Ako, kasi, ay iyong may
katawan na nagsisimulang sumulat ng sanaysay. Ako rin ang estudyanteng, naiisip ko ngayon na,
umaalala sa leksyong ibinigay ng guro sa pilosopiya. Kay hirap pagdudahan nito dahil ako nga talaga ang
ako na nagsusulat ng sanaysay at ako na umaalala sa mga narinig habang nakaupo sa loob ng Bel-205.
 
            Ito rin ang tanong na pinagmuni-munihan nina Déscartes at Marcel. Mapapansin nga lamang na
sa parehong tanong na ito (na kanilang pinagmulan at pinaghugutan ng pag-iisip), magkaibang sago tang
kanilang napulot. Mas mahalagang pagmuni-munihan ngayon ang magkaibang direksyong tinahak nila
upang makarating sa katotohanan at katiyakan na kanilang inaasam.
 
            Sa kanyang “Meditasyon sa Pangunahing Pilosopiya,” ginamit ni Déscartes ang pangkalahatang
pamamaraan ng pagdududa upang pag-alinlanganan niya ang lahat ng kanyang nalalaman. Dahil ani
Padre Ferriols, “ang buong pag-uunawa ng tao ay sumasapandama [at] ang buong katipunan ng
pandama ay sumasa-pag-uunawa,” sapat nang pagdudahan ang lahat ng ating nalalaman, na ang
malaking bahagi ay nagsisimula sa karanasan. Ayon nga kay Déscartes, ang pisikal na pandama ay
maaaring manlinlang o magkamali lalo na kung bunga ito ng isang panaginip.
 
            Gayunpaman, sa pagpapatuloy niya sa pagdududa, dumating ang puntong may isang
katotohanang di niya maaaring matibag o mapagdudahan. Dahil ang pagdududa niyang ito ang lalong
magpapatibay sa katotohanang bumabalot sa kanyang natuklasan – na ako’y nag-iisip, at kaalinsabay
nito, umiiral ako. Kaya nang tanungin niya kung sino nga ba ang ako na tinutukoy ng katotohanang
natuklasan niya: ako ay isang bagay na nag-iisip.
 
            Sa kanyang pagmumuni-muni ukol sa katawan, pinagtibay niyang ang kahit na anong prosesong
nangyayari sa kanyang katawan, maging panlabas na pandama o sa kaloob-looban nito, may
pinaghuhugutan itong konseptong siyang bukal ng lahat ng katotohanan. Na ipinakita niyang ang isip ng
tao ang siyang pinagmumulan ng mga katotohanang ating natutuklasan. Kung kaya’t sa kanyang
pagbubuod, sinabi niya, “since I know that bodies are not, properly speaking, perceived by the senses or
by the faculty of imagination, but only by the intellect, and since, moreover, I know that they are not
perceived by being touched or seen, but only insofar as they are expressly understood, nothing can be
more easily and more evidently perceived by me than my mind.”
 
            Samantalang kay Marcel naman, sa kanyang sanaysay na “Ang Bulagang ‘Heto Ako!’,” ginamit
niyang pantawid ang pagmumuni-muni sa karanasan at/o buhay. Itinaguyod niyang muli ang nilanggas na
kabuuang winasak ni Déscartes sa paggamit ng huli ng pag-aabstraksyo sa pagmumuni-muni. Tila kasi
isang obheto ang sarili (ob-ject, “itinatapon sa harap”) matapos pag-isa-isahin na parang buto-buto ang
mga bahagi nito upang maarok ang ilang mga malinaw na katiyakan o ideya tungkol sa sarili mismo.
Nagagawa lamang ito ni Déscartes kung mapag-aaralan niya ang kaayusang bumabalot sa kanyang
sarili, ngunit sa paraang inilalabas niya ang sariling ito sa harap niya upang sipatin ito. Sa pag-
aabstraksyong ito ni Déscartes, kinukuha niya ang bawat piraso ng kanyang kaalaman habang may
naiiwang ibang piraso, na bahagi ng kabuuan ng kanyang nalalaman.
 
            Samakatuwid, iba ang pagmumuni-muning ginawa ni Marcel upang siyasatin ang parehong
tanong na bumagabag kay Déscartes: “Umiiral ba ako?” at “Sino ang ako?” Sinikap niyang humubog muli
ng isang kabuuan mula sa nilanggas na mga bahagi. Upang magawa ito, ginamit niya ang ikalawang
antas ng pagmumuni-muni. Tinatanggihan kasi ng ikalawang antas ng pagmumuni-muni ang paghinto sa
kaisipang hiwalay ang ako sa kanyang sarili. Ayon pa sa kanya, “kapag sinabi nating ‘aking katawan’
parang sinasabi natin na mayroong matalik na kaugnayan na umiiral sa pagitan [ng ako] at ng aking
katawan.” Magiging malinaw ang pagkilatis sa sariling katawan kung gagawin itong suheto (sub-jective,
“itinatapon sa ilalim”).
 
Kung gayon, ang pag-iral ng ating sarili ay hindi basta-basta masasagot ng nag-iisip ang ako at
umiiral ang ako. Marapat lamang na kilalanin natin ang ako bilang katambal ng sarili. Ako, kasi, ang aking
katawan. Hindi maaaring maging bagay lamang ang katawan gaya ng pagpapakahulugan ni Déscartes.
Ang pag-aaring ito ng ako sa katawan ang makapagpapatibay na umiiral ang ako kasama ng kanyang
sarili. Sabi nga ni Marcel sa kanyang pagbubuod, “ang aking katawan, bilang isang katunayang lubusang
akin, ay nararamdaman ko, ako ay aking katawan sapagkat ako ay may kakayahang dumaramdam.”
 
Kung kaya’t sa pagharap natin sa tanong na “Sino nga ba talaga ako?” nangangailangan ito mula
sa atin ng pag-uunawang may dalawang antas ng pagmumuni-muni. Upang makilala natin ng mabuti ang
ating sarili, nang buong katiyakan, kailangan nating mag-abstraksyo o maghiwalay ng mga konsepto o
karanasan natin nang higit nating mabigyang-pansin ang bawat bahagi ng ating pagkatao (o pagka-ako).
Subalit, hindi dapat magtapos doon ang pagtatanong sa ating sarili dahil iniiwan tayo ng unang antas ng
pagmumuni-muni sa isang kalagayang hindi naman talaga natin nararanasan: palagiang pagkawasak.
Mabuting pagtahi-tahiin ang mga konseptong natuklasan natin sa paghihiwalay upang may makuha pa
tayong mas malaki at mas mahalagang konsepto ng ating pagka-ako. Ang konseptong mabubuo natin sa
ikalawang antas ng pagmumuni-muni ang titiyak sa ating ang dating buong pagkatao natin, matapos
mapag-isip-isipan ang pagkatao, ay buo pa rin (at parang di nawasak).
 
Sa huli, ang pagkakaiba ng antas ng pagmumuni-muning ginamit nina Déscartes at Marcel ang
magtuturo sa atin ngayon ng halaga ng bawat isa sa pamimilosopiya. Kailangan ng una ang ikalawa, at
kailangan ng ikalawa ang nauna. Sa pagmumuni-muni ukol sa sarili, matutuklasan ang pag-iral sa unang
antas at matutuklasan ang pag-aari (o pagsasama ng ako at sarili) sa ikalawang antas. Ngunit ang
katiyakan ng sarili ay makikilala lamang kung parehong mauunawaan ang antas ng pagmumuni-muni.
Awtput # 13

Payo ng Isang Negosyante para sa Ikatagumpay ng Kanyang Negosyo

Integridad:
Paggawa ng Mga Tamang Bagay
Itanong Bago Kumilos
 Ito ba ay legal?
 Ito ba ay alinsunod sa patakaran ng kompanya?
 Ito ba ang bagay na tamang gawin?
 Ano ang magiging tingin dito ng mga tao sa labas ng kompanya?
Kagaya halimbawa ng ating mga mamimili, ng mga taong nasa
komunidad kung saan tayo nagtatrabaho, at ng pangkalahatang
publiko?

Mga Patakarang Dapat Tandaan

 Alamin ang mga legal at mga pangkompanyang pamantayan


na naaangkop sa inyong trabaho.
 Palagiang sundin ang mga pamantayang ito.
 Magtanong kung kayo ay mayroong kahit na katiting
na pagdududa sa kung ano ang tamang gawin.
 Patuloy na magtanong hanggang sa makakuha kayo ng sagot.
Ang Kodigo ng Asal ng Philip Morris International ay ipinapatupad
sa Philip Morris International Inc. at sa mga direkta at di-direktang
mga subsidiary nito, na sa pangkalahatan ay tinatawag na
Philip Morris International, PMI, o ang kompanya. Chairman at CEO
Sa mga empleyado ng Philip Morris International:
Ipinagmamalaki ko ang pagiging empleyado ng Philip Morris International.
Sa panahon ng aking panunungkulan dito, napatunayan kong mabubuting
tao ang nagtatrabaho sa PMI. Sinusulat ko ang liham na ito ngayon upang
muling pagtibayin ang aking mga inaasahan at pati na rin ng Lupon ng
mga Direktor tungkol sa pagsunod sa Kodigong ito.
May isang simpleng ideya na namamayani sa likod ng lahat ng bagay
na ating ginagawa:

Itinataguyod natin ang ating mga layuning pangnegosyo


nang may integridad at may lubos na pagsunod sa
lahat ng batas.
Ito ang ating dapat gawin dahil ito ang siyang nagbibigay kabuluhan sa ating
negosyo. Para sa ating ikatatagumpay, mahalagang makuha natin ang tiwala
ng ating mga kustomer, mga mamimili, mga shareholder, mga katrabaho,
mga regulator (nagbibigay regulasyon), mga tagatustos (supplier) at mga
komunidad kung saan tayo nakatira at nagtatrabaho. Magagawa natin ito
sa pamamagitan ng pagkilos nang may integridad.
Itinatalaga ng Philip Morris International sa Chief Compliance Officer ang
pamamahala ng implementasyon ng Compliance Program sa buong PMI,
sa pakikipagtulungan sa line management at sa mga central function.
Isang mahalagang sanggunian ng ating pagpapahalaga sa integridad ang
Kodigo ng Asal ng Philip Morris International. Ang kodigong ito ang siyang
nagpapaliwanag ng mga pangunahing patakarang angkop sa ating negosyo.
Ipinapaliwanag din nito ang ating personal na responsibilidad na magpahayag
o magsuplong kung may sapat na batayan at walang bahid ng malisya, sa
mga pagkakataong nakakasaksi tayo ng mga gawaing tila hindi tama.
Basahin ang kodigo nang maigi. Kayo ay magagabayang kumilos nang
naaayon sa paninindigan ng PMI na gumawa ng tamang bagay.
Pinakamahalaga sa atin ang paninindigan sa pagsunod at integridad — higit
pa sa anumang layuning pananalapi, o marketing target o sa pagsisikap na
ungusan ang kakompetensiya sa negosyo. Ang kahalagahang ito ay higit din
sa anumang hangaring pasayahin ang ating boss. Kailangang mas binibigyan
natin ng prioridad ang ating paninindigan sa pagsunod at integridad.
Ang Kodigong ito ay nagpapakilala sa atin at sa kung sino ang pinipili
nating maging. Ito ay nagpapakita kung paano natin isinasagawa ang
ating negosyo — kahit saan man at anumang oras. Sa sama-sama nating
pagsunod sa letra at diwa ng Kodigong ito, makakatiyak tayo na isang
malaking karangalan ang maglingkod para sa Philip Morris International.

Tapat na sumasainyo,

Louis C. Camilleri
Ang Chairman at Chief Executive Officer
Philip Morris International Inc.
Marso 2008

You might also like