You are on page 1of 10

Filipino II: Isang Pananliksik Tungkol sa Mga Estudyanteng May "INCOMPLETE" na

Marka

Talaan ng Nilalaman :
PANIMULA
Mga Suliranin
Halaga ng Pag-aaral
Layunin
Metodolohiya
Limitasyon ng Pag-aaral
KATAWAN
Mga dahilan ng pagkakaroon ng INCOMPLETE.
Mga paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng incomplete
Resulta ng Survey

Litrato ng mga Survey

REKOMENDASYON at KONKLUSYON
PANIMULA
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga estudyante ng Komersyo sa Unibersidad
ng Santo Tomas na nagkakaroon ng incomplete sa grado. Ayon sa Student
Handbook ng Unibersidad ng Santo Tomas, and isang estuyante na hindi nakakuha
ng final examination(s) o hindi nakapasa ng major requirement ng kurso, dahil
sa sakit o anu mang tanggap na dahilan ay mabibigyan ng marka na
INCOMPLETE. Ang pagkumpleto ay dapat na scheduled at supervised ng
Office of the Dean, at dapat ay hindi tumagal o lumagpas sa susunod na
semester. Kailangan makumpleto ng estudyante ang kakulangan sa sinabing
panahon, kung hindi niya ito magawa ay makakakuha siya ng isang bagsak na
marka sa kurso kung saan siya ay incomplete.
Mga Kinakailangan Gawin Upang Matanggal ang INCOMPLETE
a. Kumuha ng application form sa Office of the Dean na nilalaman ang mga
sumusunod:

Pangalan
Student Number
Kurso na Incomplete
Semester na kinuha ang kurso
Nakaligtaang Pagsusulit o Proyekto
Mga sumusuportang dokumento
b. Ibigay ang application form sa propesor ng kurso, at matapos ang tamang
paghuhusga, ang mga sumusunod:
Completion requirement
Approval of application
* Ang completion requirement ay dapat kapareho o malapit sa orihinal na
kakulangan ng estudyante.
c. Ibalik ang form sa Office of the Dean. Ang estudyante ay bibigyan ng petsa
kung kailan at saan gaganapin ang pagkukumpleto. At ang tamang implementasyon
ng mga grado na manggagaling sa Office for Academic Affairs at Office of the
Registrar.
d. Sa mga sitwasyon kung saan ang dahilan kung bakit hindi nakakuha ng
pagsusulit ang estudyante ay tanggap. Maaaring magbigay ng espesyal na
pagsusulit ang propesor na may kasamang mga dokumento na sumusuporta sa
pagsusulit na ito na ibibigay ng propesor sa linggo ng nasabing pagsusulit.
Mga Suliranin
1. Anu-ano ang mga dahilan bakit nagkakaroon ng incomplete na grado ang mga
estudyante
2. Anu-ano ang solusyon o aksyon ang kanilang ginawa upang tugunan ang
kanilang incomplete 3. Gaano katagal ang ginugol nilang panahon at oras na
pagkukumpleto ng incomplete na ito
4. Ano ang epekto ng incomplete na marka sa kasalukuyan nilang pag-aaral
Halaga ng Pag-aaral
Ito ang napili ng mananaliksik sapagkat dumadami ang bilang ng mga
estudyanteng nagkakaroon ng incomplete na grado at hindi nakukumpleto nang
mabuti kaya naman sa halip na maipasa ang kurso ay kinukuha pa nila muli ang
kursong ito tuwing bakasyon. Isa itong malaking suliranin hindi lamang sa
estudyante o sa propesor, kundi pati na rin sa mga magulang sapagkat parang
napunta lamang sa wala ang kanilang pinagpagurang pera sa pagbayad sa pagaaral ng mga anak. At lalo na kung hindi nila makukumpleto ang kurso kung saan
sila ay incomplete. Sa hirap pa naman ng estado ng pamumuhay sa ating bansa
ngayon ay importante ang mag-aral nang mabuti at magsipag upang hindi na
makadagdag sa problema ng mga magulang.

Layunin
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay makatulong o maging gabay sa mga estudyante
upang maiwasan nila ang ganitong sitwasyon. Isa pa ay upang makabasa sila ng
mga karanasan ng mga estudyanteng nagkaroon ng incomplete sa kani-kanilang
asignatura. Layunin ng pananaliksik na ito ay makapagbigay-alam sa mga
estudyante sa unang baitang ng kolehiyo na hindi pa gaanong alam ang pasikotsikot sa mundo ng kolehiyo.
Metodolohiya
Ang mga termino sa pag-aaral na ito ay kinuha ng mananaliksik sa Student
Handbook ng Unibersidad ng Santo Tomas mula sa Office of the Dean ng
Komersyo.
Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng survey forms na pinasagutan ng
mananaliksik sa mga estudyante ng Komersyo na nagkaroon na ng incomplete na
marka upang ma-tally ang karaniwang dahilan kung bakit nagkakaroon ng
incomplete na grado ang mga estudyante at kung ano rin ang solusyon o aksyon
na kanilang ginawa upang pumasa nang tuluyan sa kurso kung saan sila ay
incomplete. At base sa resulta ng survey ay bumuo ng konklusyon at payo sa
mga susunod na gagawa ng sarili nilang pananaliksik sa parehong tema.
Limitasyon ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa mga estudyante mula sa unang antas ng
Komersyo ng Unibersidad ng Santo Tomas. Isinagawa ang pag-aaral ng isang lingo,
mula Oktubre 5, 2008, hanggang Oktubre 9, 2008. Limang tao lamang ang
pinasagutan ng survey.

KATAWAN
Mga dahilan ng pagkakaroon ng INCOMPLETE.
Ayon sa Student Handbook ng Unibersidad ng Santo Tomas, ang mga dahilan
kung bakit nagkakaroon ng marka na incomplete ang mga estudyante ay kapag
sila ay hindi nakakuha ng anumang pagsusulit, kapag may kakulangan sila sa mga
proyekto, o kapag hindi nakapagbayad nang buo sa matrikula ang estudyante.
Ayon sa "survey" ng mananaliksik, ang kadalasang dahilan kung bakit nakakauha ng
marka na incomplete ang mga estudyante ay dahil hindi sila nagpasa ng mga
proyekto o mga takdang aralin sa oras. Kadalasan daw itong nangyayari sa panahon
ng huling pagsusulit sapagkat sunod-sunod ang kanilang pinapasang mga proyekto,
kaya nakakaligtaan nila ang ibang mga proyekto, at sa oras ng kuhanan ng marka

lamang nila naaalala o nalalaman na sila pala ay may nakalimutang ipasa. At ang
incomplete na marka na ito ay binabawi nila sa kasunod sa semester upang
hindi sila bumagsak sa kursong iyon.

Mga paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng incomplete


Ang mga paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng incomplete na marka sa
nabuo ng mananaliksik ay ang mga sumusunod:
Alamin ang Prayoridad
Kung alam ng estudyante ang kanilang prayoridad, alam nila kung ano ang dapat
nilang unahin at tapusin. Malalaman din nila kung ano ang mas importante.
Tamang Pangangasiwa ng Oras
Ang oras ay isa sa pinaka-importanteng elemento sa buhay ng isang mag-aaral. Sa
pamamagitan ng tamang pangangasiwa ng oras, ang estudyante ay magiging mas
responsable at hindi sila mag-aapura kapag sunod-sunod na ang pasahan ng mga
proyekto.
Makinig sa Propesor at Mag-aral nang Mabuti
Sa pakikinig sa propesor ay marami ng matututunan ang mga estudyante at
malalaman din nila ang lahat ng pinapagawa ng propesor. At sa pag-aaral nang
mabuti ay hindi na dapat mangamba ang estudyante sa pagkakaroon ng incomplete
o kahit bagsak na grado.

Resulta ng Survey
Ang survey ay ginawa gamit ang mga survey forms na pinasagutan ng mananaliksik
sa mga estudyante ng Komersyo sa unang antas ng Unibersidad ng Santo Tomas.
Ang mga sumusunod ay ang mga tanong na nasa survey forms:
1.Anong asignatura ang incomplete o mga incomplete mo?
2.Anu-ano ang mga paraan mo upang tuunan ang incomplete na ito?
3.Mga dapat gawin upang hind maging incomplete (sa iyong opinyon).
4.Gaano mo katagal ginawa ang iyong requirement?
5.Ilarawan ang iyong sarili bilang estudyante.
6.Ano ang iyong mapapayo sa ibang mag-aaral upang hindi magkaroon ng markang
incomplete?
Sa unang tanong na kung anong asignatura ang madalas na may incomplete ang
mga estudyanteng pinasagutan ang survey forms, dalawa ang sumagot ng FILIPINO
II at tatlo naman ang sumagot ng Psychology.

Sa ikalawang tanong na ano ang ginawa ng sumasagot upang pagtuunan ng pansin


ang kanyang incomplete na marka, iisa ang kanilang sagot at ito ay ang paggawa
ng Research.
Sa ikatlong tanong na gaano mo katagal ginawa ang iyong requirement, mahigit
dalawang lingo lamang.
Sa ikaapat na tanong ay iba-iba ang kanilang mga sagot.
Sa huling tanong ay iisa ulit sila ng sagot at ito ay ang mag-aral nang mabuti.

Litrato ng mga Survey

Rekomendasyon at Konklusyon
Ang maipapayo ng mananaliksik sa mga susunod na mananaliksik ay lakihan ang
Limitasyon ng pag-aaral na hindi lamang sa sariling eskwelahan, pati na rin sa iba
pang mga unibersidad upang mas maging komprehensibo ang pag-aaral. Maging
mas masinop din sa mga impormasyon sa pamamagitan ng paggamit ng mga
reference tulad ng mga handbook at mga transcript of records ng mga
estudyante sa eskwelahan kung saan gaganapin ang pagaaral.

Kinakailangan din na may kakilala ang mananaliksik na nagtatrabaho sa mga


opisina ng mga eskwelahan, partikular na sa Deans Office kung saan
napakaraming impormasyon ang makakalap.
At maging magalang din sa lahat ng mga tutulong sa mananaliksik o kung sino
mang makakasalamuhang mga tao dahil sila ay makakatulong ng malaki sa pagaaral o sa pananaliksik.
Ang napakahalagang implikasyon ng pagkakaroon ng incomplete na marka ng
mga estudyante ay ang pagiging pabaya nila sa mga kursong incomplete sila.
Sapagkat kung talagang pinahahalagahan nila ang kursong ito, hindi nila ito
babaliwalain bagkus, tutuunan pa nila ito ng pansin.
Nakita sa resulta ng survey na halos minor subjects ang may incomplete ang mga
estudyante. Hindi sapat na dahilan ito upang huwag nang buhusan ng panahon ang
mga kursong ito sapagkat parte pa rin sila sa humuhobog, hindi lamang sa utak o
pag-iisip ng maga estudyante, kung hindi pati na rin sa kanilang mga personalidad.
Maaring hindi pa nakikitaan ng mga estudyante ang halaga ng mga kurong ito
ngayon, pero lahat ng pinag-aaralan o kurso na kinukuha ng mga estudyanate
ngayon ay may malaking tulong sa buhay na haharapin ng mga estudyante sa labas
ng apat na kanto ng eskwelahan at sa pagharap sa totoong buhay na naghihintay
sa kanila.
Kailangan ay alam ng mga estudyante kung paano gugugulin ng wasto ang kanilang
oras upang maiwasan ang pagkakaroon ng incomplete na marka. Inihahalintulad
ng mananaliksik ang oras sa pera, na napakahalaga at konti lamang sa bilang. Kung
gugugulin lamang ang oras sa walang saysay na mga gawain ay masasayang
lamang ang panahon na sana ay nagamit sa paggawa ng mas importanteng mga
bagay tulad ng mga takdang aralin, proyekto, o pag-aaral para sa mga pagsusulit.
Napakalaking abala ang pagkumpleto ng requirement sa isang incomplete na
marka, hindi lamang sa parte ng estudyante, kundi sa propesor narin.
Ang lahat ng ito ay nag-uugat lamang sa isang sanhi, at ito ay ang pag-aaral ng
mabuti. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti, walang makakaligtaang proyekto
o takdang aralin sapagkat alam ng estudyanteng masipag mag-aral ang kanyang
mga prioridad, mga dapat at hindi dapat gawin, at ang mga mahahalagang bagay
na dapat pagtuunan ng pansin.
Mahalaga na sa kahit anumang edad ay patuloy pa rin ang ating pag-aaral ng iba't
ibang bagay na makakatulong para lumago at umunlad ang ating kabuhayan. Ito ay
hindi lamang sa mga bagay na may kinalaman sa trabaho - kundi maging sa
kalagayan ng pagsasama ng mga miyembro ng pamilya o kaya'y sa pagpapatakbo
ng buhay, aspetong sosyal, pangkultura, pampolitika o kaya'y pangkabuhayan o
pinansyal.

Pagsusulit sa Filipino 102, 132 at GE 207


Panuto: Sagutin at gawing komprehensibo ang pagtalakay sa bawat katanungan.
1. Bakit kailangang magsagawa ng pananaliksik? Bigyang-katwiran ang iyong paniniwala.
2. Ano-ano ang maaari mong matutuhan sa pagsasagawa ng pananaliksik? Isa-isahin.
3. Bakit sinasabing ang pananaliksik ay isang gawaing kapaki-pakinabang?
4. Para sa iyo, alin sa mga uri ng pananaliksik ang nais mong gawin? Bakit?
5. Maglista ng limang pamagat na maaaring gawan ng pananaliksik na ayon sa iyong interes at isaalang-alang
ang mga katangian ng mabuting pamagat. . Ilahad ang magiging awtput at bakit ito kailangang saliksikin.
6. Paano maiiwasan ang plagyarismo sa pananaliksik?
7. Ano-ano ang mahahalagang puntos na dapat tandaan sa pagsasagawa ng layunin?
8. Bakit kailangang maglahad ng suliranin (Statement of the Problem)?
9. Ano ang dahilan kung bakit kailangan ng rebyu sa pag-aaral bago malaman ang halaga ng pananaliksik?
10. Ano ang konseptwal at teoretikal na balangkas? Bakit ito binansagang pumapagitnang teorya?
11. Ano-ano ang mga pangunahing element at hakbangin sa pagbubuo ng konseptwal o teoretikal na
balangkas?
12. Bakit mahalagang tukuyin ang sakop at delimitasyon ng isang pananaliksik?
13. Ano ang konseptwal at operasynal na depinisyon? Magbigay ng mga halimbawa.
14. Nararapat bang muling patunayan ng pananaliksik ang isang matagal nang pag-aaral?

You might also like