Professional Documents
Culture Documents
Sa Mga Kuko NG Liwanag
Sa Mga Kuko NG Liwanag
NI EDGARDO M. REYES
Narito ang buod ng bawat kabanata ng nasabing nobela upang maisagawa ng
maayos ang nasabing nobela upang maisagawa ng maayos ang nasabig pagsusuri:
Sa simula, si Julio isang lalaking karaniwan sa bukid na buhok ay tumatambal,
malaginto sa kauhawan sa porma, dibdib na wariy bariles dahil sqa malaki nitong masel
at makakapal na kamao ay hindi matatagpuan sa bukid kundi sa mga lansangan ng
Lungsod. Maaaninag sa kanyang itsura na siya ay maralita. Umaga noong Marso, siya ay
nakatayo sa Issac Peral, nangangamba sa pagtawid. Dahil sa mga animoy mabangis na
sasakyan sa kanyang harapan. Sa kanyang patuloy na paglalakad natunton rin niya ang
kanyang paroroonan. Sa gusali ng The Future La Madrid Building Architectural Design:
T.S. Obes and Associates. Naroroon siya upang maghanap ng trabaho at hindi naman siya
nabigo. Pinasok siya sa pagpipiyon, kahit na mas malaki ang sahod iya sa dati niyang
pinagtratrabahuan sa konstruksyon na matatapos na sa Cubao. Kayat hindi niya ito
nahindian. Doon nakilala niya si Omeng na naghatid sa kanya sa lugar ng kanyang
pagtratrabahuan, sa mga naghahalo ng simento. Sila ay sina Atong at Benny na tigatakal
ng graba at buhangin. Si Imo naman ang nagtutubig at nag-uuho ng simento. Dahil sa
matinding init ng araw, gutom at hirap ng trabaho hinimatay sa Julio at agad siyang
sinaklolohan ni Atong at ibinigyan ang baon nito upang maibsan ang nararamdamang
gutom.
Dahil sa inalmusal ni Julio ang baon ni Atong. Nananghalian naman siya sa baon
ni Omeng. Ibinahagi nito ang baong tatlong pritong galunggong at kamatis. Matapos
nilang mananghalian sila ay nag-umpok-umpok at nagkwentuhan habang namamahinga.
Sa pagkwekwentuhan ng apat nalaman nila na si Julio ay taga- Marinduque, doon siya ay
mangingisda. Matapos nito bumalik na sila sa kanilang trabaho. Kinahapunan ay pumila
sila kay Mister Balajadia upang lumagda sa kanilang pay-roll. Dahil sa walang matirahan
dinaanan patungo kina Atong, nang marating nila ang barung-barong kumatok sila at
pinagbuksan sila ni Perla. Iniwanan panamantala ni Perla ang gawain niya na
paggagantsilyo. Samantalang nakita nila ang Ama nitong nakahiga at animoy walang
nakikita. Nagkausap ang tatlo tungkol sa nangyari kay Atong. Bakas pa sa mga mata ni
Perla ang matinding paghihinagpis. Iminungkahi ni Pol na kasuhan ni Perla si Mister
Balajadia ngunit tumanggi ito, dala ng matinding takot. Bago pa man umalis sina Pol at
Atong kina Perla inabutan nila ito ng salapi . Dahil dito kinapos sila ng pamasahe kaya
naglakad nalang sila.
Disyembre na, tamang-tamadahil matatapos na ang trabaho nila sa Loyola
Heights. Batid sa dalawa ang hirap ng kanilang trabaho ngunit ito ay aoys lang. Nang
matanggap ni Julio ang kanyang sweldo, walang alinlangan niyang hahandugan ng
regalong bagong damit at sapatos ang kapatid ni Atong. Ang problema, hindi niya alam
ang sukat kaya naman iminungkahi ni Pol na pera nalang ang ibigay niya. Gumawa ng
sulat si Pol, at isinobre naman ito ni Julio na may laman dalawang sampung papel.
Samantala nagpahabol si Pol ng isang sampung papel. Nagpunta sila sa Estero SunogApo. Sa kanilang pagbabasa masiksik na Bus. Naaninag nila ang naabong mga barung
barong sa gilid ng Estero. Kasasama rito ang bahay nina Pela. Nagtanungtnogn sila
tungkol sa nangyari sa kay Perla at napag-alaman nila na ang ama nito ay namatay sa
sunog at di na nila alam kung ano ang nagyari kay Perla.
Sa patuloy na paghahanap ng kasagutan ni Julio siya ay sinamantala ng isang
nagbalat-tayong pulis sea lugar kung saan kutob niya naroroon ang matagal na niyang
hinahanap sa Establisyimento ni at ninakaw sa kanya ang kanyang talaarawan na
naglalaman ng mga importanteng bagay para sa kanya. Nang makarating niya ang
tahanan ni Pol.
Habang tumatagl sa Maynila si Julio, siya ay humuhubog mula sa dating
probinsiyanong madaling maloko, siya ay naging palaban at naging mabangis dahil sa
kanyang mga naranasan sa mga taong umabuso ng kamyang kawalang alam. Sa harap ng
estresuwelo, sa ibayong daan ay isang Barberya. Noon madalas nakatambay si Pol, pati
Isang magandang balita ang nais ipamalita ni Julio kay Pol na kasalukuyang nasa
Barberya at subsob sa Cross word puzzle ng dyaryo. Sinabi niyang nagkita sila ni Ligaya
at kailangan niya ng mauutangan kaya kailangan niyang tumawag sa telepono at
makipagusap kay Imo. Kasama ni Julio si Pol at nagtakda sila ng oras at nakatakdang
magkita sa harap ng Odean na isang sinehan sa Abenida. Ngunit hindi sumipot si Imo,
kaya naman pansamantalang kumilos si Pol para makahanap ng mauutangan. Pinauna na
lamang ni Pol si Julio sa bahay upang maghanda ng kanilang kakailanganin sa pag-alis.
Nang makabalik si Pol may dala itong beynte singko at iniabot kay Julio upang mapunan
ang kulang na pamasahe. Mag-aalas-onse pa lamang nang umalis si Julio sa bahay ni Pol
at kinaumagahan ito rin ay umuwing bigo.
Gaya pa rin ng dati, nakatambay si Pol sa barberya at nagbabasa habang
nakatingin na animoy nakatawa ang mukha kay Julio. Nahuli ni Julio ang mga tingin na
iyon ni Pol at nagtanong kung bakit. Agad nagbihis si Pol upang dumilihensya ng pera.
Nang makabalik na ito sa bahay niyaya niya si Julio upang maglamiyerda at
magpakasaya kasama ang mga babae. Ngunit umiling si Julio, nagpunta sila sa isang Bar.
Doon uminom sila at ipinaalam ni Pol ang tunay na nanagyari kay Ligaya na itoy patay
na nabasa niya ito sa isang kolum ng dyaryo, kamakalawa ng gabi ay hinihintay siya nio
Julio sa Arranque. Ngunit hindi siya dumating, sinabi sa kolum na nahulog ito sa hagdan
at nabagok. Ayon sa autopsiya, sinakal ito. Ngunit ang pangyayaring ito ay patuloy na
iniimbestigahan. Nabakas sa mukha ni Julio ang matinding lungkot at pangungulila.
Napagpasyahan ni Julio at Pol na pumunta sa lamay ni Ligaya. Mapapansin kay
Julio ang lungkot na kanyang nadarama sa pagkawala ng kaisa-isang babaeng kanyang
minamahal. Napansin nilang na sa dalawang kabaong na nakalamay sa Punenarya sa
kabila lamang ang maraming nakikidalamhati samantalang sa kanan naman ay wala. Sina
Pol at Julio lamang ang naroroon. Pansamantala nagpaalam si Pol kay Julio upang
sumaglit sa pag-uwi upang ipaalam na sila ay makikipagluksa. Mag-aalas diyes na ngunit
hindi pa sila kumakain. Noong una ay ayaw pa ni Julio, ngunit ito ay nagpahila rin.
Pumasok sila sa isang Bar at umorder ng kape at tinapay na pinalamanan ng itlog.
Nakaupo silang dalawa, sa mga oras na iyon pinagsisisian niya ang pagpilit niya kay
Ligaya upang tumakas. Iniisip dinniya ang anak nito na marahil ay masaya, sa kabila ng
masaklap na pagkamatay ng kanyang ina. Samantala isang batang babae ang pumasok sa
loob ng Bar, ito ay nagtitinda ng mga Sampaguita. Tinawag ni Pol ang batang babae at
pinakyaw nito ang lahat ng tindang sampaguita ng batang babae. Binigay niya ito kay
Julio at sinabing ialay ito kay Ligaya. Kinaumagahan sa sementeryong Cementerip Del
Norte ang naging huling hantungan ni Ligaya.
Magtatakip-silim na nang makabalik sila sa bahay ni Pol. Mula sa sementeryo
sila ay nasa bahay na upang mamahinga. Ngunit si Julio ay lumabas upang maglakadlakad. Mula sa Lungsod na naaaninag ng ibat-ibang kulay na ilaw sa lansanangan sa tapat
ng FEU kung saan maraming estudyante ang pauwi at dumadaan sa harap niya. Patuloy
siya sa paglalakad, mula sa bangketa, eskinita ibat-ibang tao ang makaksalamuha na may
ibat-bang layunin sa mundong ito. Sa China Town, kung saan animoy dayuhan siya sa
mga taong at paligid na kanyang nakikita. Maraming intsik ang kumikita dito sa mga
Pilipino, mga intsik na nagpapakapal ng bulsa sa tulong ng napagsasamantalang munti at
dukha. Sa pintuan ng tahanan ni Ah Tek tumigi si Julio siya ay kumatok at pinagbuksan
ng katulong, hinahanap ni Julio si Ah Tek. Sa pangalawang pagkakataon bumukas ang
pinto at humarap ang isang intsik, agad nitong pinindot ang lansetang kanyang nabili.
Itinarak niya ito sa tiyan ni Ah Tek. Ilang lalaki ang naglapitan, matapos makita ang
pangyayari, si Julio ay nagtangkang tumakas ngunit nahuli siya ng mga tao at inilagay sa
kanya ang kamay ng batas, sa huli si Ah Tek at Julio ay namatay.