You are on page 1of 5

Andrew Ford Medina

Guess what, you know last night? Yo, it was the best
I met a pretty girlie na taga-IS
Mayro'n siyang mga kasama, four to make it sure
Isa lang ang aking napuna, lahat sila demure

Kaya't ang sabi niya, "Hey Andrew,


I would like you to meet my friends"
And believe me, lahat sila ay may Mercedez Benz
This is Ana, this is Karen, this is Tanya, this is Jill
Lahat sila nakatira sa San Lorenzo Ville

Among the four, kay Ana, ako napatingin


At pagkatapos no'n si Ana ay biglang lumapit sa 'kin
Tinanong niya 'ko "Hey Andrew, can I have your number too?"
Sumagot ako, "801-67-22"

Okey then, kami'y nag-party yo! Till the break of dawn


Umuwi ako sa bahay then natulog ako maghapon
And you know, ako'y ginising and talagang na-shock
'Cause nag-ring ang aking phone
Kaninang two 'o clock

So I got my wireless telephone, ang sabi ko, "Hello"


Sumagot siya, "Hey Andrew, can I ask you, can you go?"

And sabi ko, "Ana, go where?"


Ang sabi niya, "Come over here
Andrew, let's eat some pizza
And, Andrew let's drink some beer"

So after twenty minutes I was knocking on her door


Nakita ko si Ana, she was lying on the floor
Ako'y kanyang tinawag and you know alam n'yo ba?
Ang sabi niya sa 'kin
"Andrew, Andrew, are you ready na?"

Andrew Ford Medina

Pagkatapos noon, alam n'yo ba?


We went to the garage
And ang sabi n'ya sa akin
Hey Andrew, can you give me a massage?
Hinilot ko ang front
Pati ang kanyang back
Then, Ana squeezed me tight
And then she gave me a smack

But ako'y biglang tinulak


So, ako'y napaupo
At ang sabi niya sa akin,

Andrew wag na wag kang tatayo


Lumayo sya sa akin kaya akoy kinabahan
At pagkatapos non s ya ay sumayaw sa harapan

Andrew ford medina

Kaya't yumakap sya sa akin at ako'y hinalikan


Nanggigil sya sa akin ayaw niya akong tigilan
At ang sabi nya sa akin Andrew, I want to make love with you.
Can you do me a little favor, can I always be with you?
At ako'y biglang nagulat nang bumukas ang pinto,
It was Ana's elder sister so kami'y napahinto
There was nothing we could do it was a pain in the &^%
Nang sabihin ng kanyang Ate, Ana, Ana can I join?
Andrew Ford Medina
Tulad ng iba pang komposisyon ng nasabing awtor, hindi na kataka-takang tungkol ulit
sa pakikipagtalik ang napili niyang tema para dito. Naganap ang kapansin-pansin nang
pagkakasunud-sunod ng mga panyayari: ang pagkakakilala nila sa isa't isa, ang pag-aaya ng
babae upang magkita ulit sila, na kalaunan ay mauuwi sa pagtatalik.
Una munang suriin ang tagpuan sa akda sa isang bar. Tapos na ang mga araw na
nakakahon ang mga babae sa kaisipang sila dapat ay nasa loob lamang ng tahanan. Ipinakita
sa akda ang mga panlipunang pagbabago sa mga nakasanayang gawi ng parehong kasarian.
Hindi na mapipigilan ang mga babae na makisalamuha sa kung sinuman ang makilala nila sa

kung saan. Pinatuyan ng awtor na sa pagbabago ng panahon, kasabay nito ang pagbabago rin
sa nagiging kilos ng mga tao sapagkat nagbabago rin ang paraan ng pagtanggap at pagpuna ng
lipunan sa mga gawaing ito. Mababakas sa awit niya ang mayamang tradisyon ng siste na,
ayon kay Virgilio S. Almario, ay sandata ng makata upang matibag ang moog ng kairalan,
masansala ang awtoridad ng lumang paniniwala, at mapalaya ang tao sa dogmatikong
pagsunod sa datihang gawit ugali. (Virgilio S. Almario, Panitikan ng Rebolusyong (1896):
Isang Paglingon at Katipunan ng mga Akda nina Bonifacio at Jacinto (Maynila: Sentrong
Pangkultura ng Pilipinas, 1993) sa pagkakasipi sa Melacio Cervantes Fabros III, Ang
Panulaan ni Julian Cruz Balmaseda (Tesis Masteral, University of the Philippines, 1994),
163) **naka-footnote dapat yung naka-enlose sa parenthesis
Bukod dito, wala sa hinuha ng mga tao noon na babae ang gagawa ng unang hakbang at
lumapit sa lalaki. Nakakapit ito sa kaugaliang babae ang sinusuyo at nililigawan. Ngunit sa
kanta ay babae ang unang lumapit sa awtor (lalaki) na ipinakilala rin naman niya sa iba pa
niyang kasama. Ang mga linyang ...lahat sila ay may Mercedes Benz at ...nakatira sa San
Lorenzo Ville ay pawang mga katangiang ginamit ng awtor upang maipakilala ang susunod
na mga tauhan. Mula dito, si Ana, na isa sa mga kasama, ang siya na namang gumawa ng
hakbang upang makuha niya ang numero ni Andrew. Kapansin-pansin ulit ang hindi pagsuyo
ng awtor, bagkus siya ang nilalapitan. Dito mahihinuha na pinakikilala ni Andrew E. na hindi
lamang lalaki ang may kakayanang makipagkilala sa babae, na pantay lamang ang
oportunidad na nakukuha nila upang makisalamuha at lumikha ng sariling pagkakakilanlan
sa lipunan.
Kinuha ni Andrew E. and tradisyon ng kabastusan, pagpapasarap sa buhay at
dominanteng sekswal na pagtingin sa kababaihan. Pagkatapos ng gabi sa bar ay kinwento ng
awtor kung paanong tinawagan siya ulit ni Ana na nagyayayang pumunta siya sa bahay ng

huli upang kumain raw ng merienda. Agad na sumunod ang bida, na nagulat sa dinatnan
niya: isang Ana na sa sahig ay nakahiga na. Nagulat man siya ay hinayaan lamang niya na
ganoon ang set-up nila, hindi siya nagbigay ng reaksyon o dagliang motibo o kung anuman,
marahil bunga na rin ng pangangailangan niya bilang lalaki. Kahit na noong yayain na siya ng
babae sa garahe, at magpamasahe, at di kalauna'y nagbigay-motibo na ng kagustuhan niyang
makipagtalik sa bida base sa mga linyang Andrew, I want to make love with you., naging
sunud-sunuran lamang ang huli sa mga gustong gawin sa kanya ng babae. Patunay na hindi
lamang lalaki ang nagiging dominante sa ganitong gawain, salungat sa malimit na naipapakita
sa mga palabas o babasahin o sa pinaniniwalaan ng karamihan.
Sa bandang huli na ng kanta, nabanggit na pati kapatid na babae ni Ana ay gustong
sumali sa ginagawa nila. Hindi man alam ng mga nakakarinig o nakakabasa ng nasabing
kanta, ngunit malaki ang tsansa na pinagbigyan nila ang hiling ng Ate. Tinalakay ng may-akda
ang pakikipagtalik bilang isang matinding pangangailangan na gagawa't gagawa ng paraan
ang babae (o lalaki) upang maranasan ito. Hindi maikakaila na ang kagustuhan nilang ito ay
bilang tugon sa mga natural na pangangailangan ng isang tao.
Tunay ngang kahit ganito pa man ang tema ng kanyang mga kanta, tinatangkilik pa rin
ng mga tao ang mga ito.

You might also like