You are on page 1of 2

Filipino 9

Reflection Journal
"Kapag namulat ka sa katotohanan, kasalanan na ang pumikit."— Ito
ang kasabihang sumasalamin sa aking natutuhan mula sa nobelang Noli
Me Tangere. Sa mahigit dalawang buwan ng pag-aaral nito, natuklasan
ko ang napakaraming suliranin ng ating bansang Pilipinas. Masining na
inilarawan ng Noli Me Tangere ang lipunang Pilipino sa mga hindi
malilimutang karakter nito: Ang mapanglaw na sinapit ni Maria Clara at
ang pagkabaliw ni Sisa ay nagpakilala sa kahabag-habag na kalagayan
ng bansa, na dating maganda, ay naging miserable. Ang kanilang mga
karanasan ay nagbukas ng aking isipan tungkol sa pang-aapi at pang-
aabuso. Nakatulong ito na gumawa ako ng pagbabago sa ating bayan sa
pamamagitan ng pagtatama sa mga kamaliang nangingibabaw rito.

Sa karakter naman Ibarra ay nakita ko ang personalidad ni Jose Rizal.


Nakita ko ang isang matipuno, matapang, edukado, maka- Diyos at
pagiging makabayan. Dahil dito, naging inspirasyon ko si Jose Rizal sa
lahat ng aking ginagawa. Kaya bilang isang kabataan, nararapat kong
patunayan ang sinabi niyang, "Ang Kabataan ang pag-asa ng Bayan". Isa
ako sa mga taong pinagmumulan ng pagbabago kung kaya't bago ako
gumawa ng desisyon ay iisipin ko muna kung ano ang tama. Dahil sa
mga naidulot ng nobelang ito sa akin, masasabi kong ito ay maaaring
magsilbing gabay sa lalakbaying landas at matagumpay na pamumuhay
ng mga Pilipino.

You might also like