sultan na si Mubando. Siyay makisig at napakalakas. Magaling siyang makipaglaban ngunit wala pa siyang nahahanap na babaeng gustong umibig sa kanya dahil masama ang kanyang ugali. Lahat ng babaeng kanyang mapupusuan ay kanyang dadakpin, gagahasain at papatayin. Isang araw, habang siyay naglalakbay papuntang Hansona, mayroon siyang nakita na isang napakagandang babae. Agad silang tumigil sa paglalakad. Nilapitan niya ito at siyay nakipagkilala. Magandang araw sa iyo, napakagandang binibini! , sabi ni Mubando. Ako nga pala si Mubando, ang Sultan ng Mindanao. Magandang araw kamahalan, ako po si Sampaguita. , sambit ni Sampaguita habang nakaluhod sa harapan ng sultan. Kinagabihan, binalak ni Mubando na gahasain si Sampaguita. Habang siyay naglalakad lakad, nakita niya si Sampaguita sa hardin na kumakanta at nilapitan niya ito ng tahimik. Agad niyang tinakpan ang bibig ng dalaga at kanya itong ginahasa. Pagkatapos ng isang masamang pangyayari, kanya itong sinaksak at inilibing sa hardin. Kinabukasan, siyay nagtungong muli sa hardin at nakita niyang may tumubong isang putting bulaklak kung saan niya inilibing si Sampaguita. Naisip niya ang kalinisan at pagiging birhen ni Sampaguita. Pinitas niya ang mga bulaklak nito at dinala pabalik ng kanyang kaharian. Kanya itong inilagay sa isang lalagyan bilang alaala sa kaisa isang babaeng kanyang gusting mahalin ngunit ginawan niya ng masama. Ang bulaklak na iyon ay tinawag niyang bulaklak ng Sampaguita. Simula noon, ang bulaklak ng Sampaguita ang nagpapakita ng kalinisan at pagiging birhen ni Sampaguita kaya naging putting puti ang kulay nito.
Samantha Louise R. Carimpong G9 Diamond Ms. Agnes Zonio