You are on page 1of 12

Pangalan: ____________________________________________________

Ang Pista
Pista sa bayan ng San Pablo. Maaga pa ay gumising na si
Juan para pumunta doon.
May kutob siyang makikita si Fernando, ang paborito niyang
pinsan.
Sa loob ka lang ng bahay pagdating natin doon, ha? bilin ng
ina ni Juan.
Opo, inay! ang sabi niya.
Hindi malilimutan ni Juan ang pista ng San Pablo. Gaya kasi nang
inaaasahan ay nagkita sila ng mahal niyang pinsan.
Marami itong pasalubong na tsokolate sa kanya. Tuwang-tuwa
ang dalawa nang muling magkita.
Sagutin:
1. Bakit maaga pa ay gumising na si Juan?
_______________________________________
2. Sino ang gusto niyang makita?______________________________
3. Bakit ibig niyang makita si Juan?_________________________
4. Ano ang pasalubong ni Fernando para kay Juan?
________________________
5. Paano ipinakita ng dalawa ang kasabikan sa kanilang muling
pagkikita?___________________
Pangalan: ____________________________________________________

Sa Tren
Niyaya ni Zeny si Vivian na sumakay sa tren. Kulay dilaw ang
tren na sinakyan nila.
Nakakaaliw pala ang sumakay sa tren, ang sabi ni Zeny.
Napakabilis ng paglalakbay.
Oo, ang sabi ni Vivian na nakatanaw sa labas ng bintana.
Diretso lang ang biyahe at hindi pa mausok.
Sumakay uli tayo sa tren, ang yaya ni Zeny kay Vivian.
Oo, sumakay uli tayo sa tren, ani ni Vivian.
Sagutin:
1. Saan niyaya ni Zeny si Vivian?___________________________
2. Ano ang kulay ng nasakyan nilang tren?________________
3. Bakit nagustuhan ng dalawa ang pagsakay sa tren?
_______________________________________________
4. Sa palagay mo, bakit mas mabilis sumakay sa tren kaysa ibang
sasakyan?_______________________________________
5. Kung papipiliin ka sa bus at tren saan mo ibig sumakay? At
Bakit?___________________________________________________
Pangalan: ____________________________________________________

Sa Palaisdaan
Masaya ang magkapatid na Jose at Juana.
Noon lamang sila nakarating sa palaisdaan.
Manghuli tayo ng bangus, ang wika ni Jose.
Manghuli rin tayo ng apahap.
Walang apahap dito, ang sabi Ni Juana.
Inihaw nila ang bangus na nahuli. Masarap iyon kahit walang
sangkap. Sumikip ang pantalon ng dalawa dahil nabusog na
mabuti. Isang masayang karanasan ang pagpunta nila sa
palaisdaan.
Sagutin:
1. Sinu-sino ang magkapatid? ___________________________
2. Bakit sila masaya?_____________________________________
3. Anong isda ang hinuli nila?_____________________________
4. Paano nila ito niluto?___________________________________
5. Bakit sumukip ang pantaloon ng dalawa?
_______________________________________________

Pangalan: ____________________________________________________
Ang Tag-ulan

Handa na ang langgam sa tag-ulan. Nakaipon na siya ng mga


pagkain. Wala nang butas ang mga dingding ng kanyang bahay.
Wala na rin

tagas ang bubong ng kanyang tahanan.

Alam ni

langgam na wala na siyang magiging problema sa tag-ulan.


Napaghandaan niya itong mabuti.
Ang tipaklong naman ay paos na sa pag-awit.
ang tag-araw sa pagsasaya at paglilibang.
siyang pagkain naipon.
masilungan.

Inubos niya

Wala man lamang

Nang pumatak ang ulan wala siyang

Kakalamkalam din ang sikmura niya sa gutom at

uhaw. Naisip niya kung tumulad lamang sana siya kay langgam
sa pag-iipon hindi sana siya naghihirap ngayon.
Sagutin:
1. Sino ang handa na sa tag-ulan?_______________________
2. Paano inubos ni Tipaklong ang kanyang panahon?
______________________________________
3. Bakit wala ng problema si langgam kahit pumatak ang ulan?
__________________________________________________
4. Ano ang malaking problema ni Tipaklong?
____________________________________________
5. Sa dalawang hayop alin ang nais mong tularan?
_________Bakit?_________________________________
Pangalan: ____________________________________________________
Ang Guro

Si Bb. Celia ay guro ni Carlos. Agham ang itinuturo ng guro.

Ang pag-aaralan natin ngayon ay tungkol sa ibat ibang uri ng


mga ahas, ani Bb. Celia.
Nakakita na po ako ng cobra, kuwento ni Carlos.
Ako naman po ay nakakita na ng ahas na tulog, ang pakli ni
Cesar.
Ipinakuwento ng guro kina Carlos at Cesar ang katangian ng
nakita nilang ahas.
Ang cobra po ay madilaw-dilaw ang balat. Mahaba po ito at
makamandag, sabi ni Carlos. Sumisingasing pa po ito pag galit
at lumalapad pa ang leeg.
Ang ahas na tulog naman po ay itim at lagi lang nakapaikot
sa isang sulok at tulog nang tulog. Wala po itong mabagsik na
kamandag. Mahilig po ito sa malalamig na lugar, ang sabi naman
ni Cesar.
Natuwa ang guro sa naibahaging kaalaman ng kanyang mga
mag-aaral.
Sagutin:
1. Sino ang guro sa kwento? ____________________________
2. Ano ang pinag-aralan nila sa araw na iyon? ___________________
3. Alin sa dalawang uri ng ahas ang mas mapanganib? _________
Bakit? ____________________________________________________
4. Dapat bang pinapatay ng mga tao ang ahas?________________
5. Pag nakakita ka ng ahas ano ang gagawin mo?
________________________________________________________
Pangalan: ____________________________________________________
Ang Aklat
Paborito ni Alex ang araling Filipino. Marami siyang aklat sa
Wikang Filipino. Binabasa niya ang lahat ng kanyang mga aklat.

Binabalutan niya ng plastic ang mga aklat para hindi masira.


Mahal niya ang kanyang mga aklat.

Matataas ang

mga grado

niya sa aralin. Siya ang panlaban ng gurong si Gng. Ferrer sa mga


paligsahan. Lagi siyang nagwawagi sa mga kontes na nilalahukan
niya. Marami na siyang naipong mga medalya. Tuwang-tuwa ang
mga magulang niya sa kanya. Ipinagmamalaki siya ng mga ito sa
mga kakilala at mga kaibigan nila. Kaya mo bang tularan si Alex?
Sagutin:
1. Ano ang paboritong aralin ni Alex? ___________________
2. Anu-anong pag-aalaga sa aklat ang ginagawa niya?
___________________________________________________
3. Bakit kaya lagi siyang nagwawagi sa mga paligsahan?
________________________________________________________
4. Anong katangian ni Alex ang nagustuhan mo? ___________
Bakit? _________________________________
5. Ikaw nais mo rin bang maipagmalaki ka ng mga magulang
mo? ___________Paano?
___________________________________________
Pangalan: ____________________________________________________
Ang Barangay
Sina Jose at Juan ay nakatira sa iisang barangay.
maayos ang barangay nila.

Tahimik at

Nagtutulong-tulong ang mga tao.

Masisipag ang mga opisyal.

Isang huwarang barangay ang

komunidad ng magkaibigan. Marami ang humahanga sa mabuting


pagsusunuran ng mga mamamayan.

Ipinagmamalaki nila ang

barangay.
Sagutin:
1. Sinu-sino ang mga magkaibigan?
_______________________________________

2. Saan sila naninirahan?

_________________________________________

3. Bakit maraming humahanga sa kanilang barangay?


__________________________________________________

4. Anong uri ng mga opisyal mayroon sa kanilang barangay?


________________________________________________________________

5. Saan uri ng barangay mo nais manirahan?


_____________________
Bakit?

_____________________________________________

Pangalan: ____________________________________________________
TAYO NA SA ANTIPOLO

Maagang

umalis

ang

mag-anak

Magsisimba ang mag-anak sa Antipolo.

papuntang

Antipolo.

Tanghali na nang silay

dumating

sa

Antipolo.

Napagkasunduan

ng

mag-anak

na

magsimba na muna bago kumain. Ngunit ang bunsong si Melinda


ay ayaw pumayag. Kaya umiiyak siyang nagpaiwan sa tabi ng
restawran. Ayaw niyang sumama sa pagsisimba dahil ibig niyang
kumain muna bago magsimba.
Sagutin:
1. Bakit maagang umalis ang mag-anak?_________________
2. Anong oras na nang silay makarating sa Antipolo?
_______________________________________________
3. Ano ang napagkasunduan nilang gawin bago kumain?
________________________________________________
4. Bakit umiiyak si Melinda? ________________________________
5. Anong kaasalan ang ipinakita ni Melinda?
______________________________________________
Sa iyong palagay tama ba ang ginawa niya? __________
Bakit? _________________________________________________

Pangalan: ____________________________________________________
SI SENDONG AKSAYA
Si Sendong ang tagapaghugas ng pinggan. Pagkatapos
kumain,

isa-isa

na

niyang

hinuhugasan

ang

mga

kasangkapang ginamit. Mayroon siyang isang palangganang

sahuran ng tubig.

Pero kahit puno na ng tubig ang

palanggana, hindi pa rin niya


naaksaya ang tubig.

sinasara ang gripo.

Kaya

Tapon nang tapon ang tubig mula sa

umaapaw na palanggana.
Sagutin:
1. Sino ang tagapaghugas ng pinggan? _______________________
2. Saan niya sinasahod ang tubig? _________________________
3. Bakit naaaksaya ang tubig? _____________________________
4. Tama ba ang paraan ni Sendong nang paghuhugas ng
pinggan? __________ Bakit? _______________________________
5. Paano ka makakatulong sa pagtitipid sa paggamit ng tubig?
__________________________________________________

KAMIY MGA KAIBIGAN


Kamiy iyong gamit sa paaralan
Kailangan mo sa iyong pag-aaral
Sa bag mo kamiy di mawawala
Kung ikaw ay maingat at di pabaya.
Akoy susi ng karunungan
At kaban ng maraming yaman
Malayo at malapit iyong nararating
Kung ako lamang ay iyong babasahin.

Mahaba ako, kung tawagin ay lapis


Hindi kailangang tasa ay napakatulis
Ingatan mo ako sa pagbagsak
Upang ang aking tasa ay di mawasak.
Papel ako na iyong sinusulatan
Iwasan mo sana na marumihan
Kung magkamali, magbura nang dahan-dahan
Gawin nang malinis, maayos kung tingnan.
Kasama ako ng lapis at papel
Sa sinilat na mali, ako ay gamitin
Ipambura mo ako nang dahan-dahan
At sana ako ay iyong pag-ingatan.
Ginagamit mo ako sa paggupit
Ako naman ang iyong pandikit
Ako ay tuwid na pagguhit
Ingatan kami nang hindi mawaglit.
Kailangan mo ako kung umuulan
Ginagamit mo rin kung umaraw man
Kung basa, akoy iyong patuyuin
Kapag natuyo na, sanay iyong tikpulin.
Akoy iyong pinaglalagyan
Ng mga gamit mo sa paaralan
Sa pagpasokmo, akoy iyong kasama
Sa pag-uwi mo, akoy iyo ring dala-dala.

Pangalan: ____________________________________________________

BAKIT MAY KORONA ANG BAYABAS


Noong unang panahon ay may isang sultan na sakim at malupit. Siya
ay si Sultan Barabas. Palagi niyang suot ang kanyang korona upang ipakita
ang kanyang kapangyarihan.
Isang araw ang sultan ay kumakain. Nilapitan siya ng isang batang
marungis. Nanghingi ang bata ng pagkain. Nagalit ang sultan. Pinaalis ito

sabay bato ng tasang may mainit na sabaw. Nawala ang batang umiiyak.
Biglang nalugmok ang sultan.

Nagulat ang lahat.

Natuklasan ng mga

katulong na ang sultan ay patay na. Ito ay kanilang inilibing.


Isang araw, may nakitang punongkahoy sa pinaglibingan kay Sultan
Barabas . Ito ay hitik sa bunga. Ang bawat isa ay may maliit na korona.
Matitigas ang buto ng mga ito kasingtigas ng loob ni Sultan Barabas.
Maasim-asim ang lasa nito, sing-asim ng mukha ng sultan.
Walang pumansin sa bunga ng puno hanggang ito ay mahinog.
Nakatuwaang kainin ito ng mga bata.

Tumamis at sumarap ang lasa ng

bunga.
Sagutin:
1. Sino ang sakim at malupit? _______________________________
2. Ano ang palagi niyang suot? _________________________
3. Bakit nagalit ang sultan sa batang marungis?
___________________________________________
4. Ano ang ginawa ng sultan sa bata?
_______________________________________________
5. Paano pinarusahan ang malupit na sultan?
______________________________________________
Pangalan: ____________________________________________________
ALAMAT NG SAMPAGUITA
Noong araw, may isang hari na ubod ng bagsik. May anak siyang
maganda, si Prinsesa Luningning. Maraming prinsipe na pawang
mayayaman ang umiibig sa prinsesa. Ang iniibig niya ay si Makisig, isang
mahirap na magsasaka. Palagi niyang hinaharana ang prinsesa ng awiting
Sumpa Kita.

Nalaman ng hari ang pag-iibigan ni Luningning at ni Makisig.


Nagalit siya at ipinasya niyang ipakasal si Luningning sa isang prinsipe.
Isang gabi bago ikasal si Luningning, hinarana siya ni Makisig. Umiyak
nang umiyak si Luningning. Inabot niya mula kay Makisig ang isang
munting halaman. Mayroon itong puti at mabangong bulaklak.
Sinabi niya, Hindi kita malilimot, sumpa kita, paalam.
Sa katagalan ang sumpakita ay naging sampaguita.

1. Sino ang magandang anak ng hari? ______________________


2. Ano ang palaging inaawit ni Makisig para kay Luningning?
______________________________________
3. Bakit nagalit ang hari? ____________________________
4. Ano ang gustong gawin ng hari kay Luningning?
____________________________________________
5. Ano ang iniabot ni Luningning bago siya magpaalam kay Makisig?
_____________________________________

You might also like