You are on page 1of 4

Ang Kabihasnang Mesopotamia

Mesopotamia mula sa salitang Greek na meso


na ang ibig sabihin ay pagitan at potamos o ilog;
itunuturing na lunduyan ng
kabihasnan;
pinamalagian at sinakop ng
ibat ibang kabihasnan.

Heograpiya ng Mesopotamia
* Ito ay walang likas na hangganan kung kayat mahirap
ipagtanggol ang lupang ito
sa ibang mananakop
* Noong 5500 B.C.E, daan- daang maliliit na
pamayanang sakahan ang umusbong sa kapatagan ng
hilagang bahagi na pinag-ugnay ng malayo at
mahahabang rutang pangkalakalan.
* Nagkaroon ng mga pagbabago sa aspektong :
panlipunan, pulitikal at panrelihiyon
Tigris Euphrates pinag-usbungan ng mga kauna-
unahang lungsod sa daigdig.
Fertile Crescent rehiyon kung saan matatagpuan ang
Mesopotamia. Ito ay isang paarkong matabang lupain
na nagsimula sa Persian Gulf hanggang sa silangang
baybayin ng Mediterranean Sea.
Uruk siyang itunuturing na isa sa kauna- unahang
lungsod sa daigdig

Ang mga Sumerian (3000 B.C.E 2340 B.C.E)
* Nomadikong Mamamastol
* Nomadiko - tao o pangkat ng tao na kung saan sila ay
nagpalipat- lipat ng tirahan kung kinakailangan
* Nagtungo ang mga nomadikong Sumerian sa sakahan
ng Mesopotamia noong 3500 B.C.E.
* Sumer tawag sa mga taong matatagpuan sa
katimugan ng Mesopotamia
* 12 lungsod- estado na pinamumunuan ng isang lugal o
hari
* Ilan sa kilalang lungsod- estado: Eridu, Kish, Lagash,
Uruk, Ur at Nippur
* ziggurat isang templong matatagpuan sa bawat
lungsod- estado at ang istrakturang ito ay nagsisilbing
tahanan at temple ng patron o diyos ng isang lungsod
* Anthropomorphic diyos at diyosa ng mga Sumerian
na may katangian at pag- uugaling tao
* Cuneiform paraan ng pagsusulat ng mga Sumerian
na hugis sinsel o wedge- shaped
* Stylus yarisa tambo o reed na ginagamit sa
pagsusulat
* Clay Tablet basing luwad na lapida na sinusulatan ng
mga Sumerian
* oxen - pangunahing hayop sa sakahan; buriko o
donkey ang ginagamit sa paglalakbay

Ang mga Akkadian (2340 B.C.E 2100 B.C.E)
* Ang tunggalian sa lupa at tubig ay naging karaniwan sa
mga panahong ito.
* sinakop ni Sargon I ang mga lungsod-estado at itinatag
ang kauna-unahang imperyo sa daigdig
* Sargon I(2334 B.C.E 2279 B.C.E) ay mula sa Akkad
o Agade.
* Akkadian kauna-unahang imperyo sa daigdig.
* Ang imperyong Akkadaian ay tumagal lamang ng 150
taon.
* Ur- Nammu (2112 B.C.E 2095 B.C.E) ang namuno
nang nabawi ng Ur ang kapangyarihan nito at
pinamunuan ang Sumer at Akkad
* Ibbi- Su (2028 B.C.E 2004 B.C.E) apo ni Ur- Nammu
na sa kanyang pamumuno sa Ur ay bumagsak ito
pagdating ng mga Amorite at Hurrian sa Mesopotamia

Ang mga Babylonian (1792 B.C.E 1595 B.C.E)
* Hammurabi (1792 B.C.E 17500 B.C.E) hari ng
lungsod ng
* Babylon kabisera ng imperyong Babylonia
* Batas ni Hammurabi (Code of Hammurabi) isang
napakahalagang ambag ng mga sinaunang tao sa
kabihasnan
* Marduk patron ng Babylon
* Noong 1595 B.C.E, matagumpay na sinalakay ng mga
Hittite mula sa Anatolia ang Babylon

Ang mga Assyrian (1813 B.C.E 605 B.C.E)
* Assyria matatagpuan sa bulubunduking rehiyong
nasa hilaga ng Babylonia
* Shamshi Adad (1813 B.C.E 1781 B.C.E) isang
sundalong nakasakop sa Ashur at ito ang naging unang
kabisera ng Assyria.
* Tiglath Pileser I (1114 B.C.E 1076 B.C.E)
tinuturing na tagapagtatag ng imperyong Assyrian dahil
siya ang kinikilalang pinakamahusay na hari nito at
nagawa niyang supilin ang mga Hittite
* Ashurnasirpal II (1049 B.C.E 1031 B.C.E) isa rin sa
mahalagang pinuno ng Assyria ng mayroon silang
ekspedisyong militar sa kanluran ng Mesopotamia.
*Ashurbanipal (668 B.C.E 627 B.C.E) anak ni
Esarhaddon na kinakitaan ng maayos na pamamahala sa
kanyang panahon

Ang Chaldean: Bagong Babylonian (612 B.C.E 539
B.C.E)
* Chaldean matatagpuan sa katimugang bahagi ng
Babylonia at silangang pampang ng Euphrates River
* Nabopolassar (612 B.C.E 605 B.C.E) mula sa
Chaldea na namuno sa bagong
* Nebuchadnezzar II (605 B.C.E 562 B.C.E) anak ni
Nebopolassar na namuno sa Babylonia nang matamo
nila ang rurok ng kadakilaan.
* Babylon naging pinakamahalagang lungsod sa buong
daigdig
* Hanging Garden of Babylon ipinagawa ni
Nebuchadnezzar para sa kanyang asawa
* Cyrus the Great namuno sa hukbo ng Persian noong
539 B.C.E na lumusob sa Babylon
* Alexander the Great hari ng Macedonia at naging
dahilan sa pagbagsak ng imperyo ng Persia

Ang mga Persian ( 539 B.C.E 330 B.C.E)
* Imperyong Achaemenid tawag sa isang
malawak na imperyo ng mga Persian
* Persia kasalukuyang Iran at sentro ng
Imperyong Achaemenid
* Cyrus the Great (559 B.C.E 530 B.C.E) namumuno
nang nagsimula ang mga Persian sa kanilang pananakop
* Darius the Great (521 B.C.E 486 B.C.E) umabot ang
pananakop hanggang India
* Hinati ng mga Persian ang kanialng imperyo sa
mga lalawigan o satrapy.
* Gobernador o Satrap namumuno sa
lalawigan ng Persia
* * Zoroastrianism relihiyon ng mga Persian na
ipinangaral ni Zarathustra o Zoroaster; paniniwala ukol
sa labanan ng mabuti at masama at ang pananagumpay
ni Ahura Mazda (diyos ng kabutihan)
Pamana ng Kabihasnang Mesopotamia at
Mediterranean
* Cuneiform - ang kauna-unahang sistema ng
pagsusulat
* Henry Rawlinson nakatuklas ng Behistun
Rock noong 1847
* Behistun Rock nagsilbing susi upang maunawaan
ang mga nakasulat sa luwad na lapida
* Code of Hammurabi naglalaman ng 282 na
batas
* Lydian gumamit ng coin o salapi sa
pakikipagkalakalan.
* Phoenician nakapaglinang ng isang makabagong
paraan ng pagsulat na mas kilala bilang Phonetic
Alphabet
* Monotheism pinasimulan ng mga Hebrew
na pagsamba sa isang diyos.

Kabihasnang Tsino
Yellow River o Ilog Huang Ho
Mula sa Kabundukan ng kanlurang Tsina na may haba
na 3,000 milya.
Dumadaloy papuntang Yellow sea
Dahilan sa pagkakabuo ng North China Plain.
Ang pagbaha ng Huang Ho River ang nagdulot sa
pagiging mataba ng North China Plain

Dinastiyang Xia
Nag-ugat mula sa Longshan, kulturang Neolitiko sa sa
lambak ng Huang Ho.
ANAK NG LANGIT na nagtataglay ng Basbas ng Langit o
Mandate of Heaven
Isang alamat lamang ang Dinastiyang ito.
Pinalitan ng Dinastiyang Shang
Hsia
Ang dinastiyang itinatag ni Emperor Yu sa may
lambak ng Huang Ho ang itinuturing na
pinakauna sa kasaysayan ng Tsina. Nakabatay sa
tradisyon ang mga tala tungkol sa dinastiyang
ito. Pinamunuan ito ng mga paring-hari na
pinaniniwalaang gumawa ng mga sikretong
kalendaryo na ikinamangha ni Confucius noong
panahon ng Han kung kayat binuhay niya ang
paggawa at paggamit nito.
Wala pang mga ebidensyang nahukay ang mga
arkeologo na nagpapatunay sa dinastiyang ito.

Dinastiyang Shang

Pinakamaunlad na kabihasnang gumamit ng
bronse.
Pinakamatanda at pinakakumpleto sa mga
panulat na Tsino.
Oracle Bone nakaukit sa buto ng mga baboy
na ginagamit ng mga orakulo para sa paghuhula
Pagsasakripisyo ng tao, kapag may namatay na
pinuno.napalitan ng paggawa ng Terracotta
Warrior.
Napalitan ng Dinastiynag Zhou o Chou

Dinastiyang Zhou

Tumagal ng halos siyam na siglo.
Nahahati sa dalawang panahon
Kanlurang Zhou -1045 771 BC
Silangang Zhou 771 256 BC
Spring and Autumn Period at Warring States
Period.
Panahon ng pag-usbong ng mga kaisipan :
Confucianism, Taoism at Legalism

Dinastiyang Chin o Qin

Nagpabagsak sa Dinastiyang Shang
Panahon ng tunggalian ng estado o warring
states.
Ying Zheng napag-isa ang mga nagdidigmaang
estado.
Shi Huang Di Unang Emperador ng China
Unang pagkakataon na naging imperyo ang
Tsina
Tumagal ng 12 taon
Pinagmulan ng salitang China
Great wall of China

Dinastiyang Han

Liu Bang inihayag ang sarili bilang emperador
pagkatapos mamatay ni Shi Huang Di
Kanlurang Han o Earlier Han at Silangang Han o
Later Han.
Xin o Wang Mang interregnum gitnang
panahon.
Yumakap sa kaisipan ng Confucianism
Pagsusulat ng kasaysayan
Silk road
Emperador Wudi pinalakas at pinalawig ang
dinastiya.

Dianstiyang Sui
Pinagbuklod muli ang China
Pinagawa ang Great Wall of China
Paggawasa Grand Canal ang nagdurugtong sa
Huang Ho at Yangtze River
Sapilitang paggawa ang naging suliranin ng
dinastiyang Sui
Laganap ang pag-aalsa ng mga manggagawa.
Pinalitang ng dinastiyang Tang

Dianstiyang Tang
Pinamunuan ni Li Yuan at ang anak niyang si Li
Shimin
Isa sa mga dakilang dinastiya ng Tsina
Pagpasok ng Buddhism sa Tsina
Pagkakaroon ng Civil Service Exam para sa
pagpili ng mga opisyal
Silk Road rutang pangkalakalan
Pinalitan ng dinastiyang Sung o Song

Dinastiyang Song o Sung

Hilagang Song at Timog Song.
Sapat na suplay ng pagkain
Maunlad na teknolohiyang agrikultural
Tinalo ng hukbo ni Genghis Khan

Kabihasnang Egyptian

Heograpiya - Sa pag-unawa sa heograpiya ng
sinaunang Egypt, mahalagang tandaan na ang
tinutukoy na Lower Egypt ay nasa bahaging
hilaga ng lupain o kung saan ang Nile ay
dumadaloy patungong Mediterranean Sea.
Samantala, ang Upper Egypt ay nasa bahaging
katimugan mula sa Libyan Desert, hanggang sa
Abu Simbel. Ang Nile na may 4, 160 milya ang
haba ay dumadaloy mula katimugan patungong
hilaga.

Noon pa mang unang panahon, ang Egypt ay
tinawag na bilang Pamana ng Nile dahil kung
wala ang ilog na ito, ang buong lupain nito ay
magiging isang disyerto.

Ang pharaoh ay tumatayong pinuno at hari ng
sinaunang Egypt. Siya ay itinuturing din bilang
isang diyos na taglay ang mga lihim ng langit at
lupa. Para sa mga pharaoh sila ang
tagapagtanggol sa kanilang nasasakupan

Pre Dynastic Period

Ang mga sinaunang Egyptian ay namuhay sa
mga pamayanang malapit sa Nile.

Tulad ng mga panirahang matatagpuan sa
Mesopotamia, ang mga ito ay nasa ilalim ng
pamamahala ng mga lokal na pinunong may
kontrol sa pakikipagkalakalan.

Ang mga eskribano ay nakapaglinang din ng
kanilang sariling sistema ng pagsulat na
tinatawag na Hieroglyphics.

Hieroglyphcs sagradong Ukit

Nomes Malalayang pamayanan. Ang mga ito
ang nagsilbing batayan ng mga binuong
lalawigan ng mga sinaunang estado ng Egypt.

Nomarchs Mga pinuno ng Nomes. Unti-unting
nagbuklod ang mga ito para lumikha ng isang
estado sa Nile upang makabuo ng mas malaking
panrelihiyong pagkakakilanlan.

Early Dynastic Period
Dalawang kaharian ang nabuo sa kahabaan ng
Nile ang Upper Egypt at Lower Egypt.
Noong 3100 BCE., isang pinuno ng Upper Egypt
sa katauhan ni Menes, ang sumakop sa Lower
Egypt na nagbigay daan upang mapag-isa ang
lupain sa mahabang panahon

Menes Isa sa mga pinakaunang pharaoh sa
panahon ng mga Unang Dinastiya ng Egypt.
Maliban sa pagkakaroon ng isang pinag-isang
pangangasiwa, nagtalaga rin siya ng mga
gobernador sa ibat ibang lupain. Ang Memphis
ay naging kabisera ni Menes.

Old Kingdom
Tinawag itong panahon ng pyramid. Sa
panahong ito nagsimula ang pagtatayo
ng mga piramide sa Egypt na nagsilbing libingan
ng mga pharaoh. Ang mga pyramids na ito ay
nagsilbi ring monumento ng kapangyarihan ng
mga pharaoh.

Pepi II (Neferkare) Kahuli-hulihang pharaoh ng
ika-anim na dinastiya. Pinaniniwalaang namuno
sa loob ng 94 na taon, ang pinakamatagal na
naghari sa kasaysayan ng daigdig. Siya ay anim
na taong gulang lamang nang maupo sa trono
at namatay sa edad na 100.

First Intermediate Period
Sa panahon ng 2160 B.C.E, tinangka ng mga
panibagong pharaoh na pagbuklurin muli ang
Lower Egypt mula sa kabisera nitong
Heracleopolis.Sa kabilang dako, ang kanilang
mga katunggali sa Thebes ay binuo naman ang
Upper Egypt.

Dulot nito, nagsagupaan ang dalawang
magkaribal na dinastiya sa Egypt.

Ang mga pinuno mula sa Heracleopolis ay
nagmula sa linya ng mga Pharaoh na si Akhtoy
samantalang ang unang apat na pinuno mula sa
Thebes ay pinangalanang Inyotef o Antef.

Middle Kingdom
Ang kaguluhang politikal ay nagtapos nang
manungkulan si Mentuhoteo. Sa mga sumunod
na naghari, napag-isa muli ang lupain. Nalipat
ang kabisera sa Lower Egypt.

Senusret o Sesostris I Nakipagtunggali siya sa
bahaging Nubia.

Senusret o Sesostris III Ipinagpatuloy niya ang
kampanya sa Nubia. Sa una ring pagkakataon,
tinangka niyang palawakin ang kapangyarihan
ng Egypt hanggang Syria.

Amenemhet II Pinakamahusay na pinuno
nang Gitnang Kaharian na namuno sa loob ng
34 na taon.

Second Intermediate Period
Ayon sa mga tala, ang ika-13 dinastiya ay
nagkaroon ng 57 na hari. Ito ay nagpapahiwatig
ng kawalan ng kapanatagan at katatagan sa
pamamahala.
Ang pangingibabaw ng dinastiya ng mga Hyskos
noong Ika-16 ng dinastiya na tinawag na Great
Hyskos Dinasty ay nagtapos sa pag-usbong ng
ika-17 dinastiya.
Ang mga pinuno ng ika-17 dinastiya ay
nagawang mapatalsik ang mga Hyskos mula sa
Egypt.

New Kingdom
New Kingdom ang itinuturing na pinakadakilang
panahon ng kabihasnang Egypt. Tinawag din ito
bilang Empire Age.

Panahon ito ng agresibong pagpapalawak ng
lupain ng Egypt sa kamay ng malalakas na mga
pharaoh. Ang ilan sa mga kilalang pharaoh ng
panahong ito ay sina Thutmose II, Thutmose III,
Amenophis III at Rameses II.

Reyna Hatshepsut Asawa ni Thutmose II ay
kilala rin bilang isa sa mahuhusay na babaing
pinuno sa kasaysayan.

Amenophis IV o Akhenaton Tinangka niyang
bawasan ang kapangyarihan ng kaparian sa
pamahalaan gayun din ang paniniwala ng mga
tao ukol sa pagsamba sa maraming diyos.

Third Intermediate Period
Ang ika-21 Dinastiya, na tinawag din bilang
Tanites, ay pinasimulan ni Smendes ng Lowe
Egypt. Ang dinastiyang ito ay mapapalitan ng
mga hari mula sa Libya na magpapasimula
naman ng ika-22 na dinastiya.

Shosheng I Unang pinuno ng ika-22 dinastiya.
Isang heneral sa ilalim ng nagdaang dinastiya.

Piye Sumalakay siya pahilaga ng Egypt upang
kalabanin ang mga nangingibabaw sa delta ng
Nile. Umabot ang kanyang kapangyarihan
hanggang sa Memphis.

Tefnakhte Katunggali ni Piye na sumuko
ngunit kalaunan ay pinayagang mamuno sa
Lower Egypt. Sinimulan niya ang panandaliang
ika-24 na Dinastiya.

Late Period
Psammetichus Sa ilalim ng kanyang
pamumuno nagawa niyang pagbuklurin ang
Middle at Lower Egypt na nagpasimula sa Ika-26
na Dinastiya. Nakontrol niya ang buong Egypt
noong 656 BCE.

Apries Sa ilalim ng kanyang pamamahala,
isang hukbo ang ipinadala upang tulungan ang
mga taga-Libya na puksain ang kolonya ng
Greece na Cyrene. Natalo sila sa labanan at
nagdulot ito ng kaguluhang sibil na humantong
sa paghalili sa kanya ni Amasis II. Sa kanyang
pagkamatay noong, 526 BCE, and Egypt ay
napasakamay na ng mga Persian.

You might also like