You are on page 1of 2

Ang pagsasaka ay tumutukoy sa gawaing pagtatanim at pag-aani ng mga halamang

kakainin sa pang araw-araw. Sa Bicol, kalamitan ng mga naninirahan dito ay


hanapbuhay ang pagsasaka. Ang mga pangunahing produkto na kanilang sinasaka
ay palay at mais.
Ito ay sikat sa Bicol dahil na rin ito ay isang probinsya kaya naman ang lupa rito ay
mataba. Mainam ang lupang ito na pagtaniman. Ang pagsasaka ay isa sa mga
hanapbuhay ng mga pamilya sa Bicol. Ito ay sikat sa kanila dahil sa klima at ang
lugar nila ay likas sa mga matatabang lupa.
Ito ay tumutukoy sa gawaing pagtatatanim at pag-aani ng mga halamang maaaring
kainin, kabilang na dito ang mga palay, mais, gulay at iba pa.
Ang pagsasaka ay isang uri ng paggawa ng pagkain. Ang pagsasaka ay likas na sa
mga tao na nakatira sa probinsya ngunit hindi lang ito gawaing pantao, isa sa mga
katulong ng tao ay ang mga hayop.

Sagip Pasig Movement


Ang Pasig River Rehabilitation Program (PRRP) ay ang programang sinimulan noong 1991 sa tulong ng
banyagang organisasyon na DANIDA (Danish International Development Assitance). Layon nitong
paunlaring muli ang kalidad ng tubig at palutangin ang angking ganda ng paligid. Sinimulan ang
pagpapalipat ng mga iskwater na nakatira sa gilid ng ilog upang mabawasan ang mga itinatapong basura
dito. Inalis ang mga nakalubog na bahagi ng mga nasirang bangka o barko sa ilalim ng ilog.
Naipalaganap na rin ang kamalayan sa estado ng ilog at naturuan ang mga mamamayan ng tamang
pagtatapon ng basura upang buhaying muli ang namamatay na ilog.

Noong 1991, pinalitan ang PRRP ng Pasig River Rehabilitation Commission sa ilalim ng Executive
Order No. 54. Layunin ng programa na ibalik ang dating buhay ng ilog upang maging kapaki-pakinabang
sa transportasyon, rekreasyon at turismo. Sinusuportahan ang PRRC ng ilang pribadong sektor tulad
ng Clean and Green Foundation, na nagpatupad ng kampanyang "Piso Para sa Pasig".
Nais ng SPM na pagalawin ang sambayanan upang bumuo ng isang kilusang pangkomunidad na
magtutulong-tulong upang buhaying muli ang Ilog Pasig at iba pang ilog sa bansa.
Ilan sa ginagawa ng programang ito ay ang pangangampanya at pagtuturo sa mga residente, industriya,
at sangay ng gobyerno ng mga isyung pangkalikasan, partikular ang tungkol sa Ilog Pasig. Gumawa rin
sila ng mga pag-aaral sa mga komunidad malapit sa ilog upang makita kung ano ang epektibong
proyekto na maaari pang gawin.

"Patay nang natagpuan ang minerong na-trap sa isang minahan ng carbon sa


Danao, Cebu nitong Sabado."
Patay nang natagpuan ang minerong na-trap sa isang minahan ng carbon sa Danao,
Cebu nitong Sabado.
Mahigit 24-oras matapos makulong sa gumuhong bahagi ng Seri Mining sa Barangay
Dunga, narekober ang bangkay ni Melvin Landero alas-8:40 Linggo ng umaga.
Ayon sa mga kapwa niya minerong tumulong sa paghahanap kay Landera, natabunan
ng mga kahoy at lupa ang katawan ng 22-anyos na biktima.
Salaysay pa nila, nagpatagal sa proseso ng paghahanap kay Landera ang pag-aalis ng
mga guho sa minahan.
Dinala sa St. Peter's Funeral Homes sa Danao City ang labi ng biktima na nabatid na
isang buwan pa lamang nagta-trabaho sa minahan.

You might also like