You are on page 1of 1

Interes Creado

Rommel N. Angara

Katanyagan niya’y di na maikubli.


Sa kanbas na langit s’ya ang nakapinta.
Bumulag sa mata ng bayang naapi’y
ang pinturang lason, tagal n’yang tinimpla!
Kapangyarihan n’ya’y di na matuldukan—
maaksyong klasikong dulang may karugtong!
Bihag ang balanang noon pa nalinlang.
Idinambana s’yang higit pa sa Poon!
Kayamanan niya’y di na matingkala.
Natabunan siya buhat nang maupo!
Ataul n’ya mismo ang kaban ng madla
matapos mabuhay sa nakaw na ginto!

Tala: Ang pariralang Kastila na “interes creado” ay may literal na kahulugang “vested interest”
sa Ingles.

01 Mayo 2013
Baler, Aurora

—Nalathala sa The Carmelian Faces (opisyal na publikasyon ng Departamento ng Lalong


Mataas na Edukasyon ng Mount Carmel College of Baler), Hunyo–Oktubre 2013, Tomo VIII,
Blg. 7, p. 8

You might also like