You are on page 1of 2

FOJAS, Riguel F.

2015
BSA41
Ancheta FILI103c

Hulyo 19,
G. Jeffrey

Repleksyong Papel tungkol sa Pamumuno ni Pope Francis


Noong Marso 2013, nagulat ang buong mundo sa biglaang pag-anunsyo ni
Pope Benedict XVI tungkol sa kanyang pagbaba sa pwesto bilang lider ng
simbahang katolika. Ngunit ilang linggo ang lumipas, ang gulat na ito ay napalitan
ng lubos na kasiyahan sa pagsalubong sa bagong Santo Papa. Bilang lider ng
Katolisismo sa buong mundo, paano nga ba ipinamamalas ng ating Santo Papa ang
tunay na katangian ng isang lider?
Isang mapagkumbabang Santo Papa ganyan ilarawan ng marami nating
kapatid sa pananampalataya si Pope Francis. Bilang isang katoliko, labis ang aking
paghangang nadarama para kay Lolo Kiko (ang pangalang nais niyang itawag sa
kanya ng mga Pilipino). Kadalasang sinasabi na ang isang pinuno ay dapat maging
halimbawa para sa kanyang mga nasasakupan. Hindi maitatanggi ng marami sa
atin na si Lolo Kiko ay isang konkretong halimbawa ng kasibihang ito. Nakatataba ng
pusong malaman at makita ang inyong lider na mamuhay hindi sa karangyaan kung
hindi sa isang simpleng buhay. Hindi na lingid sa kaalaman ng bawat isa sa atin na
marami tayong mga kapatid na sadlak sa dusa, kaya naman nakagagalak makita si
Lolo Kiko na mamuhay nang simple. Sa paraang ito, naipakikita niya sa ating mga
kapatid na hindi sila nag-iisa at kasama niya siya sa pagharap sa hamon ng buhay
na kanilang hinaharap at patuloy pang haharapin.
Sa aking pagbabasa tungkol sa mga nagawa ni Lolo Kiko, hindi mapagsidlan
ng tuwa ang aking puso sa aking mga nalaman. Kabilang na rito ay ang paghalik
niya ng paa ng isang babaeng muslim. Hindi lamang siya isang pangkaraniwang
babaeng muslim, isa rin siyang preso. Sa pagkakataong ito, naipakita ni Lolo Kiko
ang labis-labis na pagpapakumbaba na tiyak na nagpapalambot sa puso ng
sinuman, Katoliko man o hindi.
Sa pamumuno ni Lolo Kiko sa simbahang katolika, napagtanto ko rin na hindi
mo kailangang sundin lamang ang nakagawian. Sabi nga ng isang sikat na
kasabihan, walang permanenteng bagay sa mundo kundi ang pagbabago. Ang
mundo at ang tao ay nagbabago. Marahil, kasabay ng bawat pag-ikot ng ating
mundo ay ang pagbabagong nagaganap sa bawat isa at sa pag-iisip nito. Sa
dalawang taon ng panunungkulan ni Lolo Kiko bilang Santo Papa, marami siyang
pagbabagong ipinamalas sa simbahan. Isa na rito ay ang hindi niya pagsakay sa
bulletproof na sasakyang karaniwang ginagamit ng mga Santo Papa sa pagbisita sa
mga bansa. Bilang lider, kahanga-hangang tignan ang lider ng iyong simbahan na
hindi nagtatanim ng takot sa kanyang sarili tungkol sa kamatayan o seguridad. Isa
rin sa kahanga-hangang ginawa niya ang pagsagot niya sa tanong kung may mga
atheist o mga taong hindi naniniwala sa Panginoon ang matatagpuan sa langit.
Walang pag-aalinlangan niyang sinabi na maaaring may mga atheist sa langit
sapagkat tinubos ng Panginoong Hesus ang mga kasalanan ng tao.

Tunay ngang isang lider na nararapat tularan si Lolo Kiko hindi lamang ng
mga lider ng simbahan kung hindi pati na rin ng kahit sinong pinuno
mapagobyerno man o kahit na simpleng organisasyon ng mga ordinaryong
mamamayan. Sa pagkilala sa angking galing sa pamumuno ni Lolo Kiko, mababatid
ng bawat isa sa atin ang tunay na katangian ng isang tunay na pinuno. Nawa ay
maging modelo si Lolo Kiko sa bawat isa sa atin mapa-Katoliko man o hindi.

You might also like