You are on page 1of 5

Bigote ni Carla

Subject: MAPEH 5 (Health)

Matunog na palakpakan ang umalingawngaw sa buong paaralan ng


Lumangbayan matapos pabirit na tapusin ni Carla ang sikat na rendesyon ni Morisette
Amon sa kantang Pangarap ko ang Ibigin ka. Nariyang napatayo ang mga guro,
kasama ang mga espesyal na bisita ng paaralan ng magpamalas ng aking galing sa
pag-awit si Carla.
Si Carla Aldaba, taguri ng mga kamag-aral niya sa Mababang Paaralan ng
Lumangbayan, ay isang balingkinitang mag-aaral ng ika-limang baitang. Tulad ng ibang
mang-aawit ay kaya niyang bumirit ng pagkataas-taas na hindi pumipiyok. Mala-
porselana rin ang kaniyang balat at animo’y niyebe sa kaputian kahit pa ito ay
maarawan. Maliit siya kumpara sa iba niyang mga kamag-aral, kaya naman nasa
unahan siya palagi ng pila tuwing flag ceremony kapag Lunes ng umaga. Halos lahat ng
mag-aaral ay hinahangaan siya. Palagi rin niyang naiipanalo ang kanyang paaralan sa
tuwing may paligsahan ng pagkanta. Bukod pa rito, isa rin siyang mahusay na mag-
aaral kaya naman paboritong paborito siya ng mga guro at mag-aaral. Ingat na ingat ni
Carla ang kanyang boses at halos lahat ng payo tulad ng hindi pag inom ng malamig,
pag inom ng salabat at hindi pagpapatuyo ng pawis at kanyang ginagawa upang
mapanatili niya ang boses niya.
“Hala andyan na naman siya!” bungad ng mga mag-aaral ng ika-anim na baitang
ng siya ay naglalakad sa pasilyo ng kanilang paaralan. Para siyang isang sikat na
personalidad na pinagkakaguluhan at inaabangan sa tuwing siya ay darating. Dahil sa
naatamasang kasikatan, unti-unting nagbago ang ugali ni Carla. “Hoy Nilo!” pasigaw
niyang tawag sa kanyang kamag-aral. “Kuhanin mo nga ang bolpen ko. Nailaglag ko
kasi,” utos ni Carla. Agad naming sumunod si Nilo at ayaw niyang magagalit sa kanya si
Carla. Minsan, ay buburautin niya ang mga kaklase niya sa mga pagkain at
magagandang gamit. Naging sakim siya at masama ang ugali niya sa kasikatang
tinatamasa niya. Nagiging sanhi na rin siya ng mga kaguluhan at pang-aasar sa loob ng
silid aralan. Hindi siya masaway ng mga kamag-aral dahil alam nilang sila naman ang
pagbubuntunan nito ng pang-aasar.
Sa lahat ng mga kaklase niya, si Nilo ang pinakaborito niyang asarin.
“Magandang umaga Nilo,” bati ni Carla. “Mukhang sanay na sanay kang maglinis ng
kalat ng iba ah,” dugtong pa nito. “Sabagay, kung itsura mor in lang naman ang
pagbabasehan ay mapagkakamalan ka talagang tagalinis ng paaralan dahil dyan sa
bigote mo, tatay!” Malakas na tawa ang sumunod matapos asarin ni Carla si Nilo. Hindi
na ito pinatulan ni Nilo sapagkat kabilin-bilinan ng kanyang mga magulang na palaging
piliin ang umunawa at umiwas sa gulo.
Mas maagang nagbinata ang pisikal na anyo ni Nilo kumpara sa kanyang mga
kaedad at kaklase. Mayroon na siyang bigote at halata mo na rin na malagom at
malalim ang boses nito. Laki sa hirap si Nilo kaya hindi na niya iniinda pa ang mga
pang-aasar sa kanya. “Palaging umunawa at umiwas sa gulo.” Ito ang palagi niyang
sinasabi sa sarili niya kapag siya ay nahaharap sa mga pang-aasar ng kapuwa niya
kamag-aral. Isa pang dahilan ay tinatalo niya sa paligsahan ng pagkanta itong si Carla
bago pa lumagom at lumalim ang boses niya.
Isang araw, kinausap si Carla ng kanilang punongguro para sa darating na
kompetisyon sa buong lalawigan. Si Carla na naman ang ipapambato ng paaralan para
sa Tawag ng Tanghalan. Akmang aalis na si Carla ng may isang pamilyar na mukha
ang kaniyang nakita na papasok rin sa opisina ng punongguro. “At anong ginagawa mo
rito?” salubong na tanong ni Carla kay Nilo. “Pinapatawag rin ako ni Ginoong Ibarra,”
sagot naman ni Nilo. “HAHAHAHAAHHA! Galingan mo pagwawalis! Dahil pihado yan
lang naman ang dahilan ng pagpunta mo rito. Hindi tulad ko na naririto upang magbigay
karangalan na naman sa pamamagitan ng pagsali sa paligsahan ng pagkanta,” dire-
diretsong sambit ni Carla. Hindi na ito muli pinansin ni Nilo at buong paggalang na
bumati kay Ginoong Ibarra. “Magandang umaga po Ginoong Ibarra,” bati niya. “Maupo
ka,” malumanay na sambit ng punongguro. Sa labas naman ng opisina ay halos idikit
na ni Carla ang kaniyang tainga at mukha upang makarinig ng pinag uusapan ni
Ginoong Ibarra at Nilo. “Siguro naman ay alam mong naghahanap kami ng mga
mangaawit upang irepresenta ang ating paaralan sa panlalawigang tawag ng
tanghalan,” panimula ni Ginoong Ibarra. “At hindi din lingid sa iyong kaalaman kung sino
ang isa sa mga napili,” dagdag pa nito. Hanggang tainga ang ngiti ni Carla sa sinabi ni
Ginoong Ibarra. Alam niyang siya ang tinutukoy nito. “Ano po ang aking maipaglilingkod
Ginoong Ibarra?” magalang na tanong ni Nilo. “Sa ngayon ay naghahanap pa kami ng
isa pang mag-aaral na aming isasali sa kumpetisyon. Napag-alaman kong dalawa pala
ang dapat na ipadala ng bawat paaralan para sa kumpetisyon,” saad ni Ginoong Ibarra.
“At ako po ang isang tinutukoy ninyo?” diretsang tanong ni Nilo. Isang tango ang naging
tugon ni Ginoong Ibarra sa katanungan ni Nilo. “Ngunit matagal na po akong hindi
umaawit Ginoo,” dipensa naman niya. “Alam kong dala ng pagbabagong nararanasan
mo kaya mas pinili mong itigil na ipamalas ang talento mo. Ngunit malaki pa rin ang
tiwala ng paaralan na makakapagbigay karangalan ka pa rin sa larangan ng pagkanta,”
wika ni Ginoong Ibarra. Hindi makapaniwala si Carla sa kaniyang narinig kaya dumagos
siya ng alis. Nagtungo siya sa kanilang silid-aralan habang pagalit na inaantay si Nilo.
Makalipas ang ilang minut ay dumating na nga si Nilo.
“Narito na pala ang pasikat!” salubong ni Carla kay Nilo. Napatingin ang lahat ng
kaklase nila sa kanilang dalawa sa lakas ng pagkakasalita ni Carla. “Anong sinasabi mo
riyan? Wala akong alam,” dipensa ni Nilo. “Wow! Tumatanggi ka pa!” sagot ni Carla
sabay tulak kay Nilo. Sa laking bulas ni Nilo ay halos hindi manlang ito nagalaw sa
kanyang kinakatayuan. “Rinig ko ang usapan ninyo ni Ginoong Ibarra,” dagdag pa nito.
Pumunta sa unahan itong si Carla at humarap sa mga kaklase niya. “Itong si Nilo ay
isang pasikat!” sigaw niya. “Akalain ninyong sa nangyari sa kanyang huling pagkanta ay
may lakas pa sya ng loob na sumali muli sa paligsahan ng pagkanta? Kalaban ako?”
natatawang usal niya sa kanyang mga kaklase. Magpapaliwanag pa sana si Nilo ngunit
ang mga tawanan na ng kaklase niya ang kaniyang narinig. Tandang – tanda pa niya
ang insidenteng iyon.
Isang paligsahan ang sinalihan nilang dalawa ni Carla at boto ang lahat na silang
dalawa ang mag-uuwi ng una at ikalawang puwesto. Ngunit nasa kalagitnaan ng
pagkanta itong si Nilo ng bigla na lamang siyang pumiyok. Pinilit niyang tapusin ang
kanta ngunit paulit-ulit ang pagpiyok niya sa mga matataas na nota. Sobrang daming
flats at sharps ang narinig ng mga hurado sa kanyang pag-awit. Dala ng kahihiyan ay
bumaba siya ng entablado habang tinatakpan niya ang kanyang mukha. Mula noon at
nagdesisyon siyang huwag na muling sumali sa mga paligsahan sa pagkanta.
Hindi naman talaga niya tinanggap ang suhestiyon ng kanilang punongguro na
sumali siya. Naisip nga niya na huwag na lang at baka matulad lamang noong nakaraan
ang kaniyang maranasan. Ngunit dahil sa ginawa ni Carla ay mas nagbigay motibasyon
ito sa kanya. Malalakas na tawanan at bulungan ang kaniyang narinig. “Galingan mo!”
sambit ni Carla na halata mong may pagmamalaki sa kanyang tono.
Buong husay na nagsanay si Carla sa kanilang bahay sa mga awiting tulad ng
Forever’s Not Enough ni Sarah Geronimo at mga kantang pinasikat ni Regine
Velasquez. Makalipas ang ilang araw ay kapansin-pansing namamalat ang boses ni
Carla. “Hindi ito maaari. Kailangan kong gumaling agad,” wika niya sa sarili. Agad
siyang kumuha ng salabat at ininom agad ito. Nagtungo rin siya sa banyo at nagulat
siya sa nakita niya. “Bigote?” bulalas niya sa harap ng salamin. “Hindi ito maaari. Bata
pa ako!” dugtong niya. Upang maiwasang makita ng kanyang kamag-aral ang kaniyang
bigote ay inahit niya ito at nagsuot ng facemask. Nahihiya siya sa kanyang sarili. Hindi
rin siya nag iimik ng araw na iyon at ipinagpahinga muna niya ang kaniyang boses.
Ayaw niyang mapahiya at gusto niyang siya ang makakuha ng unang gantimpala.
Napansin ito ng kaniyang mga kamag-aral at nag-alala para sa kanyang kalagayan.
Pati si Nilo ay nag-aalala sa kabilang sulok ng silid.
Tiniyaga ni Carla na uminom palagi ng salabat upang umayos ang kaniyang
boses. Sa kabutihang palad ay matapos ang ilang araw ay unti-unting bumabalik na
ang kaniyang boses. Nagsimula na muli siya sa pagsasanay para sa darating na
kumpetisyon. Mayroon na lamang siyang dalawang linggo para maghanda. Samantala,
si Nilo naman ay sinikap na ibagay ang kaniyang boses sa mga kantang abot lamang
niya. Ang mga kanta ni Martin Nievera at Gary Valenciano ang naging mga
paghahandang piyesa niya para sa paligsahan. Noong una – una ay pumipiyok piyok
pa siya at halos sumuko na muli. Ngunit matapos siyang kausapin ng kanyang ama ay
biglang nagbago ang kaniyang pananaw.
Naging abala ang dalawa sa paghahanda sa paligsahan. Si Carla na ang bigote
niyang pilit pa rin niyang tinatakpan ng facemask upang hindi siya makita. Palagi na
lamang niyang rason ay inihahanda niya ang boses niya at ayaw niyang mapasukan ng
alikabok at kung ano mang bayrus ang kaniyang lalamunan.
Araw ng kumpetisyon. Handang handa na si Nilo suot suot ang kumikinang na
coat na bigay pa sa kanya ng kaniyang ninang mula sa ukayan sa kanto. Samantala, si
Carla naman ay suot suot ang isang puting damit, kurbata, at itim na pantalon na
pinaresan ng kumikinang na balat na sapatos. Ipinakilala isa isa ang mga kalahok at
ang paaralan na kanilang nirerepresenta. Magkatabi si Carla at Nilo at halatang
kinakabahan itong si Carla. Nakasuot pa rin ang kaniyang facemask at nawari ni Nilo na
may itinatago ito. Nagkibit-balikat na lamang si Nilo at nag pokus sa kanyang sariling
laban.
Isa isang sumalang ang mga kalahok at oras na ni Nilou pang kumanta.
“Mula sa Paaralan ng Lumangbayan narito si Nilo Barquilla upang ipamalas ang
kanyang galing sap ag awit ng Kahit Isang Saglit ni Martin Nievera” pakilala sa kanya.
Buong husay niyang kinanta ang sarili niyang rendesyon ng kanya. Nariyang ikinulot
kulot pa niya ang ilang bahagi upang maging mas maganda ang tunog nito.
Sana'y ika'y muling makita ko
Damhin ang tibok ng puso mo
Sana'y yakapin mong akong muli
Kahit sandali, kahit isang saglit
Mayakap ka
Mayakap ka…..
Tinapos ni Nilo ang kanta sa isang pahina at hindi pabirit na tono. Biglang
tumahimik ang lahat at malutong na palakpakan ang sumunod dito. Napangiti ng todo si
Nilo dahil alam niyang napagtagumpayan niya ang kinakatakutan niyang humarap muli
sa tao at kumanta.
Oras na para si Carla naman ang kumanta. Kapansin-pansin na nakatungong
nagtungo si Carla sa gitna ng entablado. Nagsimula ang musika ng kaniyang piyesa.
Napansin ng ibang mag-aaral ang maliliit na buhok sa ilalim ng ilong ni Carla dahil sa
liwanag ng mga ilaw. Kanya-kanyang bulungan ang kaniyang narinig at ang iba ay may
pagtawa pa. “Isa na rin pala siyang tatay ngayon,” ukit ng isa sa kanya. Hindi na sana
papansinin ni Carla ang mga komento ngunit sa mataas na parte ng kanta ay bigla na
lamang siyang pumiyok. Napatigil ang banda na siyang umaalalay sa mga mang-aawit.
Sumenyas siya ng isa pa. Inulit niya ang parte kung saan siya pumiyok. Huminga siya
ng malalim at ibinirit ng todo ang awitin ngunit gaya ng naunang subok at isang piyok na
naman ang nangyare. Napatitig si Carla sa karamihan. Silaw man siya sa mga ilaw ay
kitang kita niya na tumatawa ang lahat ng mga mag-aaral. Tumakbo pababa ng
entablado si Carla at bigla niyang nasalubong si Nilo. Nagkatitigan silang dalawa. “Oo
na. Pwede mo na rin akong asarin na isang tatay dahil sa aking bigote at sa aking
pagpiyok,” umiiyak na sambit nito kay Nilo. Nguni timbes na pagtawanan siya, kutyain
at laiitin gaya ng ginagawa niya, niyakap siya ni Nilo at hinila palabas sa lugar na
pinagdarausan ng patimpalak. Napadpad sila sa tabi ng ilog at doon at nakangiting
tumingin si Nilo kay Carla.
“Ano ang ikinahihiya mo sa bigote at pagpiyok mo?” tanong ni Nilo. Hindi
makasagot si Carla dahil alam niyang palagi niyang ginagawang katatawanan ang
bigote at lalim ng boses ni Nilo.
“Ang sabi ni tatay sa akin, normal lamang daw sa mga nagbibinata ang mga
pagbabagong nararanasan natin. Ang mga buhok sa kili-kili, bigote, at binti ay normal
lamang na tumutubo habang tayo ay lumalaki. Ang paglagom at paglalim ng boses nain
kasabay ng paglaki ng ating adam’s apple ay simbolo na pumapasok na tayo sa ating
pagbibinta,” paliwanag ni Nilo. Hindi makatunghay si Carla sa pagkapahiya ngunit
itinaas ni Nilo ang kanyang mukha. “Oh diba! Gwapo ka pa rin naman,” sambit na
pabiro ni Nilo. Nagkatawanan ang dalawa. “Salamat Nilo,” sambit ni Carla sa kanya.
“Walang masama sa mga pagbabagong ating nararanasan Carlyle. Normal ito bilang
mga lalaki at bilang parte ng ating paglaki. Ang mabuting gawin ay tanggapin ang mga
pagbabagong ito at umisip ng paraan kung paano mas makakapagpakitang gilas sa
ating mga talento,” pagpapakalma ni Nilo kay Carlyle.
“Halika na at bumalik na tayo at baka tinatawag na tayo doon,” pagyayakag ni
Nilo sa kanya.
Saktong dating nilang dalawa sa bulwagan ay inaanunsyo na ang mga nanalo sa
paligsahan.
“Ang nagkamit ng ikaapat na puwesto,” panimula ng announcer. “John Carlyle
Aldaba ng Paaralan ng Lumangbayan,” palakpakan ang natanggap ni Carla sa kahit pa
hindi niya nasungkit ang unang gantimpala.
“Para sa unang karangalan. Batiin natin ang bagong kampyon Nilo Barquilla ng
Paaralan ng Lumangbayan” Sigawan at palakpakan ang natanggap ni Nilo matapos
tawagin ang kaniyang pangalan. Siya ang nanalo. Itinaas niya ang kanyang medalya at
tropeyo habang nakatingin sa madla. Pasulyap rin siyang tumingin kay Carla na
pumapalakpak sa isang tabi.
Mula noon ay naging mabuting magkaibigan na si Nilo at Carla. Magkasangga sa
lahat ng bagay at tagapagtanggol ng mga mag-aaral na inaapi. Magkasama sa lahat ng
laban at palaging masaya sa resulta ng bawat isa. Tinanggap na nila ang mga
pagbabagong hatid ng kanilang pagbibinta.
“Handa ka na bang magpatuli Carla?” pang-aasar ni Nilo habang parehong
ngumunguya ng dahon ng bayabas. “AHHHHHHHH!” palakat ng dalawa matapos silang
matulian. Ganap ng binata si Nilo at Carlyle.

Recognizes the changes during Puberty as a normal part of growth and development -
Physical Change (H5GD -Iab – 1)

You might also like