Sa balarila, ang bahagi ng pananalita/panalita(ingles: Part of speech), o kauriang
panleksiko, ay isang lingguwistikong kaurian ng mga salita(o mas tumpak sabihing bahaging panleksiko) na pangkalahatang binibigyang kahulugan sa pamamagitan ng sintaktiko at morpolohikong asal ng bahaging panleksikong tinutukoy.
Sa aklat na balarila ng wikang pambansa(1939;1944) ni Lope K. Santos(kilala rin sa tawag na Balarilang Tagalog at Matandang Balarila) ay may sampung bahagi ng pananalita. Ang mga ito ay pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang- abay, pantukoy, pangatnig, pang-ukol, pang-angkop at pandamdam. Sinimulan itong ituro sa mga paaralan sa pilipinasnoong 1940 matapos maipahayag ng dating pang. Manuel l. Quezon ang Tagalog bilang siyang saligan ng wikang pambansa.
Dala ng sunod-sunod na pagbabago at modernisasyon ng wikang pambansa (na kilala na ngayon bilang Filipino) ay maraming aklat ang nalimbag na nagmumungkahi ng pagbabago sa Matandang Balarila. Isa na rito angMakabagong Balarilang Filipino (1977;2003) nina Alfonso O. Santiago at Norma G. Tiangco. Sa aklat na ito'y napapangkat ang may sampung bahagi ng pananalita sa ganitong pamamaraan:
1. Mga Nominal (Nominals)
A. Pangngalan (noun) - mga salitang nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian, pangyayari, atbp.
Uri ng Pangngalan 1.Pangngalan pantangi- tanging ngalan ng tao, bagay,hayop o lunan 2.Pangngalan pambalana- karaniwang ngalan ng tao, bagay,hayop o lunan 3.Pangngalan lansakan- kumakatawan sa dami ng tao, bagay, hayop o lunan Kasarian ng pangngalan 1.Pambabae- pangngalan na ginagamit sa babae 2.Panlalaki- pangngalan ginagamit sa lalaki 3. Di-tiyak- pangngaln na pwedeng panlalaki o pambabae 4.Walang kasarian- hindi masabi kung babae o lalaki
B. Panghalip (pronoun) - mga salitang panghahali sa pangngalan Uri ng panghalip
Panghalip panao- tawag sa panghalip na inahahalili sa ngalan n tao Panghalip na pamaglit- salitang nagtuturo Panghalip na paari- salitang nagpaphiwatig ng pamamay-ari Panghalip na panaklaw- salitang nagsasaad ng layo Panghalip na pananong- salitang ginagamit sa pagtatnong sa pangungusap Panghalip na patulad- salitang ginagamit sa pagtutulad.
C. Pandiwa (verb) - mga salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita Aspekto ng Pandiwa naganap na- kilos na natapos na magaganap- kilos na gagawin o mangyayari pa nagaganap-kilos na kasalukuyan ginagawa
2. Mga Panuring (Modifiers)
a. Pang-uri(adjective) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at panghalip Pamilang- salitang nagsasaad ng bilang Panlarawan- salitang nagsasaad ng hugis, anyo at kulay Pantangi- salitang nagsaad ng bagay na katangi-tangi Antas ng Pang-uri Pangngalan-=bango Lantay na Pang-uri- mabango Pahambing- mas mabango Pasukdol- higit na mabango b. Pang-abay (adverb) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa nito pang-abay
Uri ng pang-abay pamanahon- sumasagot sa tanong nakailan o Payak: bukas, mamaya, ngayon o Maylapi: kagabi, samakalawa o Inuulit: araw-araw, gabi-gabi o Parirala; noong nagdaang linggo, sa darating na bakasyon pamaraan- sumasagot sa tanong kung paano panlunan- sumasagot sa tanong na saan
3. Mga Salitang Pangkayarian (Function Words)
1. Mga Pang-ugnay (Connectives) a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan May kataga- ginagamit sa pagsunod-sunod sa mga bahagi ng pangungusap. Uri ng Pang-angkop na-ginagamit na pang-ugnay ng mgasalitang katinig maliban sa n ng- ginagamit sa pag-ugnay sa salitangnagtatapos sa patinig na a, e, i, o, G-ginagamit sa pag-ugnay ng mgasalitang nagtatapos sa n
c. Pang-ukol(preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita
4. Mga Pananda (Markers)
a. Pantukoy(article/determiner) - mga salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip
b. Pangawing o Pangawil (linking o copulative) - salitang nagkakawing ng paksa (o simuno) at panaguri
Pandamdam Hindi na isinama ang Pandamdam (interjection; mga salitang nagsasaad ng matinding damdamin) sapagkat ayon sa mga may-akda ng Makabagong Balarila ay maaaring magamit bilang pandamdam ang kahit anong salita kung bibigkasin nga ng may matinding damdamin. Samantala, sa Balarilang Ingles ay may walong tradisyunal na bahagi ng pananalita bagama't higit pa itong nahahati sa iba't ibang kaurian sang-ayon na rin sa mga pag- aaral ng mga kasalukuyang lingguwistiko. Ito ay ang pangngalan,panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay, pangatnig, pang- ukol at pandamdam.