You are on page 1of 9

I.

Panimula
A. Pamagat: Dekada 70
B. May akda: Luwalhati Bautista

Ang mga pangyayaring ibinunyag sa Dekada '70 ay tila
nakapagsisilbing panggatong sa lumalakas at umiigting na tinig ng
paghihimagsik sa mga unang taon ng sumunod na dekada. Nag-umpisa ang
nobela sa pagpapakilala sa mga tauhan at nabigyang-pansin na ang
nagkukuwento na si Amanda ay isang uri ng asawang alipin ng makalumang
paniniwala sa tungkulin ng babae at lalaki. Unay di niya binigyang pansin ang
mga pangyayari sa kanyang kapaligiran subalit ng magsimula nang manaig
ang damdaming aktibista ni Jules at ang pagka-mapusok ni Gani ay nabahala
siya ng lubusan. Unti-unti ay nagkaroon siya ng kuryosidad kung ano nga ba
ang dahilan ng ipinaglalabang prinsipyo ni Jules na katagalan ngay tuluyan
nang sumapi sa kilusang kalaban ng pamahalaan. Bunga nitoy nagkaroon ng
lamat ang relasyonang magpapamilya. Pati na rin ang iba pang anak na sina
Em, Jason at Bingo ay nakaranas ng sulinanin bunga ng batas militar.

Kinalaunan, dumaluhong ang ibat ibang pagsubok sa pamilya
Bartolome tulad nang pagkakakulong ni Jules, pag-aawat maagang
paghihiwalay ni Gani at Evelyn, pagbubulakbol ni Jason sa pag-aaral,
pagtatanong ni Bingo sa nagyayari at ang pagiging mapusok manunulat ni Em.
Katagalan diy di inaasahang namatay si Jason, biktima ng salvaging kaya
nagkaroon ng pagtatalo sina Amanda at Julian na halos umabot pa sa puntong
nakikipaghiwalay siya dito. Salamat naman at di natuloy ang binalak gawin ni
Amanda at dahil doon ay patuloy na hinarap na magkasama ng mag-asawa ang
lahat ng suliraning bunga ng batas military.

Sa huli, tagumpay na nalagpasan ng pamilya Bartolome ang mga
pagsubok na nananatiling buo ang ugnayat samahan sa isat isa. Nakita natin
kung gaano kahalaga ang pagiging matibay ng pundasyon ng isang pamilya
upang makayanan ang lahat ng banta ng problema. Nagsilbi ang nobela na
magandanag halimbawa ng pamilyang Pinoy na kayang lagpasan ang lahat, na
atin pa ring maiuugnay sa kasalukuyang panahon kahit na nangyari ito noong
Dekada 70.
III. Pagsusuri
Para sa akin ang uri ng panitikan ay maiuugnay
sa nobelang Dekada 70 dahil na rin sa layunin nitong unti-unting
gisingin ang kamalayan at kaalaman ng mga mambabasa sa bawat
kabanata na nagpapakita ng magkakaibang katangian sa bawat isa
subalit nananatiling magkakaugnay. Dalawang uri ng Panitikan ang
ginamit ng may akda. Una ay ang kathang-isip sapagkat ang mga
tauhan pati na ang mga katauhan nito ay mula sa pinagsama-samang
mga ugali ng mga taong kilala ni Lualhati Bautista ngunit hindi ang
mga lugar at pangyayari na binibigyang pansin ng hindi kathang isip
na panitikan sapagkat ang mga lugar ay ayon sa mga toong lugar na
mayroon tayo rito sa bansa at ang mga pangyayari ay ayon sa bawat
kaganapang nangyari sa ating bansa noong Dekada 70.
Ang talinhaga o parabula y isang maikling kuwentong
may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Isa itong maikling
salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit
nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang
isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Ang talinhagang
ibinigay sa atin ng Dekada 70 ay ukol sa ating pagkamulat at
pagmamahal sa ating sariling bayan. Aral na nagbibigay sa atin ng
lakas upang ipagpatuloy ang bawat nasimulan ng ating mga ninuno at
bigyang linaw, ganda at hustisya ang ating kinabukasan.

III. Pagsusuri

1) Tauhan

Amanda Bartolome: Sa paggamit ng awtor ng first person point of view sa
kuwento, kapansin-pansin ang hilig ni Amanda na kausapin ang sarili o mind-
chatter hinggil sa papel niya sa asawa't mga anak at sa mga usaping
bumabagabag sa kanya. Hindi tipikal na babae si Amanda, bagkus, isang tao na
may likas na kamalayan sa mga pangyayaring kinasasangkutan ng mas
malawak na bilang ng mamamayan (na unti-unti niyang natutuklasan) at di
nagpapasupil sa limitasyon ng litanya ng asawa na, "Well honey, it's a man's
world.

Julian Bartolome Sr. : Mapapansin na sa umpisa ng nobela ay tila maka-
gobyerno, partikular na sa Amerikano, na sa tuwinay kadebatehan ni Jules
ukol sa panlipunang isyu sa kadahilanang pilit niyang inilalayo ang kanyang
mga anak sa mga subersibong paniniwala na maaaring makapagpahamak sa
kanila

Julian Bartolome Jr. (Jules): Si Jules ay ang pinakamatandang anak ni
Amanda na namulat sa mga usapin at masasamang pangyayari sa ating
gobyerno. Siya ay isang kabataang namulat ng mga kampanya laban sa tuition
fee increase sa paaralan hanggang sa lumao'y piliin niyang lumahok sa
sandatahang pakikibakang inilulunsad ng NPA. Ang katangian niya bilang isang
rebolusyonaryong nakikibaka para palitan ang sistemang umiiral ay lubhang
nakapukaw sa damdamin ni Amanda na minsa'y iginiit ang kalayaang
magpasya ng sariling buhay.

Isagana Bartolome (Gani) : - Maagang namulat ang isipan hindi sa
kalagayan ng lipunan kundi sa mga bagay na may kaugnayan sa
pakikipagrelasyon sa opposite sex kaya naman maituturing na mapusok at
marupok si Gani sa kadahilanang di pa man siya nakakapagtapos ng pag-aaral
ay nakadisgrasya na siya. Bunga nito, kinailangan niyang pakasalan ang babae
upang di makasuhan at masabihang nang-aagrabyado.

III. Pagsusuri
Emmanuel Bartolome (Em): Ibig sabihin ng pangalan ay tagapagligtas;
nanalo sa spelling bee contest; nagkuwento kay Elizabeth na anak ni Aling Dora
kung paano nabuntis ang pusa na si Rose; pinakamatalino sa limang ng
magkakapatid; maraming seminar na ang nadaluhan. Ipinapabatid lamang na
siya ay may kamulatan na rin at may pagkakatulad sila ni Jules ng paniniwala sa
aspetong pulitikal subalit siya ay sa paraang-Rizal ang ginamit na estilo
samantalang si Jules ay paraang-Bonifacio

Jason: Siya ang mabuting anak ni Amanda na kahit hindi gaanong kagalingan
sa eskwela, binawi naman niya ito sa kagalingan sa loob ng bahay. Ngunit, sa
isang hindi inaasahang pangyayari, dahil sa pagkakaroon ng masamang
ipluwensiya na kaibigan, nalululong ito sa marijuana. at pinatay si Jason ng mga
di kilalang tao ilang oras matapos itong palayain ng PC.

Benjamin Bartolome (Bingo): Habang lumalakit nagkakaisip ay nabubuksan
na rin ang kamalayan sa nangyayari sa kanyang mga magulang at kuya; pilit na
inuunawa na lamang sa tahimik na pamamaraan ang mga bagay na tila banyaga
pa sa kanya

Evelyn: Isang babaing hindi nagpapa-under sa asawa, yan si Evelyn na kabiyak
ni Gani; bagamat nasa bahay sila ng mga Bartolome nakatira ay hindi yun
naging hadlang upang kanyang salungatin si Gani sa mga ninanais nito; batid
naman nating nag-aaway sila sa tuwina na nagpapakita ng kanyang katapangan
at paninindigan bilang isang babae sa makabagong panahon

Rev: Anak nina Jules at Mara; kailanmay di nakita ng pamilya Bartolome dahil
ito ay nasa piling ng ina na nanatili sa kilusan kasabay ng pag-aaruga sa kanya.
III. Pagsusuri
2) Tagpuan

1. Sa Bahay ng Pamilya Bartolome

a. Sa Sala- Dito naghintay si Amanda sa pagdating ni Jules minsan nang binalak
niya itong kausapin.

b. Sa Library- Dito sinabi ni Em kay Julian ang balitang patay na si Jason; off-
limits ditto si Amanda.

c. Sa Kuwarto nina Amandat Julian- Dito nagaganap ang pribadong pag-
uusap ng dalawa ukol sa kanilang mga anak.


2. Sa Presinto- Dito minsang naganap ang pagkakabugbog kay Jules nang siyay
mahuli at dito rin naman nagapa ang Masaya niyang pagkakalaya.

3) Istilo ng may-akda

Si Lualhati Bautista bilang manunulat ay gumamit ng Tagalog at English na mga salita
o ating tinatawag ngayong Taglish.

Kanyang binigyang pansin din ang bawat oras o panahon ng bawat pangyayari sa bawat
kabanata upang itoy ating maiugnay ng maayos sa pagkakasunod-sunod ng mga
kaganapan sa ating kasaysayan.
III. Pagsusuri
3)Galaw ng mga pangyayari

Ang galaw ng pangyayari ay umuusad ng katamtaman na nababase sa mga
kaganapang nangyari noong Dekada 70. Ito ay naisaayos ayon sa kung ano ang
pinakakamahalagang nangyari na kung saan tayo, ay maaaring makakakuha ng
mabuting aral at inspirasyon na makatutulong sa ating pang-araw-araw na buhay.


Hamo Maikling salita para sa haayan mo na ngangahulugang huwag ng isipin
pa o huwag nang alalahanin.

LABAN Laban ng Demokratikong Pilipino; ito ang kalabang partido ni Marcos.

Piyudal batay sa pagkakagamit sa nobela ni Lualhati, ito ay nangangahulugang
Diyos ang kalalakihan at ang kababaihan ay sadyang alipin niya lamang; ito ang
sinabi ni Amanda na nasa dugo na ni Julian sapagkat siya ay walang karapatang
kumibo sa mga isyung pulitikal at negosyo.

KBL Kilusan ng Bagong Lipunan; ang partidong kinabibilangan ni Marcos.

Subersibo - ito ay radikal o nagpapahayag ng kasalungat na paniniwala o bagay
laban sa pamahalaan.

BLISS Bagong Lipunan Indigent Settlement Services, programang pabahay ni
Marcos noong Batas Militar.

PR Public Relation; ito yung sinabi ni Pareng Daniel kay Amanda nang
magtanong siya dito ukol sa anunsyong trabaho sa diyaryo na nangangailangan ng
tao sa advertising; dapat din daw ay mahusay sa Inggles; nang sabihin niya to kay
Julian ay nagalit ito ng sobra, grabe.
III. Pagsusuri
UG Under Ground o yung sikretong tagpuan ng mga NPA, mga lugar na sila lang
ang nakakaalam.

Ang Bayan opisyal na pahayagan ng Communist Party of the Philippines; ito
yung ginawang saranggola ni Bingo na nakuha umano niya sa kuwarto ng kanyang
Kuya Jules; sa pagpapatupad ng Batas Militar, ito ay itinuturing na subersibo kaya
ikinukulong ang sinumang mahulihan nito

Writ of Habeas Corpus - Ang habeas corpus [bigkas: /hey-bi-yes kor-pus/],
mula sa Latin: literal na "[Iniaatas namin] na mapasaiyo ang katawan" o "nasa iyo
ang katawan" ay isang salitang nangangahulugang atas o utos ng hukuman sa
kinauukulan na dalhin sa korte ang isang tao upang ipaliwanag kung bakit ipinipiit
ang isang tao. Isa sa mga karapatan ng isang tao ang makahingi ng tinatawag na
"kasulatan ng utos ng hukuman o kinauukulan," ang writ of habeas corpus sa
Ingles, bilang pananggalang laban sa ilegal o hindi makatarungang
pagkakakulong sa bilangguan. Kaya, sa larangan ng Batas, isang kasulatan ang
habeas corpus na nag-uutos sa isang opisyal upang maipakita ang dahilan kung
bakit ipiniit ang isang tao.

IV - Sariling Reaksyon
Sa Dekada '70, mababakas ng mambabasa ang tala ng mga
aktuwal na kuwento ng panunupil at karahasan ng mga militar sa mga inosenteng
sibilyang nasasangkot sa digmaan, mga paglabag sa karapatang pantao, iba't ibang
mukha ng karukhaan at pagsasamantala sa aping mamamayan, at ang walang
humpay na paglaban ng mamamayan sa diktadurya sa panahon ng batas militar.
ng panahon ng Martial Law ay nagdulot ng ibayong hirap sa mamayang Pilipino.
Isang di-makatao at di-makatarungang gobyerno na nagbibingi-bingihan sa daing
ng mamayan. Laganap sa bansa ang iba?t ibang klaseng krimen gaya ng salvaging.
Magkabila ang mga rallies at iba pang demonstrasyon na kinabibilangan ng mga
estudyanteng imbis na nag-aaral ay nakikipaglaban upang makamit ang kalayaan.

Sa huli, kung tutuusin ay pulitikal din naman ang mensahe ng
Dekada '70. Binibigyang-diin nitong mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga
magulang sa paggabay sa kanilang mga anak sa mga usaping katulad ng kalayaan
o karapatang pantao o peminismo at marami pang iba. At sa kahihinatnan,
makikita nating ganito rin kahalaga ang papel na gagampanan ng isang pamilya
magulang at anak sa paghubog ng isang tunay na malaya at mapagpalayang
lipunan
~Wakas ~
Maraming Salamat po sa inyong
pagbabasa!

Sources: Tagalog-Tagalog diksyunaryo

You might also like