You are on page 1of 1

Kabanata XXXI

Ang Mataas na Kawani


Buod
Hindi man lamang nabalita sa mga pahayagan ang nangyari kay
Huli. Nangakalaya ang mga estudyanye. Unay si Makaraig. Pinakahuli
si Isagani. Nabalita sa tulong ni Ben Zayb, ang pagiging mahabagin ng
Heneral. Ang tanging di nakalaya ay si Basilio.
Ipinagtanggol ng Mataas na Kawani si Basilio. Mabuting bata raw
at matatapos na ng panggagamot. Lalong napahamak si Basilio dahil
lahat ng sabihin ng Kawani ay tinututulan ng Heneral. At kailangan daw
magkaroon ng halimbawang di dapat tularan ang mga mahilig sa
pagbabago. Si Basilio ay pinagbintangan ng Heneral na gumamit ng
bawal na aklat sa medisina. Sinabi ng Kawani na dapat matakot ang
Heneral sa bayan. Natawa ang Heneral wala raw siyang pakialam sa
bayan dahil ang naghalan sa kanya ay ang bayang Espanya hindi ang
bansang Pilipinas.
Kapag itinanggi sa isang bayan ang liwanag, tahanan,
katarungan at kalayaan ituturing ng bayan na magnanakaw ang
nagtanggi ng mga ito.
Nang nasa kanyang sasakyan na ang Mataas na Kawani ay
nasabi niya sa kanyang kutserong katutubo: Kapag dumating ang
araw ng inyong pagsasarili ay alalahanin mong sa Espanyay hindi
nawalan ng mga pusong tumitibok dahil sa inyo.
Makaraan ang dalawang oras ay nagbitiw sa tungkulin ang
Kawani at nagsabing siyay uuwi sa Espanya lulan ng kasunod na koreo
(bapor).

You might also like