You are on page 1of 7

Si Dr.

Jos Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda [1] (19 Hunyo 1861 30 Disyembre
1896) ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa
Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang tinigtignan bilang
pinakamagaling na bayani at tinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng
Lupon ng mga Pambansang Bayani.[2]
Pinanganak si Rizal sa isang mayamang mag-anak sa Calamba, Laguna at pampito sa labing-
isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong
si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila,
at nakakuha ng diploma sa Batsilyer ng Sining at nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng
Santo Tomas sa Maynila. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad Central de
Madrid sa Madrid, Espanya, at nakakuha ng Lisensiya sa Medisina, na nagbigay sa kanyan ng
karapatan sanayin ang medisina. Nag-aral din siya sa Pamantasan ng Paris at Pamantasan ng
Heidelberg.
Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina, mahusay siya sa pagpinta, pagguhit, paglilok at
pag-ukit. Isa siyang makata, manunulat, at nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga
gawa ay ang nobela ng Noli Me Tngere, at ang kasunod nitong El filibusterismo.[note 1][3] Isa
ring poliglota si Rizal, na nakakaunawa ng dalawampu't dalawang mga wika.[note 2][note
3][4][5]
Itinatag ni Jos Rizal ang La Liga Filipina, isang samahan na naging daan sa pagkabuo ng
Katipunan na pinamunuan ni Andrs Bonifacio,[note 4], isang lihim na samahan na
nagpasimula ng Himagsikang Pilipino laban sa Espanya na naging saligan ng Unang Republika
ng Pilipinas sa ilalim ni Emilio Aguinaldo. Siya ay tagapagtaguyod ng pagkakaroon ng Pilipinas
ng sarili nitong pamahalaan sa mayapang pamamaraan kaysa sa marahas na himagsikan, at
susuportahan lamang ang karahasan bilang huling dulugan.[7] Naniniwala si Rizal na ang
tanging katwiran sa pagpapalaya sa Pilipinas at pagkakaroon nito ng sariling pamahalaan ay
ang pagbabalik ng karangalan ng mga mamamayan,[note 5] at kanyang winika "Bakit kalayaan,
kung ang mga alipin ngayon ay magiging maniniil ng hinaharap?"[8] Ang pangkahalatang
napagsang-ayunan ng mga dalubhasa sa buhay ni Rizal ay ang pagbitay dito ang naghudyat
upang magsimula ang Himagsikang Pilipino.
Ang pamilya ni Jos Rizal
Si Francisco Rizal Mercado (18181897)
Anak si Rizal nina Francisco Rizal Mercado (18181897)[9] at ni Teodora Morales Alonzo y
Quintos (1827-1911; na ang pamilya nila ay pinalitan ang kanilang apelyido bilang
"Realonda"),[10] na parehong masagang magsasaka na pinagkalooban ng upa sa isang
hacienda at kaakibat nitong palayan ng mga Dominikano. Pampito sa labing-isang
mangkakapatid si Rizal: sina Saturina (Neneng) (18501913), Paciano (18511930), Narcisa
(Sisa) (18521939), Olympia (18551887), Lucia (18571919), Mara (Biang) (18591945),
Jos Protasio (18611896), Concepcin (Concha) (18621865), Josefa (Panggoy) (1865
1945), Trinidad (Trining) (18681951) at Soledad (Choleng) (18701929).
Ikalimang salinlahi na si Rizal sa inanak ni Domingo Lam-co Quanzhou noong kalagitnaan ng
ika-17 dantaon.[11] Napangasawa ni Lam-co si Inez de la Rosa, isang Sangley ng Luzon.[12]
Si Teodora Alonzo, ang ina ni Dr. Jos Rizal
Mayroon din lahing Kastila at Hapones si Jos Rizal. Ang kanyang lolo at ama ni Teodora ay
kalahating Kastila at isang inhinyero na pinangalanang Lorenzo Alberto Alonzo.[13] Ang
kanyang lolo sa talampakan sa ina ay si Eugenio Ursua, inanak ng isang Hapones.
Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay
tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya sa
Bian, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang
buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang mga magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa
Maynila.
Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan noong
ikadalawa ng Enero 1872.Sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng
mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya
natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang
pinakamataas na karangalan.Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at
Panitikan sa Unibersidad ng Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng
Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan
(Santo Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong 5
Mayo 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo
ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo'y
pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya
ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente" (napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit
niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa Pransiya at nagpakadalubhasa sa
paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg,
Alemanya, kung saan natamo pa ang isang titulo.
Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang
karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si Rizal
na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano,
Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika
ng Pilipinas
Si Rizal ay nakilala sa dahil sa kanyang dalawang nobela, ang Noli Me Tangere, na nilimbag sa
Berlin, Alemanya (1886) sa tulong ni Dr. Maximo Viola, at ang El Filibusterismo, na nilathala sa
Gante, Belgica (1891); pinahiram siya ni Valentin Ventura ng 300 piso sa pagpapalimbag ng El
Filibusterismo. Naglalaman ang mga ito ng mga paglalarawan at pagpuna sa mga nagaganap
na pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang mga aklat na ito ay halaw at
hango sa Don Quixote ni Miguel Cervantes, manunulat na Espanyol. Ang mga ito ang naging
daan upang magising ang puso't diwa ng mga Pilipino. Nakilala rin siya bilang Aaron Ng.
Makikita ang malaking bahagi ni Leonor Rivera sa buhay ni Rizal sa mga sulating kagaya ng If
Dreams Must Die at The Love of Leonor Rivera ni Severino Montana. Kung saan kapwa
nagpapakita ng imahe ng isang dalagitang umiibig sa bata nitong puso, isang kolehiyala na
naihahalintulad kay Maria Clara, at isang walang-hanggang pag-ibig ni Rizal.
Sa buhay ng pagka-bayani ni Rizal ay may dalawang babae na kapwa nagkaroon ng
mahalagang bahagi, ito ay ang kanyang ina at si Josephine Bracken. Si Donya Teodora Alonzo
ay isang mapagmahal at mapag-kalingang ina, na nagpakita ng mga katangian ng isang
huwarang inang Pilipino. Isang parokyano ng Kristiyanismo, para sa kanya ay isang pagtalikod
o kasalanan sa paniniwala ang pag-aaral ng siyensiya at pag-ibig kay Josephine Bracken.
Samantalang makikita si Leonor Rivera kay Maria Clara, si Josephine Bracken naman ay kay
Salome. Si Salome ang karakter ni Rizal sa Noli Me Tangere na hindi isinama sa publikasyon
kaya iilan lamang ang nakakikilala. Si Salome ay ang iniibig ni Elias, isang babaeng kakikitaan
ng liberal na pag-uugali sa pagsasalita, pagkilos at pananaw sa sex. Ang usapan nina Elias at
Salome ay isang senaryong kakikitaan ng lubusang pagtukoy sa pagnanasa bago pa ang mga
sulatin ni Jose Garcia Villa. Maihahalintulad din si Josephine Bracken kina Magdalene, Mat
Hari, Kitty OShea, Sadie Thompson, at Joan of Arc.
Si Josephine Bracken ang naging daan upang makita ang liberalismo ni Rizal ng ina nito at mga
kapatid. Isa na rito ang naging pagtatalo ni Rizal at ng kanyang ina tungkol sa pagsasama nila
ni Josephine Bracken kahit na walang basbas ng simbahan. Bukod sa pagiging liberal taglay
din ni Josephine Bracken ang mga kaugalian kagaya ng pagiging matatag at may buong-loob
sa pakikipaglaban ng kanyang mga pinaniniwalaan.
Ayon kay John Foreman, si Josephine Bracken ay maihahalintulad kina Gabriela Silang at Joan
of Arc sa kanyang walang hanggang pakikibaka sa laban ng mga Katipuneros kahit sa
pagkamatay ni Rizal. Unang nakita si Josephine sa Asamblea sa Imus, Kabite noong 29
Disyembre. Kasama niyang dumating sa pagtitipon si Paciano Rizal at iba pang kabilang sa
pamilya Rizal. Ayon pa kay General Ricarte, hindi rin matatawaran ang partisipasyon ni
Josephine sa paggagamot sa bahay sa Tejeros kung saan naging nurse at inspirasyon siya sa
mga may sugat at iba pang nagpupunta dito. Gayundin ay makikita ang partisipasyon ni
Josephine sa Battles of Silang st Battle of Dasmarias noong 27 Pebrero. Makikita ang
lubhang katatagan ni Josephine Bracken sa Rebolusyon, nang panahon kung kailan dadakipin
na siya ng mga Espanyol. Kung saan naglakad siyang dumudugo ang mga paa mula sa
Maragondon hanggang Laguna hanggang makarating siya sa daungan papuntang Maynila.
Si Josephine Bracken ay isang malaking bahagi ng kasasayan ng Pilipinas hanggang sa
kanyang kamatayan noong taong 1902 sa sakit na tubercolosis. Ang kanyang kusang-loob na
pakikibahagi sa Rebolusyon at patuloy na pagtulong sa mga Pilipino sa kabila ng hindi pagkilala
ng mga ito sa kanya noong una ay sadyang kahanga-hangang kaugaliang napatunayan ni
Josephine Bracken sa loob ng mahabang panahon.
Mga Pamanang-lahi
Si Jose P. Rizal o mas kilalang Pepe ay isang Pilipinong repormista para sa isang lipunang
malaya at hindi isang rebolusyonaryong naghahangad ng kasarinlan. Bilang puno ng Kilusan ng
Pagbabago ng Pilipinas na itinatag ng mga Pilipino sa Barcelona, Espanya, nagbigay siya ng
ambag-sulatin sa La Solidaridad.
Ang kanilang mga mithiin:
na ang Pilipinas ay maging bahaging-lalawigan ng Espanya;
na magkaroon ng mga kinatawan sa Batasan ng Espanya (Parlyamento);
na magkaroon ng mga namumunong paring Pilipino o magkaroon ng sekularisasyon;
kalayaan sa pagtitipon-tipon at pamamahayag;
pantay na karapatan sa harap ng batas, maging Pilipino man o Kastila.
Hindi matanggap ng mga maykapangyarihang opisyal ang mga pagbabagong iyon, sapagkat
nangangahulugan ng pagkawala ng pangingibabaw ng Kastila. Kaya sa pagbabalik ni Rizal sa
Maynila mula sa Espanya, pinaratangan siya ng paghahasik ng gulo dahil sa pagtatatag ng La
Liga Filipina, nilitis at ipinatapon sa Lungsod ng Dapitan/Dapitan, Zamboanga del
Norte/Zamboanga noong 1892. Doon, nagtayo siya ng isang paaralang pambata, at isang
pagamutan. Bukod dito, nagsagawa rin siya ng isang pambayang sistema ng padaloy-tubig.





Si Emilio Jacinto y Dizon (15 Disyembre 1875 16 Abril 1899), ay isang
Pilipinong rebolusyonaryo at kilala bilang Utak ng Katipunan.
Talambuhay
Ipinanganak si Emilio Jacinto sa Trozo, Maynila at ang mga magulang niya ay sina Mariano
Jacinto at Josefa Dizon. Nag-aral siya sa Colegio de San Juan de Letran, at lumaon ay lumipat
sa Unibersidad ng Santo Tomas upang mag-aral ng abogasiya. Naging kamag-aral niya dito
sina Manuel Quezon, Sergio Osmea at Juan Sumulong. Hindi siya nakapagtapos sa kolehiyo,
at sa gulang na 20, sumanib siya sa lihim na samahan na tinawag na Katipunan. Naging
tagapayo siya sa mga usaping pampiskalya at kalihim ni Andrs Bonifacio. Lumaon ay nakilala
siyang Utak ng Katipunan.Inatasan siya ni Bonifacio na mamuno sa Laguna.
Nagsulat din si Jacinto sa pahayagan ng Katipunan na tinawag na Kalayaan. Nagsulat siya sa
pahayagan sa ilalim ng pangalang 'Dimasilaw', at ginamit ang alyas na 'Pingkian' sa Katipunan.
Si Jacinto rin ang may-akda ng Kartilya ng Katipunan.Namatay sa sakit na malarya si Jacinto
noong 16 Abril 1899 sa Magdalena, Laguna.

Si Marcelo Hilario del Pilar y Gatmaitan (30 Agosto 1850 - 4 Hulyo 1896), kilala rin bilang ang
"Dakilang Propagandista", ay isang ilustrado noong panahon ng Espanyol. Ang kanyang
pangalan sa dyaryo ay Plaridel.[1] Pinalitan niya si Graciano Lpez Jaena bilang patnugot ng La
Solidaridad.[2]

Pamilya
Mayaman ang mga magulang ni Marcelo. Marami silang palaisdaan at sakahan.[3] Si Julian
Hilario del Pilar, ang kanyang ama, ay tatlong beses na naging gobernadorcillo.[4] Naglingkod
din si Julian bilang oficial de mesa ng alkalde mayor. Ang ina ni Marcelo ay si Blasa Gatmaitan.
Kilala si Blasa sa bansag na Blasica
Pang-siyam sa sampung magkakapatid, ang mga kapatid ni Marcelo ay sina: Toribio (paring
ipinatapon sa Guam noong 1872),[5] Fernando (ama ni heneral Gregorio del Pilar), Andrea,
Dorotea, Estanislao, Juan, Hilaria (maybahay ni Deodato Arellano), Valentin at Maria.
Ang tunay na apelyido ng pamilya ay "Hilario". Ginamit nila ang apelyidong "del Pilar" alinsunod
sa kautusan ni Gobernador Heneral Narciso Claveria noong 1849.
Noong Pebrero 1878, pinakasalan ni Marcelo ang pinsang niyang si Marciana (kilala sa bansag
na Tsanay/Chanay).[6] Sila ay may pitong anak, isang lalaki at anim na babae: Sofa, Jos,
Mara, Rosario, Mara Consolacin, Mara Concepcion, and Anta. Si Sofia at Anita lamang ang
lumaki (ang lima ay namatay noong kabataan nila).

Kabataan
Sa murang edad ay natuto si del Pilar mag biyulin, mag piyano, at mag plawta.[7] Magaling din
siya sa larong arnis. Kapag panahon ng Flores de Mayo ay tumutugtog siya ng biyulin.
Kumakanta din siya sa mga harana (serenata).[8]

Edukasyon
Ang tiyuhing si Alejo ang nanging unang guro ni Marcelo. Kumuha siya ng kursong Latin sa
kolehiyong paaralan ni Ginoong Hermenigildo Flores. Lumipat siya sa Colegio de San Jose at
doon ay tinamo ang Bachiller en Artes (Bachelor of Arts).[9]
Ipinagpatuloy ni Marcelo ang pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas. Kumuha siya ng
kursong abogasya. Nasuspinde siya sa paaralan nang makipagtalo siya sa kura ng San Miguel
ukol sa bayad sa binyag.[5] Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral noong 1878.[6] Natapos
niya ang kurso noong 1880.[10]

Kampanya laban sa mga prayle: 1880-1888
Si Benigno Quiroga y Lpez Ballesteros
Noong 1 Hulyo 1882, itinatag niya ang Diariong Tagalog (ayon kay Wenceslao Retana, isang
Kastilang manunulat, ang unang labas ay inilathala noong 1 Hunyo 1882) kung saan binatikos
niya ang pang-aabuso ng mga prayle at kalupitan ng pamahalaan.[5]
Noong 1885, hinimok ni del Pilar ang mga cabeza de barangay (kapitan ng barangay) ng
Malolos na tutulan ang kautusan ng pamahalaan na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga
prayle na baguhin ang talaan ng mga nagbabayad ng buwis.
Sa talaan ng mga prayle ay lumalabas na mayroong tatlong libo katao ang dapat magbayad ng
buwis. Kasama sa talaan ang mga taong namatay na, lampas na sa edad o lumipat na ng ibang
lugar. Ang mga cabeza de barangay ay napilitang magpaluwal ng dapat ibayad sa mga taong
patay na o wala na doon.

Noong 1887, sa hikayat ni del Pilar, ay isinumbong ni Manuel Crisstomo, ang gobernadorcillo
ng Malolos, ang dalawang prayleng lumabag sa batas kontra sa paglantad ng mga patay sa
loob ng simbahan. Ito ay isinabatas ni Benigno Quiroga y Lpez Ballesteros, ang patnugot ng
pangasiwaang sibil. Dahil sa sumbong na ito ay inaresto ni gobernador Manuel Gmez Florio
ng Malolos ang nasabing mga prayle.
Tinuligsa ni del Pilar noong taong din yon ang kura paroko ng Binondo dahil sa paglalaan ng
piling upuan sa loob ng simbahan. Ang prayle ay naglaan ng pangit na upuan sa mga Pilipino at
magandang upuan sa mga mestisong Kastila.
Nagkaroon ng demonstrasyon laban sa mga prayle noong 1 Marso 1888.[7] Ang
demonstrasyon ay isinagawa nila Doroteo Corts at Jos A. Ramos. Sumulat si del Pilar ng
isang manipesto na pinamagatang Viva Espaa! Viva el Rey! Viva el Ejrcito! Fuera los Frailes!
(Mabuhay ang Espanya! Mabuhay ang Hari! Mabuhay ang mga Hukbo! Palayasin ang mga
Prayle!). Ang pahayag na ito ay iniharap sa gobernador ng Maynila na si Jos Centeno. Ito ay
nilagdaan ng 810 na katao.
Noong taong din yon ay binatikos ng Agustinong si Jos Rodriguez ang Noli Me Tngere ni
Rizal. Sumulat siya ng polyeto na pinamagatang Caigat Cayo!: Sa maga masasamang
libro,t, casulatan. Binalaan ng prayle ang mga Pilipino na huwag basahin ang Noli. Noong 3
Agosto 1888 ay sumulat si del Pilar ng polyeto na pinamagatang Caiigat Cayo. Ito ay sagot sa
polyeto ni Padre Rodriguez.[11]

Pagtakas: 1888
Dahil sa talas ng mga pagbatikos sa naghaharing uri at relihiyon, inatas na hulihin siya.
Nakatakas si del Pilar, pumuntang Espanya at sumali sa mga Pilipinong propagandista na
lumalaban para sa reporma sa Pilipinas.[12] Bago siya umalis ay itinatag niya ang Caja de
Jess, Mara y Jos.

Kilusang Propaganda sa Espanya
Mga kasapi sa Kilusang Propaganda. Mula kaliwa hanggang kanan: Rizal, del Pilar, Ponce.
Noong 12 Enero 1889, pinanguluhan ni del Pilar ang pangkat pampolitika ng Asociacin
Hispano-Filipina (Ang Samahang Kastila-Pilipino), isang samahang pambayan na binubuo ng
mga Pilipinong propagandista at mga kaibigang Kastila sa Madrid upang manawagan sa
pagkakaroon ng pagbabago sa Pilipinas. Noong 15 Disyembre 1889, pinalitan niya si Lopez
Jaena bilang patnugot ng La Solidaridad, isang pahayagang pampolitika na inilathala minsan
tuwing ikalawang linggo na siyang nagsilbi bilang tinig ng Kilusang Propaganda.[2] Naglathala
siya ng mga liberal at progresibong artikulo na nagbunyag sa kalagayan ng Pilipinas.

Huling taon at kamatayan
Labis na naghirap si del Pilar sa pagpapalimbag ng La Solidaridad. May panahong hindi siya
kumakain at may panahong hindi narin natutulog ang manunulat. Upang makalimutan ang
gutom, may panahong namumulot siya ng upos na sigarilyo sa mga daan.[13] Ang pondo para
sa pag-papalimbag ng pahayagan ay paubos na. Malaking suliranin sa kanya ang walang
tulong pinansiyal na dumarating mula sa Pilipinas dahilan kung bakit huminto ang paglalathala
ng pahayagan noong 15 Nobyembre 1895 sanhi ng kakulangan sa pondo.[2] Kahit gaano ang
hirap na dinadanas niya, nagpatuloy pa rin siya sa pagsusulat para sa ikalalaya ng Pilipinas.
Katulad ni Andrs Bonifacio, naniwala siya sa paghihimagsik. Dahil dito, nagpasya siyang
umuwi ng Pilipinas upang tumulong kay Bonifacio. Sa Barcelona ay nagkasakit siya ng
tuberkulosis. Malubha man ang kalagayan ay tinangka pa rin niya na magtungo sa Hong Kong
upang doon man lang ay mapakilos niya ang kanyang mga kababayan. Ito ay hindi na niya
naisagawa sapagkat namatay siya sa isang maliit na ospital sa Barcelona, Espanya noong 4
Hulyo 1896 sa gulang na 45.[14]

Mga isinulat
Ang Pagibig sa Tinubang Lup (1882)
Caiigat Cay (1888)
Dasalan at Tocsohan (1888)
Ang Cadaquilaan nang Dios (1888)
La Soberana Monacal en Filipinas (1888)
Pasing Dapat Ipag-alab nang Puso nang Tauong Babasa (1888)
La Frailocraca Filipina (1889)
Sagt ng Espaa sa Hibc ng Filipinas (1889)
Dupluhan... Dalit... Mga Bugtong (1907)
Sa Bumabasang Kababayan


Si Graciano Lpez Jaena (18 Disyembre 1856 20 Enero 1896) ay
isangPilipinong manunulat, rebolusyonaryo, at pambansang bayani mula sa lalawigan ng Iloilo,
na nakilala sa kanyang pahayagang, "La Solidaridad". Nakilala rin siya sa kaniyang
akdang Fray Butod. Butod ang salitangHiligaynon para sa kabag at katumbas din ito ng
balbal na tabatsoy.
Dukha ang mga magulang nang isilang si Graciano Lopez Jaena sa Jaro, Lungsod ng Iloilo,
noong 18 Disyembre 1856. Ang ina niya, si Mara Jacoba Jaena, ay isang mananahi lamang
habang ang ama, si Plcido Lpez, ay hamak na tagakumpuni ng kahit ano na lamang. Subalit
nagkapag-aral nang kaunti si Placido samantalang lubhang matimtiman si Jacoba kaya tatag sa
pag-aaral at sa pagsamba ang tinubuan ni Graciano.
Sa gulang na anim na taon, nang ipadala ng mga magulang kay Fray Francisco Jayme, na
noon ay nagtuturo sa Colegio Provincial de Jaro, upang maturuan. Personal na tinuruan ni
Padre Francisco Jayme si Graciano. Agad napansin ng frayle ang dunong ni Graciano at ang
galing niyang magsalita.
Noong 1870, nag-aral siya ng Teyolohiya at Pilosopya sa seminaryo ng San Vicente. Labag sa
nais ng ina, hangad ni Graciano na maging manggagamot (medico, physician). Nang sa wakas
ay pumayag ang mga magulang, tinangka niyang pumasok sa Universidad de Santo Tomas sa
Manila subalit tinanggihan siya. Hindi kasi siya nakatapos ng Bachiller en Artes na hindi itinuro
sa seminario sa Jaro. Sa halip, ayon sa payo sa kanya, sa ospital ng San Juan de Dios siya
nagsilbi bilang turuan (apprentice) ng mga manggagamot duon. Hindi pa tapos ang pag-aaral ni
Graciano nang naubos ang tustos ng dukhang mga magulang, at napilitan siyang bumalik sa
Iloilo. Ginamit niya kung ano na lamang ang natutunan, nanggamot sa mga barrio at baranggay
sa pali-paligid.
Sa kanyang mga namasdan, lalong sumidhi ang puot niya sa lupit ng pag-api ng mga frayle sa
mga tao. Noong 1874, nang 18 taon gulang lamang, nakainitan na siya ng mga frayle dahil sa
sinulat niyang Fray Botod, prayleng bundat na matakaw at mahilig sa babae. Sabi niya
na "Lagi nang banggit ang Dios at Mahal na Birhen samantalang panay ang daya at
pagsamantala sa mga tao.
Hindi ito nalathala kailanman subalit maraming sipi (copias, copies) ang umikot-ikot sa Visayas.
Lalong napuot ang mga frayle kay Graciano nang patuloy siyang kumalampag (campaa,
campaign) ng katarungan para sa mga tao. Talagang nagpahamak siya nang patayin ng
Espanyol na alcalde ng Pototan ang ilang bilanggong katutubo. Pinilit, tumanggi si Graciano na
ipahayag na natural ang pagkamatay ng mga bilanggo. Nagsimula siyang tumanggap ng
babala na papatayin siya ng mga frayle. Noon siya tumakas sa Espaa.Noong 15 Pebrero
1889, inilunsad nila sa Barcelona ang pahayagang "La Solidaridad". Ang pahayagan niyang ito
ay sumikat nang husto. Marami sa kanyang mga artikulo ay nailathala sa iba't ibang
pahayagan. Ginamit na sandata ni Lopez-Jaena ang kanyang panulat upang ipaglaban ang
makatao at makatarungang karapatan ng mga Pilipino sa ilalim ng pamahalaang Kastila.
Namatay si Lopez-Jaena sa sakit na tuberculosis sa edad na 40 sa Madrid, Espanya.

Si Apolinario Mabini y Maranan (Hulyo 23, 1864Mayo 13, 1903), kilala bilang ang "Dakilang
Lumpo" o "Dakilang Paralitiko", ay isang Pilipino theoretician na nagsulat ngkonstitusyon ng
Unang Republika ng Pilipinas noong 1899-1901, at naglingkod bilang ang kauna-
unahang punong ministro noong 1899. Ipinanganak siya sa Talaga, Tanauan,Batangas sa
mahihirap na mga magulang, sina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan.Siya ay natuto ng
abakada mula sa kanyang ina at ang pagsulat ay sa kanyang ingkong natutuhan. Nag-aral siya
sa mataas na paaralan at nagpatuloy sa Colegio de San Juan de Letran na kung saan natamo
ang katibayan sa pagka-Bachiller en Artes at naging propesor sa Latin. Sa Unibersidad ng
Santo Tomas naman siya nakapagtapos ng pagkaabogado noong 1894. Samantalang nag-aral
ng batas, sumapi siya sa La Liga Filipina ni Jose Rizal.Si Mabini ay nabilanggo sa Nueva Ecija.
Si Mabini ay nagkasakit noong 1896 ng "infantile paralysis" na lumumpo sa kanya. Ipinasundo
siya ni Aguinaldo at sila'y nagkamabutihan. Siya'y lihim na ipinatawag ni Aguinaldo at hinirang
siyang opisyal na tagapayo. Nang pasinayaan ni Aguinaldo ang Pamahalaang Republika
inatasan niya si Mabini bilang kalihim panglabas (prime minister) at pangulo ng mga konseho.
Sa panahong ito isinulat niya ang kanyang tanyag na akdang "Tunay na Dekalogo".Noong
1899, si Mabini ay nabilanggo sa Nueva Ecija. Kanyang isinulat noon ang "Pagbangon at
Pagbagsak ng Himagsikang Filipino", "El Simil de Alejandro", at "El Libra". Noong ika-5 ng
Enero, 1901, si Mabini ay ipinatapon sa Guam, ngunit kusa siyang nagbalik sa bansa
noong Pebrero, 1903 kapalit ng panunumpa ng katapatan sa Estados Unidos. Siya ay
nagkasakit ng kolera at namatay noong ika-13 ng Mayo, 1903 sa Nagtahan, Maynila.Ayon sa
paglalarawan sa kaniya ni Arthur MacArthur, Jr., Mabini is a highly educated young man who,
unfortunately, is paralyzed. He has a classical education, a very flexible, imaginative mind, and
Mabini's views were more comprehensive than any of the Filipinos that I have met. His idea was
a dream of a Malay confederacy. Not the Luzon or the Philippine Archipelago, but I mean of that
blood. He is a dreamy man, but a very firm character and of very high accomplishments. As
said, unfortunately, he is paralyzed. He is a young man, and would undoubtedly be of great use
in the future of those islands if it were not for his affliction.
[1]

You might also like