You are on page 1of 2

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto

Tungo sa Pananaliksik
TAKDANG ARALIN
Ipinasa Ni: PHEJIE C. COLLAMAR
Ipinasa Kay: GNG. ADELITA C. REDOBLE

“Paglalarawan sa aking Sarili”

Ako si Phejie Caliso Collamar labing pitong taong gulang. Laking Tagalog
sa siyudad ng Caloocan. Pinanganak noong Ika sampu ng Marso taong
dalawang libong lima sa Maynila. Ngunit kasalukuyang nakatira sa Sulipat,
Calamba, Misamis Occidental dahil sa komplikadong sitwasyon.
Panganay sa apat na magkakapatid, at nangangarap na maiahon sa hirap
ang aking pamilya balang araw. Simple lang ang buhay ko dahil nasa bukid
kami nakatira.
Hindi naman sa kagwapuhan pero may angking talino kahit papano. May
kalakihan ng kalamnan bunga ng palagiang pagtatrabaho upang magkaroon
ng baon araw-araw sa paaralan. Hindi biniyayaan ng pambihirang pisikal na
anyo di gaya ng iba.
Mahilig ako sa Agham at Matematika dahil gusto ko maging isang
inhenyero paglaki. Bukod pa dito, may isports din akong kinahihiligan gaya
ng basketball, badminton, chess at volleyball.
Masasabi ko sa aking sarili na ako ay matalino, masunurin at mabait
ngunit mabangis kung magalit. Ang pananaw ko sa buhay ay makatapos sa
pag aaral at maging isang inhenyero upang makatulong sa aking mga
magulang.
Sa kabuuan, ako ay tipo ng lalaki na wala sa istandard ng mga babae pero
may diskarte naman ako sa buhay kaya kakayanin lahat ng mga problema sa
buhay sa tulong ng poong maykapal.

You might also like