You are on page 1of 46

MARTINEZ

Isang Pag-aaral
sa Konteksto at Katangian
ng Kasiyahan ng mga Kabataan*
Carmelo L. Martinez, SDB
Don Bosco Technical Institute
Makati City

Abstrak
Gamit ang mga kwalitatibot katutubong
metodo ng pananaliksik, natukoy sa pagaaral na ito na ang kasiyahan ng mga kabataan ay nabubuo sa loob ng kanilang
mga interaksyon lalu na sa pamilya, barkada at organisasyon o samahang kinabibilangan. Nakita ring may dalawang anyo
ang kasiyahanang panloob na damdamin at panlabas nitong pagpapahayag.
Sinuri rin ng pananaliksik ang mga konsepto ng loob, kapwa at sarili at ang papel
nitong ginagampanan sa mundo ng damdamin ng saya ng mga kabataang kalahok.

* Ang papel na ito ay batay sa pang-gradwadong pananaliksik para sa kursong Masterado sa Agham sa Sikolohiyang Panlipunan at Kalinangan (M.S Social and Cultural Psychology), iniharap sa Departamento ng Sikolohiya, Pamantasang De La Salle, Maynila
(DLSU- Manila) Nobyembre 2002.

111

Mga Kaisipan sa Sikolohiya Kultura at Lipunang Pilipino Tomo 1

PANIMULA

Sa loob nitong halos tatlong dekadang nagdaan, unti-unti
ring naibalik sa mga pananaliksik at pagbubuo ng teorya
sa larangan ng Sikolohiya ang pagbibigay halaga sa kultura
(Shweder & Levine, 1984). At sa muling pagtingin sa mga
penomenong nagaganap mula sa ganitong perspektibo,
umusbong din ang higit na pagkaunawa na ang kilos, paniniwala, halagahin, ekspresyon at pati pananaw sa buhay ng
isang indibidwal ay nahuhugis at naiimpluwensyahan nga
ng kanyang pinanggagalingang kalinangan. Pinatatag pa ito
sa paglabas ng mga patunay na ang tao ay nagkakaiba batay sa kanilang kontekstong pinagmumulan (Keesing, 1974;
Geertz, 1995; Shweder, 1995).
At dahil din sa mga kaganapang ito, nakitang may ilang mga
pamamaraan ng pananaliksik ang hindi sapat na nakapagbibigay ng ganap at makatotohanang larawan ng mga penomenong pinag-aaralan dahilan sa ang ilan ditoy hiniram
lamang mula sa eksaktong agham pangkalikasan at ipinasok
sa larangan ng agham pantao/panlipunan (Friedman, 1994;
Ratner, 1995; Kashima, 2000). At sapagkat silay binuo para
sumukat ng mga eksaktong bagay sa larangan halimbawa ng
Physics o Chemisty, hindi nila ganap na maipakikita ang kabuuan ng mga kumplikadong prosesong nagaganap sa loob
ng isang indibidwal. Sabi nga ni Sta. Maria (1998, p.125),
Ang pamamaraan ng agham pantao ay dapat iangkop
sa paglalarawan at pagsusuri ng mga masalimuot na
penomenomga penomeno na hindi maaring paghiwahiwalayin at hindi rin maaring gawing payak.
Dagdag pa rito, natukoy ding mas kinakikitaan ng mga resultang higit na mayaman at buo ang mga metodolohiyang
sumasaklaw sa konteksto ng pinag-aaralang penomeno.
At ang mga resultang ito rin ay nakapagbibigay ng higit na
malawak at malalim na kaalaman sa bawat paksang tinatal112

MARTINEZ

akay kung ikukumpara sa mga pamamaraang batay o hiram


sa positibistikong pananaw,
Extensive descriptions of complex behaviors in meaningful situations were more informative than studies
that employed standardized, quantitative measures of
simple overt responses (Ratner, 1995, pp. 1-2).
Kaugnay ng isyung ito sa kaangkupan ng mga pamamaraan
ay ang kahalagahan din ng mainam na pagsusuri sa mga
hinihiram at isinasaling maka-kanluraning teorya at konseptwalisasyon (Sta. Maria, 1998). Ito ay sapagkat may mga
pamantayan/perspektibo at konseptong nabuo sa Kanluran
ang hindi angkop kung gagamitin sa ibang lugar o kung
gagawing batayan sa pag-aaral ng ilang mga penomenong
nagaganap sa labas ng Europa at Hilagang Amerika. Dahil
dito, mahalagang tumuklas at bumuo ng mga teorya, metodolohiya at pagpapaliwanag na sensitibo sa mga kultural na
aspeto ng buhay ng tao o nagpapahalaga sa kanyang kontekstong kinapapalooban. At ayon kay Shweder (1995), ang
isang pamamaraang umuunawa sa kultural na dimensyon
ng buhay ng isang indibidwal ay ginagawang
overt the implicit cultural dependence of psychological theories culture is treated not as an unwanted
source of bias but as a primary source of explanatory
consideration that must form an integral part of all
psychological explanation (p.2).
May malaking epekto ang mga kaalamang ito lalu na kung
paano titingnan at susuriin ang isang indibidwal sa mga pananaliksik at pagbubuo ng teorya sa mga larangan ng agham
panlipunan. Sabi nga ni Ratner (1995), kung bibigyang
halaga ang mga patunay na ito at gagamiting panuntunan
sa mga pag-aaral sa kalikasan ng tao lalu na sa larangan ng
Sikolohiya, marahil ay hindi na nga maaring suriin pa ang
isang indibidwal at ang kanyang kilos, halagahin at damda113

Mga Kaisipan sa Sikolohiya Kultura at Lipunang Pilipino Tomo 1

min bilang mga independent at dependent variables lamang


at hindi na rin magiging madaling basta na lamang gumamit at humiram ng mga pamamaraan at teoryang binuo
sa labas ng isang lipunan.
Lipunan at Kultura sa Sikolohiya
Mahalagang maunawaan ang tao mula sa perspektibong ito
na nagbibigay puwang sa kaugnayan niya sa kanyang pinaggagalingang lipunan at kalinangan. Ito ay dahilan sa ang
indibidwal ay nakikibahagi sa iba pang mga tao sa kanyang
kapaligiran ng mga ideya, halagahin, ng kung ano ang tama
o mali at maging ng konsepto ng mga bagay o pangyayari
sa paligid niya (Valsiner, 2000). Ang pakikipag-bahaginang
ito ay nagaganap sa loob ng mga interaksyon sa isat isa ng
bawat miyembro ng isang lipunan. At ang mga interaksyong
ito ang tumutulong sa bawat taong bumubuo sa isang grupo
o lipunan upang silay magkaintindihan, mag-ugnayan at
magsa-ayos ng kanilang buhay sa isang paraang hindi lamang basta naiintindihan din ng iba pang mga taong nakikibahagi sa grupong iyon kundi makahulugan at mahalaga
rin para sa kanila (Charon, 1998; Hallman, 1998).
Kung susuriing mabuti, tila may baligtarang (vice versa)
relasyon ang lipunan at ang indibidwal. Sa loob ng mga
lipunan o grupo nagkakaroon ng ugnayan ang mga tao
kung saan nabubuo ang sistema ng kanilang pakahulugan
(meaning systems). Hinuhubog naman ng mga pakahulugang ito at tinutulungan ang bawat tao kung paano dapat
makipag-ugnayan sa loob ng lipunan. At ang mga nabuong
pakahulugang ito ang humuhugis at nagdidikta sa kilos,
reaksyon, isipan at damdamin na dapat ay naiintindihan
din ng sinumang kabahagi sa grupong iyun (Shweder,
1995). Mahalagang tingnan ang tao batay sa ugnayang ito
ng lipunan-kultura at indibidwal sapagkat kung hindi siya
maiintindihan sa loob ng ganitong pamantayan, hindi rin
114

MARTINEZ

magiging buo ang pagkaunawa ng sinumang mananaliksik


sa kakanyahan at kalikasan ng isang indibidwal. Dagdag pa
ni Rosaldo (1984),
I would insist that we will never learn why people feel
or act the way they do until, suspending everyday assumption about the human psyche, we fix our analytic
gaze upon the symbols actors use in understanding
human lifesymbols that make our mind the minds
of social beings (p.139).
Sa loob ng balangkas na ito inilalahad ang kasalukuyang
pananaliksik tungkol sa kasiyahan ng mga kabataan. Inaral
at sinuri ang paksa mula sa isang perspektibong nagbibigay
pansin sa halaga ng kultura at kontekstong pinagmumulan
ng bawat kalahok. Ang sumusunod na bahagi ay naglalaman
ng mga naisulat at natuklasan sa mga naunang pag-aaral
hinggil sa positibong emosyon. Layunin ng bahaging ito na
makapagbigay ng higit pang kaalaman tungkol dito.
Sikolohiya at/ng Positibong Emosyon1
Masasabi ngang mahaba-haba na ring proseso ang dinaanan
ng mga pananaliksik sa emosyon: mula sa unang sistematikong pag-aaral ni Charles Darwin hanggang sa pagpapatuloy na pananaliksik nina William James at Walter Canon
at hanggang sa kasalukuyan (Plutchick & Kellerman, 1980;
Mesquita, Frijida & Scherer, 1992). Pero isang mahalagang
yugto sa pagpapaunlad ng kaalaman sa paksang ito ang
naganap sa pasimula ng mga taong 1970. Sa panahong ito
1 Ibinatay ang mga salin-wikang saya para sa Ingles na katagang happiness at kasiyahan para sa
satisfaction mula sa pag-aaral nila Sycip, Asis at Luna (2000, p.37), Z. A. Salazar (personal na
panayam, 17 Oktubre 2008) at mga Diksyunaryo sa Wikang Filipino (1998; 2001) at Diksyunaryo Tagalog-Ingles (1968; 1999) na gumamit ng mga salitang Filipinong ito bilang kahulugan
ng mga salitang Ingles na nabanggit. Ang ilan pang mga ginawang pananaliksik hinggil sa
emosyon ng saya ay gumamit din ng mga katagang gaya ngmagandang pakiramdam (good
feeling), positibong emosyon (positive emotion), mental na kalusugan (mental health) at pangkalahatang kaayusan (well-being) sa pagtukoy sa emosyong ito. Ginamit ang mga terminolohiyang
ito na interchangeably sa mga papel na ito.

115

Mga Kaisipan sa Sikolohiya Kultura at Lipunang Pilipino Tomo 1

naging mahalagang isyu para sa mga syentipiko at mag-aaral


sa Antropolohiya at Sikolohiyang Cross-cultural ang mga
pagsusuri sa pagkakapareho o pagkakaiba ng pagpapahayag,
pagpapaliwanag at pagkaunawa ng mga tao sa kanilang nararamdamang emosyon batay sa kanilang lugar na pinanggagalingan (Miller, 1997).
Isa sa mga pangunahing lumitaw sa mga pag-aaral na ito ay
ang pagkaunawa na ang emosyon ay di lamang nabubuo sa
isip o sa bayolohikal at pisikal na mga aspeto ng kalikasan
ng tao kundi itoy isang sosyo-kultural na penomeno rin
(Rorty, 1980). Samakatuwid, ang emosyon ay naaapektuhan
at nahuhugis ng kultura at lipunan o ng mga pakahulugang
nagmumula sa kontekstong pinanggagalingan ng isang indibidwal (Shweder, 1995). Higit pang naging importante ang
mga pag-aaral na ito sa damdamin, partikular na ang tungkol sa positibong emosyon (positive emotion/happiness) at
kasiyahan (satisfaction) dahil sabi nga nila Kwan, Bond at
Singelis (1997),
An ultimate dream for everyone in the field of psychology
is to understand human behaviors so that psychology
can contribute to peoples well being (p.1038).
At pinaniniwalaan ngang malaki ang maari pang maiambag
ng mga pananaliksik na ito sa damdamin para higit na mapaunlad ang buhay ng tao dahil isang mahalagang bahagi
nga ito ng kanyang pagkatao.
Sa nagdaang mga pag-aaral sa kasiyahan, sinabing ang pangunahing batayan nga nito ay ang pangkalahatang ganda ng
buhay ng isang tao (Diener, 2000). Maliban dito, maaari rin
daw masabing ang isang tao ay masaya kung mas marami
siyang nararanasang positibong emosyon kaysa mga negatibo o kung siya ay nasa isang magandang antas ng aspetong
emosyonal (Donahue & Benson, 1995; Lu, Gimour & Kao,
2001). Batay din sa mga ginawang pananaliksik, masasabing
116

MARTINEZ

ang saya ay ang pangkalahatang pagsusuri ng isang indibidwal sa kanyang buhay na kadalasang nakabatay sa dalawang
salik una ang tuwirang batayan o obhektibong surian sa
takbo ng buhay na maaaring batay sa pinansyal na kasiguraduhan, kalusugan o negosyo. At ikalawa, ang subhektibong karanasan ng isang taohalimbawa nito ang sariling
ebalwasyon sa takbo ng buhay at magandang relasyon sa
iba (Kwan et al., 1997; Diener, Gohm, Suh & Oishi, 2000).
May mga nagsabi ring nakabase ang kasiyahan sa ayos ng
pagtingin ng isang indibidwal sa kanyang sarili (Nurmi,
Toivonen, Salmela-Aro & Eronen, 1997) at gayun din sa kung
nakakakita siya ng halaga at kahulugan sa kanyang buhay at
mga ginagawa (Kairouz & Dube, 2000).
May ilan ding pananaliksik ang nakakita na ang emosyon ay
isang unibersal na konsepto at nangangahulugang nararamdaman ito ng lahat ng tao sa buong mundo (Lu et al., 2001).
Pero may mga pag-aaral ding nagpaliwanag na bagamat
nararamdaman nga ito ng lahat ng tao sa lahat ng lugar, ang
emosyon ay naapektuhan pa rin ng sariling kakanyahan ng
grupong kinabibilangan (Rosaldo, 1980; Suh, Diener, Oishi
& Triandis, 1998).
Marami na ring mga pananaliksik lalu na sa loob ng Sikolohiyang Cross-cultural ang ginawa tungkol sa kasiyahan ng
tao at sumuri dito batay sa balangkas ng indibidwalist at
kolektibist na pagkaka-uri sa lipunan. Ayon sa sistemang ito,
may malaking kinalaman ang mga interaksyon sa kapaligiran ng isang tao sa kanyang buhay. Sinasabing ang isang
indibidwalist na lipunan ay nagpapahalaga sa sarili at nagsisikap mapaunlad ang mga personal na katangian ng isang
tao. Ang indibidwal na nasa loob ng mga lipunang ito ay
nagbibigay tuon sa pansariling kakayahan, pag-unlad at autonomiya at ang pangunahing hangarin nila ay ang magsarili
at lumaya sa posibleng impluwensya ng iba. Samantalang
ang mga kolektibist naman daw na lipunan ay kalimitang
nakikita sa mga di-kanluraning lugar. At sa loob ng mga
117

Mga Kaisipan sa Sikolohiya Kultura at Lipunang Pilipino Tomo 1

grupong ito hindi pinahahalagahan ang pagiging iba dahil


ang pagkaka-ugnay at pagsasamahan ang binibigyang diin.
Dahil dito mahalagang umayon sa grupo at sumunod sa mga
norms ng grupong kinabibilangan (Cousin, 1989; Mauro,
Sato & Tucker, 1992; Lehman & Heine, 1997).
Sa mga pananaliksik na gumamit sa balangkas na ito, natukoy ngang ang mga nakapagbibigay ng mabuting pakiramdam sa mga kalahok na mula sa itinuturing na mga
indibidwalist na lipunan ay kalimitang walang tuwirang
kinalaman sa pakikipag-ugnayan sa iba. Samantalang kabaligtaran naman ito ng mga kadahilanan ng kasiyahan ng
mga galing sa tinatayang kolektibist na grupo. Dagdag pa
rito, lumitaw ang mga sumusunod na pangunahing sanhi ng
kasiyahan ng mga kalahok mula sa mga kinikilalang indibidwalist na lipunan: (1) sariling ebalwasyon sa ganda ng
buhay, (2) personal na damdamin at (3) kakayahang abutin
ang sariling mga plano sa buhay (Diener & Diener, 1995;
Kitayama, Markus at Kurukawa, 1999). Lumabas naman na
kalimitang ang isang magandang kaugnayan sa pamilya at sa
mahahalagang relasyon sa lipunan ang nakapagpapasaya sa
taong galing sa mga kolektibist na grupo (Chiasson, Dube &
Blondin, 1996). Sumasang-ayon din dito ang resulta ng mga
ginawang pananaliksik sa Pilipinas. Natuklasan sa mga lokal
na pag-aaral na ito ang malaking tungkuling ginagampanan
ng magandang ugnayan sa loob ng pamilya at pamayanan sa
kasiyahan ng mga Pilipinong kalahok (Bonzon & Liwanag,
1986; Lopez, 1986; Calingo, Dizon & Ramos, 1988).
Maliban dito, nagkaroon din ng mga pag-aaral sa kasiyahan
batay sa kaugnayan nito sa mga personal na disposisyon at
katangian ng bawat kalahok (Rigbee & Slee, 1992). Halimbawa nito ang pag-aralan ni Lu (1997) na tumingin sa relasyon ng saya sa extroversion. Samantala, iniugnay naman nila
Diener (2000) sa personal na temperament ang pagkakaroon ng emosyong saya. Sa pangkalahatan, lumabas sa mga
pag-aaral na ito na may mga tao raw na mas madaling na118

MARTINEZ

kararanas ng mga positibong damdamin kung ikukumpara


sa iba dahil sa mga innate/inborn na mga katangian nila na
naglalagay sa kanila sa disposisyong maging masayahin.
Positibong Emosyon ng mga Kabataan
Sa mga pag-aaral sa positibong emosyon na nilahukan ng
mga kabataan, nakita na ang pagkakaroon ng magandang
pagtingin at pagtitiwala sa sarili (Enger, Howerton & Cobbs,
1993; Rigbee, Slee & Cunningham, 1999); maayos na relasyon
sa ibang tao lalu na sa mga kapamilya at kaibigan (Engels,
Finkenauer & Dekovic, 2001); at gayun din ang kasiguraduhan sa buhay at kakayahang matugunan ang mga pangangailangan (Youth Study 2001) ang mga pangunahing tumutulong sa kanila para maging masaya. Pero isang mahalaga
ring punto na nakita sa ilan sa mga pananaliksik na ito ay
ang kaugnayan ng kasiyahan ng mga kabataan sa kanilang
positibong pag-unlad.
Lumabas sa naunang mga pag-aaral na tumutulong ang
kasiyahan para sa pagkakaroon ng mga kabataan ng isang
positibong pag-unlad o maayos na transisyon mula pagkabata hanggang pagtanda. Nakitang kalimitang ang mga
kabataang maayos na nakatatawid mula sa pagiging bata
patungo sa adult stage ay yung masaya at may kasiyahan
sa kanilang buhay at nakakakita ng kahulugan sa kanilang
mga ginagawa lalu na sa panahong ito ng kanilang kabataan
(Lau, Chan & Lau, 1999; Larson, 2000).
Mahalaga ang pag-aaral na ito dahil gaya ng nabanggit sa
pasimula pa lamang ng papel, isa sa mga pangunahing layunin ng Sikolohiya ang makapag-ambag sa ikaaayos at ikabubuti ng buhay ng tao (Kwan et al., 1997). Ngunit lalu pang
pinatingkad ang halaga ng pananaliksik na ito sa kadahilanang para sa isang bayang gaya ng Pilipinas na kumikilala sa
mga kabataan bilang mga mahahalagang bahagi ng lipunan,
119

Mga Kaisipan sa Sikolohiya Kultura at Lipunang Pilipino Tomo 1

ang anumang pag-aaral na makatutulong para higit silang


maunawaan ay labis na katanggap-tanggap. Sinasabing sila
ang pag-asa ng bayan at itinuturing na pagkukunang-yaman
sa hinaharap (Raymundo, Xenos, & Domingo, 1994). Kaya
sinisikap ng pananaliksik na ito na matingnan kung ano ang
mga nakapag-papasaya/siya sa mga kabataang Pilipino nang
sa gayun ay makatulong din sa pagbibigay-gabay sa kanila
habang sila ay dumadaan sa panahong ito ng transisyon
mula pagka-bata patungo sa isang maayos na pagtanda.
Sinasagot ng papel na ito ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang kahulugan ng saya para sa mga kabataaang
kalahok?
a.Kailan sila sumasaya? Sa anu-anong mga pagkakataon sila nagiging masaya?
b.
Anu-ano ang mga nakapagpapasaya sa kanila?
2. Paano nila ipinapahayag ang kanilang saya?
a. Sa anong mga pagkakataon sila nagpapahayag ng
damdaming saya?
b. Anu-ano ang mga nakaka-apekto sa pagpapahayag nila ng damdaming ito?
PAMAMARAAN
Ang pag-aaral na ito ay isang deskriptibong pananaliksik
na gumamit ng mga kwalitatibong metodo sa pagkuha at
pagsusuri ng datos, gaya ng malalimang panayam sa mga
kalahok (in-depth interviews) at mga katutubong metodo
batay sa iskalang ginawa nina Santiago at Enriquez (1989).
Ilan sa mga katutubong pamamaraang ito ay ang pagmamasid, pagtatanung-tanong, pakikipagkwentuhan, pakikitungo
at pakikilahok.

120

MARTINEZ

Ang mga naging kalahok ay mga kabataan ng North Triangle Alliance Village sa Montalban, Rizal. Pinili sila dahil
binigyang pansin sa pag-aaral na ito ang kahalagahan ng
pagkakaroon ng isang buo ng grupo at magkakakilala na
mga kalahok. Sabi nga ni Cole (1998), ang kultura daw ay
nakikita sa araw-araw na buhay at interaksyon ng mga tao sa
isang lipunan. Masasalamin daw ito sa mga aktwal na ginagawa, sinasabi at iniisip ng mga indibidwal na nag-uugnayan
sa loob ng isang konteksto. Idinagdag pa ni Ratner (1997) na
para raw higit na maintindihan ang isang tao mahalagang
maunawaan din ang pakikipag-ugnayan niya sa iba pang
mga tao sa paligid niya.
Ginawa ang pagkalap ng datos mula Mayo hanggang Oktubre, 2002. Ang mga kabataang kalahok ay nasa pagitan ng
gulang 11 at 22; mga babae at lalake. Halos lahat sila ay nagaaral pa at mga aktibong miyembro rin ng ibat bang samahang pampaaralan, pansimbahan at sibil.
Ginabayan ang bawat malalimang panayam at gayun din
ang mga pakikilahok at mga katutubong pamamaraan gaya
ng pakikipagkwentuhan at pagtatanung-tanong ng isang
listahan ng mga katanungan na nakabatay sa mga pangunahing suliranin ng pananaliksik (research problem). Binuo
ang mga katanungang ito sa ilalim ng superbisyon ng isang
eksperto sa suliraning pinapaksa ng kasalukuyang pagaaral. May binuo ring checklist na tumulong para higit na
mapadali ang pagmamasid/observation. Ibinatay din ito sa
mga pangunahing katanungan ng pananaliksik at gayun din
sa mga naunang pag-aaral sa kasiyahan para rin makatulong
sa pagtuklas ng mga posibleng kaugnayan ng kasalukuyang
pananaliksik sa mga nauna ng pag-aaral. Ginawa rin ito
para higit na maging madali ang mga pagkuha ng datos. Sa
pamamagitan ng mga gabay na ito nagkaroon ng mas malinaw na direksyon ang mga pakikilahok at pagmamasid at
mabilis ding natingnan at nasuri kung ano na ang narating
121

Mga Kaisipan sa Sikolohiya Kultura at Lipunang Pilipino Tomo 1

o anu pa ang mga kakulangan ng mga nakuhang impormasyon.


Sa bawat pagkuha ng datos, itinala (field notes) ang mga
sumusunod na impormasyon sa isang kwaderno: (1) direktang kasagutan sa mga tanong; (2) mga kwentong sinasabi o binanggit kaugnay ng mga direktang sagot; at (3)
mga ginagawa at mga panlabas/eksternal na kakikitaan ng
kasagutan (lalu na sa mga observation); (4) mga labels/
terminolohiyang ginamit sa pagturing sa emosyong inaaral;
(5) deskripsyon ng mga sitwasyon kung saan naganap ang
pagkuha ng datos; (6) at mga tanong na nanatiling mga katanungan sa isip ng mananaliksikmga di agad naintindihan o mabigyang paliwanag o mahanapan ng sagot. Maliban
dito, isinama rin sa mga tala ang petsa, lugar, okasyon at ilan
pang mga impormasyong maaring maka-apekto sa damdamin ng mga kalahok.
Matapos nito, dumaan sa mga sumusunod na antas ng
pagsusuri ang mga nakuhang datos: (1) itinala ang lahat ng
nangyari at nakuhang impormasyon sa mga obserbasyon sa
pinaka-detalyadong paraan at gayun din ang mga sagot sa
mga direktang mga katanungan (hal. sa panayam at pagtatanung-tanong); (2) mula sa mga 100% na tala ng panayam
(100% transcriptions), bumuo ng mga grupo ng datos na
sumasagot sa mga pangunahing katanungan ng pananaliksik; (3) sinuri ang mga ito at pinagsama-sama ang magkakatulad; (4) inayos ang mga grupo ng sagot na ito at bumuo
ng mga kategorya (5) ginamit naman ang mga observation/
field notes para isa-konteksto ang mga na-grupo ng mga
kasagutan; (6) tiningnan din ang mga magkakasalungat na
sagot/paradox, mga norms, mga pakahulugan sa ilalim ng
bawat kategorya at kwentong lumabas; (7) inilahad ang mga
resulta sa loob ng isang ginabayang talakayang (FGD) binuo
ng mga kabataan; (8) muling isinaayos ang mga datos matapos ang FGD; at pagkatapos ay (9) inilahad sa mga eksperto
sa paksang ito ang resulta ng pananaliksik .
122

MARTINEZ

RESULTA
Ang Emosyon ng Saya ng mga Kabataan
Tinatalakay sa bahaging ito kung paano binibigyang kahulugan ang saya at sa anung mga pagkakataon tinutukoy
ng mga kalahok na sila o ang ibang tao ay nagtataglay ng
emosyong ito.
1. Sayang nasa damdamin/kundisyon
Ito ay kasiyahang hindi tuwirang nakikita o nahahawakan o diretsahang naoobserbahan ng ibang tao.
Ang sayang ito ay nananatili lamang sa taong nakakadama nito at kadalasang siya lamang ang may alam
nitong mga kadahilanan at ng mismong kabuuan
nito. Samakatuwid, maituturing na ang saya sa
damdamin ay sayang nasa loob ng isang taong nakakaramdam nito, walang tiyakang anyo o mga eksternal na pagkakakilanlan dahil ito ay nadarama lamang
at nakabatay ito ng malaki sa isang magandang pakiramdam at takbo ng buhay. Kalimitang tinutukoy
o tinuturingan ito ng mga katagang: maayos naman
ang buhay; payapa ang loob; okay; walang problem; o magandang pakiramdam. Ito ay maaaring
naaapektuhan ng mga nasa labas pero ito ay nananatili lamang sa loob ng isang tao.
Naka-usap ko kanina si Gerald pagkatapos ng pulong, at tinanong ko kung kumusta naman siya
masaya raw siya dahil mabuti naman ang pamilya
(note: hindi naman siya nakangiti o nakikipagbiruan) sabi pa niya: Masaya ka na rin kung okay
ang pamilya mo. (Pagtatanung-tanong/Obserbasyon)

123

Mga Kaisipan sa Sikolohiya Kultura at Lipunang Pilipino Tomo 1

2. Sayang nasa Gawain/Aktibiti


Ang ikalawang kategoryang ito ay tumutukoy sa kasiyahang nakikita sa mga ginagawa ng mga taong
masaya. Maaaring ituring na ito ay ekstensyon o karugtong o bahagi ng sayang nasa damdamin. Kung
ang naunang kategorya ay sinasabing nasa loob, ang
saya namang nasa ginagawa ay masasabing nasa labas.
Ito ay direktahang nakikita sa kilos at gawain ng mga
kabataang masaya. Itinuturing silang mga kaanyuan
ng sayang nasa damdamin. Sa pamamagitan ng sayang
nasa gawain nabibigyan ng pisikal na pagkakakilanlan
ang kasiyahang nararamdaman ng mga kabataan. Sa
mga aktibong interaksyong kinapapalooban ng mga
kwentuhan, biruan, asaran, tawanan, kulitan at tuksuhan nasasabi ng mga kalahok na masaya sila o ang
ibang tao.
Katatapos pa lang noon ng misa at ang lahat ng mga miyembro ng mga organisasyon
sa simbahan ay nagsama-sama na para sa
lingguhan nilang pulong.Sa grupo nila Jerome
ako napasama, sa mga choir at siya nga ang
naka-usap ko. Sa gitna ng aming kwentuhan
sinabi niya: ang daming mga bata dito ano?
At ang kukulit namin? Ganyan kasaya ang
mga tao dito. Sinabi niya ito dahil hindi na
kami halos magkarinigan dahil sa mga tumatawa, nagkwe-kwentuhan at nagbibiruan sa
paligid namin (Obserbasyon- 25 Agosto 2002).
Tinanong ko si Leah kung talaga bang lagi
silang masayanagbibiruan, nagtatawanan.
Oo daw sabi niya, dahil kung tahimik kami,
may ibig sabihin iyan baka may away o
samaan ng loob. Baka may problema (Obserbasyon- 21 Hulyo 2002).
124

MARTINEZ

Mga Kadahilanan sa Pagkakaroon ng Saya


Ang mga sumusunod ang nakitang mga pangunahing kadahilanan ng kasiyahan ng mga kabataang kalahok:
1. Pamilya
Mula sa mga panayam at pagtatanung-tanong lumabas
ang halaga ng maayos na ugnayan sa loob ng pamilya
para sa pagkakaroon ng kasiyahan ng isang kabataan.
Sabi nila, sa mga bagay daw na nakapag-papasaya sa
kanila, nangunguna ang pamilya. Mahalaga raw para
sa kanila ang mga relasyong ito: Syempre maganda
yung maayos kayo sa bahay (PakikipagkwentuhanBabae, 16 taong gulang); Masaya ka rin kung okay ang
pamilya mo (Pagtatanung-tanong-Lalake, 19 taong
gulang).
Subalit maliban dito, may kaugnayan din sa kasiyahan ng mga kalahok ang mga tungkulin ng bawat
isa sa loob ng mag-anak. Ang makapag-ambag kahit ng maliit nilang kayang gawin para sa kanilang
mga pamilya ay nagpapasaya rin sa kanila. Ilan dito
angmakatulong sa gawaing bahay, mag-alaga ng
kapatid, makakuha ng mataas na marka sa paaralan.
Kaugnay nito, ang makita nilang nagbibigay din ng
kani-kanilang mga kontribusyon ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya ay nagpapasaya rin sa kanila.
Masaya po yung sa hirap at ginhawa magkakasama pa
rin kayo (Pakikipagkwentuhan, babae, 18 taong gulang); Yung tumulong na nga lang po sa tindahan ang
hinihingi sa akin, kaya pinipilit ko po [gawin] (FGD,
Lalake, 17 taong gulang).
Lumabas din ang mga elemento gaya ng pera at pinansyal na kasiguraduhan bilang kadahilanan sa kasiya125

Mga Kaisipan sa Sikolohiya Kultura at Lipunang Pilipino Tomo 1

han ng mga kabataan sa loob ng tahanan. Makikitang


hindi lamang sa ugnayan at relasyon nakasentro ang
buhay sa loob ng pamilya, nagiging bahagi rin nito ang
pinansyal na mga pangangailangan dahil nga unanguna, mga kabataan pa sila at wala pang sariling pagkukunan ng suportang pinansyal, umaasa ang marami
sa kanila sa mga magulang. Sabi ng isa Iniisip mo rin
kasi yung problema ng pamilya mo pag wala kayong
pera, apektado ka rin (Pakikipag-kwentuhan, Lalake,
19 taong gulang).
2. Kaibigan
Maliban sa pamilya malaking pinanggagalingan din
ng saya ng mga kabataan ang relasyon nila sa kanilang
mga kaibigan. Kung susuriin ngang mabuti ang buhay
ng mga kalahok makikitang malaking panahon ang
ginugugol nila kasama ang kanilang mga kaibigan.
Gaya ng sa pamilya, pangunahing nakapag-dudulot
ng saya sa mga kabataan ang isang magandang relasyon sa mga kaibigan. Pag nandito ka, masaya ka, kasi
alam mo na totoo sila sayo (Pagtatanung-tanong,
Babae, 19 taong gulang).
Isa ding pangunahing pagkakataon kung saan nakakakuha ng kasiyahan sa loob ng mga barkadahan ang
mga kabataan ay sa mga panahong ginagamit/ginugugol sa kwentuhan at pagtambay. Isa itong mahalagang
elemento ito sa pagbubuo ng magandang samahan at
pagkakaroon ng kasiyahan at sa mga pagkakataong ito
nagaganap ang mga biruan, lokohan, asaran, tuksuhan, kulitan. Dagdag ng isa, Kung tahimik kami may
big sabihin yun baka may away o samaan ng loob.
Baka may problema (Panayam-Babae, 17 taong gulang). Dahil daw sa mga biruan at tawanan nag-eenjoy kami kasama nila (Pakikipagkwentuhan-Lalake,
20 taong gulang).
126

MARTINEZ

Mahalaga ring maipakita na hindi lamang tawanan at


biruan ang maaaring makapagpasaya sa mga kabataaan. Sa loob din ng mga grupong ito nagkakaroon ng
pagbabahaginan ng problema at pagbibigayan ng suporta. Ito marahil ang ibig sabihin nila nang sinabi ng
isang kalahok na Parang pamilya na kami dito (Pagtatanung-tanong-Babae, ______). Sa mga pagkakataon
daw kasing may problem ang isang kaibigan higit na
naipapakita ang suporta. Bagamat walang tawanan o biruan at sa gitna ng mas seryosong mga pinag-uusapan,
ang pagsasama-sama at pagtutulungan ay sinasabing
nakapag-bibigay ng kasiyahan sa mga kabataang kalahok. Yung nakatulong sa friends mo, masaya na yun
(Panayam-Babae, 18 taong gulang).
3. Grupo/Organisasyon
Isa pang natukoy na pinanggagalingan ng kasiyahan ng
mga kabataan ay ang pagkakaroon nila ng mga sinasalihang grupo at maaayos na ugnayan sa loob ng mga ito.
Nakita na hindi lamang basta pagiging miyembro ang
dahilan ng marami sa pagsali sa mga organisasyon, pero
importante rin ang magandang samahan. Mahirap kasi
na magkakasama kayo pero di naman kayo nag-uusap
(Pakikipagkwentuhan-Babae, 16 taong gulang); Mas
na-eenjoy mo yung ginagawa mo kung masaya kayo
(Panayam-Lalake, 20 taong gulang).
Nakakatulong din sa pagkakaroon ng kasiyahan ang
mga grupong kinasasalihan nila kung nakakakita sila
ng kahulugan at halaga sa mga ginagawa nila dito. Ilan
sa nakitang makahulugang bahagi ng pagiging kasali/
kasapi sa mga organisasyon ang pagkakataong maglingkod sa pamayanan, magdasal, makatulong sa iba at
mapa-unlad ang sariling kakayanan. Sabi nga ng isa,
Nakakapagod pero masaya (Pakikipagkwentuhan- Ba127

Mga Kaisipan sa Sikolohiya Kultura at Lipunang Pilipino Tomo 1

bae, 19 taong gulang).


Sangkap sa Pagpapahayag ng Kasiyahan
Tinatalakay sa sumusunod na bahagi ang mga mahahalagang elementong nakitang bumubuo at nakaka-apekto sa
kung paano naipapahayag ng mga kabataan ang kanilang
kasiyahan.
1. Mga Batas/Norms sa Pagpapahayag ng Saya
Sa pagpapahayag ng damdamin ng saya ng mga kabataan, natukoy ding mayroong mga sinusundang
norms o mga tama at mali sa pagpapahayag. Tumutulong ang mga batas na ito sa pagsusuri sa ginagawa ng
isang tao hinggil sa kaangkupan ng isang panahon o
pagkakataon para sa pagpapahayag niya ng saya.
A. Tamang Panahon at Sitwasyon
Isang mahalagang dapat malaman ng nagpapahayag ay ang tamang panahon at sitwasyon. Dapat
bigyan ng halaga ng isang taong gustong magsiwalat ng kanyang kasiyahan kung nasa tamang
sitwasyon ba ito at pagkakataon. At dapat alam
din niya kung hanggang saan at kailan maaaring
magbiruan, magtawanan at magpahayag ng saya/
kasiyahan.
Pulong ngayon ng lahat ng mga president o kinatawan ng lahat ng mga organisasyong pansimbahan sa NTA. Bago
magsimula ang pagpupulong, inalam
muna kung sinu-sino na ang nandun at
yung wala. Isa-isang tinawag ang mga
samahan at pinatayo ang kinatawan.
128

MARTINEZ

Noong una ay simpleng tingin lamang


ang ginagawa nila sa bawat kinatawang
tumatayomaya-maya ay pinapalakpakan na nila ang bawat tinatawag. Nang
gawing huli, maliban sa palakpak medyo
sumisigaw pa sila. Pero nang magsimula
ang pulong tumahimik nang muli at
nagseryoso ang lahat (Obserbasyon-23
Hunyo 2002).
At kung sakaling magkamali ang isang tao sa
pagtingin at pagtantya sa sitwasyon niyang kinapapalooban, papaalalahanan siya ng mga tao sa
paligid niya.
Nagpulong ngayon ang mga Lectors at
Commentators at napansin kong may
isa lamang lalaki sa grupo, si Albert,
at siya ang pinamuno sa closing prayer
nila bago umuwi. Ayaw niya kaya pinilit
siya ng mga kasama niya. Pero di pa rin
siya pumayag halatang nanloloko siya,
inaasar lang niya ang iba at natatawa pa
siya. Kaya sinabihan siya ng ilan: Mahiya ka naman Albert, ginagawa mong biro
ang dasal (Obserbasyon- 9 Hunyo 2002).
At bagamat nakita na ang saya ay maaring ituring
na nasa loob o batay sa kundisyon/estado at maari
rin namang sabihing nasa labas o sa mga gawaing
kinasasangkutan ng isang kabataan at kalimitang
dumadaloy ito mula sa loob papalabas sa anyo
ng tawanan, biruan at lokohan, may nakita ring
mga pagbabago at pagpapalit sa daloy na ito sa
ilang mga pagkakataon. Masasabing nagaganap
itong mga pagbabagong ito dahil sa pag-aangkop
ng isang indibidwal ng kanyang sariling damda129

Mga Kaisipan sa Sikolohiya Kultura at Lipunang Pilipino Tomo 1

min sa sitwasyong kanyang kinapapalooban. May


tatlong sitwasyon ng pag-aangkop o pagpapalit ng
daloy ng emosyong saya ang tinatalakay sa bahaging ito.
i. Lumalahok sa aktibiti kahit walang
sayang pandamdamin
Hindi nangangahulugan na sa lahat ng
oras ang ibig sabihin ng isang taong
nagsasabi na okay, masaya o ayos naman
siya ay tumutukoy nga sa mga damdaming totoo nitong nararamdaman. Sa
di-iilang mga sitwasyon, may natukoy na
mga pagkakataon kung saan ang isang
kalahok ay nagpapahayag ng kasiyahan
sa labas kahit walang damdamin sa loob.
Maaring pumasok sa mga interaksyon
ng tawanan, biruan, tuksuhan ang isang
taomga sitwasyon at gawaing itinuturing na masaya, kahit na wala naman
talaga siyang nararamdaman sa loob. Sa
ganitong pagkakataon, maaring ang mas
binibigyang halaga ay ang iba at kung
ano ang pwedeng isipin o sabihin nila.
syempre makikisama ka at saka baka
lalu kayong di maayos (Pakikipagkwentuhan- Babae, _______).
ii. Nadadala/Nagpapadala sa aktibiti
at damdamin ng iba
Sa kabilang banda, may sitwasyon namang nadadala o nagpapadala ang isang
tao sa saya ng mga nasa labas. Maaring
wala sa kundisyon ng pagiging masaya
at maaari pa ngang may problema ang
130

MARTINEZ

isang tao pero dahil sa sitwasyong kinapapalooban niya kasama ng iba pang
mga tao na masaya, nagiging masaya na
rin siya o pinipilit na rin nitong maging
masaya hindi lamang sa labas kundi pati
sa loob. Kung minsan daw, hindi ka man
masaya mapapagaya ka na rin kahit
wala ka sa mood sa kwento pa lang
grabe na (Pakikipag-kwentuhan-Babae,
17 taong gulang); ang kukulit ng mga
yan, di pwedeng hindi ka masama
(Pakikipag-kwentuhan-Lalake, 20 taong
gulang).
Sa dalawang pagkakataong ito, parang
nababaliktad ang daloy ng saya. Ang
kadalasang mula sa loob papalabas ay
nagiging mula sa labas at naaapektuhan ang nasa loob. Kapwa ang mga tao
sa paligid at ang indibidwal mismo ang
dahilan nito. Napipilit ng mga nasa labas
ang isang tao para makisaya, pero pwede
rin namang inaakma ng isang indibidwal ang kanyang loob para sa mga kasamahan niya sa labas.
iii. May damdamin pero taliwas ang
ekspresyon
Ang huling sitwasyong kinakitaan ng tila
pagbabago sa daloy ng kasiyahan ay ang
pagkakaroon ng saya sa loob pero nagpapahayag ng kabaligtaran nito. Gaya
ng nabanggit na, karaniwang ang saya sa
loob ay ipinapahayag sa mga nasa labas.
Pero may mga pagkakataong bagamat
ito ay nasa loob ang tuwiran namang ka131

Mga Kaisipan sa Sikolohiya Kultura at Lipunang Pilipino Tomo 1

baligtaran nito ang ipinapakita. Maaari


itong lumitaw sa mga pagkakataong
pagod ang isang tao bagamat masaya o
sa mga sitwasyong bawal magsaya. Sabi
nga ng isang kalahok matapos ang practice ng isang kanta: pagod pero masaya
(Pagtatanung-tanong-Babae, 20 taong
gulang).
Pero maari rin namang maganap ito
dahil sa mga norms na dapat sundin
ng mga indibidwal sa loob ng kanilang
grupo dahil pwedeng sadyang bawal ang
pagpapahayag ng damdamin ng kasiyahan sa ilang mga sitwasyon halimbawa
sa oras ng dasal, klase o pulong.
B. Tamang Taong Pagpapahayagan
Isa pang mahalagang tinitimbang ng mga kabataan sa pagpapahayag ng kasiyahan ay ang taong
pagpapahayagan nila ng damdamin. Hindi maaring sa kahit kanino lamang makipag-tawanan o
biruan ang isang tao.
Pagkatapos ng misa, nagmemerienda ang
mga volunteers at mga brothers sa tabi
ng simbahan habang nagpupulong naman ang mga kabataan. Sa di iilang mga
pankakataon, nakita kong nakikipag-lokohan ang mga bata sa mga brothers na
kumakain. Pasimple lang ito. Sumisenyas
sila sa mga volunteers at brothers na
kumakain at humihingi pero ito ay sa
iilan lang kapag ang ibang volunteers
o brothers ang tumitingin, nagpapatay
malisya sila, pero mayroon namang
132

MARTINEZ

mga volunteers at brothers kung saan


nakikipag-biruan talaga sila.Tinanong ko
sila tungkol dito: Sanay na po kami kay
Bro. Pat eh sa iba nahihiya pa po kami
(Obserbasyon/Pakikipagkwentuhan- 18
Agosto 2002).

Napansing hindi lamang sa mga lugar, panahon
at sitwasyon ibinabatay ang kilos, inaangkop din
ng isang kabataan ang kanyang ginagawa sa mga
taong kasama at nasa paligid niya. May mga taong
maaaring pagpakitaan ng kalokohan at mayroon
din namang hindi dahilnakakahiya; hindi
kami sanay sa kanya.
Sa isang kwentuhang sinuri, tinanong ang mga kalahok kung kumusta naman sila sa bahay at sumagot ang ilan: Hindi kami ganito sa bahay, mas
tahimik kami doon iba kami sa bahay, syempre,
di mo mailabas minsan ang sarili mo, kasi syempre
sasawayin ka e dito [sa loob ng grupo/sa simbahan] nailalabas namin kung sino talaga kami at di
pagsasabihan (Pakikipag-kwentuhan, 25 Agosto
2002). May mga kinakailangan at inaasahan na
paraan ng pakiki-ugnay sa bawat isa sa lipunan na
nakakaimpluwensya sa saya at sa pagpapahayag
nito. Sabi pa ng isa, Syempre, nanay yun, di mo
gaanong mabiro (Pakikipagkwentuhan, 25
Agotso 2002, Lalake, 18 taong gulang).
Sa puntong ito, magandang himayin at talakayin
ang detalyeng lumalabas hinggil sa koneksyon ng
kaganapan ng kasiyahan ng mga kalahok at sa uri
ng ugnayan nila sa ibang tao sa paligid nila. Natukoy na nga ang halaga ng mga interaksyon ng mga
kabataan sa iba pang mga tao para sa pagpapahayag nila ng kasiyahan. Pero sa loob ng mga ugnay133

Mga Kaisipan sa Sikolohiya Kultura at Lipunang Pilipino Tomo 1

ang ito, ang isang taong nakakaramdam ng saya


ay hindi rin pwedeng basta na lamang magsiwalat
ng kanyang damdamin. Kailangan muna niyang
tumingin sa paligid niya at alamin kung maaari
nga ba itong gawin o hindi. Pwede ngang sabihing nakabatay sa mga internal na proseso ang saya
ng isang tao pero makikitang may malaki ring
tungkuling ginagampanan ang mga interaksyon at
eksternal na mga salik sa pagpapahayag nito.
Sa pananaliksik na ito, nabatid na ang isang
kabataang nagpapahayag ng saya ay nagbibigay
muna ng turing sa sarili niya at sa mga taong nasa
paligid niya bago niya ipahayag ang kanyang damdamin. Sinusuri muna niya ang kanyang kinalulugaran at gayun din ang sa ibang tao sa loob ng
kanilang grupo bago niya ipakita o pigilan ang
sarili niyang ipakita ang kanyang damdamin. May
lumabas na tatlong antas ng pakikipag-ugnayan
sa pagpapahayag ng damdamin.
Ang una ay ang antas ng iba. Maaring ituring na
mababang lebel ito ng ugnayan ng isang tao sa
iba pang mga indibidwal sa paligid niya. Masasabi
na iba pa ang ugnayan sa ibang tao kung: may
taasan pa ng kilay; hindi pa kami close; o hindi
pa palagay ang loob sa isat isa. Kaya makikita na
ang ugnayan ay panlabas lamang at kung minsan
ay civil lang. Sa antas na ito, halos wala pa talagang malalim na relasyon, maaring magkakilala
lang at dahil dito wala ring pagpapahayag ng damdamin ng saya. Sabi nga ng isa: hindi pa talaga
kami palagay [sa isat isa].
Maaari rin namang ang isang tao sa loob ng grupo
ay nagsisimula nang makipag-palagayan ng loob,
bagamat hindi pa nga talaga ganap na malapit
134

MARTINEZ

pero hindi na rin naman iba ang turingan. May


hiyaan pa rin at may bahagyang pagpipigil ng
pagpapahayag ng damdamin dahil ang isang tao
ay nagiging di na iba pa lamang. Ito ang maaring
inilalarawan ng Di pa kami close pero friends
na kami (Pakikipagkwentuhan-Babae, 19 taong gulang); Nahihiya pa kami sa kanya pero
mukhang okay naman siya (Panayam-Babae, 17
taong gulang).
Siguro ang maituturing na isang malalim na antas
ng ugnayan kung saan ang isang tao ay malaya ng
nakapaglalantad ng kanyang damdamin ay yung
mga matatawag na nasa antas ng di na iba. Masasabing ang isang tao ay di na iba kung sanay na
kami sa kanya; kilala na namin siya; o palagay
na ang loob (kasagutan mula sa FGD). Kung
ganito na ang ugnayan, nailalabas na ang damdamin nang hindi nahihiya. Kadalasang itinuturing
na mga ka-grupo, kabarkada, o tropa ang mga
taong nasa lebel na di na iba.
2. Tulong/Tools sa Pagpapahayag ng Damdamin
Lumabas din na sa bawat pagpapahayag ng kasiyahan,
may mga mahahalagang kasangkapan/tools na ginagamit ang isang kabataan. Una, mahalaga ang pakikiramdam. Ito ay para sa taong nakakaramdam ng saya
at nagpapahayag nito o gustong magpahayag nito at
gayun din sa mga taong nasa paligid ng isang taong
nagpaparamdam o nagpapahayag ng kanyang kasiyahan. Hindi naman lagi pwede kang mag-ingay, minsan dapat tatahimik ka lang, kung hindi syempre OP
(out of place) ka. Hindi naman lagi happy kayo o yung
mga kasama mo at saka nakikisama ka rin (Pakikipagkwentuhan-Babae, 16 taong gulang/ 21 Hulyo 2002).
135

Mga Kaisipan sa Sikolohiya Kultura at Lipunang Pilipino Tomo 1

Kung hindi sila magiging sensitibo, maaring hindi


sila makapasok ng ganap sa isang grupo o maaari
rin namang makasira ito sa kanilang relasyon sa iba.
Kaya bago ihayag ang saya, kailangang pumasok din
ang isang tao sa loob ng grupo o sa loob ng iniisip at
nararamdamam ng mga taong pagpapahayagan nila
ng damdamin at doon ay maghanap ng mga tanda na
nagsasabi na pwede nga silang maglabas ng kanilang
saya.
Pero hindi lamang ang mga taong nakakadama ng
saya ang tumitingin at nakikiramdam sa paligid nila ng
mga tanda at paramdam kung maaari ngang magpahayag ng saya dahil ang mga tao sa paligid ay nagbibigay o kailangan ding magbigay ng mga simbolo at tanda
na tinatanggap at hinahayaan nga nila ang isang taong
magpahayag ng kanyang damdamin. Mag-iisang taon
pa lang po kaming choir, pero makulit na rin kami
ano? Noong umpisa tahimik lang kami pero naging
ganito na rin kami kagulo kasi kung tatahimik kami,
kukulitin din kami (Pakikipagkwentuhan-Babae, 17
taong gulang). Ang pangungulit ng mga naunang mga
miyembro ng choir ang naging tanda sa mga bagong
kasapi na pwedeng magpahayag ng saya o kalokohan
sa loob ng grupo.
Ang ikalawang kagamitang natukoy sa pananaliksik
na ito na mahalaga rin sa pagpapahayag ng saya ay
ang pagkakaroon ng hiya. Nagiging isang mahalagang
kagamitan ito sa pagtukoy kung kailan/kanino/saan
pwede o hindi pwedeng maglabas ng kasiyahan. Nagkaka-epekto rin ang hiya sa paglalagay ng limitasyon
kung hanggang sa anong paraan pwedeng ipahayag
ang saya. Sanay na po kami kay Bro. Pat eh sa iba
nahihiya pa po kami (Obserbasyon/Pakikipagkwentuhan- 18 Agosto 2002).
136

MARTINEZ

Nakita rin na malakas ang hiya lalu na sa mga nagsisimulang interaksyon pa lamang. Ito ang gumagabay sa
isang kabataan kung paano ilulugar ang sarili sa loob
ng mga bagong ugnayan: Nahihiya pa kami sa kanya
pero mukhang okay naman siya (Panayam-Babae, 17
taong gulang).
TALAKAYAN
Pinalalalim sa bahaging ito ang resulta ng kasalukuyang
pag-aaral at iniuugnay ang mga datos sa mga nauna ng pananaliksik at talakayan sa paksang sinusuri ng papel na ito.
Kaugnayan sa mga naunang pananaliksik
Gaya ng nakita sa iba pang mga pananaliksik sa kasiyahan,
natukoy din sa pag-aaral na ito ang mga relasyon ng mga
kabataan sa iba pang tao lalu na sa kanilang pamilya at mga
kaibigan bilang mahahalagang kadahilanan sa pagkakaroon
ng kasiyahan. Mapapansin ding sa loob ng dalawang ugnayang ito halos umiikot ang buhay ng mga kalahok kaya
hindi nakakagulat na makitang mayroon silang malaking
kontribusyon sa positibong emosyon ng mga kalahok. Pero
may nakitang pagkakaiba sa pagdaloy ng saya sa loob ng
dalawang kontekstong ito. Kalimitang nasa damdamin ang
sayang nararamdaman sa loob ng pamilya, samantalang mas
nakikita sa mga aktibong gawain/pagpapahayag ang kasiyahan sa loob ng konteksto ng grupo o barkadahan.
Hindi kami ganito sa bahay, mas tahimik kami doon
iba kami sa bahay, syempre, di mo mailabas minsan
ang sarili mo, kasi syempre sasawayin ka e dito [sa
loob ng grupo/sa simbahan] nailalabas namin kung
sino talaga kami at di pagsasabihan (Pakikipag-kwen137

Mga Kaisipan sa Sikolohiya Kultura at Lipunang Pilipino Tomo 1

tuhan, 25 Agosto 2002).


Maganda ring iugnay ang nakita ni Larson (2000) tungkol
sa ugnayan ng kasiyahan at positibong pag-unlad ng mga
kabataan. Sa pag-aaral na ito, natukoy din ang pakikilahok
at pagsali sa mga grupo o organisasyon ay nakapagdudulot nga ng kasiyahan sa kanila. Pero hindi ito nangangahulugan ng basta pagsama lamang o pagiging nominal
na miyembro. Ang nakapagpapasaya ayon sa datos ay ang
mga aktibong pagsali at pakikiisa sa anumang gawain ng
grupong kinabibilangan. Sa loob ng mga kaganapang ito
nagkakaroon ng higit na pagtitiwala sa sariling kakayahan
at pagtuklas sa mga talento ang isang kabataan. Mahalaga
ring banggitin na kalimitang ang mga relasyon sa kaibigan
ay maaaring nabubuo o napalalalim sa loob ng mga organisasyon at grupong kinasasangkutan ng mga kabataan.
Nalaman din sa pag-aaral na ito, gaya ng iba pang mga
naunang pagsisiyasat sa kasiyahan ng mga kabataan ang
halaga ng pinansyal na kasiguraduhan sa buhay. Pero tila
isang di-tuwirang/indirect ugnayan ang namamagitan sa
kasiyahan at sa pinansyal na kasiguraduhan. Parang hindi
ang katayuan sa buhay mismo ang nagpapasaya sa isang
tao, pero nakakatulong ito ng malaki sa pagkakaroon ng
pagkakataon para ang isang kabataan ay maging masaya.
Maaaring gawing halimbawa nito ang mga kabataang mas
may kaya sa buhay at dahil dito ay may higit na pagkakataon ding makalabas at makasama sa kaibigan o gawin ang
anumang gusto nila samantala, ang ibang hindi gaanong
naka-aangat pinansyal ay kailangan pang magtrabaho
muna o tumulong sa mga gawaing bahay. Sa ganitong mga
sitwasyon, hindi ang pera mismo ang tuwirang nagiging
dahilan ng kasiyahan, instrumental lamang ito sa pagkakaroon ng oras kasama ng mga kaibigan o pamilya, ng higit na
katiwasayan at kaayusan ng relasyon sa loob ng mag-anak o
ng magandang pakiramdam dahil sa kakayanang matugunan ang mga pangangailangan.
138

MARTINEZ

Sa pangkalahatan, maari ngang sabihing ang pagkaunawa


ng mga kabataan sa emosyon ng saya ay may malaking
pagkakatulad sa kung paano na ito binigyang pakahulugan
at katangian sa mga naunang pag-aaral. Gaya sa mga dating
pananaliksik, ang kasiyahan ay natukoy ding nakabatay sa
personal na pagtingin sa sariling takbo ng buhay (Nurmi,
et al., 1997) na pawang may obhektibong batayan, gaya ng
pinansyal na kasiguraduhan at kakayahang matugunan ang
pangangailangan (Kwan et al., 1997; Diener, et al., 2000)
at emosyunal-relasyunal (Kairouz & Dube, 2000) na mga
dimension.
Terminong Pantukoy sa Sayang Nasa Gawain

Isa pang maituturing na kapansin-pansing nakita sa pagaaral na ito ay ang malaking koneksyong ibinibigay ng mga
kalahok sa kaugnayan ng saya sa mga interaksyon nila sa
ibang tao sa paligid nila. Kahit ang mga kadahilanan sa
pagkakaroon ng kasiyahan ay kadalasan ding nagmumula/
nabubuo sa ugnayan nila sa ibapamilya, kaibigan at grupong kinabibilangan.

Sa higit na malalimang pagsusuri sa mga katagang ginamit
sa pagtukoy sa emosyon ng saya, may dalawang kategorya
ng mga salita ang lumabas. Ang una ay yung nakatuon sa
kundisyon at damdamin ng taong masaya tulad ng: okay,
ayos naman, walang problema. Samantala, ang ikalawang
grupo naman ay nagbibigay diin sa mga ginagawa at sa pagpapahayag ng kasiyahan tulad ng: tawanan, biruan, kulitan,
tuksuhan, barahan at asaran. Mahalagang makita na mismong ang ikalawang kategorya ng mga terminolohiyang
ito ay may oryentasyong pang-ugnayan na batay sa loob ng
kontekstong Pilipino.

139

Mga Kaisipan sa Sikolohiya Kultura at Lipunang Pilipino Tomo 1

Ayon kay Salazar (1985), kung susuriin ang hunlaping -an


at ang gamit dito, matutukoy ang isang kilos na papalabas.
Binigay niyang halimbawa ang salitang hiya na ginamit sa
ibat ibang porma nitong may hunlaping -an: makipaghiyaan, maghiyaan, magkahiyaan, hiyaan (p.294). Dagdag pa
niya:
maikakabit lahat sa bahaging itaas kaliwa (note:
tinutukoy ang grap) ang modelo bilang pagsasagawa
ng panghihiyang resiprokal o maramihani.e. ang
magkatawanan ay isang di sinasadyang pangyayari sa
dalawa o maraming tao itong huli, hiyaan ay maari
ngang ituring na pangngalang pinakabuod ng mga
pangalang katapat ng tatlong pandiwa. Ang bagong
element ng diwang lilitaw ditoy maramihang ugnayang sosyal sa larangan ng hiya at lahat ay nasasaklaw
ng bahaging tao sa kanyang pagkakaugnay sa labas.
(p.295)
Kung ilalapat ang pagsusuri ni Salazar sa mga katagang may
kinalaman sa kasiyahan at ipapalit sa salitang ginamit niya
bilang halimbawa, makikitang angkop din dito ang kanyang
pagsusuri. Sa gayun, higit na lumilinaw ang kahulugan at
nabibigyan ng ganap na paliwanag ang pagiging nasa labas
nga o nasa mga gawaing aktibo at sosyal ang pagpapahayag
ng kasiyahan ng mga kalahok.
Mga Katutubong Konsepto sa Pagpapahayag ng
Damdamin
Iniuugnay din ang kasalukuyang pananaliksik sa pagkakaroon at pagpapahayag ng kasiyahan ng mga kabataan sa
ilang mahahalagang katutubong konsepto.

140

MARTINEZ

A. Pagbubuo ng Sariling Pagkatao


Sa pagpapaliwanag ni Mead (nasa Hallman, 1998) sa kalikasan ng tao, sinabi niyang mahalagang tingnan ang
pinanggagalingang kalinangan at ang mga ugnayan ng mga
tao sa loob ng isang lipunan para higit na maunawaan ang
isang indibidwal dahil dito raw nabubuo ang sarili/self. Sa
mga pagkakataon daw ng ugnayan sa iba nakakakuha ang
isang indibidwal ng mga rules o norms kung paano dapat
kumilos o hindi sa harap ng iba pang tao sa grupo. May
malaki raw kinalaman ang ibaang iniisip nila at maaari
nilang sabihin sa pagbubuo ng sarili.
When people sample the collective self, they are more
likely to be influenced by the norms, role definitions
and values of the particular collective they are likely
to behave in ways considered appropriate by members
of that collective (Charon, 1998, p. 357).
Dahil dito, mapapansing may kilos na maaring gawin sa
loob ng isang interaksyon at meron din namang bawal.
The human organism as an object takes on the meaning through the behavior of those who respond to
that organism we come to know that we are through
others responses to us. (p.74)
At ganito nga rin ang lumitaw sa pag-aaral na ito sa kasiyahan ng kabataan. Malaki ang kinalaman ng ibang tao sa loob
ng kinabibilangang grupo sa pagkakaroon at sa pagpapahayag ng kasiyahan. Sa mga sitwasyon at pagkakataon ngang
sinasabing masaya sila halos kaugnay din nito ang kanilang
relasyon sa mga tao sa paligid nila.
B. Ibang Tao Bilang Kapwa
Sa pananaliksik ni Kagitcibasi (1997), tinawag niyang rela-

141

Mga Kaisipan sa Sikolohiya Kultura at Lipunang Pilipino Tomo 1

tional self ang uri ng sariling ito na nakabatay ng malaki sa


grupong kinabibilangan. Ang uri ng sariling ito raw ay:
socially oriented [with] achievement motivation
[that] would exalt the self and a collectivity (usually
the family), encompassing the self merging the self
with the group so that achievement elevates both.
(p.25)
Dagdag pa rito, ang mga nakikitang emosyong madalas
lumitaw sa loob ng mga ugnayang kinasasangkutan ng mga
relational self ay kalimitang papalabas sa sarili at patungo sa
ibang tao. Natukoy din ang kahalagahan ng hiya (shame),
pakikiramdam (sensitivity) at pakikiisa (emphaty) sa ganitong mga interaksyon.
Ngunit mahalagang makita na para sa mga Pilipino, ang
ibang tao sa paligid ay hindi lamang basta ibang tao. Ipinaliwanag ito ni Enriquez (1994) nang sinabi niyang,
the Filipino word kapwa is very different from the
English word others. In Filipino, kapwa is the unity
of the self and others. The English others is actually
used in opposition to the self and implies the recognition of the self as a separate entity. In contrast, kapwa
is a recognition of shared identity, an inner self shared
with others (p. 45).
Mahalagang ipasok ang terminolohiyang kapwa at ang
lugar nitong ginagampanan sa pagbubuo at pagpapahayag
ng damdamin ng saya. Ito ay isang Pilipinong konseptong
natukoy na sa naunang mga pananaliksik na nagsabi ngang
mahalaga ito sa buhay at kamalayang Pilipino. May kinalaman ito sa pagtingin at pakikipag-ugnayan sa ibang tao. At
kung ang kasiyahan ng mga kabataan nga ang pag-uusapan,
mahalagang makita rin ang katungkulan ng kapwa sa pagdanas at pagpapahayag nito.
142

MARTINEZ

Gaya ng nabanggit na, mahalagang bahagi ng pagpapahayag ng saya ang mga taong pinagpapahayagan nito at
kalimitang nakapasok ang pagpapahayag ng saya sa mga
interaksyon at gawaing kinasasangkutan ng taong nakakadama nito at mga taong nasa paligid niya. Sa pananaliksik
na ito nakitang ang isang taong masaya ay tumitingin muna
sa mga taong nasa paligid bago siya maglabas ng kanyang
damdamin. Nagiging mahalagang batayan ng pagpapahayag ng saya ang iba. Hindi pwedeng basta na lamang magpakita ng kasiyahan, kailangang tumingin muna sa paligid
at maghanap ng mga tandang nagsasabing pwede nga.
Kailangan din ang pagiging sensitibo sa ibang tao dahil
kung wala nito maaaring mangahulugan ito ng pagiging
manhid at ng hindi maayos na pagpasok sa o pagdaloy ng
relasyon. Kaya bago ipahayag ang kasiyahan, kailangang
pumasok muna ang isang taong masaya sa loob ng grupo
o sa loob ng mga taong pagpapahayagan niya. Sa ganitong paraan nagiging kabahagi ng isang tao ang kanyang
kapwa. Pero mahalaga ring tukuyin na ang interaksyong ito
ay isang daynamikong ugnayan. Hindi lamang ang taong
nakakadama ng saya ang tumitingin sa paligid niya ng mga
simbolo dahil nagbibigay din ang ibang tao ng mga hudyat
na nagsasabi na handa nga nitong tanggapin ang damdamin at ekspresyon ng saya ng isang taong gustong magpahayag nito.
C. Pagsusuri Ng Loob
Isa pang lumilitaw na ideya na maaaring may kinalaman
din sa pag-aaral na ito ay ang konsepto ng loob:
kung tahimik kami, may ibig sabihin iyan baka
may away o samaan ng loob (Obserbasyon- 21 Hulyo
2002).
143

Mga Kaisipan sa Sikolohiya Kultura at Lipunang Pilipino Tomo 1

Okay po kami palagay na ang loob namin (Pakikipagkwentuhan-Lalake, ___________).


Nagiging isang malinaw na batayan sa pagkakaroon ng kasiyahan ng isang kabataan at gayun din sa pagpapahayag nito
ang nagaganap sa kanyang loob. Binabanggit ang loob sa
paglalarawan sa kundisyon ng indibidwal at sa ugnayan ng
isang tao sa kanyang kapwa. Dito, magandang balikan ang
ipinaliwanag ni Alejo (1990) na nagsabing,
matututunan natin na upang maunawaan ang
kabuuan kailangang lumagay tayo sa loob at mauunawaan ang loob kung magsisimula tayo sa isang
punto de bistang kinaiikutan ng paligid ang labas,
samakatuwid ay pagpapakita ng loob. (p.74)
Nakita niya ang halaga ng loob sa pag-unawa sa kabuuan ng
indibidwal. At loob din ang sumasalamin at naglalarawan
sa mga ugnayang kapwa sa kapwa. At natural na sa pagkakabuo at pagpapahayag ng damdamin ng isang tao ay may
malaking tungkulin din ang loob. Nakita na ngang masaya
ang isang tao kung payapa ang loob nito, gayun din naman
hindi rin basta maipapahayag ang kasiyahan kung hindi
ayos ang loob. Kailangan munang masabi na palagay na
ang loob namin bago ganap na makapaglabas ng saya ang
isang indibidwal.
Pero maari ring sabihing ang kinakatawan ng loob ay ang
sarili mismo ng isang indibidwal na nakakaranas ng kasiyahan. Maaari pa ngang isipin na ang katagang ito ay isang
metapora mismong tumutukoy sa sarili, lalu na kung isusunod ito sa pakahulugang binigay ni Smith (1985):
Metaphorical thinking is constitutive of our selfhood
metaphorical texture of our views of self is part and
parcel of our metaphorical construction of the world.
(p. 82)
144

MARTINEZ

Ginagamit ang metapora sa pagtukoy sa mga bagay sa kapaligiran at ginagamit din itong batayan sa mga ginagawa
ng isang tao at sa pag-unawa niya sa kanya mismong sarili
at gayun din sa iba. Dahil dito pinalalawak ng mga metapora ang karanasan at hinahayaan nitong makita ang realidad
sa ibang perspektibo. Metaphors allow us to experience
one domain of experience in terms of another (Smith,
1985, p.73).

D. Ugnayang/Interaksyong Loob, Sarili at Kapwa
Maaari ngang ang loob ay isang metapora para sa tao o
sa sarili, pero nakita ring ang sarili sa konteksto ng pinagaralang mga kalahok ay nagkakaroon ng mas malalim na
kahulugan dahil sa kapwa. Ang sarili ay kaugnay ng kapwa. Walang paghihiwalay ang sarili at ang kapwa sa kontekstong Pilipinosila ay magkadikit, sila ay maaaring maging
isa. At kahit na sa pagpapahayag ng kasiyahan, nagbibigay
pa rin ang isang tao ng pagpapahalaga sa iba. Hindi siya
basta nagsisiwalat na lamang ng kanyang kasiyahan, tumitingin muna siya sa kahandaan ng kanyang kapwa. Naghihintay siya kung pumapayag din ito sa kanyang gagawin.
Nakikiramdam siya sa kanila dahil sila rin ay may loob
tulad niyang dapat bigyan ng halaga. Dahil dito, masasabi
ngang may pagkaka-ugnay ang sarili, kapwa at loob. May
isang malawak na sakop ang loob at tila pinag-uugnay nito
ang sarili sa kapwa (at vice versa). May loob ang isang indibidwal pero sinasaklaw at inaabot din nito ang loob ng iba
pang tao sa paligid niyaang kanyang itinuturing na mga
kapwa. Inilalapit ng loob ang isang indibidwal sa kapwa
niya o maari pang sabihing, napag-uugnay ng loob ang
isang tao sa kanyang kapwa.
Binanggit na nga na hinuhubog ng iba ang sarili. Mula sa
mga interaksyon ng indibidwal sa kanyang kapaligiran
145

Mga Kaisipan sa Sikolohiya Kultura at Lipunang Pilipino Tomo 1

nagiging ganap ang kanyang kaalaman at pakikibahagi sa


lipunan (Charon, 1988; Hallman, 1998). Nakita rin na ang
lumalabas na anyo ng sarili sa panahon ng pagpapahayag
ng kasiyahan ay isang relasyunal na sarilimay pagpapahalaga at kumikilala sa halaga ng iba. At sa ating konteksto
ang iba ay hindi lamang basta iba dahil sila ay itinuturing
na mga kapwa at may malaking kinalaman ang kapwa sa
anumang nagaganap sa sarili. Dahil ang kapwa ay malapit
sa sarili, katulad ng sarili at itinuturing na kaugnay ng sarili
(Enriquez, 1994). At nangyayari ito dahil sa loob. Napaguugnay ng loob ang indibidwal sa kanyang kapwa. Sabi nga
ni Alejo (1990),
Mula sa sarili kong danas sa aking pagka-loob, nahihinuha ko kung paano maging loob ang ibang loob
(p. 76).
Dahil dito nagiging mahalaga na maging sensitibo ang isang
tao sa takbo ng loob ng kanyang kapwa. Sa kasiyahan at
pagpapahayag nito, kinakailangang makiramdam muna ang
isang tao bago niya ilabas ang kanyang damdamin. Mahalaga na tanggap ng iba ang ginagawa niya. At kung minsan
nga mas nagiging mahalaga pa ang kapwaang maaring
sabihin, isipin o maramdaman nito kaysa sariling damdamin. Ito ang nakita rin marahil ni Church (1998) sa kanyang
obserbasyon:
Another valued aspect of emotional control involves
the endurance and suppression of depressed feeling
and problem. Maintaining a pleasant disposition is
desirable while showing ones happiness or annoyance
to others is considered in bad taste [these] results as
consistent with the Filipino emphasis on being optimistic, smiling and cheerful while concealing disappointment, anger or anxiety (pp.70-71).

146

MARTINEZ

Makikita rin ang ganitong paksa sa pagtatalakay ni Alejo


(1990) sa loob,
Ipinapahayag lang dito na bagaman may kategorya
nga tayo ng loob at labas, at ito ay napakalakas sa ating
kultura, dapat din nating isaalang-alang ang kapaligiran ang loob ay hindi lamang basta hindi labas (p.70).
Binanggit niya na ang labas ay mayroon ding harap, gilid at
likod. Siguro kung pag-uugnayin ang mga larawang ito ng
loob at ng ugnayan nito sa sarili at sa kapwa, maaring mangyari sa isang tao na ang loob ay hindi katugma ng nasa labas.
Sa pananaliksik na ito tungkol sa kasiyahan ng kabataan,
may mga kaganapang nagpapakita nito. Kung minsan kailangng magpahayag ng kasiyahan kahit walang damdamin
o magsabi ng okay kahit hindi ito talaga ang nasasa-loob o
maaari ring pigilin ang pagpapahayag ng damdamin para sa
pagsasaalang-alang sa iba. Maaring tama si Enriquez (1994)
nang sinabi niyang The Filipino can still accommodate
a non-member just as if he were a member (p.46), pero
maaari rin namang ito ay isang pang-harap lamang at hindi
talaga ang nasasa-loob.
Ang interaksyon ng isang tao sa iba ay sinasabing nakasalalay sa palagay na loob at nakita ring bago magpahayag
ng damdamin ang isang tao nakikiramdam muna siya sa
kanyang mga pagpapahayagan. Sa ugnayan ng sarili, loob
at kapwa nagiging mahalagang sangkap ang pakikiramdam.
Sabi nga ni Alejo (1990), ang mga bagay ay may paramdam.
At kailangan nating matutong makiramdam. Sa pakikiramdam ang nag-uugnayan ay loob sa kapwa (p.77). Nakita rin
ito ni Enriquez (1994) at ganito ang kanyang sinulat tungkol
sa pakikiramdam,
[its the] pivotal value of shared inner perception.
It refers to heightened awareness and sensitivity a
person seeks to clarify an ambiguous and therefore
147

Mga Kaisipan sa Sikolohiya Kultura at Lipunang Pilipino Tomo 1

critical situation to arrive at an appropriate response


(pp.63-64).
Sa pakiki-ugnay ng isang tao sa iba, hindi lamang siya
naghahanap ng mga tanda na galing sa iba, kundi nakikiramdam din siya sa mga maaring ipinararamdam sa kanya
ng iba. At malaki ang implikasyon nito hindi lamang sa
kung paano uunawain ang kasiyahan kundi sa mismong
pag-intindi sa higit na malawak na paksa ng pagiging isang
indibidwal at kabahagi ng lipunang Pilipino.
Pangwakas
Sinikap ng pananaliksik na ito na suriin ang kasiyahan ng
mga kalahok sa loob ng isang perspektibong kultural. Gamit
ang mga katutubong pamamaraan, tumuklas ng mga konsepto at teorya sa loob ng kalinangan ng mga inaral na kalahok na makapagbibigay linaw at lalim sa mga kaalamang
natuklasan. Natukoy na malaking bahagi sa pagdanas sa
emosyong saya ay nahuhugis at naaapektuhan nga ng lipunan at kulturang pinanggagalingan.
Gayun pa man, nag-iiwan din ang kasalukuyang pag-aaral
ng ilan pang direksyong pwedeng patunguhan ng mga
susunod pang pananaliksik sa paksang ito. Iminumungkahing masuri rin ang mga posibleng kaugnayan ng kasarian
ng mga kalahok at ang maaari nitong epekto sa pagkakaroon at pagpapahayag ng saya, gayun din ang pamayanang
pinanggagalingan, pati rin ang estadong sosyo-ekonomikal
at pinansyal. Magandang suriin din ang interaksyon sa loob
ng pamilya at ang klase/uri ng grupong kinabibilangan at
gayun din ang takbo ng mga ugnayan sa mga grupong ito na
kinasasangkutan ng mga kabatan. At huli, mahalaga ring
maiugnay sa kasalukuyang diskurso sa Sikolohiya ang mga
natuklasan sa pag-aaral na ito sa kasiyahan ng mga kabataan
dahil malaki at malawak pa ang hamon para sa isang Sikolo148

MARTINEZ

hiyang kumikilala at nagsasaalang-alang sa kultural na


aspeto ng buhay ng tao.

MGA SANGGUNIAN
Alejo, A. (1990). Tao po! tuloy!: isang landas sa pang-unawa sa loob ng

tao. Manila: Ateneo de Manila University, Office of Research and

Publication.
Charon, J.M. (1988). Symbolic interactionism. New Jersey: Prentice Hall.
Chiasson, N., Dube, L. & Blondin, J. (1996). Happiness: A look into folk

psychology of four cultural groups. Journal of Cross-cultural

Psychology, 27 (6): 673-691.
Church, T. (1998). Filipino Personality. Manila: De La Salle University

Press.
Cole, M. (1998a). Cultural psychology: a once and future discipline. USA:

Harvard University Press.
Cole, M. (1998b). Putting culture in the middle. Cultural Psychology.

Cambridge: Cambridge University Press.
Cousins, S.D. (1989). Culture and self perception in Japan and United

States. Journal of Personal and Social Psychology, 56 (1): 124-131.
DAndrade, R. (1987). Cultural meaning system. In Shweder, R. &

Levine, R, (eds.), Culture theory: essays in mind, self and emotion

(pp. 88-119). London: Cambridge University Press.
Diener, E. & Diener, M. (1995). Cross-cultural correlates of life

satisfaction and self-esteem. Journal of Personal and Social

Psychology 68 (4): 653-663.
149

Mga Kaisipan sa Sikolohiya Kultura at Lipunang Pilipino Tomo 1

Diener, E. (2000). Subjective well-being: the science of happiness



and a proposal for a national index. American Psychologist,

55 (1), 34-43.
Diener, E., Gohm, C.L., Suh, E. & Oishi, S. (2000). Similarity of the

relations between marital status and subjective well-being

across cultures. Journal of Cross Cultural Psychology, 31 (4):

419-436.
Donahue, M.J. & Benson, P.L. (1995). Religion and the well-being of

adolescents. Journal of Social Issues, 51 (2): 145-160.
Draguns, J.G. (1979). Culture and psychology. In Marsella et al.

(eds). Perspectives on Cross Cultural Psychology. New York:

Academic Press.
Engels, R., Finkenauer, C.. & Dekovic, M. (2001). Parental

attachment and adolescents emotional adjustment: the

association with social skills and relational competence.

Journal of Counselling Psychology, 48 (4): 428-439.
Enger, J., Howerton, D. & Cobbs, C. (1993). Internal/external

locus of control, self-esteem and parental verbal interaction of

at-risk black male adolescents. Journal of Social Psychology,

134 (3): 269-274.
Enriquez, V. (1994). From Colonial to Liberation Psychology.

Manila: De La Salle University Press.
Fiske, A.P., Kitayama, S., Markus, H.R. & Nisbett, R.E. (1998). The

cultural matrix of social psychology. In Gilbert, D., Fiske, S.

& Lindzey, G. (eds). Handbook of Social Psychology, p.915
981.
Freeman, M. (1997). Demographic correlates of I-C. Journal of

Cross-cultural Psychology, 28 (3), 321-341.
150

MARTINEZ

Friedman, J. (1994). The emergence of culture concept in



Anthropology. Culture, Identity and Global Process. London:

Sage Publication
Geertz, C. (1973). Thick description: toward an interpretative theory

of culture. In Geertz, C. (ed.), The interpretation of cultures:

selected essays (pp. 3-30). USA: Basic Books.
Geertz, C. (1995). From the natives point of view: on the nature of

Anthropological understanding. In Goldberger and Veroff

(eds). Culture and Psychology Reader. New York: New York

University Press.
Hallman, M. (1998). Traversing philosophical boundaries. USA:

Wadsworth Publishing Company.
Heine, S.J. & Lehman, D.R. (1997). The cultural construction of

self-enhancement: an examination of group serving bias.

Journal of Personality and Social Psychology, 72 (6): 1268
1283.
Hurlock, E.B. (1994). Developmental Psychology: A life span

approach. Manila: National Bookstore.
Kagicibasi, S. (1997). Individualism and collectivism. In J.W. Berry,

M.H. Segall & C. Kagitcibasi (eds.), Handbook of cross

cultural psychology, 2nd ed, vol.3: social behavior and

applications (pp. 1-49). London: Allyn and Bacon.
Kashima, Y. (2000). Conceptions of culture and person for

psychology. Journal of Cross-cultural Psychology, 31 (1): 14
32.
Keesing, R. (1974). Theories of culture. Annual Review of

Anthropology: 73-97.

151

Mga Kaisipan sa Sikolohiya Kultura at Lipunang Pilipino Tomo 1

Kitayama, S. Markus, H.R. & Kurokawa, M. (1999). Culture, emotion



and well-bing: good feelings in Japan and the United States.

Cognition and Emotion, 13.
Kwan, V.S.Y., Bond, M.H. & Singelis, T.M. (1997). Pancultural

explanations for life satisfaction: adding relationship harmony

to self-esteem. Journal of Personality and Social Psychology,

73(5): 1038-1051.
Larson, R. (1983). Adolescents saily experience with family and
friends:

contrasting opportunity systems. Journal of Marriage and the

Family, 45: 739-748.
Lason, R. & Richards, M.H. (1991). Daily companionship in late

childhood and early adolescence: changing development

contexts. Child Development, 63: 284-300.
Larson, R., Richards, M., Moneta, G., Holmbeck, G. & Duckett, E.

(1996). Changes in adolescents daily interactions with their

families from ages 10-18: disengagement and transformation.

Developmental Psychology, 32(4): 744-754.
Larson, R. (2000). Toward a psychology of positive youth

development. American Psychologist, 55(1), 170-183.
Lau, S., Chan, D. & Lau, P. (1999). Facets of loneliness and

depression among Chinese children and adolescents. Journal of

Social Psychology, 139 (6): 713-729.
Lee, R. & Robbines, S. (2000). Understanding social connectedness in

college men and women. Journal of Counselling and

Development, 78: 484-478.
Lu, L. (1997). Social support, reciprocity and well-being. Journal of

Social Psychology, 137(5): 618-628.

152

MARTINEZ

Lu, L., Gilmour, S. & Kao, S. (2001). Cultural values and happiness:

an east-west dialogue. Journal of Social Psychology, 141(4):

477-493.
Mauro, R., Sato, K. & Tucker, J. (1992). The role of appraisal in

human emotions: a cross-culturalstudy. Journal of Personality

and Social Psychology, 62 (2): 301-317.
Mesquita, B., Frijida, N. & Scherer, K. (1992). Cultural variations in

emotions: a review. Psychological Bulletin,112 (2).
Miller, J. (1997). Theoretical issues in cultural psychology. In J.W.

Berry, M.H. Segall & C. Kagitcibasi (eds.), Handbook of cross

cultural psychology, 2nd ed, vol.3: social behavior and

applications (pp. 43-83). London: Allyn and Bacon.
Miller, J. G. (1999). Cultural psychology: implications for basic

psychological theory. American psychological society, 10(2):

85-91.
Mookhergjie, H. (1998). Perceptions of well-being among the older

metropolitan and non-metropolitan populations in the United

States. Journal of Social Psychology, 138 (1): 72-82.
Muuss, R.E. (1995). Theories of adolescence. USA: McGraw-Hills

Publication.
Nurmi, J., Toivonen, S., Salmeda-Aro, K. & Eronen, S. (1997). Social

strategies and loneliness. Journal of Social Psychology, 137(6):

764-777.
Plutchik, K. & Kellerman, H. (1980). Emotion, research and

experience. New York: Academic Press.
Peterson, C. & Park, N. (2003). Positive psychology as the even

handed
153

Mga Kaisipan sa Sikolohiya Kultura at Lipunang Pilipino Tomo 1

positive psychologists view it. Psychological Inquiry, 14,


141-146.

Ratner, C. (1995). Cultural psychology and qualitative



methodology. New York: Plenum Press.
Raymundo, C., Xenos, P. & Domingo, L. (eds) (1994).

Adolescent Sexuality in the Philippines. Manila: United

Nations Population Institute.
Rigbee, K. & Slee, P. (1992). Dimensions of interpersonal

relations among Australian children and implications for

psychological well-being. Journal of Social Psychology

133(1): 33-42.
Rigbee, K., Slee, P. & Cunningham, R. (1999). Effects of

parenting on the peer relations of Australian adolescents.

Journal of Social Psychology, 139 (3): 387-388.
Rorty, A. O. (ed) (1980). Explaining Emotions. USA.:

University of California Press.
Rosaldo, M. (1980). Knowledge and Passion: Ilonggot notions

of self and social life. London: Cambridge University

Press.
Rosaldo, M. (1984). Toward an anthropology of self and feeling.

In Shweder, R. & Levine, R, (eds.), Culture theory: es

says in mind, self and emotion. London: Cambridge

University Press.
Salazar, Z.A. (1985). Hiya: panlapi at salita. In Aganon, A. &

David, M.A. (eds), Sikolohiyang Pilipino: isyu, pananaw

at kaalaman (pp. 288-297). Manila: National Bookstore.
Santiago, C. & Enriquez, V. (1989). Tungo sa makapilipinong

pananaliksik. In R. Pe-Pua (ed.), Sikolohiyang Pilipino:
154

MARTINEZ

teorya, metodo at gamit (pp.155-160). Manila: Princeton


Press.

Seligman, M., Steen, T., Park, N. & Peterson, C. (2005). Positive



psychology progress. American psychologist, 60(5), 410-

421.
Shweder, R. & Levine, R. (eds) (1984). Culture Theory: Essays on

culture, mind and emotion. Cambridge: Cambridge

University Press.
Shweder, R. (1995). Cultural Psychology: what is it? In N.

Goldberger and J. Veroff (eds.), The culture and psychology

reader (pp. 41-86).New York: New York University Press.
Singer, M. (1980). Signs of the self: an exploration in semiotic

anthropology. American Anthropologist, 82, 485-507.
Smith, M.B. (1985). The metaphorical basis of selfhood. In Marsella

(ed). Culture and Self: Asian and Western Perspectives (56
87). London: Tanstock Publication.
Sta. Maria, M. (1998). Ang dalawang krisis sa Agham Panlipunan:

implikasyon sa Agham ng Sikolohiya. Layag 3(2): 122-132.
Valsiner, J. (2000). Culture and human development. London: Sage

Publication.

155

Mga Kaisipan sa Sikolohiya Kultura at Lipunang Pilipino Tomo 1

156

You might also like