You are on page 1of 1

Paglalahad ng Problema

Nakapaloob sa pag-aaral na ito ang pangunahing problemang tumutukoy sa ibat-ibang


epekto ng musika sa bawat indibidwal. Upang makalikha ng isang pananaliksik na walang
kinikilingan at makagawa ng mahusay at kapaki-pakinabang na resulta, ang mga sumusunod na
katanungan ay malinaw na nakasaad:

Pangunahing Problema:

Anu-ano ang epekto ng musika sa personalidad ng tao kaugnay sa bawat liriko, melodiya,
at ritmong kaakibat nito?

Mga Sumusuportang Tanong:

Paano nagkakaroon ng matibay na ugnayan ang musika at tao?

Bakit kaya ganoon na lamang ang pagkahumaling ng tao sa musika?

Sa paanong paraan nahuhulma at naiimpluwensyahan ng musika ang personalidad


at anyo ng mga tagapakinig nito?

Ano ang sikolohikal na interpretasyon sa usaping ito?

You might also like