You are on page 1of 3

ANG MAKAPANGYARIHANG LIDER SA BAYAN NG DIYOS

Paunang Salita
Ang maituturing na napakalaking hamon sa panahong ito ay ang hindi matatanggihang
panawagan ng Diyos sa mga mamamatnugot sa Kaniyang bayan. Sa bawat panahon, sa
kasaysayan ng mga taong tinawag at ibinukod ng Diyos para sa Kaniya, ay may ibinabangong
lider na nagsisimula ng gawain at gayundin ng mga nagiging kahalili nila.
Ang bawat katulong sa Pamamahala, maging siya'y isang ministro o isang maytungkulin sa
lokal, ay maituturing na isang lider, ayon sa nasasaklaw ng kaniyang karapatan. Ang lider na
inilagay ng Diyos ay hindi Niya pinababayaang nag-iisa. Sinasamahan siya ng Diyos.
Pinapatnugutan siya ng Diyos at itinuturo sa kaniya ang ikapagtatagumpay sa pagdadala ng
tungkulin. Ang halimbawa nito'y ang mga tagubilin na ibinigay ng Diyos kay Josue, pagkatapos na
papagpahingahin si Moises, ang sugong lider na nanguna sa bansang Israel. Ganito ang
itinagubilin ng Diyos kay Josue:
Magpakalakas ka lamang at magpakatapang na mabuti, na isagawa mo ang
ayon sa boong kautusan na iniutos sa iyo ni Moises na aking lingkod: huwag kang
liliko sa kanan o sa kaliwa, upang ikaw ay magtamo ng mabuting kawakasan saan ka
man pumaroon. Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag mahihiwalay sa iyong bibig,
kundi iyong pagbubulayan araw at gabi, upang iyong masunod na gawin ang ayon sa
lahat na nakasulat dito: sapagka't kung magkagayoy iyong pagiginhawahin ang
iyong lakad, at kung magkagayo'y magtatamo ka ng mabuting kawakasan. (Josue
1:7-8)
Ang bayang Israel at ang unang Iglesia ni Cristo, na kapuwa mga ibinukod, ay hindi
nagkaroon ng mabuting kawakasan dahil sa ginawa nilang pagtalikod sa mga aral ng Diyos na
itinuro sa kanila. Sa tuwing ang mga tao ng Diyos ay tumatalikod sa Kaniya ay muli't muli ring
nagtatatag ang Diyos ng kapalit na organisasyon, sa layunin Niyang huwag lubos na mapahamak
ang sangkatauhan. Sa huling araw na ito'y naging mapalad tayo na makabilang sa huling
organisasyong itinatag ng Diyos. Subali't upang magkaroon tayo ng mabuting kawakasan ay
nangangailangan ang Diyos ng mga mabubuting lider na hindi mandadahas sa Kaniyang mga
kautusan, bagkus ay maninindigan, hindi tatahimik. ni hindi magpapahinga hanggang sa makitang
ang katuwiran ay lumitaw na parang ningning at ang kaligtasan ng Iglesia ay parang ilawan na
nagniningas. Ganito ang mga tunay na lider na kailangan ng Diyos na tumugon sa panawagan
Niya sa huling panahon.
Ang Uri Ng Mga Lider Na Kailangan Ng Iglesia Ngayon
1.

Ang mga dahilan kung bakit kailangang lumikha ng mga makapangyarihang lider.
Itinakda ng Diyos sa pamamagitan ng mga hulang nagpapatotoo sa kahalalan ng sugo sa
mga wakas ng lupa at ng Iglesia ni Cristo na nagsimula sa Pilipinas, na ang gawaing ito ay
hindi mapipigil sa pagsulong. Tulad ng isang pananim, itoy magsisimulang isang binhi subalit
tutubo at aakyat upang maging isang mayabong na punungkahoy. Sinabi ng Diyos na ang
gawain Niyang ito sa huling araw ay palalakasin Niya at ito y luluwalhati upang mula sa
silangan ay lumaganap ito hanggang sa kanluran.

Pahina 2

Ang maningning na pag-unlad ng huling pasugo ng Diyos ay nakita ng madla. Ang


pagyabong ng Iglesia ay kasabay ng pag-unlad ng kabihasnan ng mundo, ng paglago ng
karunungan at ng pagdami ng tao sa daigdig. Naging kaanib dito ang ibat ibang uri ng tao
sa lipunan na nasa ibat ibang lahi ng sangkatauhan.
Patuloy ang pagbangon ng mga gusaling ginagamit sa mga pagsamba sa Diyos, patuloy
na nadaragdagan ang mga lokal at hindi mapigil ang mga taong nagsisipagbalik-loob sa
Diyos. Dahil sa ganitong mabilis na pag-unlad ng Iglesia ay nangangailangan ito ng
angkop at makatutugong mga tagapanguna na taglay ang sapat na kakayahan
upang makaagapay sa matuling takbo ng kaunlaran.
Kailangan din ang isang uri ng mga patnubay na hindi na magiging katulad ng mga
dating nakapagpabaya, mga hindi lubos na nakapagtalaga sa pagdadala ng tungkulin,
naging mababagal sa pagtupad, na kung hindi nagkaganoo'y lalo sanang ibayong tagumpay
ang natamo ng Iglesia.
Kailangan ang mga magigiting na lider na may lakas ng loob at kakayahang sumagupa sa
kasalukuyang masamang sanlibutang ito upang sa pamamagitan nila'y maliligtas ang mga
hinirang na malahiran ng masasamang isipan ng sanlibutan at maihatid ang lahat ng mga
tinawag sa pagtatagumpay, na siyang uri ng mga magiging tagapagmana.
Ang kakulangan ng mga maytungkulin ay isa pa ring dahilan kung bakit dapat lumikha ng
mga karapatdapat na mga lingkod ng Diyos sa Iglesia. Kung hindi man matugunang ganap
ang sapat na bilang ng mga kailangan ay matugunan naman ang isang mataas na uri ng
pagdadala ng tungkulin na makapagpapalusog at makapagpapatibay sa Iglesia.
Batid din natin na upang ang tao'y magkaroon ng karapatang magmana ng mga pangako
ng Diyos, kaligtasan, at buhay na walang hanggan, ay hindi sapat na siya'y mapabilang
lamang sa Iglesia. Tunay na ang Iglesia'y kaparaanan ni Cristo sa pagliligtas, sapagka't ito
ang katuwiran at katarungan ng Diyos. Subali't upang maihatid ng Iglesia ang bawat isang
naging sangkap nito sa kaligtasan ay kailangan na ang Iglesia'y maging tulad sa dalagang
malinis, walang dungis at kapintasan. Kaya't inilagay ng Diyos sa Iglesia ang mga
tagapagturo at tagapag-alaga na magpapakasakit tungo sa ikasasakdal ng mga banal - ang
ganitong mga lider ang kailangan ng Iglesia ngayon.
Ang Iba't Ibang Uri Ng Lider
May mga taong angkop na maging mabubuting lider, subali't sa kawalang kaalaman ukol
sa katangian ng isang tunay na lider ay hindi nila makaya ang mga pananagutan. Samantala'y
may mga nagsitanggap nga ng mga katungkulan subali't hindi nagkabisa. Walang naging
pakinabang sa pagdadala nila ng tungkulin. Ang kanilang tungkulin ay nagsilbi lamang na isang
palamuti sa katawan at ginamit lamang ng ilan upang maging mataas sa iba at makapaghawak
ng kapangyarihan. May mga nagnanasa naman na maging tagapanguna subali't malabo sa
kanilang isipan ang kung sino ang tunay na lider. Kaya't ating kilalanin ang iba't ibang uri ng lider
at kung anong uri ang kailangan natin ngayon.
1.

Ang tau-tauhang lider. Ang ganitong uri ng maytungkulin ay bahagya nang mapansin at
halos walang nakadarama na siya'y maytungkulin. Kaya lamang matutuklasan ng iba na
siya'y maytungkulin ay kung makita siya na nasa tribuna sa panahon ng pagsamba, o kaya'y
kung makita siya na dumadalo sa pulong ng mga maytungkulin. Ang iba sa ganitong uri ng
maytungkulin ay ginagamit lamang ang tungkulin nila sa paglagda sa mga pormularyo na
bumabanggit sa kanilang tungkulin.

Pahina 3

Ang tau-tauhang lider ay walang aktibidad, walang partisipasyon sa mga inilulunsad na


kilusan ng Iglesia. Ang ganitong maytungkulin ang siya pang malimit karinggan ng mga
salitang lalong nakapagpapahina ng loob sa mga pinangungunahan niya sa halip ng mga
salitang kanilang ikasisigla. Hindi siya paladalo sa mga pulong at kung dumalo man ay
walang interes na malaman kung ano ang mga nararapat na hakbang sa ikasisigla niya sa
pagtupad. Hindi siya interesadong sumulong, kaya't sa mga ganitong tumanggap ng
tungkulin karaniwang natatagpuan ang mga kapabayaan at pagwawalang bahala. Walang
anuman sa kaniya kung natutupad niya o hindi ang mga umiiral na mga tuntunin ng Iglesia.
2

Ang pangkaraniwang lider. Ito ay nakahihigit nang kaunti sa tau-tauhang lider. Dumadalo
siya sa mga pagpupulong at sa mga karaniwang gawain. Maaaring siyay nagbubunga ng
mga napabalik-loob na mga kaluluwa. Maaari rin na siyay matapat sa mga pagtupad at
maituturing na ng iba na nasa hanay ng mga masisiglang nanunungkulan sa iglesia.
Subali't ano ang kulang sa isang pangkaraniwang lider? Kulang siya sa mga kaalaman sa
mga pamamalakad ng Iglesia sapagka't kulang ng pagsisikap na alamin ang mga ito.
Nahirati na siya sa mga dating pamamaraan na ang mga iba ritoy hindi na angkop sa
kasalukuyang kalagayan at taas ng uri ng Iglesia. Ang pangkaraniwang lider ay naiiwan ng
panahon. Kasama siya ng panahong lumilipas. Kaya't sa pagtakbo ng panahon at pagsulong
ng Iglesia ay hindi na siya lubos na mapakinabangan. Ang mga ganito ang nagkakasiya na
lamang na ang pagtalagahan ay isa o dalawang aktibidad ng Iglesia. Hindi na siya
mapagkakatiwalaan ng lalo pang malalaking pananagutan. Nauunahan na siya ng mga
huling tinawag sa karapatan. Sa kaniya natupad ang sinabi ni Apostol Pablo na kung
dumating ang sakdal, ang bahagya ay matatapos. (I Cor. 13:10). Ang pangkaraniwang lider
ay hindi maaasahan na ganap na makapagpapakilos sa lokal (sa purok o grupo) tungo sa
ikauunlad ng pagkakilala at pananampalataya. Ang isa pang kaugalian ng ganitong uri ng
lider ay ang pagsasawalang-kibo kahit may nakikita siyang anumang katiwalian dahil sa
pangambang magkaroon ng kaalit o kasamaan ng loob. Ang patakaran niya ay ang
kapayapaan sa lahat sukdulang itoy maging sa ikapipinsala ng gawain at sa ikalalabag ng
mga alituntunin ng Iglesia.

3.

Ang Makapangyarihan o Dynamic na lider. Ito ang lider na puspos ng espiritu at


kasiglahan na nakapagbibigay-sigla at inspirasyon sa iba. Ang ganitong lider ay nakapaguudyok sa iba pang mga kapatid na tumugon sa tawag ng tungkulin. Laging kaagapay ng
pagsulong ng Iglesia. Lipos siya ng mga sagana subalit di makasariling mga pamamaraan na
hindi lumalabag sa mga aral ng Diyos ni sa mga tuntunin ng Iglesia, sa layuning mapakilos
sa pagsulong ang mga pinangangasiwaan niya. Siyay isang tagapanguna na maliksing
tumanggap ng mga makabagong pamamaraan mula sa Pamamahala at matapat na ito'y
ipinatutupad. Siyay isang lider na mabiyaya sa pananalangin na nakapagpapadaloy ng
biyaya ng Diyos sa mga nakikinig. Nasa ganitong lider ang paggalang at pakikipagkaisa ng
pinangangasiwaan. Ang mga katangian ng magiting at mabisang lider ay isa-isa nating
tatalakayin.
o0o

Inihanda Para Sa Maytungkulin


Sa Lokal Ng Calapacuan Ni:
Eliezer M.Delos Santos

You might also like