Pag-ibig, Pag-ibig, Ano nga bang hiwaga ang meron ka? Bakit ang lahat ay nabibighani sa taglay mong ganda? Bakit may lungkot at saya kang dala? Ito ba ay tapat at wagas na pag- ibig kung may luha at pighati? Ano ang nababalot sa tunay mong halaga? Ang taong isinilang na may pag-ibig ng nararamdaman sa kanyang puso. Pag-ibig na pilit sisibol at uusbong sa haba ng panahon. Tulad ng kuwento ng pagmamahalan nina Aliyah at Carlos. Si Aliyah ay isinilang sa isang mariwasang pamilya. Bata pa lamang si Aliyah ay kinikitaan na siya ng taglay na ganda. Bukod sa kanyang kagandahan isa rin siya sa pinakamatalinong mag-aaral sa kanilang klase. Hindi lamang sa panlabas na anyo maganda si Aliyah pati kalooban niya ay may taglay ding kagandahan. Palibhasa kahit isinilang na mayaman si Aliyah, tinuruan siya ng mga magulang niya na rumespeto at igalang ang kanyang kapwa. Kaya lumaki si Aliyah na may mabuting kalooban. Si Carlos, anak mahirap pero nagsisikap umasenso sa buhay. Si Carlos, kahit mahirap taglay niya ang katangian ng isang lalaking nagugustuhan ng lahat. Kahit salat sa buhay, masikap siyang nag-aaral. Isa rin siya sa batang nangunguna sa kanilang klase. Madalas siya ang pambato ng klase sa mga paligsahang pampaaralan. At dito nagtagpo ang landas nina Aliyah at Carlos. Parehas silang ipinadala ng kanilang paaralan para siyang magrepresenta ng kani-kanilang paaralan. At sa hindi sinasadyang pagkakataon magtama ang landas nila. Nagkatinginan, nagkatitigan at halos pareho silang hindi makapagsalita. Si Carlos ang unang bumasag ng katahimikan Hi, sorry nga pala, ako si Carlos, ikaw pwede ko bang malaman ang pangalan mo? Ako si Aleyah, kasama ka din bas a paligsahan. Oo ang sagot ni Carlos. Halika na magsisimula na ata. Simula ng tagpong iyon, hindi na maalis sa isipan ni Carlos si Aliyah. Ang maamo niyang mukha, ang bilugan at maitim niyang mga mata. Kelan kaya kami muling magkikita ni Aliyah, saying hindi ko man lang natanong ang numero ng telepono niya at kung saan siya nakatira. Ang wika ni Carlos sa kanyang sarili. Lumipas ang araw, mga lingo at buwan naging abala na si Carlos bukod kasi sa nag-aaral siya, sa gabi nagtratrabaho naman siya para may pambaon siya sa kinabukasan. Tumutulong siya sa tiyahin niya na magtinda sa munti nitong grocery. Dito muli silang nagkita ni Aliyah. Carlos, Carlos, ikaw nga, ang sabi ni Aliyah. Natatandaan mo pa ba ako? Andito ka din pala?. Oo dito ako nagtratrabaho. Sa gabi kasi tumutulong ako dito para may panggastos ako kinabukasan. Maari ba naman kitang makalimutan eh ang ganda-ganda mo saka ang bait pa, ang saad ni Carlos kay Aliyah. Ang sipag mo pala Carlos. Ang sabi naman ni Aliyah. Sige alis na kami dumaan lang kasi kami para bumili ng gamit sa bahay. Sa muling pagkikita Carlos. Sandal Aliyah, maari ko bang mahingi ang number mo saka kung saan ka nakatira, baka pwede naman akong dumalaw minsan. Oo ba, eto ang number ko, saka sa #14 phase 3 lot 2 daang hari ako nakatira. Ang sabi ni Aliyah. Salamat Aliyah, tawagan kita ha. Saad naman ni Carlos. Simula noon madalas na ang pag-uusap at pagkikita nina Aliyah sa kanilang tahanan. At palibhasa hindi matapobre ang pamilya ni Aliyah tanggap nila si Carlos. Nabuo ang samahan nina Aliyah at Carlos. Naging magkasintahan sila. Napuno ng halakhak at saya ang kanilang relasyon. Ngunit sadya nga yatang mapagbiro ang tadhana at sadya nga din yatang mahiwaga ang pag-ibig. Dinapuan ng kakaibang karamdaman si Aliyah. Kahit mga doctor, walang nagawa sa sakit ni Aliyah. Habang tumatagal humina at lumulubha ang karamdaman ni Aliyah. Laging nasa tabi niya si Carlos. Aliyah, ipangako mo na huwag kang susuko, huwag mo akong iiwan. Madami pa tayong pangarap hindi ba? Saka nangako tayo na walang iwanan. Ang saad ni Carlos, tanging ngiti lamang ang tugon ni Aliyah at sa pautal-utal na salita binigkas ni Aliyah kay Carlos ang mga katagang mahal Kita, gusto kong maging Masaya ka, kahit wala na ako. Ipangako mo sa akin kahit wala na ako, magmamahal kang muli at iibig ng tapat. Darating din ang oras muli tayong magkikita at itutuloy natin ang pagmamahalan natin. At pagkasambit ng katagang iyon, nalagutan ng hininga si Aliyah. Lumuha at nalungkot si Carlos. Ngunit gaya ng pangako niya kay Aliyah naging matatag siya at maligaya. Dahil sa hiwaga ng pag-ibig, natuto muling buksan ni Carlos ang puso niya sa iba. At araw-araw dinadalaw niya ang puntod ng babaeng una niyang minahal. Nasaktan man siya muli siyang bumangon at nagmahal muli.