You are on page 1of 2

sa panulat ni Gracian Faith Gumallaoi

Pakawalan niyo ako dito. Maawa naman kayo sa akin, nagmamakaawang sabi ni Rhea.
Dito ka lang mahal kung asawa. Dito ka lang. Hahaha, sumbat naman ni Cronus.
Gusto ko nang makita ang anak natin Cronus. Matagal ko nang hindi nakita, sabi ni Rhea.
Walang nagawa si Rhea.Nakakulong siya sa kaharian ni Cronus. Maraming gwardiya ang
nagbabantay sa kanya. Mahal na mahal ni Cronus si Rhea kaya naman ikinulong ang asawa dahil
alam niya na hindi siya ang mahal ni Rhea. Natatakot siya dito na may ibang mamahalin ang
kanyang asawa. Wala naman ang kanilang anak sa kanilang tabi dahil kinakatakutan ni Cronus na
maaaring mapatay siya, dahil ang kanilang anak lamang ang pwedeng pumatay kay Cronus.
Nahihirapan na si Rhea sa kanyang kalagayan. Ang kanilang anak lamang ang nasa isipan niya araw
man o gabi.
Si Cronus ay diyos ng agrikultura. Siya ang nag-aalaga ng mga pananim dito sa mundo. Mahilig siya
sa mga halaman. Gustong gusto niyang binabantayan ang mga ito. Kapag marami siyang ani
pumupunta sa mga tao para ipamigay ang mga sobra.
Isang araw masayang masaya si Cronus dahil marami ang kanyang ani. Ngayong araw din
nakatakda ang kanyang pamimigay ng mga sobrang ani sa mga tao.
Mga gwardiya bantayan niyong mabuti si Rhea at ang kwintas na ito. Huwag niyo siyang
papakawalan at wawalahin ito. Napakaimportante ang kwintas na ito. Ito kasi ang magbubukas ng
aking kaharian at marami pang iba ang magagawa nito,bilin ni Cronus sa kanyang mga tauhan.
Babantayan namin ng mabuti iyan haring Cronus, sagot ng mga gwardiya.
Narinig ni Rhea ang usapan nila. Kaya hindi na siya nagdalawang isip na tumakas.
Ito na ang pagkakataon para tumakas. Wala ngayon si Cronus,bulong sa kanyang sarili.
Nahirapan siya sa kanyang pagtakas dahil talaga namang marami ang nagbabantay sa kanya. Nang
nakatulog na ang mga gwardiya sinamantala niya ang oras na ito. Ang una niyang kinuha ay ang
kwintas para siya ay makalabas sa kaharian. Nang makuha na niya ito nabuksan ang pinto at
nakalabas nga si Rhea. Napunta siya sa isang lupain ng mga tao. Hindi niya ngayon alam kung saan
niya hahanapin ang anak. Kaya hiniling niya sa kwintas na itungo siya sa kinaruruunan ng kanyang
anak.
Tao po may tao ba dito?, kumakatok na sabi ni Rhea.
Sandali lang po. Ayan na ako, binuksan ni Hestia ang pinto.
Nakilala naman ni Rhea agad ang kanyang anak. Niyakap agad ni Rhea si Hestia ng mahigpit.
Nagtaka naman si Hestia kung bakit ganun ang ginawa ng ale.
Siya ang iyong ina Hestia. Salamat sa Diyos at nandito ka na aking mahal na anak,nagagalak na
sabi ni lola Sofia.
Anak ako ang iyong ina, sabi ni Rhea kay Hestia.
Nabigla naman si Hestia sa kanyang narinig.
Si Hestia ay isang mabait at matulungin. Siya ay nakatira sa bahay ng kanyang lola at halos dito na
siya lumaki. Bagamat siya nabigla sa pagdating ng ina, makikita parin sa kanyang mga mata na
nagagalak sa pagdating ng kanyang ina. Masayang masaya naman na tinanggap niya ang kanyang
ina.
Inay tuloy po kayo. Kayo muna magpahinga mukhang pagod na pagod po kayo.
Salamat anak.
Sa kabila ng kasiyahan na nararamdaman ni Hestia, maraming katanungan ang bumabalot sa
kanyang isipan. Hindi siya nakatiis at nagtanung nga si Hestia.
Inay, bakit po kayo nawala ng matagal sa tabi ko, tanong ni Hestia.
Anak, sana mapatawad mo ako sa aking nagawa. Hindi ko naman ito ginusto anak. Maiintindihan
mo naman ito sa tamang oras. Ngayon baka hinahanap na ako ng iyong itay, paliwanag ni Rhea.
Ang itay? Nasaan siya?,tanong na naman ni Hestia.
Oo, ang itay mo. Pero siya ang dahilan kung bakit tayo nagkalayo anak. Ikinulong niya ako sa
kanyang kaharian.
Teka lang inay hindi kita maintindihan. Pero bakit niya naman ginawa ito?
Maraming dahilan anak. Kaya maaaring hinahanap na niya ako ngayon at baka papatayin niya ako
dahil sa aking pagtakas. Hanggang maaga pa kunin mo na ang kwintas na ito. Hiniling ko na sa mga
kwintas na ito na ikaw ay magkakaroon ng kapangyarihan kapag isusuot mo ito. Kapag naisuot mo
na magkakaroon ka ng kakaibang lakas, kakaibang mga pakpak para ika makalipad at pwede ka
ding maging inbisibol. Kaya alagaan mo ito dahil ikaw lamang ang makakapigil sa kasamaan ng
iyong ita,paliwanag ni Rhea.
Habang sila nag-uusap may naririnig silang mga hiyawan at sigawan ng mga tao. Halatang may
kinakatakutang nilalang.

Malamang ang itay mo na iyan. Anak mag-ingat ka sa iyong mga gagawin.


Bukod sa wala pa siyang alam tungkol sa mga kapangyarihan, takot pa siyang gamitin ang mga ito.
Pero hindi na siya nag-atubilin kasi marami na ang taong napatay ng kanyang ama . Isinuot niya
ang kanyang kwintas. Naging isang taong may pakpak, mas malakas at mas lalong gumanda si
Hestia, dahil sa bago niyang kasuotan. Nagmadali silang lumabas sa kanilang bahay.
Siya nga ang iyong itay anak, sabi ni Rhea sa anak.
Hahaha. Sabi ko na nga ba na pupuntahan mo ang ating anak. Ipapatay mo ako siguro no? Anak,
ako ang iyong itay at huwag kang maniniwala sa iyong ina,sinabi ni Cronus habang siya lumilipad
sa hangin.
Ang mga sinasabi ng iyong ina tungkol sa akin ay kasinungalingan. Huwag kang maniwala sa
kanya, dagdag pa na sinabi ni Cronus.
Huwag kang maniwala diyan anak. ikwinento ko na sayo lahat ng nangyari sa amin. Totoo lahat
iyon, paliwanag naman ni Rhea.
Naguguluhan si Hestia sa mga narinig niya. Pero nanaig parin sa kanyang puso sa eksplanasyon ng
kanyang ina. Kaya hindi na sinayang ni Hestia ang kanyang oras. Hinilo niya si Cronus sa
pamamagitan ng paglipad paikot-ikot. Pagkatapos nito binugbog niya ng binugbog pagkatapos
inilipad niya ito at ihinagis sa malayo hanggang siya namatay.
Salamat anak. Binigyan mo ako ng panibagong buhay at magsisimula rin tayo kasama ka.,
masayang sinabi ni Rhea.
Para sa inyo iyon inay. Mahal na mahal ko po kayo. Kung hindi naman sa ibinigay ninyong kwintas
hindi ko ito magagawa, sagot naman ni Hestia sa ina.
Nagyakapan ang dalawa.

You might also like